Aleydis

"Nandiyan ka na ba, Chloe?"

I saw the person I walked by flinched because of the loudness of my voice. May halong irita pa sa kanyang mukha. Nakakainis naman kasi si Chloe! Sinabi niya kanina noong nasa Grab ako na on the way na rin siya. Tapos ngayon, sasabihin niyang on the way pa rin siya? Ano 'yon, sobrang stuck sa traffic kahit siya pa ang mas malapit sa meet up place namin? Saang kalsada ba ang dinaanan niya at parang ang haba? Hindi na ako magugulat kung nasa langit na pala ang gagang 'to!

Narinig kong humalakhak si Chloe sa kabilang linya. I groaned and cursed her as I crossed the pedestrian line. Syempre hinintay kong mag-green 'yong walking sign dahil mahirap nang tumawid habang may katawagan, baka ako pa ang mauna kay Chloe sa langit kung nagkataon.

"Malapit na ako, I swear!"

"Malapit na rin kitang itakwil bilang kaibigan, Chloe!" I shouted, making the people around glance at me.

I mouthed, "Sorry," to them at baka isipin nilang sobrang bad-mannered ko naman.

Hindi naman ako madalas ganito kaingay makipag-usap sa phone lalo na't nasa labas, sadyang nakakabwisit lang ang kaibigan kong hindi tumutupad sa pinag-usapang oras!

"Ito naman! Kanina kasi-"

"Oo na, bilisan mo na lang. Hindi ako interesado sa palusot mo" putol ko sa kanyang nais sabihin.

Hirap na hirap siyang magpigil ng tawa. "Nandiyan ka na ba?"

Umirap ako kahit hindi niya nakita. "Malamang!"

"Galit na galit!"

"Kapag ikaw wala pa rito within ten minutes, friendship over na tayo," pabiro kong pananakot.

"Hoy! Ito naman!" She exclaimed. "Malapit na talaga ako, promise! Mga five minutes na lang."

"Siguraduhin mo talaga, Chloe!"

"Oo nga. Pumasok ka na sa loob para maka-reserve ng upuan natin."

I glanced at the fast food restaurant where we were supposed to meet and catch up with each other's lives. Sobrang lapit lang ng place ni Chloe rito na kumpara naman sa aking halos two hours drive!

"Hindi naman punuan ngayon pero oo na para rin makapagpahinga ako. Bababa ko na 'to at papasok na ako. Kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao na parang anytime may papatayin ako."

"Kaduda-duda ka naman kasi talaga. Mukha kang galit sa lahat ng nilalang sa mundo."

Sa sobrang pikon ko sa kanya binabaan ko na ng tawag. Sobrang init ng panahon ngayon, pakiramdam ko anytime hihimatayin ako dahil nag-iinit din ang ulo ko kay Chloe. Nakasimangot akong pumasok sa restaurant at agad humanap ng bakanteng lamesa para sa amin. Hindi gaanong karami ang mga tao sa unang palapag ngunit umakyat ako sa ikalawang palapag upang tingnan kung mas konti ba ang nandoon.

Panigurado akong maggagaguhan lang kami ni Chloe kaya ako na ang nag-adjust para hindi makasagabal ng ibang mga tao. The second floor was a refreshing sight. There were fewer people, and the city's view was visible because of the wide transparent window. My eyes wandered around the place, searching for a perfect spot.

There were people beside the spot I wanted. I was about to shrug it off when my eyes recognized the people talking. Parang tanga? Dito pa talaga? Kung sinadya 'to ni Chloe para lang sirain ang araw ko, sana madapa siya sa paglalakad! Dali-dali akong bumaba, wala ng pakialam kahit pa nabangga ko ang iilang lamesa at upuan. Para akong tangang tumatakas sa krimen, wala naman akong ginawang mali! Sadyang umiiwas lang!

Even when the sun was leaving burns outside, I forced myself to leave the restaurant. I found myself standing not too far from the entrance. Makikita pa naman ako ni Chloe rito o kung hindi man, tatawagin ko na lang siya-basta lang hindi na kami pumasok. Umiral ang pagka-keyboard warrior ko dahil sa inis. I flooded Chloe numerous curses which confused her. Siya pa ang may lakas ng loob na maguluhan ngayon!

dia-tabs:

kapal ng mukha mo pinlano mo to

Kaya dito mo gustong magkita tayo!!!

Letse ka ang pangit ng ugali mo

chloe scam:

bakit ano ba kasi yon

Wala akong pinlano pinagsasabi mo

dia-tabs:

Nandito sina Cle at Dario!!!!! Nasa second floor

chloe scam:

LUH BAKIT KO NAMAN IS-SETUP YAN???

di ko nga kayang makita si Cle, bakit ko hahayaan ang sarili ko ngayong makasalubong siya para lang asarin ka?

