Fight

Hindi na mapigilan ni Azechea na pahintuin si Brennan sa panliligaw sa kanya. Sa tuwing pag-iusapan nila ang ganung issue ay pinuputol agad ni Brennan upang hindi nila mapag-usapan.

Hanggang sa dumagdag pa sina Trevor at Rusty. Well, may kanya-kanya naman kasi itong mga dahilan kung bakit sila nakisali sa 'panliligaw challenge'.

Trevor's goal is to make Brennan's courtship with Azechea become more challenging. Kaya nga nanligaw rin siya ulit kay Azechea.

Rusty's plan is to make his goal come true. And that is to make Azechea happy. He knows that his courtship will no longer be recognize by Azechea but he will try his best to find the right person for her. Siya na naman ang gagawa ng paraan upang maging masaya naman ito.

Dahil na rin sa mga reason ng tatlo, naging stressful ang araw-araw niyang routine. Hindi niya alam kung paano niya sila mapapalayo. Lalo na at lumalala lalo ang kanyang sakit. Ayaw na niyang malaman pa ng tatlo kalagayan niya. Sigurado siyang hindi na ito aalis sa tabi niya.

Ngunit hindi na niya kinaya na itago pa ito. Dahil na rin sa pagod at stress, bigla na lang siyang nagcollapse. Nagpapafeeding program kasi ang simbahan at saktong tumutulong ang tatlo.

Agad siyang sinugod sa ospital ng tatlo at doon na nila nalaman ang kalagayan ni Azechea. Halos mawalan sila ng energy sa narinig nila sa doktor na wala ng pag-asang gumaling si Azechea. Maski ang heart transplant ay hindi eepekto sa kanya. It may harm Azechea kung susubukan nilang operahan ito.

Nanatili ang tatlo sa kwarto ni Azechea at hinintay nila itong magising.

"Now I know king bakit niya tayo pinagtutulakan. I thought ginagawa niya yun dahil ginagawa na naman niya ang goal niya" mapaklang tumawa si Trevor.

"Huli na para magsisi tayo. Matagal na pala niya yang dala-dala hindi man lang natin napansin. Kung.... kung nalaman ko sana..." Rusty cried

"Stop crying. That will not help us. Tsaka, magiging histerikal si Azechea kung makita ka niyang umiiyak. Para kang bakla" biro ni Trevor

Napatayo naman si Brennan. "Kayo munang bahala dito" lumabas ito

"Teka saan---uy! Nung nangyari dun?" tawag ni Rusty

"Obviously, affected siya sa nangyari kay Azechea"

Rusty look at Azechea. "Wala na ba talagang pag-asa? Hindi niya deserve ang ganitong kalagayan"

"I will do my best to find some expert doctors. Hindi ako naniniwalang wala na tayong pag-asa. I will do with my power to cure her" seryosong sagot ni Trevor

"Yeah. Kailangan nating bumawi sa kanya"

Napabuntong-hininga na lang ang dalawa. Hindi nila alam kung saan magsisimula upang matulungan lang si Azechea. Samantala, nagpunta naman si Brennan sa bahay ni Sofia.

"Himala, napadalaw ka. Pinagtabuyan ka na ba ng babaing yun at nandito ka?"

"I need you to convince them to cancel our engagement"

"Inuutusan mo ba ako? Bakit hindi ikaw ang pumunta--- Bren, what the hell?!"

Bigla na lang lumuhod sa kanyang harapan si Brennan at naluluha na ito.

"Please. Iurong mo ang engagement natin. I'm begging you. Mahal na mahal ko si Azechea at hindi ko siya kayang iwan. Nakikiusap ako Sofia"

Umiwas naman si Sofia at naluluha na rin ito. "You never kneel for me Bren. Ganyan mo ba talaga kamahal at lumuhod ka pa talaga sa harapan ko? Nagmamakaawa?"

"Please, ito na ang huli Sof. Nakikiusap ako. Azechea needs me"

"At ako hindi?! I loved you Brennan, bit what did you do? Pinaasa mo ako. I'll give a chance dahil akala ko minahal mo talaga ako. Ikakasal na nga tayo. And now your are begging me to take off our engagement. Hindi ba talaga ako importante sayo?!" umiiyak niyak sumbat rito

Napatayo naman si Brennan. "I'm sorry if pinaasa kita. Please, kahit itong favor lang. Ayoko na ring magkasakitan tayo"

"Wala kang maasahan sa akin. Pwede ka nang umalis" sabi nito at hindi man lang tinignan si Brennan.

