Teen Love Three.

3.

Shannie's POV
 
Napaka-boring ng mga next class namin. First day pa lang naman kasi kaya wala talagang masyadong ginagawa. Yung ibang teacher, papasok lang para magpakilala then yung grading system nila. As if we do something about it. Geez. Nung mag-lunch na, tinamad na kaming kumain. Kaya pumunta na lang kaming field dahil 30 minutes ang lunch eh wala naman kaming gagawin sa room diba?

Nung nasa field kami, may mga naglalaro ng soccer. Kaya sa gilid na lang kami.

"Shaan, garden lang ako." Sabi ni Gab.

Lumingon naman ako sa kanya at tumango. Nagsimula naman na siyang maglakad papunta doon.

"Shan, anong gagawin natin dito?" Tanong ni Avah.

"Wala." Casual kong sagot.

"Nye. Balik na lang ako sa room. Inaantok ako eh." Sabi naman ni Avah, tumango naman ako.

"Sama ako." Sabi ni Nika at bumalik na silang dalawa sa room. Tumingin naman ako sa dalawa.

"Don't worry dear, dito lang ako dahil maraming gwapo." Nakakalokong sabi ni Kyla sabay halumbaba.

"Kyla talaga." Natatawang sabi naman ni Avril.

Nag-kuwentuhan na lang kami ng kung anu-ano. Kinuwento namin kay Avril yung mga previous years namin dito sa Princeton.

"Actually, hindi naman kami magkakakilala noon pa. Naging magkakaklase lang kami then seatmates nung Grade 9 kami. Coincidence lang talaga siguro na transfer students kaming lima. Pero si Jannika, matagal na dito."

"Really? 'Kala ko matagal na yung friendship niyo. The way na nag-uusap kasi kayo. It seems like you really know each other for many years." Avril said.

"Hahaha! 'Di naman, sadyang madali lang silang pakisamahan. Yung tipong nakakaiyak na ang usapan, nakukuha pa nilang mag-biro."

"I wish I had friends like that in my previous years."

"Bakit? Wala ka bang friends sa dati mong school?" Takang tanong ni Kyla.

"Meron. Pero alam niyo yung feeling na they'll just come to you when they need something to you. Di naman sa nagyayabang ako but I'm popular in our school and they just come near me so that they also become one of the popular students in our school. I don't like it. They don't treat me as one of them. They just treat me as a way to what they want."

Bigla kaming natahimik. Pati si Kyla tumahimik. Ang seryoso nga niya kaya pinipilit kong wag tumawa. Minsan lang kasi siya gumanyan, yung tipong serious face talaga. Mukhang nalungkot din ata. Hahaha. But aside from that, hindi ako sanay dahil I always see her na bubbly at palabiro.

"WATCH OUTTT!!"

Hindi ko alam kung baliw lang yung mga hormones ko at lumingon pa ko sa sumigaw and then nakita ko ang isang bolang papunta sa side namin. And the next thing I knew, the ball hit my face at napasandal pa ko sa bench at nakalimutan kong wala nga palang sandalan to kaya natumba ako. Geez. Nakakahiya.

"Shaaan!" Rinig kong sigaw nila Kyla at Avril. Ansakit ng mukha ko. Tinulungan nila akong tumayo at tiningnan ko ang mga lalaking naglalaro ng soccer. Yung iba mukhang concern at may isang tao akong nakita na tuma-tawa tawa habang kinukuha ang bola. Biglang nandilim ang paningin ko sa lalaking yun dahil sa mga narinig ko.

"Lagot ka Sandford!"

"Hey dude! Don't laugh."

"Mag-sorry ka gago."

Tumayo ako papalapit sa isang player. "Who the hell hit that ball?!" Sabi ko sa kanya ng mariin at unti-unti niyang tinuro si Lord Adamson Sandford. Yung pakshet na transferee.

Lumapit ako sa kanya at mukhang hindi niya agad naramdaman ang presence ko dahil tumatawa siya kaya sinapak ko siya.

"Aw!" Sabi niya sabay harap sakin. Tumingin naman siya ng masama at ganun din ang ginawa ko. Pero yung tingin niya ay biglang napalitan ng mapang-asar na ngiti.

"Tanga kasi sinabi na ngang 'watch out' eh." And by that, I punch his face.

"Ayan quits na tayo." Sabi ko sa kanya sabay ngiti ko ng inosente.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.

"+@!?ina humanda ka sakin." Rinig kong sabi niya.