Di ko talaga alam na nandiyan sila swear

Lipat na lang tayo hintayin mo 'ko sa labas

dia-tabs:

ANG TAGAL MO NAMAN KASI

kapag ako talaga nakita ng dalawa, salamat na lang sa lahat

chloe scam:

kumakain ba sila kanina noong nakita mo?

dia-tabs:

Hindi, tapos na yata

I waited silently for Chloe's response. Seconds passed, and she didn't even see my reply. A part of my mind was telling me to cross again to wait for Chloe on the other side of the street. I was still in the middle of debating whether I'd walk or stay when I realized how foolish I looked.

Halos anim na taon na rin ang lumipas pero ito pa rin ako-umiiwas. Every time I convince myself that everything is fine, it appears to be a lie. Every motivating word sounds stupid to me because I know deep down that I haven't healed from the past.

Gets ko namang may own share of issues ang bawat tao pero kung ganito pala ang reyalidad, bakit nagpapanggap pa tayong masaya? Nasapo ko na lang ang aking noo at pabirong tinadyakan ang sahig ng bumalik ang alaala mula sa araw na iyon.

I wasn't really sure. All I thought was not to waste time. For a person like me who had been admiring someone from afar, tiny chances shouldn't be missed. Sa mga maliliit na oportunidad lang kasi ako sumasaya. Sa mga maliliit na bagay ko lang inaasa ang nararamdaman ko sa kanya.

Inisip kong huling araw naman na iyon kaya siguro dapat ko na ring ipaalam. Huling araw na niya rito kaya siguro dapat ko ng gamitin itong huling pagkakataon. Hindi bale na kung magugustuhan ba niya ako o hindi, kung may magbabago ba o walang mangyayari-ang importante ay masabi ko na.

Buong gabi akong naghanda kung paano ba ako aamin sa pinakasimpleng mga salita. Mas pinagtuonan ko pa ng oras ang pag-ensayo sa sasabihin sa kanya kaysa sa mismong script ko sa graduation event. Hindi nga lang ako mapakali at papalit-palit lagi ang mga salitang nais sabihin.

Paano ba kasi umamin nang hindi nagmumukhang desperada o tanga sa harap ng taong gusto mo? Syempre, gusto mo siya kaya malaking kahihiyan kung magkamali ka sa harap niya. Nakakatakot pa para sa akin ang gagawin lalo na't kailanman ay hindi ko 'to ginawa kahit kanino. Ako ang laging nakatatanggap ng confessions at ako rin ang laging tumatanggi sa kanila.

My determination was strong, but the fact that I couldn't even think of the right words to say somehow weakened me. I kept telling myself that I shouldn't turn back anymore. I didn't inform Chloe or anyone about my plan to lessen the shame. Besides, I didn't originally plan to use their graduation day as the day of my confession. I didn't need anyone's advice or support; all I needed was the courage to do it on my own.

Sayang naman kasi ang oras kung lilipas lang. Patuloy lang iikot ang mga kamay ng orasan habang ang isip ko ay nasa panahon pa ring iyon at nagsisising walang ginawa. Iyon lang naman talaga ang gawain ng oras-ang lumipas-kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi nilang perfect timing. Kung gusto mong may mangyari, gawan mo ng paraan. Hindi 'yan spirit of the glass na magtatanong ka lang tapos may gagalaw ng baso para sa 'yo. Hindi 'yan charity na pipilahan para bigyan ka ng kailangan mo.

I didn't expect anything in return anyway. Dario didn't know I liked him. This would shock him to the core, and I might leave him speechless, which I wished wouldn't happen. Ang awkward naman kung tatahimik lang siya at walang masasabi! Siguro kailangan ko ring mag-isip ng back-up plan if ever na 'di nga talaga siya makapag-react bukas. Ano naman kaya ang pwedeng palusot? Hindi naman pwedeng bigla ko na lang bawiin o sabihing it's a prank dahil paniguradong dadalhin ko ang kahihiyang 'to hanggang kamatayan.

Hindi naging sapat ang tulog ko sa gabing iyon ngunit kinailangan kong pilitin ang sarili na magmukhang energetic at masaya para matawid ang importanteng ceremony ngayong araw. Mula noong nanalo ako bilang president ng student council, talaga namang naging busy na ako araw-araw. Mukha namang pabor ang lahat sa naging results ng votings at marami ang natuwa sa pagiging president ko ngayong school year.

Masaya rin naman ako dahil ito ang ginusto ko mula pa noon. I aspired to be the next leader of the school's student council ever since I stepped foot on the grounds of our campus. Totoong masaya akong nakamit ko na ang pangarap na ito pero may parte sa aking parang nakukulangan o sadyang nalulungkot.

