Famewhore
Kelan ba naging issue yung likes sa fb? Nung 3rd year ako tinatawag akong famous ng mga kaklase ko. Hindi ko pa alam nun kung bakit nila ko tinatawag na ganon. Hindi nalang ako nagsasalita pagtinatawag nila ako ng ganon kase nga hindi ko naman alam kung ano sinasabi nila. Nung college nako dun ko na nalaman kung ano ibig sabihin ng 'Famous' pagmeron kang picture na yung like ay umabot ng 100 pataas famous kana. Jusme yun lang pala.
Laganap ngayon ang active sa facebook para makahakot ng likes at lahat ginagawa nila maging sikat lang. Ipapakilala ko sila sa inyo.
1. Suso gaming- Sila yung magseselfie ng kita ang cleavage para lang makahakot ng likes.
2. Group- Sila yung magpopost ng picture nila sa mga group tapos magsasabi ng 'Add nyoko'.
3. Likeback- Sila yung magsasabi ng 'Like ko dp mo, likeback para close'.
4. Add- Yung mga famewhore na katulad nila ay hindi mo dapat i-accept gagawin ka lang taga like.
5. Friendster- Yung icoclose nya lahat ng friend nya sa fb para ilike yung mga status at picture nya.
6. Fc- Sila yung magcocomment sa picture mo ng 'Ang ganda mo/Ang gwapo mo', 'Dyosa naman this girl/Gwapo naman this boy', magcocomment ng heart at kung ano-ano pa.
7. Chat- Sila yung ichachat ka para ilike yung dp nya. Gagamitin pang para sa project daw. Anong kinalaman ng like sa project sa school?
8. Unfriended- Sila yung naga-unfriend ng mga hindi active na naglalike sa kanila at magaaccept ng mas active.
9. Delete101- Sila yung magpopost ng picture nila tapos paghindi umabot ng 100+ eh, idedelete nila yung post nila.
10. Challenger- Sila yung magaaccept ng mga challenge na kung ano-ano para maging trending mapa grind challenge o running man challenge man.
Nagugulat nalang ako sa mga tao ngayon. Pagmaganda/Gwapo ka tsaka ka lang nila papansinin. Pano naman yung mga nasa kalooban ang ganda? Edi deadma na? Wala naman sa likes yung basihan ng ganda eh. 100+ lang likes mo ang taas na ng tingin mo sa sarili mo. Aanhin mo yung likes kung puro plastic naman yung mga kaibigan mo? ITIGIL NYO NA YAN MGA BE. WALA KAYONG MAPAPALA DYAN.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top