Farewell

Hindi na alam ni Azechea kung paano paaamuhin sina Sofia at Brennan. Pero napapailing na rin siya dahil wala namang kwenta minsan ang alitan nila.

Nasa kalagitnaan na ng bakasyon sila ng biglang umatake ang sakit ni Azechea. Agad nila itong sinugod sa ospital. Makikita sa kanila ang pag-aalala lalo na sa mga babae.

Inaamin ni Althea na naiinggit siya kay Azechea dahil nagagawa nitong maamuhin si Trevor kapag nagagalit na ito. Kahit ang kasimplehan nito ay kinaiinggitan niya. Ngunit nang makilala niya ito ng mabuti, doon niya lang nalaman kung bakit ayaw ring pakawalan ni Trevor si Azechea.

"They, kumain ka muna" offer sa kanya ni Helena.

"Thank you. But I'm fine"

Hindi na nagsalita si Helena. Kahit isa sa kanila, mapapansin mo ang kaba sa mga mukha nila. Ilang oras na rin silang naghihintay hindi pa rin lumalabas ng pinto ang doctor. Ilang sandali pa ay napahagulgok na si Sofia. Agad naman siyang dinaluhan nila Althea at Helena na kapwa na ring umiiyak.

"Stop crying you three. Hindi matutuwa si Azechea kung makakita siya ng mahina sa paligid niya" malamig na tugon ni Brennan.

"Hindi rin magugustuhan ni Azechea yang ugali mo. I wonder how she handle your attitude? You're not even the right one for her" malamig ring ganti ni Sofia.

"At ikaw ang para sa akin?"

"Brennan, stop it. Yang pag-aaway niyo ang hindi magugustuhan ni Azechea. Pwede bang magrelax kayo?" saway naman ni Trevor. "She needs us right now, and it is not helpful if you two would start a war right here"

Lumayo naman ng kunti si Brennan. Pero rinig pa rin niya ang sinabi ni Sofia.

"You're not even worthy to fight for" sabi ni Sofia habang nagpupunas ng luha.

Ilang sandali pa ay lumabas na ang doctor. Agad naman silang nagsitayo at lumapit rito. Sabay-sabay pa silang nagtanong.

"Sino ba sa inyo ang pamilya niya?" tanong ng doctor.

"Um, kami lang na kaibigan niya dok. Wala na kasi siyang pamilya" sagot ni Rusty.

"Okay. I will be straight forward to you. Malala na ang puso niya. I'm sorry to say but anytime, she will be leaving"

"No. Hindi yan totoo. Anong kailangan para masalba siya. Sabihin niyo! Pera ba?! Babayaran ka namin kahit magkano, dugtungan niyo lang ang buhay niya!" sigaw ni Brennan.

"Bren..." pigil ni Rusty.

"What can we do doc? Is she allowed to travel? Dahil kung hindi niyo siya kayang gamutin, dadalhin namin siya sa ibang bansa" matigas na tugon ni Trevor.

"I'm sorry, pero hindi siya makakabyahe sa ganitong kalagayan. Ang mapapayo ko lang sa inyo, magdasal kayo. Sige" sagot ng doktor saka ito umalis sa harap nila.

Nag-iyakan na silang lahat dahil sa nalaman nila. Agad namang umalis si Sofia dahil hindi na niya makaya ang nalaman niya. Dumiretso siya sa chapel ng ospital upang magdasal. Doon, taimtim siyang nagdasal sa Panginoon habang umiiyak. Naramdaman nalang niya na may yumakap sa kanya.

"Maging malakas na lang tayo para sa kanya. Alam kong may awa rin ang Diyos. Alam kong naririnig niya tayo. Pero hahayaan pa ba natin siyang magtiis sa sakit na hindi naman niya deserve?" tanong ni Helena.

"Hindi niya deserve to... Bakit, bakit sa lahat pa ng tao siya pa..." hagulgol ni Sofia.

