Pimples
Ako si Marco at meron akong binubully. Si Gayle. Sabi nila paglagi mo daw inaasar ang isang tao, ibig sabihin daw ay gusto mo sya. Ako? Imposible. Ang pangit kaya ni Gayle. Hindi sya maputi at dry pa yung buhok nya. At ang pinaka worst ang dami nyang pimples! My gahd! Hindi pa normal na pimples. As in PIMPLES! Ang la-laki ba naman. Tapos sobrang pula. Yung iba may nana pa. Eewwww! Kaya malabong magkagusto ako sa kanya. Trip ko lang sya asarin lagi kase hindi sya pikon.
Nagpalit sya ng dp, picture nya tapos yung sa gilid nya pader na may design na bilog-bilog. Nagcomment ako.
'Nice naman. Kamukha mo yung katabi mo. WAHAHAHAHAHA' Comment ko. At nagreply naman sya.
'Hahahaha. Letse' Sabi nya. Siguro tanggap nya na tigyawatin sya.
'Idol papicture. Wanya naunahan pako magpapicture ng kamukha mo eh.' Sabi ko.
'Bwiset ka Marco patay ka sakin bukas.' Sabi nya.
Lahat na ng tukso naitawag ko sa kanya. HAHAHAHAHAH. Daily routine ko ng bullyhin sya.
"Hoy edi swerte ka tuwing new year gayle?" Sabi ko. Tumawa sya.
"Tangina mo talaga."
Madami akong bansag sa kanya. Strawberry, connect the dots, walis tambo, plantation of cherries at kung ano-ano pa.
Hindi nakokompleto ang araw ko na hindi ko sya binubully. Basta yun.
Tapos one time yung mga kaklase ko nagisip na pwede laruin ng buong klase since magbabakasyon na. At college na kami next school year. Naisip nila na mag Honesty game. Yun yung iikutin yung bote tapos kung kanino matapat yung nguso ng bote sya magcoconfess tapos kung sino ang matapatan ng pwet ng bote sya ang pagcoconfessan mo. Tawa ko ng tawa pano yung mga kaklase kong lalaki panay kagaguhan mga sinasabi. WAHAHAHAHA. At ng muling iikot ay natapat kay Gayle yung nguso ng bote at sakin naman yung pwet.
Ano kayang sasabihin nitong munggo na to. Baka sasabihin nya na sawang sawa na sya sa pangaasar ko at matutuwa na dahil hindi ko na sya mabubully next school year. Pero mali ako.
"Marco, mahal na mahal na mahal kita matagal na. Sana may pagasa na maging tayo." Sabi nya. Ano to prank? Wahahahahhaha.
"HAHAHAHA. Gago kaba. Magpaganda ka muna tapos pagkuminis na mukha mo at gumanda na buhok mo. Eh kaso hindi kana magiging maganda kaya hindi na magiging tayo." Pagbibiro ko. Tumawa naman yung mga kaklase namin. Pero nagulat kaming lahat ng umiyak sya.
"Ang sama mo!" Sigaw nya at umalis na. Hala. Seryoso pala sya? Lagooot!
"Hala ka, Marco." Sabi nila sakin.
Simula nun hindi nako pinansin ni Gayle. Sinusubukan ko syang asarin pero nagpapanggap sya na walang naririnig. Gusto ko magsorry pero kapag lalapit nako nawawala na.
Years passed. College na ko. At ngayon ay 4th year na ako.
"May transfer ang ganda pare."
"Oh talaga. Asan?" Tanong ko.
"Ayan oh." Sabay turo ni Carlo sa babae. Sobrang dyosa. Ang puti, ang ganda ng buhok. Wow ang perfect nya. Liligawan ko talaga to! Lumapit kami.
"Hi. I'm Carlo." Sabi ni Carlo.
"Hello." Sagot naman nya.
"Hi. I'm Marco."
"Marco?!" Sabi nya.
"Kilala moko?" Tanong ko.
"Oo naman. Minahal kita dati eh bat kita makakalimutan?"
"Ha?" Takang tanong ko. Ano daw?
"Ako to si Gayle." Nagulat ako sa sinabi nya.
"G-gayle? I-ikaw naba y-yan?!" Takang tanong ko.
"HAHAHAHA. Bakit nagulat ka? Diba sabi mo paggumanda ako, kuminis at gumanda buhok ko may pagasa na ko sayo." Sabi nya.
"S-so ta-tayo na?" Tanong ko.
"Hindi kase ako pumapatol sa masama ang ugali. Pakabait ka muna. Eh kaso wala ka ng pagasa bumait kaya hindi magiging tayo." Nagsmirk sya at umalis na.
Ang laki ng ipinagbago nya. At ang tanga-tanga ko dahil sinaktan ko sya. Karma ko to. Ngayon ay boyfriend nya na si Carlo. At ako dakilang chaperone. Pero okay lang atleast nakakasama ko parin sya. Mahal na mahal ko na sya, at lahat gagawin ko para makuha ko sya. Pero mukhang malabo na. Kung pwede lang sana ibalik yung dati. Ang tanga-tanga ko dahil sobrang dami kong pagkakataon para magsorry dati pero di ko tinake yung risk. Hanggang pagsisisi nalang ang kaya kong gawin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top