Hindi ko matukoy kung ano at bakit, basta naramdaman ko ito mula noong nalaman ko mula kay Chloe ang nangyari sa kapatid niya. Chloe didn't want me to comfort her depressed ass because I was supposed to celebrate my long awaited victory. It was frustrating at first because she kept diverting the topic when it was about her. Bilang kaibigan niya, concerned ako sa nararamdaman niya! Aba, being cheated on wasn't a simple thing to just set aside, and that was her first-ever attempt at love!

Sinungaling ako kung itatanggi kong kailanman ay hindi ko naisip na kumustahin din si Dario. We weren't friends for me to approach and comfort him, I knew that, but the urge whenever I'd see him spacing out in silence kept pushing me. Of course, in the end, I didn't!

Ang awkward kung susulpot na lang ako bigla kahit pa malinis naman ang intensyon ko. Siguro para sa iba, magandang oportunidad na iyon para magpapansin tutal break na sila ni Cleneo, pero para sa akin ay hindi. Ni hindi ko na nga kayang kiligin tuwing nakikita siya-hindi dahil wala na akong feelings-dahil sobrang bigat sa pakiramdam ang makita siyang nasa gano'ng estado.

Dario Ebreo, the confident and proactive student everyone knew, had vanished. I heard he received their batch's highest honor, but based on his actions the previous days, he didn't appear pleased with his achievements. If a stranger looked at him, they'd think he was usually serious and uptight, but I'd known and liked him for a long time. I knew better. He lost a part of himself when they ended their relationship.

How could I possibly take advantage of their breakup and approach him with such selfish intentions when he was at his lowest? I lost count of how many times my heart broke whenever I saw him and Cle together before, but it felt like it completely shattered when I watched him change.

Inakala ko noon na baka infatuation o mababaw lang ang relasyon nila-nito ko lang tuluyang napagtantong minahal niya talaga si Cleneo. Walang makakatumbas sa pagmamahal na binigay niya sa babaeng 'yon. Walang karapatan ang ibang taong sabihin na si Dario ang nagkulang. I bet Cleneo knew that herself, that she wasted such a nice guy who understood and loved her unconditionally.

Pareho sina Dario at Chloe ng naranasan pero kilala ko si Chloe, kayang kaya no'n magpatuloy basta't huwag niya na lang muling makikita ang kapatid niya. Hindi naman naging sila ni Kreen ngunit sapat na ang mga sakit na tiniis niya bilang rason na minahal niya rin si Kreen.

Hindi ko alam ang mga plano ni Dario at hindi ko rin alam kung paano na siya magpapatuloy mula ngayon. Gusto kong humingi ng sagot mula sa kanya para lang mapanatag akong magiging okay din siya kalaunan-kaso letseng 'yan! Oo nga't aamin na ako pero hindi ako makakuha ng right timing!

Hindi naman pwedeng bago mag-start ang ceremony dahil magiging extra awkward ang atmosphere after! Baka masuka pa ako sa stage sa sobrang kaba! Hindi rin naman right after he gets all his awards, napaka-kill joy ko naman sa part na 'yon!

Isa pa, laging tinatawag ang pangalan ko sa paligid to the point na muntik na akong ma-out of balance. Puro "Tab!" ang naririnig ko dahil isa ako sa mga hosts ng graduation. Ako pa ang president kaya natural na hanapin ako para magpatulong. Hindi nakatulong ang pagiging puyat ko. Taragis ka kasi Dario, bakit mo 'ko binabaliw ng ganito?

Tuluyan na akong nag-focus sa ceremony noong nakita ko ang mga bigating guests ngayong araw, hindi pwedeng tatanga-tanga sa harap nila. Mas importante ang graduation na ito para sa lahat ng mga estudyante at magulang na narito kaysa sa pag-amin ko.

Hindi ko nga lang napansing naparami pala ako ng inom ng tubig habang on-going ang hosting namin dahil kabado ako noong mga naunang oras sa harap ng lahat. Ang dami ko pang sinabi sa mga nagdaang minuto kaya pakiramdam ko ay gasgas na ang lalamunan ko! Kanina ko pa pinipigilang mag-CR kaya hindi na ako nag-alinlangang magpaalam saglit sa aming adviser nang nagkaroon ng pagkakataon.

Iyon nga lang, mags-speech na si Dario maya-maya! Punyeta talaga! Kung kailan oras na niyang magsalita ay saka naman ako aalis? Bakit parang puro bad timing ang naranasan ko ngayong araw? Ito na ba ang sign na huwag ko ituloy ang confession? Nakakatakot! Para akong ginagago ng tadhana sa mga sandaling ito.

Mabuti na lang at sa pinakamalapit na comfort room ako pumasok kaya kahit papaano ay rinig pa rin naman ang nagsasalita sa stage. Lutang ang aking isipan dulot na rin siguro ng pagod ngayong araw. Ang tagal din ng ceremony at halos nakatayo ako magdamag! Halos hindi ko na nga nasundan ang mga pangyayari basta sumunod lang ako sa script at flow ng event.

