Teen Love Two.
2.
Shannie's POV
Bumaba na ako sa kotse atsaka ako pumasok sa entrance at nagulat ako nung marami nang tao rito.
Woah, ang daming excited na students, huh. Pero geez ang init agad.
Dumiretso na ako papunta sa room pero habang naglalakad ako ay may nakikita akong parang naliligaw na transferees kaya tinutulungan 'ko sila.
May isang babae naman akong nakitang patingin tingin sa paligid at mukhang nahihiyang magtanong sa gilid. Lumapit ako sa kanya.
"Uh, hi? Can I help you?" Offer 'ko.
Napansin 'kong nagulat at natuwa siya nung nakita ako.
"Yes, I really need your help." She exclaimed. "Sa'n ba dito yung room na 'to? And by the way, abm ang strand 'ko."
Ngumiti ako. "Good thing. Diyan din ang punta 'ko. Gusto mo sumabay?"
"Really? Sure, sure. Salamat. I'm Avril nga pala."
"Shannie." I said then we shook hands.
Nagsimula naman kaming maglakad at kinakausap 'ko rin siya. Since magiging kaklase 'ko rin siya.
Pagdating namin sa room nagulat ako dahil pagbukas 'ko ng pinto ay halos lahat ng tao sa room ay nakatingin sa'min.
Agad 'ko namang nakita sila Kyla kaya lumapit ako sa kanila.
"Avril, here."
Lumapit naman si Avril. Pinakilala 'ko naman si Avril sa barkada at natuwa naman agad sila at in-entertain si Avril. In-interview na nga nila eh at naging click agad siya sa'min.
"Madaming gwapo, as in?" Kyla exclaimed.
Natawa ako sa reaksyon niya.
"Punta tayo do'n!" Aya naman ni Nika.
"Sure, sa sembreak open yun para sa inyo." Sabi naman ni Avril.
"Set na yan ha!" I said then winked at Avril.
She gave me an assuring smile and nodded.
Madami-dami na ring tao sa room at ang daming bago, dahil sa daming transferees dito sa Princeton. Pero nang mapalingon ako sa pinto dahil may pumasok, nagulat ako nang makita yung grupo ng mga lalaking gwapo kahapon.
"Oh gosh, kaklase nga talaga natin sila." Kyla commented.
Napatingin rin sa kanila ang iba dahil sa lakas ng dating at tawanan nila at parang hindi napapansin ang mga matang nakatingin sa kanila. Dumiretso sila sa likod atsaka nagpatuloy sa kwentuhan.
Napalingon naman ako sa barkada at nag-apir. Mga gwapo, geez.
After a few minutes, dumating na yung teacher namin at nagpakilala.
"Then, I also want to know you. So mind introducing yourselves?"
Isa-isa namang nagpakilala ang mga kaklase namin hanggang sa mapunta sa'min.
"Goodmorning, I'm Shannie Kang." Pagpapakilala 'ko.
"Kyla Reyes is the name people! Tandaan niyo!" Kalog na sabi ni Kyla kaya natawa ang lahat.
"Hi, I'm Avril Louz Pendleton."
"My name's Liana Lim."
"I'm Sandavah Ricaford."
"Gabriella Cruz."
"Sup, I'm Jannika Rodriguez."
Nagpatuloy ang pagpapakilala ng mga kaklase namin.
"Marc Magpantay."
"Ako nga pala si Aryeh Jane Atinta."
"Annyeong! I'm Jenelin Mechina."
Nagsitahimik naman ang ilan sa mga babae pag nagpapakilala gwapong lalaki kaya natatawa ako minsan. Hanggang sa mapunta sa grupo ng lalaki sa likod.
"Sup, I'm Lord Adamson Sandford." Siya ang pinakamatangkad sa kanila.
"Annyeong haseyo. I'm Aldrich Gyo." Ang puti neto, mukha ngang koreano.
Bigla namang nagkaroon ng mga side remarks dahil tumayo si Gerald Francisco at siyempre hindi papahuli diyan si Kyla.
"I'm Gerald Francisco." Ang gwapo niya sa personal. Geez. He's so hot! Kaka-suffocate.
