Teen Love Six.

6.

Nika's POV
  
Saturday na kaya naglilipat na kami ng gamit. Tapos na yung bahay. Two-story house lang naman siya na may apat na kwarto sa taas at dalawa sa baba. Tapos the rest, kusina, sala, mini-theatre room. Yun lang.

Pumunta na ako sa kwarto 'ko. Parang katulad lang din naman ng kwarto 'ko sa bahay sinadya siguro. Puti yung pader and then may pink sa kisame. Basta! Actually, ayaw 'ko pa ngang umalis kanina e. Kung di lang ako pinagalitan ni mommy, hindi talaga ako pupunta dito.

Katulong 'ko naman si Franc na mag-ayos kaya keri lang. Kokotongan 'ko talaga siya kapag hindi niya 'ko tinulungan.

"Hoy Franc! Abot mo nga 'yung bag! Dali."

"Tamad mo talaga ate!" Ta's padabog niyang kinuha yung bag 'ko na malaki. Bwahahaha. Bahala siya diyan. Hapon na nga pala ngayon kaya medyo nakakalahati 'ko na ang pag-aayos ng damit at other stuffs 'ko. May mga cabinet naman na kasi tsaka kama, kaya damit na lang kulang tsaka yung iba 'ko pang gamit like accessories or whatever.

After many hours, natapos 'ko na ding ayusin ang gamit 'ko. Tumingin naman ako sa orasan, 7:37 na pala. Bumaba na din ako kasi kakain na daw. Pumunta na ako sa dining room at nandun na sina mommy.

"So, this is the first day. And I want to tell you na trial lang to. Kung hindi kayo mag-click, hindi 'yun itutuloy. But if you want to, that's better." Sabi ni 'tito' habang hinahati ang steak niya. Sinubo naman niya 'yun. Ngumiti ako sa kanya.

"I'm sure it wouldn't." Sabi 'ko sabay subo.

"Nika.." sabi ni mommy. Ngumiti na lang ako sa kanya at kumain ako.

"Yeah. I agree." Sabi ni Bryan. Nice. He's in my side.

Nagpatuloy naman kami sa pagkain namin and after that umuwi na sila mommy pati sila tito.

Nasa sala ako ngayon at nanonood ng tv. Naramdaman 'ko namang may tumabi sa'kin, si Bryan. Umirap ako nung tumingin siya sa'kin.

"Jannika.."

Napalingon ako sa kanya. "What?!"

Tumingin siya sa'kin ng seryoso. Kinabahan tuloy ako bigla. "You're so.. ugly."

What?! Binato 'ko siya ng unan. What the heck di'ba?! Bigla naman siyang tumawa. What's his problem? He's so weird, really. Di'ba masungit siya? Ugh. Tumayo na lang ako at dumiretso sa kwarto 'ko, pagod na din naman ako kaya natulog na lang ako.
  
××

Maaga akong nagising kasi every Sunday, pumupunta akong church. Walang palya. Bumaba na ako sa kitchen at nakita 'ko si Nay Sally (yaya ni Bryan. Pfft.)

"Goodmorning po." I greeted her.

"Goodmorning din. Mukhang aalis ka ha? Sa'n ka pupunta?"

Ngumiti ako sa kanya. "Sa Church po. Magsisimba. Kain nga po pala." Sabi 'ko sabay bigay sa kanya ng sandwich na gawa niya.

"Salamat, hija. Antayin mo na lang si Bryan, magsisimba din 'yun." Nanlaki naman ang mata 'ko atsaka natawa.

"Nagsisimba po 'yun?! Hahahaha!"

"Bakit? What's your problem with that?" Napalingon ako sa likod 'ko at nandun si Bryan na naka-kunot ng noo. Naka-pang-alis din siya, mukhang magsisimba nga.

"Wala. I just can't believe it." Then I laugh a little.

"What are you trying to say, Jannika?"

"Wala nga. Kulit nito." I tried my best not to laugh, but I can't. Natawa pa din ako. Umupo siya sa tapat 'kong upuan atsaka kumain.

"I'm also wondering na nagsisimba ka pala. Your rude, you're judging me." Napatigil naman ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya.