Nainggit pa ako kanina sa co-host kong lalaki dahil siya ang nagbanggit ng pangalan ni Dario. Sa daming beses umakyat ni Dario sa stage para kunin ang iba't ibang mga award, ni hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataong sabihin ang full name niya! Kayamot, kung sinoman ang gumawa ng script na 'to sana sumakit ang tiyan niya after ng ceremony.

Pagbalik ko sa gilid ng stage, on-going na ang speech ni Dario. Surprisingly, he looked fine today compared to the last day I saw him. His hair was neatly cut, the sparks in his eyes were recognizable, and his tone was impactful enough to impress everyone in the school's gymnasium.

Even I was taken aback, and a warm sensation spread throughout my chest. I first liked Dario after seeing how good he was at public speaking. I've admired him from afar ever since. It was the same as where I was now. I was in the crowd, looking up to him, and he was speaking to us confidently.

I couldn't imagine myself falling in love with someone else. Sure, I would like others in the future. I might move on from him after today, but nothing could ever exceed what I felt with him. The same would go for both Chloe and Dario. They might meet new people and decide to love again, but the love they gave to their firsts would remain incomparable. It might sound a bit selfish, but that's just how it works.

Nakisabay ako sa palakpakan kahit pa medyo occupied pa rin ang isip ko. Aware naman akong kanina pa ako nakatulala sa kanya at pilit na tinatandaan ang bawat salitang binigkas ni Dario. Halos malimutan kong huminga noong nahuli kong nakatitig siya pabalik sa akin.

Parang tanga... sa akin ba talaga siya nakatingin? Katabi ko lang naman si Ma'am at malayo kami sa upuan ng mga graduates, medyo nasa bandang kanan pa ang speaker at ang iilang mga nanonood kaya hindi ko naiwasang mag-assume na sa akin nga siya nakatitig!

Gago? Mukha akong constipated na puyat! Bakit ngayon pa siya tumingin kung kailan mukha akong zombie?

"Before I conclude this speech, I want to share a line that has resonated with me. No matter how tough things get, it's just a temporary, painful situation. It won't always be like this, but yes, it does suck. Acknowledging pain is a valid reaction. Reaching out is a valid response."

Lord, bakit naman ganito? Kung hindi siya ang para sa akin, bakit ang damot mo naman po? I chuckled because I couldn't maintain a straight face anymore. Sa katunayan ay gusto ko na magwala sa tuwa at kilig-mas masaya na ring kiligin ngayon dahil single na siya ulit!

I would never forget the day I sat beside Dario and listened to him share his worries. I was the only person who could hear his thoughts that night. I was the only one who could help him. I never thought of myself as a good person to provide counsel to others, but I had to say something to him at that moment.

I thought he would eventually forget my words that evening, so knowing today that he remembered them flattered me. I hoped my words that night somehow comforted him-that was the least I could do for him as someone I had secretly liked for a long time. I was relieved to know that at least he had something to remember about me.

Para akong sea lion kung makapalakpak sa sobrang proud sa kanya. Hindi naman ako ang nagpaaral kay Dario at mas lalong hindi ko alam ang buo niyang kwento, pero hindi naman siguro masamang maging masaya para sa kanya kahit pasikreto.

Binati siya ng mga teacher sa kanyang pagbaba sa stage. Gusto ko rin sanang lumapit at pasimpleng magsabi ng congrats, pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataong gawin iyon dahil mabilis siyang tinawag ng principal para sa photo taking. Kinailangan na ako muli sa stage para tapusin ang program kaya naman hindi ko nasaksihan pa ang mga sumunod niyang ginawa.

"Thank you rin!" I told my co-host when the formal event ended.

Nag-alok pa ang aming SC adviser na magpakuha ng litrato kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod. Medyo natagalan pa dahil nagtawag pa siya ng ibang mga guro tapos sa stage pa kami nag-group photo. Hindi ko alam kung ilang minuto ang tinagal no'n pero noong natapos ay mabilis akong hinila ni Chloe palayo.

"Aray naman!" Reklamo ko habang bahagya kaming tumatakbo patungo sa dulong bahagi ng gym.

"Ang tagal mo kasi. Sabing ikaw kukuha ng pictures namin, e!"

"Alam ko naman saka pupunta talaga ako sa inyo, no! Naipit lang ako sa photo taking kanina," I reasoned. Inisip siguro niyang naduwag ako bigla kaya 'di ako agad sumulpot.

"Nandito na kami. Tara, picture na tayo!" Tawag ni Chloe kina Niel, Drake at Dario nang nakarating kami sa kanilang kinatatayuan.

