The Competition
Paglabas ng paglabas ni Azachea sa munting bahay niya ay bumungad na kaagad sa kanya ang tatlo. Napabuntong-hininga na lang siya ng mapansing nagtatalo sina Trevor at Rusty. Habang si Brennan naman ay may ginagawa sa phone niya.
Tumikhim naman siya upang maagaw niya ang pansin ng mga ito.
"Azechea" sabay ng tatlo
Akmang lalapit ang mga ito ngunit tumigil rin ng napataas na ang kilay niya.
"Aren't you going to your girlfriends? Sila dapat ang sinusundo ninyo at hindi ako"
"I-I have no girlfriend. Kaya nga ako nanliligaw" sagot ni Trevor
"Tss! Lokohin mong lola mo" pag-oppose ni Rusty
"Anong sabi---"
"Guys please. Alam niyo naman ayaw kong nagagalit di ba? At ikaw na man Bren, hindi pa ba kayo nag-aayos ni Sofia?"
"I don't have to. I told you ikaw ang pipiliin ko" seryosong sabi ni Brennan
"Sus. Nagpapalakas pa" bulong ni Rusty
"Ikaw naman Rusty, baka binibigyan mo ng sakit ng ulo ang mag-ina mo?" litanya ko sa kanya
Napa-smirk naman si Trevor. "At ikaw Trev, how many times do I have to remind you? Know yourself first. Think twice bago ka magdesisyon"
Nagsiiwas naman ang mga ito. "Aalis na ako. If you want to have closure with me then I'll cooperate. Magpahinga muna kayo. Or else, sumama kayo sa simbahan. Okay ba sa inyo yun?" nagsitango ang ito
"Then it's settled. Sundan niyo na lang---"
"Ihahatid na kita/Sabay ka na sa akin" sabay ng tatlo
"Hay! Okay, ganito na lang, Bren diyan na lang tayo sasakay. Tutal, mas fit tayong apat sa kotse mo. Is that okay for you?"
"Anything for you"
Agad namang umalalay ang tatlo kay Azechea. Napailing na lang siya sa inakto ng tatlo. Mukhang mahihirapan siya sa mga ito.
-------------------------------------------------------------
Nang matapos sila sa paglilinis sa paligid ng simbahan, agad na nag-aya ang tatlo na kumain.
Nagtalo pa ang mga ito kung saan siya dadalhin. Kaya, nilayasan na lang niya ang mga ito at naglakad di kalayuan sa simbahan. Nakakita naman siya agad ng makakaininan. Napansin niyang nakasunod na ang tatlo sa kanya.
"I thought hindi na kayo kakain" walang lingon niyang sabi sa mga ito
Hindi na umimik na ang tatlo. Alam na nilang galit na siya kung hindi niya hinarap ang mga ito o basta-basta nalang siyang aalis.
Nang makarating na sila sa carenderia, agad namang naghanap ang mga ito ng pwesto. Tahimik naman silang kumain. Parang kapag may nagsalita na isa sa kanila ay pagagalitan ni Azechea.
Nang matapos silang kumain ay bumalik naman sila sa simbahan upang balikan ang kotse ni Brennan. Wala ni isang umimik sa kanilang apat habang pabalik sila sa bahay ni Azechea.
Nang makarating sila sa bahay ni Azechea ay saka pa niya ito kinausap.
"Let's have a date tomorrow. Tayong apat. Walang magdadala ng sasakyan nila, okay? 8:00 sharp. Ayoko ng late" papasok na sana si Azechea ng magsalita ang tatlo.
"I'm sorry" sabay nilang tatlo
Tinignan niya ang mga ito. Napangiti siya.
"Mag-ingat kayo sa daan ha?" isa-isa niyang niyakap ang mga ito. "See you tomorrow. Thanks sa libre niyo" she smile and enter her house.
Nang maisara niya ang pinto ay sumandal siya rito. Huminga naman siya ng malalim. Heto na nga ang sinasabi niya. She should not feel any sorrow. Dahil yun nakakapagtrigger sa kapos ng hininga niya.
She relax herself and slowly she breathe deeply until it become normal. Tinungo naman niya ang kwarto niya upang inumin ang gamot niya. Napalingon naman siya sa altar at nagsimulang magdasal.
"God, please, spare me another months. Kailangan ko lang tapusin ang misyon ko sa kanila then I'm willing to be with you. God, please help me. Sana makayanan ko ito nang hindi nila nalalaman ang sakit ko"
Nang matapos siya, agad naman siyang naghanda sa pagtulog.
"Good night, Father God"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top