"Bryan Nicolo Clemente." Lakas ng dating neto pero mukhang masungit.
"Jirayu Lee. Ji for short." Chinito guy, ang cute ng mata niya.
"Chris Edison Huang, everyone." Chinito rin, chinese din ata.
"Hello? Sensya kayo, ako may sakit eh. Ako budoy!" Nagsitawanan ang lahat sa lalaki. He's so weird!
"Kidding! I'm normal wag kayong manghinayang! I'm Zeus Gabrielle Guzman, god of handsomes."
Nag-boo ang ilan sa'min at nagtawanan. Lakas neto magyabang, hangin!
Natapos ang introductions at paulit-ulit lang sa ilang subjects. Dumaan naman ang break kaya pumunta naman kaming cafeteria.
In-entertain naman ulit ng barkada si Avril habang naglalakad. Nagtatawanan pa nga kami dahil pinag-uusapan namin yung boys lalo na si Zeus na nagbudoy-budoyan.
"He's really crazy! Nakakatawa siya." Avril
"Freaking crazy, Avril. Gulat ako eh." Nika
"May saltik kamo. God of handsomes daw." Gab
Nagtawanan kami.
"Wait, wait nga pala guys."
Napatigil kami nang magsalita si Kyla.
"Lilinawin 'ko lang, ha? Pag may gusto kayo sa mga boyfriends 'ko pakisabi sa'kin ha?"
"Weh, Kyla, boo!" Nika teased.
"Oy, oy, boo ka diyan. Nakita kitang pinagpapantasyahan kanina sila ha." Biro ni Kyla.
Natawa naman si Nika at kunyaring nag aya ng away kay Kyla.
Nika's POV
Nagsimula na kaming bumalik sa room magbabarkada.
"Jannika!" Rinig 'kong tawag sa'kin.
Napatigil naman pati sila Shan at napalingon sa tumawag sa'kin.
"Tawag ka ni Sir Jojo."
Kumunot ang noo 'ko atsaka lumingon sa barkada. "Una na kayo."
Tumango naman sila at nagpatuloy na. Dumiretso naman ako sa faculty at nakita do'n si sir. Tinanong niya lang ako kung anong middle name 'ko atsaka ako inutusan. Tsk, anubayan.
Tumakbo ako sa corridor at may nakita akong bagay do'n sa tapat ng hagdan. Tumigil ako sa harap no'n at akmang pupulutin 'yun nang may bumangga sa'kin dahilan para mapaupo ako sa sahig.
Napalingon ako kung sino 'yun at nakita si Bryan Nicolo Clemente. Yes, one of the transferee at kasama niya rin yung Jirayu Lee at mukhang nagtatakbuhan sila.
Napatitig naman ako sa kanya dahil ang gwapo at ang lakas talaga ng dating niya. Bigla akong nagkaro'n ng mga pantasya sa isip 'ko. Uck.
Inabot niya sa'kin ang kamay niya. "Tayo na!" Sigaw niya.
Nagulat ako sa pagsigaw niya at napatingin sa kamay niya.
"Oh, ano? Titingin ka na lang ba diyan?"
Napakunot ang noo 'ko at nawala ang mga pantasya 'ko sa kanya at nawala sa mood. Tinabing 'ko ang kamay niya.
"No, thanks. I can handle myself." Sabi 'ko sabay tayo.
Tumalikod naman na siya at narinig 'ko ang pagbulong niya. "Tatayo naman pala."
Biglang nandilim ang paningin 'ko sa inis.
"ANONG SINABI MO?!" Sigaw 'ko pero di niya 'ko pinansin.
Hahabulin 'ko sana siya kaso pinigilan ako ng kasama niyang si Jirayu.
"Ay, ako na ang mag-sosorry para sa kanya. He's really like that to girls. Pinaglihi ata yan sa sama ng loob eh. Sige, sorry ulit. Kalma ka lang." Sabi niya sabay sunod kay Bryan.
Naku, naku. Pasalamat siya sa kaibigan niya at mabait 'yun. Napakasama naman pala talaga ng ugali ng Bryan na yan eh! Amp. Sigawan ba naman ako?! Ang sarap-- grrrrrrrr. Bwiset.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top