Marami ring grupo ng students ang kanya-kanyang kumukuha na ng mga litrato sa paligid. Mga nakasuot pa sila ng toga bukod kay Drake na naka-polong puti lamang at itim na pantalon dahil galing siya sa ibang school. Nahuli niya akong nakamasid sa kanila kaya naman marahan niya akong nginitian. Kumaway naman ako pabalik.

Ang laki ng pinagbago ni Drake mula noong huli ko siyang nakita! Siya na ang pinakamatangkad sa kanilang magkakaibigan at undercut na ang haircut niya-hindi tulad noon na medyo mahaba lagi ang buhok. Ang laki pa ng braso niya! Na-curious ako kung nanghe-headlock ba siya. Tumangkad din si Niel. Hindi ko nga lang sure kung mas pumuti ba siya ngayon dahil noon pa man ay natural ng ganyan ang kulay niya.

"Gago, buhay ka pa pala!" Bati ni Dario kay Drake.

Ano ba 'yan, pati 'yong pagsabi niya ng g word ang gwapo.

"Gago, ga-graduate ka pa pala!"

Pigil na pigil akong makitawa kasi hello, ang awkward naman kung makikisali ako! Nandito lang ako dahil nautusan ni Chloe na maging photographer nila. Hindi naman ako parte ng circle of friends ng kahit sino sa kanila-oo noon nakasalamuha ko si Niel ng ilang beses-pero hindi sa puntong masasabi kong magkaibigan kami.

"Buti pinapasok ka rito," halakhak ni Dario.

Drake showed his boyish grin and boasted his appearance. Okay, ngayon sang-ayon na akong gwapo nga talaga si Drake. Hindi lang dahil nanghe-headlock braso niya, ah! Ang matured niya kasing tingnan tapos sobrang golden retriever ng energy. Seryoso bang hindi siya kailanman nagustuhan ni Chloe?

"Picture na tayo, dali! Para makarami!"

"Gagawa ka ba ng buong album na puro pagmumukha lang natin?" Natatawang tanong ni Niel habang inaabot ni Chloe ang dalawang magkaibang camera sa akin.

Ang ingay nilang apat sa buong minutong kinunan ko sila ng mga litrato. Madalas pa silang gumalaw kaya nauulit ang pagkuha ko dahil naging blurry. Sobrang gwapo ni Dario sa camera ni Chloe to the point na gusto ko sanang i-suggest na picture-an sila isa-isa para lang may palusot ako para kuhanan si Dario ng solo.

They looked more matured now that I witnessed how they'd coped with all of the hardships they'd experienced. Mas tumaas ang respeto ko sa kanila at binulong sa hangin na sana ay mula ngayon, sa daang puno ng bulaklak at kulay na sila maglakad.

Not everyone at this age was capable of dealing with such intense emotions and difficult situations. Because of their courage, intelligence, and willingness to move on, they were able to overcome those conflicts. I had never doubted these people, especially Chloe, and I felt sincerely honored to know them.

While they were cursing each other, a thought crossed my mind. Should I not confess right now? Looking at Dario, I saw that he appeared to be in better shape than the last time I saw him. He seemed happy to end their last day as high school students. Maybe I shouldn't confess now to avoid handing him another trouble.

Tawang tawa sila hanggang sa natapos. Ang hirap naman nito, masaya na si Dario ngayon at ang pangit ko naman kung sisirain ko ang araw niya dahil lang sa selfish confession ko. Did it matter in the first place? He never knew about it anyway, and I wasn't able to express my feelings towards him even once before. Matagal ko na siyang gusto at matagal ko na ring sinarili ito. Siguro kakayanin ko namang dalhin 'tong nararamdaman ko hanggang sa dumating ang araw na wala na 'di ba?

"Si Dario naman!" Nabalik ako sa reyalidad sa sigaw ni Drake.

Hihilahin na sana siya nina Niel at Chloe nang bigla silang tinawag ng Mama ni Chloe. "Nak! Tapos na kayo? Halika na! Tumawag na 'yong restaurant para sa reservation natin!"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Aalis na sila... siya. Pagkatapos nito, hindi ko na alam kung kailan ako muli magkakaroon ng pagkakataong makausap o kahit man lang makasalamuha siya. Ang lungkot naman. Puwede bang teka lang muna?

"Ang duga! Hindi natin nadaganan si Dario!" Reklamo ni Chloe.

Tinawanan lang ni Dario si Chloe at narinig ko ang sinabi niyang, "Timings, Chloe."

Timing. Paano ko ba malalaman kailan ang right timing? Sa kondisyon ko ngayon, desperada na akong malaman kung kailan ba dadating ang perfect time sa akin. Kanina pa ako nakakaranas ng mga signs na tila nagsasabing huwag ko na ituloy kaya napanghihinaan na rin ako ng loob. Mabubuhay pa rin naman ako kahit hindi ako magtapat kaso nga lang, ayaw kong dumating ang araw na pagsisisihan kong hindi ko 'to nasabi ng mas maaga. Natatakot ako.

