Veems
Ang boring talaga pagwalang ginagawa. Wala naman kase akong katext, kachat at kung ano pa. Kaya naisipan kong idl yung veems. Makikipagchat ka dun sa hindi mo kilala. Walang info mo kaya hindi ka nila makikilala.
Marami akong nakakausap dun pero pampalipas oras ko lang. Pagwala akong ginagawa nagveveems lang ako. Lumipas ang araw at madami nakong naging kaclose sa chatroom.
Vck: Hi guys.
Me: Hello Vck.
Vck: Hello anonymous.
Me: Age, location and gender mo?
Vck: 18, Cavite, Male. Ikaw?
Me: 17, Cavite, Female.
Simula nun ay lagi ko ng nakakachat si Vck. Kinukwento ko sa kanya lahat lahat, ganon din sya. Pero hindi namin binibigay ang too much info. Nakakahiya kaya, taga cavite pa man din sya. Hahahahahahahahaha.
Vck: May crush ako. Kaso di nya ko napapansin eh.
Me: Dama kita. Hahahahhaha. Malabo naman kase na mapansin ako ng crush ko. Sobrang perfect nya.
Vck: Hays. Hanggang tingin nalang tayo sa mga crush natin. Hahahahha.
Me: True. Sakit. XD
"Kristah!!!!" Sigaw ni Scarlet.
"Ano?! Wanya sigaw na eh!" Ako.
"Tignan mo may pagsurprise eklavuhh sa stage oh!" Sabi nya. Tumakbo naman kami papunta sa stage para umosyoso.
'Can we go out on a date?' Babae ang nagplano nito. Hahahahahahaha. Ganon ba sya kaeffort? Maya-maya ay hila-hila na ng barkada ng lalaki ang lalaking aalukin nya at nakita ko naman kung sino yung lalaking yun... si Vincent. Ang long time crush ko. :( Awy. Sobrang sakit naman nito. Umakyat sya sa stage, inabutan sya ng bulaklak.
"Can we go out on a date, Vincent?" Sabi nung babae. Gwapo si Vincent, ika nga nila eh nasa kanya na ang lahat. Gwapo, Rk, mabait, at matalino. Kaya posibleng isurprise sya ng ganito.
"Let's go na, Scarlet. Masyado ng masakit." Sabi ko.
"Aw. Sorry bes. Tara na sa canteen." Sabi sakin ni Scarlet.
Nagsimula na kaming maglakad.
"Ah. Hindi kase pwede eh. Magagalit gf ko." Sagot nya. May gf na pala sya. Aw. Mas masakit!
"May girlfriend ka?" Tanong pa nung babae.
"Meron. Si... Kristah. Oh andito pala sya eh. Kristah, babe! Wait for me." Sabi nya. Ha? Ano daw? Napahinto kami ni Scarlet. Pati sya ay nagulat. Ano ba pinagsasasabi nya? Nakita ko syang bumaba sa stage at tumakbo papunta sakin.
"Let's g-go?" Tanong nya sakin. Tumango nalang ako. Pagdating namin ng canteen...
"Sorry Kristah kung sinabi ko na gf kita ah. Ayoko lang kase talaga makipagdate." Sabi nya.
"O-okay lang yun Vincent."
"S-sige Thank you ulit."
Waaaaaah! Kilala nya kooooooo! Para sakin okay na yuuuuun. Hihihihihi.
Me: Vck, kilala ako ng crush ko waaaaah! Tinawag nya ko kanina.
Vck: Ako nga din eh. Tinawag ko syang babe kanina. Waaaaah! Sana totoo nalang na girlfriend ko sya.
Nagtaka naman ako. Parehas ng nangyare sakin kanina.
Me: Ano tunay mong pangalan, Vck?
Vck: Bawal yan Anonymous. Hahahahhahaa.
Me: Sasabihin ko na rin yung akin. Please?
Vck: Sya ikaw muna.
Me: Kristah Reyes.
Vck: Vincent Lagdameyo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top