New Beginning
1 year later.....
Isang taon.
Isang taong pagbabago. Isang taon din nagmove on.
Lahat ng bagay sa mundo, kinakailangan lang maintindihan. Hindi dahil nagkamali ka ay masama na. Lahat ay hindi perpekto sa mundong ginagalawan natin.
Kahit na sa pag-ibig.
Hindi dahil nagmahal ka na, alam mo na ang totoong kahulugan nito. Hindi lang natin napapansin na minsan nakakagawa tayo ng mga desisyon na sa tingin natin ay tama na.
Hindi masama ang magmahal lalo na't hindi one sided love ang nakuha mo. Pero, ingat rin sa mga pagsubok na darating sa inyo. Doon nasusukat kung gaano niyo ba talaga naiintindahan kung kung ano ba talaga ang pagmamahal.
Sa pagsubok rin tayo natituto. Learning with experiences, sabi nga sa isang subject sa education.
That is why, we need to be more understanding in any situation that we might face. Isali na ang lahat ng virtues sa mundo, that can help you to be strong and become aware not just in your environment but as a whole.
Pakatatag lang, at wag kalimutang tawagin Siya, si God. Ang nakakaalam ng lahat. Ang hari sa pagiging pasensyoso sa atin. He will never leave you.
"Bren?"
Nagising si Bren sa pag-alog sa kanya. Nang tignan niya ito ay agad siyang tumayo.
"Dito ka na naman natulog. Hindi ka ba natatakot dito?"
"Nah! Sino naman ang mananakot dito?"
"Sabagay, katakot-takot nga naman yang mukha mo"
"At dinamay mo pa ako ha"
Napatawa nalang silang dalawa. Nang mapawi ay katahimikan ulit ang bumalot sa kanilang dalawa.
"Isang taon na rin. Parang kelan lang.."
"She always stay in my heart"
Napalingon ito sa kanya. "Sayo lang? Really?"
"Oo sa akin lang. May angal ka?"
"Tsk! Hindi ko alam kong anong nagustuhan niya sayo. Suplado. Hmp!"
"Ikaw, suplada" natatawang biro niya.
"Kumusta na pala ang pinatayo mong service agent?"
"I'm happy kasi maraming natutulungan sa agency namin. Marami ring nagkatuluyan"
"Buti pa sila. Eh ikaw, kailan ka susugal ulit?"
"Someday. I know, malapit na rin akong magkaroon. So, wag ka nang mag-alala" ngumiti siya.
"Tsk! Arrogant. Anyways, hinahanap ka na nila Trevor. Sa makalawa na ang binyag ng inaanak mo. Mahiya ka naman"
"Oo na. Thank you reminder" ginulo niya ang buhok nito.
"Aist! Ano ba?!" napatakip naman siya ng bibig niya. "Sorry po" nagpeace sign ito.
"Sige mag-ingay ka, para lahat ng espirito dito sayo susunod"
"Ano ka ba? Hindi magandang biro yan ha. Tsaka, stop messing with my hair. My date pa akong pupuntahan"
"Tss! Bata"
"Anong sabi mo?"
"Hindi ikaw ang kinakausap ko. Si Love kaya"
"Hmp! Diyan ka na nga, multuhin ka sana diyan" inis itong naglakad palayo.
"Ze, sandali" tawag niya. "Love, alis na ako ha. Bibisita nalang ulit ako. Sige"
Agad namang hinabol niya ito. Naabutan niyang itong nakasandal sa kotse niya.
"Pasalamat ka at wala akong masakyan. Ihatid mo ako" inis na turan nito.
"Opo mahal na reyna" binuksan niya ang passenger seat.
Nang makapasok na ito agad namang umikot si Bren saka sumakay sa driver seat.
"Dali, mag-aayos pa ako"
"Bossy" bulong ni Bren.
"Ano yun?"
"Sabi ko, maganda ka. Bingi nga lang"
"I hate you" inis niyang sabi.
Napailing nalang si Bren. Ilang oras din tinagal nila bago makarating sa tirahan nito.
"Thanks sa ride" pasalamat nito saka bumaba.
Hindi pa pumapasok sa gate ay tinawag ito ni Bren.
"Zeanne, thank you. And sorry kanina"
"Tss! Wala yun. Next time, isusumbong na talaga kita kay Azechea. Oops! Sarey! Bye-bye" agad naman itong pumasok.
Pumasok na rin si Bren sa sasakyan niya saka napabuntong-hininga.
"Love, Ze, sinusubukan ko na. Sana masaya ka na rin kung nasaan ka man. Mahal na mahal kita Ze. Thank you sa lahat" napangiti nalang siya saka siya umalis.
Sa ngayon, ipagpapatuloy muna ni Bren ang kanyang T.G. Services upang makatulong sa lahat ng taong confused sa damdamin nila. Hindi man niya nagawang isalba ang buhay ng pinakamamahal niya, hindi pa rin siya nagsisi dahil ngayon ay unti-unti na niyang naiintidihan ang purpose niya bilang isang tao sa mundong ito.
We may not have the happy ending, but we must always remember the lesson we get in every story.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top