"Tara na!" Yaya ni Drake sa kanila na ngayon ay kasama na ng parents ni Chloe.

Ramdam ko ang malamig na pawis sa aking batok sa sobrang kaba. Aalis na talaga sila. Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko kaya si Chloe na ang lumapit sa akin para kunin ang mga camera niya. Sa sobrang occupied ko sa iniisip, huli kong napansing nasa gilid pala ni Chloe si Dario!

Nakatingin siya sa mga camera ni Chloe pero mabilis ding sumulyap sa akin. Hindi naputol ang titigan namin. Gusto kong umiwas ng tingin pero kung ito na ang huling pagkakataon na makita siya ng ganito kalapit, susulitin ko na.

"Tara na, Dario!" Chloe said.

Nauna na ang gaga maglakad palayo! Ang babaeng 'yon talaga! Nakalimutan niya na bang ultimate crush ko lang naman ang nasa harap ko at hindi man lang kami bigyan ng moment together? Siguro nga! Siguro nakalimutan niya nga dahil kung hindi, siya pa ang gumawa ng paraan para makausap ko si Dario.

"C-Congratulations!" Tab, bakit nautal!

Napansin ko kasing tila naghihintay siya ng sasabihin ko kaya kahit medyo malayo na si Chloe hindi pa rin siya umalis. Lord, puwede bang itigil mo muna ang oras para manatili kaming ganito?

Nginitan niya ako. "Thank you, Aleydis."

Ayaw ko pa talaga siyang paalisin pero naubusan na ako ng sasabihin. "Sige na, una na kayo. Enjoy! Sana mabusog kayong lahat. Good luck din sa college journey. Uh..."

"Sigurado ka bang mauna na ako?"

Naramdaman niya rin kayang may gusto akong sabihin? Wala sa sarili akong nag-thumbs up at hinayaan siyang umalis. Pinanood ko kung paano siya tumakbo palayo sa akin hanggang sa naging lumiit na ang imahe niya. Mariin akong pumikit at napasampal sa magkabilang pisngi.

Wala na akong ibang inisip pa kung hindi ang habulin siya. Bahala na kung nagmukha akong timang sa biglaang pagtakbo. Bahala na kung ano ang susunod na mangyayari. Gustong gusto ko lang talaga siyang maabot.

Halos hindi ko na nadama ang aking mga paa sa lupa at tila nga nakalutang na lang ang aking katawan. Sinalubong ako ng malakas na ihip ng panghapong hangin na nagpatangay sa aking buhok at uniporme. Hindi ko maalala kung kailan ako huling tumakbo ng ganito kabilis na para bang buhay ko ang nakasalalay sa paghabol sa taong hindi naman ako ang gusto.

"Dario, teka lang!" I screamed at the top of my lungs when I saw his figure almost leaving through the gate.

The moment he turned around to face me, I knew I was hopelessly in love with him. My pace slowed, and I struggled to catch my breath. He noticed I had run a long distance and came over to me, concerned. I was exhausted and wanted to bend my knees on the ground, but I didn't call him for that.

Bukod sa nabigla ang katawan ko sa mabilis na pagtakbo kaya hiningal ay kabado pa ako-ni hindi man lang nawala ang kaba sa sistema ko sa haba ng distansyang tinakbo ko!

"Okay ka lang?" tanong niya, nakakunot ang noo at mukhang nagulat sa biglaan kong tawag sa kanya.

Tumango ako ngunit hindi agad nagsalita. Nagkatitigan kami. Wala man lang akong nadamang slow motion tulad sa mga pelikula. Hindi ko alam kung dahil ba pinagod ko ang sarili ko o sadyang wala talaga kaming spark sa isa't isa.

"May... gusto akong sabihin," halos pabulong ko na iyong sinabi.

I pursed my lips when I felt them tremble right after I spoke. My eyes didn't leave his. I didn't want to miss a single thing. Uhimip muli ang hangin, ang mga dahon mula sa malalaking punong nakapalibot sa lugar ay nagsihulugan sa aming kapaligiran.

"Ano 'yon?"

Dario's piercing gaze bore into me, his expression unreadable yet tinged with an undercurrent of intensity that sent shivers down my spine. I could feel the weight of his expectations bearing down upon me, each moment stretching out like an eternity in anticipation of my next words.

I held my breath back as the words slipped through my lips. "I like you."

