Toyoin
Katabi ko ngayon yung girlfriend ko. Nagkukwentuhan kami at nagtatawanan ng bigla akong manggigil sa kanya at naisipang kurutin yung braso nya. Medyo napalakas ata.
"Aray!!" Sigaw nya.
"Ay sorry sorry."
"Wag mo nga ko kausapin!"
"Sorry na baby."
"Wala!"
HAHAHAHAHAHA. Ganyan toyoin ang girlfriend ko malala! Lagi kami nagaaway pero kahit na ganon hindi man lang ako nagsasawa sa kanya. Ewan ko ba. Lakas ng tama sakin ng babaeng to eh. Nagagalit sya pagmay nakakausap akong babae ganon din naman ako sa kanya. Ayoko ng mawala sya kaya kahit panget pinagseselosan ko. Pano ba naman, magpost lang sya ng picture nya o kaya status sa fb ang daming hudas na nagcocomment. Pati madaming nagchachat. Bwiset! Walang araw na hindi kami nagaaway. Abnormal kase mga babae. HAHAHAHAHAHA. Away bati. Away bati.
Naalala ko tuloy yung sinundo ko sya sa school nila. College na dapat ako nun kaso nagstop ako with some reasons. Tapos sya 4th year highschool. Naglalakad na kami pauwi at di nya ko pinapansin.
"Ashley."
"Ano ba yun?!" Sigaw nya.
"Galit ka? Kung galit ka, sabihin mo dahilan."
"Di nga ko galit!" Di galit pero sumisigaw.
"Uhhh. Galit eh."
"HINDI NGA SABI!" Sigaw nya tapos tinapon nya yung folder sabay tumawa. Abnormal talaga. Pinulot ko yung folder nya tapos tinapon ko din.
"GALIT DIN AKO! PULUTIN MO YAN!" Pagbibiro ko.
"Aba bala ka dyan." Aba hindi pinulot project nya kaya to. WAHAHAHAHAHAHHAHA.
"Ay!" Tapos pinulot ko yung folder nya. Wahahahahahahahahha.
Yung relasyon namin hindi perpekto. Nagaaway, nagkakaiyakan, nagdadramahan, selosan, di magkaintindihan at kung ano-ano pa. Malakas toyo ng girlfriend ko, inaaway nya ko ng walang dahilan, lagi syang nakikipaghiwalay sakin, lagi syang nakikipagchat sa ibang lalaki pagmag kaaway kami. Hindi perpekto ang girlfriend ko pero alam ko na mahal na mahal nya ko. At ganon din ako sa kanya. Sobrang swerte ko dahil minahal nya ang isang gagong katulad ko kaya hinding hindi ko na pakakawalan yung toyoin na to. Magtwotwo years na kami ngayon at wala na kong balak iwan ang luka-luka kong girlfriend na nagparamdam sakin ng lahat. <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top