Aba?! Ako pa talaga ang humanda. Dire-diretso na ko sa room at hindi na tinawag sina Kyla dahil nabadtrip ako bigla. Umupo ako sa upuan ko at saka tumingin sa whiteboard ng masama. Nakita ko naman sina Avah at Nika sa peripheral vision ko na lalapit sana sakin kaya tumingin ako sa kanila ng masama, kaya hindi na nila tinuloy. That.. guy. Nakakabadtrip lang.

Nung mag-start na yung afternoon class namin. Wala talaga ako sa mood. Una, masakit ang mukha ko. Pangalawa, kaklase ko yung lalaking yun. Pangatlo, nakakabadtrip ang presence niya. Oh? Diba. Hindi na ko kinausap ng iba dahil alam naman nila ito eh. Kapag badtrip ako, hayaan na nila ako.

Nung matapos ang afternoon class namin, agad akong lumabas ng room at dumiretso sa locker ko. Iniwan ko ang lahat ng libro ko at ilang notebooks ko. Pagkasara ko ng locker ko, nakita ko ang pagmumukha ni Adam na nakangisi sakin.

Inirapan ko siya at lumampas sa kanya. Pero nung dumaan ako sa gilid niya nagsalita siya. "Bye, Miss Sungit."

One word to express my day, NAKAKABADTRIP.

Nagpasundo na ako kay Manong Jojo at mga ilang minuto lang, dumating na siya kaya umuwi agad ako ng bahay. Pagkadating ko sa bahay, kumuba ako ng ice cubes at nilagay sa ice bag. Dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga habang dinadampi-dampi sa mukha ko ang ice bag. Humanda talaga yang Adam na yan sakin. Ansakit ng mukha ko.

* * *

"Shan, ok ka na?" Tanong sakin ni Nika.

Nag-nod naman ako sa kanya.

"Nakwento nga pala sa'min nila Kyla yung nangya--"

I cut her words. "Don't even dare to laugh."

Pagkasabi 'ko nun tumitig siya sa'kin atsaka tumawa. Really? Ang hirap talaga kausap ng babaeng 'to eh.

Nandito na nga pala ako ngayon sa room. Second day na nga pala namin ngayon, at tinambakan kami ng teachers namin ng mga assignments. Hindi ko alam kung anong trip nila o ano eh.

"Goodmorning class."

Tumayo kaming lahat at nag-greet sila. "Goodmorning ma'am Canlas."

"Sitdown."

Nag-discuss na si ma'am. Kakatapos lang pala ng recess namin kaya eto kami ulit, aral aral aral.

"For your activity, count 1-10. Kaya ang mangyayari, tatlo kayo sa bawat grupo. Start."

Nagsimula na kaming magbilang at ang nakuha ko ay number 4.

"Now, group yourselves."

Pagkasabi nun ni ma'am, maraming ng sumisigaw, nagtatawag at hinahanap ang mga kagrupo nila.

"Dito ang Group 2!"

"Sinong Group 4?"

"Group 7! Group 7 dito!"
 
Napairap na lang ako.  Same scenarios.

"Anong group ka?" Tanong ni Jenelin. Hinarap ko naman sa kanya yung apat na daliri ko.

"Parehas tayo."

Pumunta kami sa isang part ng room at dalawa lang kami? Where's the other one? Sana naman babae di'ba?

"What number is this group?" Lumingon ako sa kumausap kay Jenelin at automatic na kumunot ang noo 'ko.

"Four." Casual niyang sagot.

"Oh, groupmates tayo." Sabay upo niya sa harapan naming upuan at hinarap sa'min. Tumingin siya sa'kin. "And also you." Sabay ngisi niya.

Badtrip. Nakakabadtrip. Kaharap ko yung nakatama ng bola sa mukha ko at hindi man lang nag-sorry. Geez. I want to punch his face again.

"I-roleplay niyo ang panapahatid ng tula sa page 5 ng libro niyo."

Kinuha ko naman yung libro ko at binasa ang tula. Easy. Tungkol lang naman yun sa isang anak na napariwara.

Humarap ako sa kanilang dalawa. Tch.

"Ok so.. yung sa roleplay is all about a teenager na napariwara. And then.. the other two will play the role of the parents na nagpabaya sa anak nila. That's it. And you.." sabay tingin ko ng masama kay Adam.

"What?!" Gulat niyang tanong.

"..will play the role of the father. Ok?"