"I'm sorry. Pakisabi nalang kina tito na sorry"

Agad namang umalis si Brennan. Napaupo naman sa sahig si Sofia dahil na rin sa panginginig niya at napahagulgol ng iyak. She's hurt. Yun ang palagi nalang sinasabi sa sarili niya. She love him but not that enough dahil iniwan pa rin siya ni Brennan.

Dalawang araw din ang hinintay ng tatlo saka nagising si Azechea. Naghire na rin si Trevor ng ilang espesyalista para tignan ang kalagayanni Azechea. May ibang opinyon na hindi na talaga kakayanin ni Azechea ang operasyon kung sakaling magpaheart transplant ito. May iba namang nagsabi na they can prolong her life pero delikado na kung ooperahan ito.

Medyo nainis naman si Azechea sa ginawa sa kanya ng tatlo. Pero wala na rin siyang magawa dahil narin hindi rin niya ito mapigilan. Saka may kasalan rin siya dahil hindi niya sinabi sa tatlo ang kalagayan niya.

Pero ayaw niya talaga na nasa kanya ang mga atensyon nito. Hindi siya sanay na pinagtutunan siya ng pansin ng iba.

"O, kumain ka na. Iinom ka pa ng gamot" tugon sa kanya ni Brennan.

"Kailan daw ako makakalabas ng ospital?"

"Pwede na bukas. At wag ka nang mag-alala sa bayarin. Binayaran na nila Trevor at Brennan" nakangiting sagot ni Rusty

"Hindi niyo naman kailangang gawin ito. May savi---"

"We insist, Ze. You help us a lot, we just returning the favor" sagot naman ni Trevor.

"Hindi niyo naman kailangan eh"

"Tama na. No more arguments. Makakasama yan sayo. Kumain ka na at iinom ka ng gamot. You need some rest" pangaral ni Brennan.

"Tama." sagot naman ni Rusty

"At kayong dalawa, wag kayong magulo"

"Opo" parang batang sagot ni Rusty

Agad namang kumain si Azechea at ininom na rin niya ang gamot nito.

"Babalik muna sa office. Babalik na lang ako mamayang gabi" paalam ni Trevor

"Ako rin. Baka bukas na ako makabalik. Sabay na tayo bukas sa paghatid kay Azechea ha?" sabat naman Rusty

Paalis na sana sila nang magsalita si Azechea. "Um, can you do me a favor?" nagtinginan lang ang mga ito. "Gusto kong makausap ang mga girlfriend niyo"

"Azechea!" react nilang tatlo.

"Hindi pwede. Makakasama yan sayo. Magpahinga ka na" matigas na utos ni Brennan.

"Brennan's right. Just focus on your health" sagot naman ni Trevor

"Please... gusto ko lang talaga---"

"I said no. Get rest" pagalit na tigon ni Brennan.

"Okay. Makakaalis na kayo. Wag niyo na rin akong sunduin bukas" humiga na siya at tumalikod sa mga ito.

"Azechea.." malambing na tawag nito.

"Just go Bren"

Napamura naman sina Trevor at Rusty sa tinuran ni Azechea.

"Kia, baka mapano ka kung kakausapin mo sila. Hindi namin hahayaan yung mangyari." seryosong sagot ni Rusty

"Ano bang masama kung kakausapin ko sila? Baka nga kayo ang magbigay sa akin ng sama ng loob. Mamamatay ako ng maaga nito"

"Azechea!" sigaw ng tatlo

"Wag na wag mo yang sasabihin" matigas na sabi ni Brennan.

Hindi naman sumagot si Azechea at nagpanggap na matulog. Napangiti nalang siya ng nag-uusap na ang tatlo. Hanggang sa nakatulog na nga siya.

Sa ayaw at sa hindi, kailangan nilang ipaharap ang mga babaing naging dahilan ng pagkahiwalay nila kay Azechea.

"Hindi ako sigurado kung magiging mahinahon ang mga yun. Hay! Bakit pa kasi tayo kinukonsensya ni Azechea eh!" naiinis na sabi ni Rusty.

"Wala naman tayong choice di ba? Kesa naman magdamdam siya. Siguradong matitrigger ang sakit niya" sagot naman ni Trevor.

"Sige na. Maggagabi na rin. Bukas na lang natin sila ipapakilala kay Azechea. Mas mabuti kung dito nalang natin sila dalhin dahil baka atakihin na naman si Azechea" sagot ni Brennan saka tumango ang dalawa.

Pagkatapos nilang mag-usap ay nagsiuwi na rin ang dalawa. Habang si Brennan ay nagpaiwan. Hindi niya alam kung anong mangyayari bukas. Pero sana maging maganda ang pakikitungo ng mga ito kay Azechea. Lumabas naman si Brennan para tawagan si Sofia. Ilang ring din ang hinintay niya saka lang ito sumagot.

"Sofia..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top