"Ha-ha. Funny.." sarcastic 'kong sabi sa kanya. Nakakainis talaga tong lalaking to. Kagabi naman, ang lakas ng trip, ngayon naman daig pa may nagmemenopause na babae sa sobrang sungit.

Nung matapos na akong kumain, iniwan 'ko na siya sa kusina at pumunta na sa garahe. I started the engine pero ayaw. Tinry 'ko ng ilang ulit pero ayaw pa din. What the? Anong nangyayari?! Ugh. No choice, commute.

Lumabas na ako ng kotse 'ko at lumabas na din ako ng gate. Magko-commute na lang ako. Badtrip na kotseng 'yun, ngayon pa nagloko.

Naglakad ako palabas ng subdivision. Nakarinig naman ako ng busina kaya tumingin ako at nakita 'ko si Bryan. 'Kala 'ko naman isasakay ako pero hindi pala, nginisihan lang ako. Aba? Nang-aasar talaga ang isang 'yun ha?

Pagkalabas 'ko ng subdivision, sumakay na ako ng jeep. Then after a few minutes, nasa simbahan na ako. Bumaba na ako do'n at sa di kalayuan ay nakita 'ko ang kotse ni Bryan, naka-park. Kainis 'yun, nawala tuloy ang pagka-jolly ko. Amp.

Pagkapasok 'ko sa simbahan, nakita 'ko sina Avah and Yanna. Yes, sama-sama kami kahit Sunday pero most of the time hindi dahil yung iba hapon na nagsisimba. Lumapit naman ako sa kanila.

"Oy." Sabi 'ko sabay kiss sa kanila.

"Yuck! Nika so eww!" Maarteng sabi ni Yanna. Natawa na lang ako dahil sa sinabi niya, alam 'ko namang joke lang 'yun.

"Pinuntahan kita sa bahay niyo kanina, kaso wala ka na daw." Napatingin ako agad kay Avah. Uh-oh.

"Ahh.. m-may dinaanan lang ako." Nag-shrug na lang siya tapos ngumiti.

Hoo! 'Kala 'ko kung ano na! Maya-maya dumating na si Shan tapos sinabi niya na yung tatlo daw mamayang hapon na lang dahil kakagising lang. (Kyla, Gab, Avril)
Nagsimula na yung misa at habang nakikinig ako, napalingon ako sa kabilang side sa bandang likod at nakita 'ko si Bryan kasama si Adam. Silang dalawa lang? Tss. Whatevs. Nag-concentrate na lang ako sa mass at after no'n umuwi na sila. In-offer pa nga ni Avah na sabay na 'ko sa kanya dahil iisa lang kami ng way pero tumanggi ako. Y'know! 'Yun yung dati 'kong bahay.

Nag-antay na ako sa tapat ng church ng jeep, pero may tumigil na kotse sa harap 'ko. Tss.

"Sabay ka na." Casual na sabi niya. Aba himala naman at naging mabait siya ngayon. Siguro natauhan sa mass kanina. Hahahaha!

Hindi na 'ko nagpakipot, sasakay na sana ako sa shotgun seat.

"Sa likod ka. Hindi tayo close."
Tiningnan 'ko siya ng masama at sinara ng malakas yung pinto. Sumakay na ako sa likuran.

"May galit ka ba sa kotse 'ko?!"

Inirapan 'ko siya. "Wala." Matabang 'kong sagot, inirapan naman niya ako.

Napaka talaga ng Bryan na 'to. Tahimik lang kami buong ride, kasi as he said hindi kami close. Manigas siya diyan. Napansin 'ko naman na hindi to papunta sa bahay kaya tinapik 'ko siya ng malakas. "Sa'n mo 'ko balak dalhin, ha?!"

"Easy.. Mag-ma-Mcdo lang. Want something?" Kalmado niyang sagot habang nakatingin sa'kin sa rear view mirror. Weird? Ba't ang bait niya?

"My treat." He also said. Tinaasan 'ko siya ng kilay.

"Sigurado ka? Baka mamaya may kapalit 'yan."

Bigla naman siyang napa-chuckle kaya kinabahan ako. "Wala, just sharing my blessings."

