Clash of clan lovestory
"Pano ba to Felix?" Tanong ni Anne kay Felix tungkol sa coc. Nagpapaturo ata.
"Kunin mo yung mga gold tas magbuild ka." Sagot naman nya.
Andito kami ngayon sa bahay nila Queenie. Wala tambay lang. May wifi dito kaya ligayang ligaya yung dalawa. Idownload ko rin kaya yung coc? Maitry lang. Dinownload ko at nilaro medyo di ko magets nung una pero ng medyo tumagal tagal ay nagets ko narin. Madali naman at nakakatuwang laruin at after ilang araw nabuild ko rin yung clan castle ko. Wahahahahahahahha.
"Xyla pasok ka sa clan namin?" Sabi sakin ni Anne. Sa barkada namin sila lang ni Bianca ang kasundo ko pagtungkol sa coc ang usapan. Wahahahahahaha.
"Sige. Ano ba clan mo?"
"Taga ibang bansa eh. Search mo arab team." Sabi nya.
Pumasok ako sa clan nila at ilang araw lang ay kinick out ako siguro kase hindi ako nagdodonate pano ba naman level 3 lang barbarian, archer at giant ko. Nakakahiya magdonate ng mahina no. Tsaka di ko sila maintindihan kung ano kaylangan nila. Mga hayop na arabo. Kaya naghanap ako ng clan na pang filipino. At naka pasok ako sa pinoy clan. Ang daming malalakas whoa! Hahahahahahahahahaha.
'Hi welcome Xylala' -paopao.
'Thanks.' -Xylala
Masaya naman sa clan namin nagkakausap kami. Lalo na yung paopao lagi ko kausap. Malapit lang yung lugar nya dito sa amin.
'Padonate naman ng giant guys defense lang.' -paopao
'Wala atang online paopao.' -Xylala
Wala kasing magrereply sa kanya eh. Kaya naisip ko na ganon.
'Oo nga eh. Edi ikaw nalang magdonate sakin Xylala.' -paopao
'Level 3 lang giant ko. Nakakahiya.' -Xylala
'Ano naman? Atleast nagdodonate ka.' -paopao
'Sige. Hahahahahahahhaahhaa.' -Xylala.
At dinonatan ko sya.
'Ang boring no?' -paopao
'Oo nga eh.' -Xylala
'Tara mall tayo? Sagot ko.' -paopao
'Ha? Ewan ko lang.' -Xylala
'Hindi ako rapist kase may respeto ako sa nanay ko, hindi ako budolbudol kase di ako marunong mag hypnotist, hindi ako masamang tao kase naniniwala ako sa Diyos. Boring lang talaga.' -paopao
Natawa naman ako sa sinabi nya kaya pumayag naman ako. Hiningi nya yung number ko at mukha kaming tanga nagsabihan kung nasaan kami banda at anong kulay yung suot naming damit.
Hahahahahahahahahahah. Gwapo sya tas galanti, sa mamahaling restaurant nya pa ko nilibre. Tapos masaya sya kasama joke ng joke korni naman.
'Thankyou paopao.' -Xylala
'Walang anu man.' -paopao
*Bzzt. Bzzt* From Paolo.
Pwede ba kitang ligawan Xyla?
Me: Ha? Eh kanina lang tayo nagkasama eh.
Sya: Oo nga. Kanina lang tayo nagkasama pero nagustuhan na agad kita. Naiintindihan kita, nakakagulat naman talaga. Maski ako nagulat na nainlove agad ako sayo eh. Kaya ko namang manligaw at maghantay ng matagal xyla eh.
Me: Hahhahaha. Oo na.
Mukha namang sincere sya sa panliligaw sakin. Pumupunta sya sa bahay at nagtanong kay Daddy at Mommy kung pwede ako ligawan. Natuwa naman sila Mommy kaya pumayag. Pinakilala nya na kaagad ako sa parents nya at mga kapatid. Isinasama nya rin ako pagmay lakad sila ng barkada nya para daw makilala ko pa sya ng buong buo at makilala ko yung mga nakakasama nya araw-araw. Ibinigay nya rin sakin facebook account nya para daw magkatiwala ako sa kanya. Isang taon nya akong niligawan, isang taon na pagkilala sa isa't isa at compatible ako sa kanya at kampante. Parehas kami ng gusto. Bonding namin ang kumaen, manood ng movies, magtravel, magps4 at syempre magcoc. Masayang masaya ako sa relasyon na meron kami. At tingin ko ganon rin sya kase nakikita ko yun sa mga mata nya. 2years na kami ngayon. Umaasa ako na, sana kami na talaga. <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top