Batang ina

Disgrasyada, pakawala, malandi, wala ng kinabukasan, at kung ano-ano pa ang bansag sa aming batang ina. Pero tao lang naman kami. May karapatang magkamali at may karapatang bumawi. Hindi naman porket nagkamali kami ng isang beses ay mahilig na kaming bumukaka sa kung sino-sinong lalaki.

Ako si Angela. 4th year highschool ako ng makilala ko ang lalaking nagpatibok ng husto sa puso kong nananahimik, si Enrique. Mahal na mahal nya din daw ako. 7months na kami ng maibigay ko sa kanya yung virginity ko. Okay lang naman. Masarap. Mas naging open ako sa kanya, at mukha namang seryoso sya sakin.

Malapit na kong grumaduate ng maaksidenteng maputok nya sa loob. Sobra akong nagpanic nun. Natatakot ako para sa amin.

"Baby pano kung buntis ako?" Tanong ko sa kanya na may halong kaba.

"Hindi yan."

"Eh pano nga eh."

"Pananagutan kita baby wag kana matakot please." Sabi nya at niyakap ako.

One month na ang nakakalipas ay hindi parin ako nagkakaroon. Dapat meron nako ngayon eh. Halaaaa. Para mahinto natong pagkakaba ko ay bumili ako ng pt. At yun. Positive. :( Sa sobrang takot ko ay tinawagan ko si Enrique.

"Baby, positive."

"Ano?!"

"Ano gagawin natin?"

*Call ended.

Pinatayan nya ko. After nun ay hindi na sya nagpakita sakin. Nagalit sakin ng sobra si Mommy pero tinanggap nya parin ako. Pinagsisisihan ko na masyado akong nagtiwala sa kanya. Masyado kong binigay ang sarili ko sa kanya. Pero sinira at winasak nya lang ako. Wala syang kwentang tao. Umakyat ako sa stage ng may laman na baby ang tyan ko. Hindi naman ganon kalaki. 2months pa lang naman nung grumaduate ako.

Mahirap ang magbuntis na wala kang asawa na katuwang sobrang hirap lalo pat 15 years old palang ako. Sobrang hirap! Pero kaylangan kong tiisin kase kasalanan ko naman to. Wala nakong pwedeng gawin kung hindi panindigan to. Hindi na ako makakapasok next school year gawa nitong baby ko. December ng manganak ako. Sobrang hirap dahil kinaylangan namin ng malaking pera. :( Nagkakomplikasyon kase ako sa matres ko kase masyado pa daw akong bata nung nagbuntis kaya kinaylangan kong operahan. Almost 1 week akong nakaconfine sa hospital. Laki ng pasasalamat ko kase andyan si Mommy, Daddy, Kuya, Ate at Lola ko sila ang katuwang ko na imbis ang boyfriend ko.

Pinangako ko sa sarili ko na hindi ako magtitiwala kahit kanino. Kaylangan kong maging wais para sakin at para sa baby ko. Kung mahirap ang magbuntis ay mas mahirap ang magalaga ng sanggol. Puyat, pagod ang kalaban. Pero napapawi ng baby ko ang lahat ng yun.

Nung nagjune na, nagenroll ako sa isang university. Business management ang kinuha ko. Masaya ako kase nakabalik ako sa pagaaral ko. 5months pa lang ang baby ko pero kaylangan ko na syang iwan. Mahirap pero para sa kanya tong gagawin ko. Sa Umaga ay estudyante ako sa hapon hanggang gabi ay nagtatrabaho ako. At sa paguwe ko tsaka ko inaalagaan ang baby ko. Wala na akong panahon gumimik kase mommy na ako. Wala akong karapatan magenjoy dahil kinuha ko kaagad ang kabataan ko sa akin. 4 na taon akong ganon. Aral, trabaho at baby lang ang pinagkakaabalahan ko. Wala na kong panahon sa ibang bagay hanggang sa dumating ang araw na pinakaiintay ko, ang maisuot ko ang itim kong toga at umakyat sa stage. Malaking bagay na ang makagraduate ako pero ang makagraduate as Cum laude ay napaka laking blessings na. Ngayon ay maibabalik ko na lahat ng hirap at pagod ng pamilya ko sa pagaalaga at pagsuporta samin ng baby ko. Ngayon ay nakabili na ako ng bahay at lupa para sa mga magulang ko. Nakapagtravel narin sila sa ibat ibang bansa. Masaya ako na masaya sila. Masaya ako na naibalik ko kahit papaano yung mga paghihirap nila. Masayang masaya na ako. Yung baby ko? 10 years old na sya ngayon at meron na rin akong napangasawang bago. At sobrang mahal na mahal nya ang anak ko na parang sya ang tunay na ama. Lahat talaga may dahilan, at sa nangyare sakin natuto ako. Kaya wala kayong karapatan husgahan ang mga batang ina, dahil hindi nyo alam ang paghihirap na pinagdaanan namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top