Fine. Sigee, dahil mabait siya magpapakabait na din ako.

"Gusto 'ko ng Spaghetti tapos fries, large ah. Mcfloat din."

Ngumiti naman siya. "You make me remember someone."

"Someone? Sino?"

Umiling na lang siya. Nung nasa Mcdo na kami, nag-dine-in na kami. Pagkapasok namin do'n, pumili na ako ng seat tapos siya umorder naman.

After a few minutes, bumalik na siya dala yung order namin. Parehas lang naman kami. Gaya-gaya. Hahahaha!

"Thanks." I told him when he gave me my food. Nagsimula na kaming kumain pero walang nagsasalita sa'min. Yung ingay lang ng iba, tsaka music yung naririnig 'ko.

"Jannika.." napalingon naman ako sa kanya at nagulat ako nung lumapit siya at pinunasan ng kamay niya yung gilid ng labi 'ko. Bigla naman akong na-tensed dahil may naramdaman akong sparks. "May ketchup." Casual na sabi niya at kumain na.

"T-thanks.." sagot 'ko naman.

Nung matapos na 'kong kumain ng spag, I eat my fries. I look at him and I caught him staring at me.

"Why? May ketchup ba ulit?" Then I wipe my lips. Tumawa naman siya kaya sinamaan 'ko siya ng tingin. "Bakit nga?"

"You know, you really remind me of someone. The way you move and your looks.."

"Ha?"

"I know na it's weird to share it pero.."

I waited for him to talk pero naubos 'ko na ang fries 'ko at hindi pa rin siya nagsasalita. I let him be, hindi naman kami ganun ka-close. It's his privacy anyway.

"Tara." Aya 'ko sa kanya, nag-nod naman siya and we headed his car para maka-uwi na.
    
   
× × ×
    
"Bagay sila.." bulong sa'kin ni Gab.

"Tama.. maasar nga 'yan mamaya."

Monday na nga pala ngayon kaya back to school ulit ang drama namin ngayon. And I'm back to my jolliness.

Nag-pi-play kasi sina Shan at Adam at Jenelin. Hindi kasi nila na-play yan last week dahil busy sila sa Clubs. At peksman! Kahit na ang scene e nag-aaway sila na parang natural na natural, makikita mo yung chemistry. Hahahaha! Laughtrip nga si Adam e, lumalaki kasi yung butas ng ilong.

"Yieeeee!" Sabay sabay na sabi namin. Yung ending kasi, niyakap ni Adam si Shan dahil nagbati na sila tapos niyakap din nila si Jenelin. Bwahahaha! Humanda ka Shan sa'ming dalawa ni Gab.

Nung bumalik na sa pwesto si Shan, taas-baba ang kilay namin ni Gab kaya tiningnan niya kami ng masama, tumawa naman kaming dalawa.

"Shan! Ang daya mo! Inagaw mo sa'kin si Adam. Crush 'ko yun eh." - Kyla

"Sa'yong sa'yo na siya!" - asar na sagot ni Shan kaya nagtawanan kami.

Pinutakte naman namin ng asar si Shan kaya nabadtrip sa'min. Hahahaha!

Nung mag-lunch na, pumunta kami sa Music Room dahil MAPEH ang subject.

"Ok, find your partner. First activity niyo ang kumanta. I'll give you 5 minutes para maghanap ng partner."

Marami naman ang nag-react dahil ayaw nilang kumanta. For me? Well.. it's a piece of cake. Hahaha!

"Hoy! Andaya niyo!" Napa-lingon ako kay Avah.

"Oh, anyare?" - tanong 'ko.

"Inagawan ako ni Yanna kay Avril. Wala akong partner! Hustisya!" Sigaw niya. Natawa naman kami ni Gab.

"Haha! Kawawa walang partner!" Sabi 'ko sabay tawa.

"Kawawa si Avah. Kanta ka na lang Alone, mag-isa ka naman e." Asar naman ni Gab.

Nag-apir kaming dalawa tapos tumawa. Inirapan naman niya kami tapos naghanap ng partner sa iba, kaso wala siyang nahanap. Hahahaha! Kawawa! Lol. Hahaha!