Wala mang slow motion na naganap, kitang kita ko naman ang gulat at kaguluhan sa kanyang mukha. Nang hindi niya alam ang sasabihin, ginalaw niya ang kanyang panga at umiwas ng tingin. Sinimulan ko 'to kaya dapat panindigan ko. Hindi ko naman siya masisisi sa naging reaction niya. I predicted this to happen. At least it wasn't as disappointing as I thought.

"Matagal na, bago pa naging kayo ni Cleneo. Obvious ding hanggang ngayon gusto pa rin kita kaya nga ako umamin." Pilit kong tinago ang sakit sa likod ng aking seryosong boses. "Wala naman akong ine-expect. Siguro nga wrong timing ang pag-amin ko pero kanina, naisip ko rin na kung hindi ngayon, kailan naman kaya?"

Nilagay ko ang magkabilang kamay sa aking likuran at madiing pinisil ang mga daliri. Hindi ko pa rin pinuputol ang aking mga tingin sa kanya... na wala sa aking ang mga mata.

"Huwag mo na lang isipin 'to. Gusto ko lang talaga ipaalam sa 'yo ang nararamdaman ko kasi medyo matagal ko na ring sinarili. Masaya ako na nakasama kita kahit sa mabilis lang na panahon. Lagi naman akong nandito para sa 'yo-para suportahan ka sa lahat ng gusto mo. Huwag kang mag-alala kasi nandito lang ako para balikan mo."

Letse naman. Wala na ngang slow motion at wala ring kilig factor, naiyak pa rin ako. Akala ko kaya kong itago ang sakit ngayong kaharap siya pero iba na pala kapag nasa harapan mo na ang katotohanan. May isasakit pa pala.

"I-I'm rooting for your success in the future, Dario!" I tried to sound cheerful, but my tears kept falling, revealing the opposite.

I tightly pressed my lips together to prevent myself from sobbing. Wala naman yata siyang sasabihin. Siguro dapat na akong magpaalam. I wiped my cheeks using the back of my hands.

"Una na ako, ha?"

"Aleydis," tawag niya na nagpatahimik sa akin. "I'm sorry if I can't say anything-"

"Ano ka ba? Okay lang!" I looked down. "Naisip ko na rin namang baka wala kang masabi kasi totoong shocking naman talaga, so okay lang! Huwag ka na mamoblema. Una na ako, may gagawin pa ako, e, saka mukhang hinahanap ka na nila sa kotse. Sorry kung natagalan ka dahil sa akin. Alis na ako, bye!"

"Dario! May problema ba?" I heard Chloe's voice, but I didn't look back.

Matapos ang araw na iyon, lagi na akong nagpa-busy para hindi ko na siya muling isipin pero para talaga akong pinaglalaruan ng tadhana. Kung kailan pilit akong nagtatago saka naman siya nagpaparamdam. He followed my accounts. He would react to my posts in an instant or within an hour. He would always be the first to view my stories either on Facebook or Instagram, and he'd leave reactions sometimes!

Ang malupit pa nga noong 18th birthday ko, tinanong daw niya si Chloe kung pwede ba siyang sumama! Syempre humindi ako kasi, hello? Napatanag ako nang hindi niya na pinilit pa si Chloe. Halos umalis nga lang ang kaluluwa ko noong nakatanggap ako ng birthday gift mula kay Dario! Pinaabot niya kay Chloe!

Gawa sa totoong ginto ang necklance na may design ng swan at may malaking purple gemstone sa mata nito. Ang sabi niya sa letter, kaya raw iyon ang regalo niya sa akin dahil ang pangalan ko raw na Aleydis ay katumbas ang salitang nobility. Kaya raw swan ang design dahil swans have been associated with tranquility and nobility since ancient times. Plus, we all know purple often symbolizes royalty, right? Ang creative niya sa part na 'yon, muntik na ako ma-fall ulit!

Naging consistent talaga siya sa pagre-react sa stories at posts ko hanggang ngayon pero niisang beses ay hindi ko siya pinansin. Sa mga sumunod kong kaarawan, puro bati na lang ang natanggap ko dahil pinasabi ko noon kay Chloe na sana 'di na siya mag-abalang bumili ng regalo. Sobrang na-appreciate ko naman ang last gift niya sa akin. Hindi ko lang talaga kakayanin kapag may sumunod pa kaya kinailangan ko siyang patigilin.

Isa pa, ayaw kong mag-assume o anoman! Ayaw kong bigyan ng ibang meaning ang ginawa niya kaya pilit talaga akong umiwas hanggang ngayon. Siguro naging parte na rin 'to ng human instincts ko kalaunan kaya automatic akong napa-back out kanina sa loob ng fast food noong napansin siya. Saka kasama niya si Cleneo, malay ko ba kung sila na ulit.

"Aleydis?"

Diyos ko! Lilingon ba ako? Tatakbo? Pero wala pa rin si Chloe! Should I ignore him? That would be awkward!