"Ako na lang yung anak. Maybe I can play it much better and the two of you will be my parents. Bagay naman kayo eh." - Jenelin

Tinaasan ko siya ng kilay.

"What? Us? Bagay? Oh c'mon! Stop kidding around."

Tumawa naman siya ng mahina. "I'm not."

At matapos ang medyo mahaba naming argument ni Jenelin ay nanalo siya. Mag-asawa daw kami KUNYARI nung pesteng si Adam. Geez. Nakakapangilabot lang.

Nag-usap kami kung ano ang script then inannounce ni ma'am na bukas na lang daw namin ipe-play dahil wala ng time. Nagsibalikan naman na kami ng upuan dahil next subject na. Ugh. Second day palang hassle na.

Sinandal ko ang ulo ko sa upuan dahil sa stress. Geez. Nag-discuss lang ng nagdiscuss si Ma'am Aguilar. Wala naman atang nakikinig, kwentong kwento pa man din siya.

"Ok 11-Amity, mag-lunch na kayo." Sabi ni ma'am Aguilar sabay labas.

"Yown. Sa wakas, naumay na 'ko sa Values eh." - Kyla

"I'm hungry. Kakain kayo?" - Yanna

"Tara. Nagugutom din ako eh." - Avah

Umalis naman na silang dalawa.

"Ikaw Shan? Dito ka lang? Tambay kami sa field." - Nika

"Ayoko. Kayo na lang." Sabi ko sabay ub-ob. I feel that they're gone kaya bumangon ako.

"AAAAAHHHH! WHAT THE?!"

"You're so entertaining, asawa 'ko."

Nilayo 'ko ang mukha niya na sobrang lapit sabay tulak sa kanya. Muntik na nga siyang mahulog sa upuan eh. Sayang.

Yah. You're right. Nandito na naman ang buset na Adam's apple at nung bumangon ako ay ang lapit ng mukha niya sa'kin. Banas.

"Uggh. You're really enjoying hurting me, asawa 'ko."

Bigla ako kinilabutan sa tinawag niya sa'kin kaya sinamaan 'ko siya ng tingin.

"Drop that word. I feel goosebumps." Sabay irap 'ko.

"Tss. I'm just doing a practice for tomorrow Kang. Wag 'kang OA, dahil nandidiri din ako." Sabay tayo niya at aalis na sana pero hinarang ko yung paa ko ng palihim kaya napatid siya at muntik na siyang madapa. Sayang talaga!

"Nanadya 'ka ba?!" Iritang tanong niya. Lumingon ako sa kanya.

"What?" Patay-malisya 'kong tanong.

"Pa-inosente ang putek." Sabay alis niya ng badtrip. Tch. Nakakatawa ang itsura niya. I enlightened my mood. Great. Thanks sa katangahan niya.

Bumalik na sina Avah at Yanna sa room na may dalang pagkain. Nagulat pa nga sila dahil naka-ngiti ako eh.

"You're so creepy Shan." Kunot-noong sabi ni Yanna. Nginitian ko lang siya.

Before mag-lunch nagdatingan na yung iba.

"Oh anyare diyan kay Shan?" - Nika

"May himalaaa!" Sabi ni Kyla na naka-Nora Aunor posing pa. Nagtawanan naman kami.

Nagpatuloy ang klase ngayong second day at after nu'n umuwi na kami.

"Dala mo car mo?" - Yanna

"Yep." Sabi ko sabay labas ng susi ko.

"SHANNIEE!"

Napalingon ako sa tumawag sa'kin at nakita 'ko si Jenelin.

"Bakit?" Tanong 'ko.

"Pinapatawag ka ni ma'am De Gula. Kakausapin daw kayo ni Sandford." Kumunot ang kilay ko. Bwisit. Wag niyang sabihing nag-sumbong ang isang 'yun. Nawala ang ngiti 'ko.

"Ahh.. sige salamat."

Humarap ako sa barkada. "Wait lang guys!" Sigaw 'ko sabay takbo papuntang faculty. Tch.

Pagkapasok 'ko dun nakita ko na agad si Adam at si Ma'am. Nakabusangot ang mukha niya.

"Kang, come here." Seryosong sabi ni ma'am De Gula. Kinilabutan naman agad ako at lumapit.

"Yes ma'am?"

"We have some concern about the two of you.." tapos tiningnan niya kaming dalawa.