Nagyakapan naman silang dalawa habang umiiyak. Samantala, nagsisigaw naman sa labas ng ospital si Brennan. Hindi na niya alam kong paano pa masasalba si Azechea. Sa lahat pa ng oras, kung kailan handa na siya sa isa pang pagkakataon na makasama si Azechea, bigla-bigla naman kinukuha sa kanya.

"Ano bang problema mo?! Bakit siya pa?! Ang unfair mo rin ano?!" sigaw niya habang nakatingala sa langit. "Ayaw mo ba talaga akong sumaya... Bakit mo siya kinukuha sa akin..... Bakit....?" napasalampak siya sa kalye habang umiiyak. "Kung kukunin mo siya, please isama niyo na ako... Mahal na mahal ko siya..." iyak niya.

Napaluha na rin si Rusty habang pinapanood niyang nagmamakaawa si Brennan. Lahat sila iniisip na hindi deserve ni Azechea ang mawala sa mundo. Ang ginawa lang naman niya ay ang mahalin sila ngunit bakit kay Azechea napunta lahat ng parusa na sana ay sa kanila pinataw.

Ilang oras din sila na nagrepent bago hinarap ang nanghihinang katawan ni Azechea. Nagsibalik na rin sila dahil nagising na si Azechea. By pair naman silang pumasok sa kwarto nito at kinausap sila. Nauna na sina Sofia at Helena.

"Hi.." pigil ni Sofia sa pagluha.

"So....fi...a...." mahinang tawag ni Azechea.

"Shh. Magpahinga ka muna ha. Magpalakas ka muna saka tayo mag-usap" she said in a broken voice.

"I'm..... so.... rry...."

"No, don't be. I'm the one who will say that not you. Please, I'm begging you, stay for us..." she cried. "Don't leave us..."

Napaluha na rin si Azechea. Huminga muna ito saka nagsalita. "Alam niyo bang.... masamang umiyak sa harap... ng..... katulad kong.... mahina.... ang.... puso"

Napaangat naman si Sofia ng ulo. "Oh my gosh! I'm sorry... Hindi na ako iiyak..." sabi niya sabay pahid ng luha.

Natawa naman si Azechea. "Joke.. lang"

"Ikaw talaga. Gusto mo bang patayin kami sa nerbyos dahil sa sinabi mo?" biro ni Sofia.

"May sakit ka na nga, nagbibiro ka pa" pahabol naman ni Helena.

"Pero please... for us Azechea, lumaban ka. Hindi pa nga tayo masyading nagkakabonding iiwan mo na ako" pabirong tampo ni Sofia.

Napangiti lang si Azechea. "Maybe.... next time. Kung hindi komplekado"

"Azechea..." tawag ni Helena.

"Take care of your heart girls. Minsan lang ang tao kung magamahal. If makita niyi ang para sa inyo, wag niyong kalimutan na i-share sa akin ha. Kahit na wala na ako"

"Azechea naman..." naluluhang tawag ni Sofia.

"I'm glad that I met some people like you. Nakakabagot ding kasama yung mga asungot na yun" biro ni Azechea.

"Pero seryoso, gusto ko maging masaya kayo. Yung lang ang huling hiling ko. Pustahan tayo, malapit na yung dumating"

"Maniniwala na ako sayo kahit na alam kong imposibleng mangyari" biro ni Sofia.

"Mangyayari yun. Dahil deserve niyo rin ang maging masaya" she smile.

"I hate whenever you smile. I feel belittle for myself" naluluhang pag-amin ni Sofia.

"Don't be. You're the confident woman I've ever met. So don't belittle yourself. Promise me" umiling lang si Sofia.

"Helena, alagaan mo rin ang sarili mo. Wag mong hayaan na mag-away kayo sa harap ng anak niyo. At be brave always. Promise, sasaya ka ulit"

"Nagpapaalam ka na ba?"

