Crush
"Uy Vanessa si Alex nandyan!" Sabi ni Patricia.
"Asan?! Asan?!"
"Ayun oh!" Sabay turo sa napakagwapong nilalang na nasa cashier ng canteen.
"Aw. Ang gwapo nya talaga." *-*
Last sem ko lang naging crush si Alex. Napakagwapo nya talaga. Kaya lang hindi nya ko napapansin. Hindi naman kase ako attractive na babae eh. Simple lang ako. Huhuhuhu. Hanggang tingin na lang talaga ako sa crush ko.
Dahil wala akong pasok bukas ay magpupuyat ako. Hihihihi. Fb, fb. Twitter, twitter. Ig, ig. Omygahd.
Kachat ko yung mga kaklase ko ng nagvibrate yung cp ko. Notification sa fb. Ano kaya to?
'Alex Yuson accepted your friend request you can now see his post' WAAAAAAAAH!!!!! After ilang months inaccept din akooooo. The fuck.
Sa sobrang tuwa ko eh naikwento ko sa gc namin. WAHAHAHAHAHAHA. Maishare lang yung sayang nararamdaman ko. XD Biglang may nagchat. Nagulat ako ng makita ko sa chat heads yung mukha ni Alex waaaaaah!!!! Chinat nya koooooo. Dali-dali kong binuksan yung chat nya.
'Hi.' Sabi nya. Waaaah. Edi ako tuwang-tuwa. Nireplayan ko naman.
Me: Hello.
Sya: Nakita kita kanina.
Me: We? Saan?
Sya: Sa canteen.
Ayieeeeeeee! Kilala nya ko shit! Lord thank youuuuuu.
Me: Oh. Kilala mo pala ko?
Sya: Nung nakaraan lang. Hahahaha.
Me: Hahahaha. Ganon.
Ayun nagusap kami. Dami naming napagkwentuhan. Nyahahahahahahahah. Kinikilig ako shangala! Whoa. This is it!
Sya: Anong oras uwe mo bukas?
Me: Wala kong pasok.
Sya: Ako din. Labas tayo?
Me: Sige ba.
Sya: Yes.
Wooooow! As in wow! Hiningi nya yung number ko. Hihihihihi. Dahil aalis kami bukas eh, hindi na ako nagpuyat. Para fresh ako bukas. Wahahahahahahah. Mahirap na.
Kinaumagahan...
Nagtext na sya sakin nasa sakayan na daw sya ng jeep. At nakita ko na sya.
"Hi." Sabi nya.
"Hello." Sabi ko. Halaaa. Kilig pigilan mokooooo!!
"Let's go?" Di ako sumagot i just nod. Hihihihi.
Nagkukwentuhan kami habang kumakain. Ang kulit nya pala no. Tapos ang korni nya magjoke. Pasalamat sya cute sya. Wahahahahahha. Iba talaga!
"Hatid na kita." Alok nya.
"Sige."
Sumakay kami ng jeep at nagkukwentuhan parin.
"Sige. Salamat sa libre ha." Sabi ko ng marating namin yung gate ng bahay namin.
"Wala yun."
"Sige pasok na ko. Ingat ka." Papasok na sana ako ng hilain nya ko.
"Vanessa."
"Bakit?"
"I-i-i like you." Nahihiya nyang sabi. Nagulat naman ako at kinikilig. "Wuy! Sabi ko i like you." Pagulit nya.
"E-eh? I-i-i like you too last sem paaaaa." At feeling ko namula na ko.
"T-talaga?!" Halatang nagulat sya.
"Oo!" Sigaw ko. Nagulat ako ng halikan nya ko. Ako naman ay nagulat pero nagresponse din ako sa halik na ginagawa nya. Hanggang sa umulan na. Pero wala parin kaming katigilan.
Sign na ba tong pagulan na kami na talaga?! Hays. Tumigil lang kami ng mapansin na basang basa na talaga kami ng ulan.
"Sige. Salamat. Pinasaya moko Vanessa."
"Ako din Alex."
"Salamat naman kung ganon. Sige pasok kana. Uuwe nako."
"Sige ingat ka." At pumasok na ko sa amin.
Naligo ako at nagbihis paguwe ko. Hihihi. Di ko makalimutan yung nangyare kanina kinikilig parin akoooooo! My gahd.
Umupo ako sa sofa. Katext ko si Alex ngayon. Hihihihi.
"Handa na yung gamit para bukas." Sabi ni Ate.
"Yeah. Excited nako papa." Sabi ng kapatid naming 3 years old.
"Ganon ba? Baka hindi kana makatulog nyan." Sabi ng step father ko.
May family outing nga pala kami bukas. Ngayon lang namin mamimeet ng personal yung mga kapatid ng step father namin. Yung iba nameet na namin pero yung bunso nila hindi pa. Last month lang kasi sila nagkabati kase nagkaroon ng issue sa kanila. Kaya maga-outing kami bukas.
Me: Alex may outing pala kami bukas baka hindi kita masyadong matext.
Sya: Ganon ba. Ingat ka ha. May outing din kami bukas eh. Family outing.
Me: Ingat ka din Alex.
Pumunta na kami sa resort. Pagdating palang namin ay nagtalunan na kami sa pool ng mga kapatid ko. Wahahahhahahaha. Excited much.
"Mga anak, hali muna kayo dito." Sabi ni Papa. At pumunta naman kami sa cottage. "Angela, mga anak ko pala. Mga anak tita Angela nyo."
"Hello po."
"Kamusta? Ito naman yung unico hijo ko." Sabay sulpot nung lalaki.
Laking gulat ko ng makita ko kung sino yung lalaki.
"Hi Kuya." Sabi ng kapatid naming bunso. Hindi sumagot yung lalaki.
"Hi. Sige pa punta muna kong cr ha." Paalam ko.
"Sige nak." Sagot ni papa. Tumakbo ako papunta sa cr at binuksan ang shower. Umiyak lang ako ng umiyak. Bat pa namin nagustuhan ang isa't isa kung hindi naman pala kami pwede. Ibinuhos ko yung sama ng loob ko sa pagiyak ko. Hanggang sa mawala ang sakit pero hindi ganon kadali yun eh. Kasabay na umaagos ang tubig na galing sa shower ang luha ko.
Tansya ko 30 minutes na yung pagiyak ko sa banyo. Lumabas ako. Sa likod kase ng resort may playground umupo ako sa duyan na andon.
"Sorry hindi ko sinasadya." Sabi ng isang lalaki. Si Alex.
"Hindi mo naman kasalanan yun eh."
"Hays. Kasalanan ko dapat hindi ko na hinayaan na mafall ka sakin."
"Sorry din kung na fall ako. Hahaha. Mapaglaro talaga yung tadhana no? Nahulog tayo sa isa't isa pero hindi tayo pwede."
"Hays. Sorry."
"Shh. Makakamove on din tayo. Hahahahha." At nagswimming nako sa pool.
Yung ulan pala na akala ko sign na kami na ay sign pala yun na tumututol ang panahon. Wag natin iasa sa mga punyetang signs ang lahat dahil wala tayong mapapala. Alam ko makakalimutan ko sya hindi lang nga ganon kadali at kabilis pero alam kong magagawa ko. After nung outing na yun ay hindi ko na sya pinansin. Sinusubukan nya kong kausapin sa school pero umiiwas ako. Alam kong darating yung araw na mamahalin ko rin sya bilang pinsan. Kaylangan lang ng panahon. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top