Mothers love

Ako si Sharpey. Sakitin akong bata. Ewan ko ba naman bakit ganon hindi tuloy ako makapasok sa university na gusto ko dahil malayo. Ayaw ni mama na magdorm ako. Minsan naiinis ako kase nakakasakal na. Yung ate at kuya ko ay nagdodorm, sa U.P Diliman kase sila pumapasok eh. Gusto ko din dun kaya ang laki ng tampo ko kay mama.

O.a si mama pagumaalis ako. Ewan ko ba naman. Ts. Nakakaasar! Malapit na akong grumaduate at may retreat kami. Ayaw pa nga ko payagan ni mama kase daw dilikado paggraduating student. Naiyak ako. Pinilit ni Papa si Mama na payagan ako. Butit napilit ni Papa pero bago ako umalis ng bahay ay ang daming bilin ni mama.

Nasa marangyang pamilya ako. Sa may ay gagraduate na si Ate bilang Psychologist. Ang Daddy ko ay Ceo sa isang kumpanya. May sarili kaming bahay, malaking bahay. Malaki ang baon naming magkakapatid. Lahat ng gusto kong bilhin ay nabibili ko. Kung baga wala na kaming mahihiling pa, masaya at buong pamilya, nabibili ang gusto at pangangaylangan. Kaya maswerte narin kahit na sakitin ako.

"Magiingat ka palagi." Sabi ni Mama.

"Oo na mama."

"Pagmaykumausap sayo na weird wag mong papansinin ha."

"Oo na ma. Aalis nako." At umalis na ako.

5 days din kami sa Tagaytay. Sobrang sayaaaa at ngayon ay pabalik na kami sa Batangas.

Paguwe ko..

"Mama, nakauwe nako." Sabi ko.

"Oh mabuti kung ganon."

"Sabi ko sayo hindi ako magkakasakit kase kaya ko na sarili ko mama."

"Umakyat kana at magpahinga."

Umakyat naman ako at naligo at nagbihis. Tuwing weekend lang umuuwe sina ate at kuya dito sa bahay. Maya-maya panigurado ay andyan na sila. Pero matutulog ako pagod ako sa byahe at kulang na kulang ang tulog ko.

Pero nagising ako ng may nagsisigawan. Tumingin ako sa orasan at nakita kong alas 3 na ng madaling araw. Lumabas ako ng kwarto ko at naririnig ko na sila Ate ang sumisigaw. Pumunta ako sa kwarto nila Mama kung saan ko naririnig yung mga sigaw at nakita ko sila Papa na nakahawak kay mama at si mama ay nagwawala. Nakakatakot yung sinasabi ni mama pati narin yung boses nya.

"Wag nyokong pigilan, kukunin ko sya pati ang anak nya!!!" Sabi ni Mama. Nakita ko si Kuya na umiiyak na nakahawak sa mga paa ni mama.

"Mama?" Sabi ko at simula nakong umiyak. Andun din yung boyfriend ni Ate at Girlfriend ni kuya. Tumutulong sa pagpigil kay mama. "Mama, anong nangyayare sayo?" Tanong ko. Dahan-dahan akong naglakad papalapit.

"Wag nyo sya palapitin ditooooo!!!" Sigaw ni papa. Tumakbo si Kuya papalapit sa pwesto ko at pinalabas ako.

"Kuya b-bakit?"

"Basta. Wag kang papasok dun." Sabi ni kuya habang umiiyak.

"Bakit kuya? Kaylangan ako ni Mama!" Sabi ko at lumakas na ang iyak ko.

"HINDI NGA SABI PWEDE!!" Sigaw nya sakin. Humagulgol na ako sa pagiyak at niyakap ako ni kuya. "Sharpey hindi pwede. Ayaw namin na pati ikaw mawala." Sabi nya at umiiyak. Ano yung sinasabi nya? Hindi na ako nagtanong sa halip ay umiyak ako ng umiyak.

Bumaba kami sa salas ni kuya. Nakita ko sya na may tinawagan. Maya-maya ay may dumating na isang pare at espiritista.

"Thank you po dumating kayo tito." Sabi ni Kuya. Tito? "Andun po sila sa kwarto nila papa." Pahabol pa nya.

"Sya na ba yun?" Sabi nung pare sabay tingin sakin.

"Opo Tito." Sagot ni kuya at umakyat na sila.

"Kuya ano bang nangyayari?" Tanong ko kay kuya habang umiiyak. Umiyak na naman si Kuya at niyakap ako.

Maya-maya ay bumaba na sila at sinabing wala na si Mama. Umiyak ako ng umiyak at tinangka kong puntahan si Mama sa kwarto pero pinigilan ako ni Papa na umiiyak rin.

"Anak wag." Sabi ni Papa.

"Papa kaylangan ako ni Mama!!!" Sigaw ko.

"Wala na mama mo anak."

"Papa kahit na!!!" At nakawala ako sa hawak nya saakin at umakyat ako. Pagdating ko ng kwarto ay wala si mama. Kahit ang bangkay nya wala. Bumaba ako ulit.

"Papa asan si Mama?!!!!" Tanong ko.

"Wala na nga sabi." Sabi ni papa.

Pinakalma nila ako at ikinwento sakin ang lahat. Nung pinagbubuntis daw ako ni Mama ay naghirap sila. Kaylangan namin magkapera kase nga nagaaral na nun si Kuya at Ate tapos manganganak pa si Mama. Dahil wala na silang malapitan ay naisip ni Mama na isangla ang kaluluwa nya sa dimonyo. Sinugatan ng dimonyo ang palad nya para kuhaan ng dugo (Parang blood compact ganon) since pinagbubuntis nya ako nun eh yung dugo ko din ay may kaonting halo na ng dimonyo. Anytime ay pwede nya rin akong kunin. Ang kundisyon ng dimonyo kay mama ay huwag ipakilala sa akin ang Diyos, huwag akong pabinyagan at madami pa kung hindi ay kakainin ng mabuti kong dugo ang kaonti kong masamang dugo kaya ayaw ng dimonyo kase matatalo sya. Kapag sinuway ni mama ang utos ng dimonyo ay kukunin nya si mama. Dahil kaylangan namin ng pera ay sumugal si mama. Simula non ay naging marangya ang pamumuhay namin. Inilayo ako ni Mama sa Diyos. Kahit sa Tito naming pari ay hindi ako ipinapakilala. Kaya pala kahit kaylan ay hindi ko nakitang nagsimba kami. Pero nung retreat ay nagBible study kami dun ko nakilala ang Diyos at naging intirisado ako sa kanya. Kaya pala nung paguwe ko ay naging weird si Mama kase naramdaman nya yung presensya ng Diyos na kasama ko. Ibig daw sabihin nun ay nakain na ng mabuti kong dugo ang masama kong dugo. Pero dahil hindi naman sinuway ni Mama ang utos ng dimonyo ay hindi na ako kukunin. Pero dahil natalo ang dimonyo ay kaylangan nyang kunin si mama.

Hindi masamang tao ang Mama ko, nagawa nya lang yun para sa amin. Para mabigyan kami ng masaganang buhay kahit buhay at kaluluwa nya pa ang kapalit. Masakit dahil wala na akong Mama ngayon. :( Masakit! Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala nya. Kung hindi ako sumama sa retreat edi sana ay kasama pa namin sya hanggang ngayon. Saludo talaga ako sa mga nanay! Handa nilang gawin ang lahat para sa mga anak at asawa nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top