"Kang, as the president of the SSG officers and Sandford, as the Sub-president of the Sports team. Kailangan niyo munang mag-join force bukas, isang araw lang naman para pangunahan ang opening of clubs."

"What?! / Ano?!" Sabay naming sabi ni Adam kaya nagkatinginan kami.

"Ma'am ano pong connect ng Sports dun? Why do we have to join forces?!" - tanong ko kay ma'am.

"I don't know. Tsaka 'yun yung naka-lagay sa paper na binigay sa'kin galing sa office. Is there a problem?"

"Pa'no po siya naging President ng Sports Club eh transfer pa lang siya?!" Tanong 'ko.

"I don't know. And I also tell you na Sub lang siya. The real president of the club ay nowhere to be found."

Napasapo ako ng ulo ko.

"May problema ba Kang and Sandford?"

"Ang totoo po niyan, we're enemies.."

Napalingon ako kay Adam na biglang nag-salita.

"Do I care about it? Magbati na lang kayo. By the way, excuse kayo sa classes niyo bukas. You can go now.."

Umalis na ako sa faculty. Badtrip. Tiningnan 'ko siya at mukhang badtrip din. Gaya nga ng sinabi niya, we're enemies. Geez. Hindi lang talaga ako makapaniwala na bakit kami pa?! Duh. May co-officers ako sa SSG at bakit Sports Club?

Kung sa bagay, wala naman kasing nomination sa Sports Club, yung coach lang yung mamimili. Tss.

Naglakad na 'kong parking lot at inunahan na siya. Ayoko namang maka-sabay siya no. Baka hindi 'ko mapigil ang sarili 'ko na masapak siya. Geez.

"Hoy Kang!"

Napalingon ako sa kanya with death glare.

"What?!"

Lumapit siya sa'kin at nung nasa harap ko na siya tumigil siya. Nagulat na lang ako nung bigla niyang pinunas ng malakas yung panyo niya sa mukha 'ko.

"A-aray! Ano ba?!"

Inalis 'ko yung pano at tumingin sa kanya ng masama.

"May dumi. Don't move." Sabay punas niya sa mukha 'ko. Tiningnan 'ko naman siya at nakatingin lang siya sa pisngi ko kung saan may dumi.

"Thank me because I wiped it even we're enemies. Maybe pagtawanan ka ng ibang tao pag nakita 'to." Tapos tumigil na siya sa pagpunas at ngumiti ng kaunti.

"Done." Sabi niya at umalis na. Nilingon 'ko naman siya at nakita 'ko ang likod niya na papaalis.

"Adam!" Lumingon siya. "Even if we're enemies.. thank you. May tinatago ka palang kabutihan, di lang halata."

Humarap siya sa'kin na parang naasar. La? Nag-thank you na nga 'ko eh.

"Are you insulting me?!" Tanong niya. Ngumiti ako ng mapang-loko at lumapit sa kanya at nung nasa harap na niya 'ko, nilapit 'ko ang mukha 'ko sa mukha niya at ngumisi.

"Do I?" Sabay talikod 'ko at punta ng parking lot. Nakakatuwa talagang maasar ang Adam na 'yun.

Nakita 'ko naman ang barkada na nakasandal sa mga kotse nila habang nag-uusap.

"C'mon guys." Sabi 'ko sabay punta sa kotse ko.

"Really Shan? You're so creepy. Kanina badtrip ka and then after a snap, naka-ngiti ka na?" - Yanna

Napatigil ako sa pagpasok 'ko sa kotse ko.

"Then?" Natatawa 'kong tanong.

"Parang hindi ka si Shan." Umiiling na sabi ni Nika.

"May nangyari bang hindi namin alam?" Sabi naman ni Avah at napaatras.

"Care to share?" Avril said.

"Talk." Gab added.

Natawa ako sa mga sinasabi nila. Geez.

"Putcha! Hindi nga 'yan si Shan! Nakakatakot ang isang 'yan. Tara na!" Parang natatakot na sabi ni Kyla sabay pasok niya sa kotse niya.

Napairap na lang ako habang tumatawa sa mga reaksyon nila.

Natatawa naman silang pumasok sa kotse nila.

"Hoy Shan! May utang ka sa'ming explanation." Sabi ni Gab sabay pasok sa kotse niya.

Pa-iling-iling akong pumasok sa kotse 'ko at nag-drive na pauwi. Baliw talaga ang mga 'yun. Napaisip naman ako bigla. "Enemies pala ha?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top