"Are you waiting for someone?" Dario asked, nearing me.

Wala na akong nagawa kung hindi ang tingnan siya at i-acknowledge ang kanyang presensya. Wala si Cleneo sa paligid namin. Kung noon ay konti lang ang height difference namin, ngayon kinailangan ko pang itaas ng konti ang ulo dahil sa tangkad niya!

"Ah... si Chloe lang."

"Dito ba kayo dapat magkikita?"

Ewan pero feeling ko sobrang nagbago ang vibes niya. Siguro noong high school kami hindi pa ako sobrang intimidated sa kanya-ngayon pakiramdam ko anytime bibigay ang legs ko sa sobrang kaba! Ang daming nagbago sa kanya physically... 'yong boses, body built, hairstyle-in short, mas gumwapo! Feeling ko pa may tinatagong abs 'to dahil maskulado siya sa suot na polo! Nakakainis! Naging gym buddy kasi nila ni Drake!

"Oo sana," wala sa sarili kong sagot.

Halos ma-out of balance ako nang ngumiti siya. "Kaya ba pumunta ka sa taas tapos bumaba ulit dito dahil nakita mo kami ni Cle?"

Gago... paano niya nalaman?

He chuckled. "Cle noticed you earlier. You're avoiding me."

It wasn't meant to be a question. He knew and felt I was avoiding him all this time. Alam kong hindi na kami high schoolers ngayon at sobrang tagal na rin mula noong umamin ako pero-ewan, para kasing never akong nilubayan ng pakiramdam na nadama ko noong araw na iyon kaya naging coping mechanism ko na ang umiwas at lumayo sa kanya.

Feeling ko kasi magiging okay naman ako as long as 'di ko siya inaalala o masyadong iniisip. Besides, life happened, and there were a lot of things that happened to me. I met new people, both men and women, and I had my first date with someone, although we didn't reach commitment. Matagal ko na tinanggap na hindi lang kay Dario umiikot ang mundo ko at essential talaga ang pag-iwas ko dahil iyon ang kumbagang nagiging limiter ko na balikan ang dating humaling ko sa kanya.

"Things are different now. Maybe you could stop avoiding me already so we could interact more."

I chuckled nervously. "Interact more? Baka magalit si Cle."

His eyebrows raised the same time his eyes widened. "Bakit naman magagalit si Cle? We're over years ago, Aleydis. Magkasama lang kami kanina dahil nagpatulong siya sa aking maghanap ng magaling na architect."

"Tab!" Rinig ang sigaw ni Chloe mula sa kabilang kalsada sa sobrang lakas.

Sabay kaming napalingon ni Dario sa gawi niya. Hindi pa naka-green ang go signal ng pedestrian lane kaya stuck siya roon.

"Nandiyan na si Chloe. I guess it's my time to leave," parinig ni Dario sa akin.

Tumango ako dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin! Ilang taon na ang lumipas pero wala pa rin akong tamang masabi sa kanya hanggang ngayon. Para akong laging natatameme sa bawat galaw at salita niya kahit normal lang naman ang mga kilos niya.

He flashed his smile, and his left hand brushed against my chest. I felt the delicate touch through the fabric of my mustard yellow V-neck crop top. His finger grazed swiftly the necklace he had gifted me for my 18th birthday, sending a rush of memories flooding back.

"I'm glad you're keeping this," he said enthusiastically.

Then, the slow motion began. My eyes widened. I couldn't believe the sight in front of me. It seemed as if time had paused intentionally for me to take advantage of this fleeting chance with him. When our gazes connected, the loud and crowded surroundings seemed to quiet down. Despite his distance, I couldn't help but be amazed by everything that had transpired between us. I found myself replaying the moment over and over again.

"Sabi mo sa akin noon, lagi ka lang nandito para balikan ko. Ang hindi mo alam, Aleydis, mula noong araw na 'yon ako na ang naghihintay sa 'yo."

My lips parted. Shit. Totoong sa kanya ko 'yon narinig-hindi ko 'to delusions!

"Kaya sana huminahon ka na. Hindi lang ang kwintas na 'yan ang kaya kong ibigay sa 'yo ngayon."

"Dario-"

"It's okay, I'm not pressuring you-"

"Do you like me?" I asked.

Kasi kung hindi, sanay na ako, pero kung iba ang sagot niya, hindi ko alam ang gagawin. Lord, ito na ba 'yon kasi kung oo, aangkinin ko na. Kung ito na talaga ang itinakdang perfect timing kung saan hindi ko na kailangang magtago, maghabol at umasa sa wala, susulitin ko na. Kung ito na ang oras na para sa amin, ayaw ko ng huminto ang mga kamay ng orasan.

Muli siyang ngumiti, tila naghahamon. "Aleydis, like is an understatement. If you want more, stop avoiding me first."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top