Umiling si Azechea. "Just reminding you. O sige na, I need to talk to others pa"

Napatango nalang sila saka nila niyakap si Azechea. Nang makalabas na ang dalawa ay agad pumasok sina Trevor, Rusty at Althea. Napailing na lang si Azechea sa naisip niya dahil nagpahuli si Brennan.

"Azechea..." tawag sa kanya ni Althea saka siya niyakap.

Masinsinan ring kinausap ni Azechea ang tatlo. Lalo na ngayon at nalaman nilang nagdadalang-tao si Althea. Agd namang pinangakuan ni Trevor ng kasal si Althea at kilalanin pa nila ang isa't isa para sa bubuin nilang pamilya.

Kay Rusty naman, sinisikap naman nito na mapunan ang pangangailangan ng mag-ina niya. Hindi niya alam kung sila nga ba ni Helena sa huli. Ngunit ang importante ay ang mabigyan nila ng puno ng pagmamahal ang anak nila.

Nang matapos niyang kausapin ang tatlo ay agad rin itong lumabas. Nagpaalam muna si Azechea na magpapahinga muna bago niya kausapin si Brennan.

Mga gabi na nang magkausap ang dalawa.

"Salamat naman at gumising ka para sa akin" biro ni Brennan.

"May pag-uusapan pa nga tayo di ba? Kaya kailangan kong gumising" biro ni Azechea pabalik.

"May mga doktor pala kaming tinawagan. On going na sila dito sa Pilipinas---"

Hinawakan ni Azechea ang kamay ni Brennan. "Bren, hindi kita gustong kausapin para lang sabihin mong may gagamot sa akin"

"Azechea please, wag mo munang iinsist na mawawala ka na okay" he broke his voice.

"Bren, sa lahat ng naging boyfriend ko, ikaw ang pinakamahirap i-handle. Bakit kaya?"

"Ze...

She touch his face. "Mamimiss ko ang pagiging masungit mo. Yang pagkunot ng noo mo" she touch his head. "Hindi mo ba gustong maging masaya ako?" She broke her voice.

Nakawala na ang luhang kanina pa pinipigilan ni Brennan. "Ze, you know how selfish I am when it comes to you. Nung nagkita tayo, nagpasalamat ako dahil sa wakas magkakaroon na ako ng chance para makasama ka. You know I will do anything, maging akin ka lang ulit. Pero bakit ganun, pinagkakait sa akin"

"Hindi mo ba napapansin na hindi tayo meant to be?" biro ni Azechea.

"No. We were meant to be"

"Ito ang ayaw kung mga eksena eh. Kaya nga ako hindi na nagpakita sa inyo dahil alam ko mangyayari ang ganito" pinahiran niya ang luhang tumulo.

"Bren, I know it's hard to do it but we can't fight what He want to do with us. Lahat ng buhay sa mundong ito ay planado na niya. Siguro nga ay hanggang dito na lang ako. Just be strong na lang ha" naluluhang bilin niya.

"Can you do me a favor?" umiling si Brennan. "Please..."

"No. Hindi ka pa mamamatay. I won't that happen. May pag-asa ka pa. Magkakasama pa tayo---"

She broke his sentence with a kiss then she him tight. "God knows how much I wanted to live pero sino ako para kwestyunin ang mga plano niya sa atin. Bren, please, do me a promise" hinarap niya ito. "Look at me" she whisper then Brennan look at it. "Promise me, sasaya ka after this. Na hindi ka magagalit sa Kanya. Promise me" she whisper.

Iling lang ang sinagot ni Brennan sa kanya saka ito tumayo at naglakad patungo sa pinto. Bubuksan na sana nito ang pinto ngunit humarap pa ito kay Azechea.

"Mabubuhay ka, that's my promise" sabi niya saka ito umalis. Naiwan naman si Azechea na nakahawak sa dibdib nito habang umiiyak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top