"Sinong walang partner?" Tanong ni ma'am. Natatawa naman akong tumingin kay Avah na naka-busangot ang mukha.

"Ma'am si Avah po!" Sabay na sigaw namin ni Gab habang tumatawa. Hahahaha!

"Ricaford, partner kayo ni Gyo."

Tumigil naman kami ni Gab sa pagtawa at tiningnan ng nakaka-loko si Avah. Nung first day kasi, laging nababanggit ni Avah si Aldrich. Yes, si Aldrich Gyo. Sabi pa nga niya ang gwapo e. Hahahahaha! Alam na this! XD

Nahihiya naman siyang lumapit kay Aldrich. Bwahahaha! Her face! Nag-simula ng magtawag si ma'am pero hindi kami naabutan ni Gab kasi wala ng time. Sayang sila Avah! Hahahaha! Hindi rin kasi sila naabutan eh! Laughtrip pag nagkataon.

Nung mag-lunch na, pumunta kaming garden para magpahangin.

"May boyfriend ako guys." - Kyla

Hindi namin siya pinansin.

"Hoy! Gano'n?! Walang pansinan?" - Kyla

"It's usual for us Kyla." - Yanna

"Sinagot 'ko na si Cliefford."- Kyla

Hindi ulit namin siya pinansin, nagtinginan naman kaming anim sabay tawa. Bigla kasing tumahimik si Kyla.

"Wag niyong pansinin si Kyla." Bulong sa'kin ni Shan.

Pinasa naman namin sa iba. Bigla naman kaming tumawa.

"Sigee. Pinag-ti-tripan niyo na naman ako." Sabi ni Kyla

"Huyy! Alam niyo ba yung ano! Hahahaha! Yung ano!" Sabi ni Shan.

"Oo tapos yung ano! Hahahaha! Nakakatawa talaga yung ano! Hahahaha!" - Avril

Natawa naman kaming lahat kasi bumusangot na talaga yung mukha ni Kyla. Laughtrip! Hahaha!

Maya-maya napag-desisyunan namin na pansinin na si Kyla. Kawawa e. Kanina pa nag-sasalita ng 'Sige. Ganyanan a.' Naawa na kami. Hahahaha!

"Nga pala Nika! Punta kami sa inyo. Nood tayo movie!"

Napalingon naman ako kay Shan. Uh-oh.

"A-ah? M-may bisita kasi kami mamaya e. Oo! May bisita. Next time na lang guys. Hehe."

Tumango naman sila. Hoo! Muntik na 'yun ah!

Bumalik na kami sa room after no'n. After ng afternoon classes namin, uwian na.

Pumunta na 'kong parking lot tapos umuwi na. Ayos na rin pala yung kotse 'ko, pinagawa 'ko kahapon.

Pagdating 'ko sa bahay, diretso agad ako sa kusina, nakakagutom eh.

"Nika.."

Napalingon naman ako kay Nay Sally.

"Bakit po?"

"May bisita ka sa labas."

Nagulat naman ako. Bisita? Lumabas agad ako ng bahay at nakita sina Shannie, Gabriella, Kyla, Avril, Sandavah at Liana. Oh no!

"Anong ginagawa niyo dito?!"

"Pasok muna kami. Di mo naman sinabing lumipat na kayo!" - Kyla

"Onga. Tara na guys. Pasok na." - Avril

Tapos pumasok na sila. Amp. Ang pi-feel at home pa nila. Hays.

Sumunod ako sa kanila.

"Nasan si tita?" Tanong ni Shan.

"A-ah.. ano.. may binili lang. Hehe." Sagot 'ko naman. Sabihin 'ko na kaya? Kaso baka asarin lang nila ako eh. Pa'no naaa?!

"Jannika.. pinapabigay ng daddy mo." Uh-oh.

Lumingon ako sa pinto. No! No.

"Bryan?" - Yanna

"Anong ginagawa mo dito?" - Gab

"I live here." Casual na sagot niya. Paktay! Inabot niya sa'kin yung pinapabigay ni daddy tapos umakyat na siya sa kwarto niya.

Humarap naman ako sa barkada at ngumiti.

"Hehe. I'll explain.. he-he."

And I explained everything. And the next thing I knew? Inaasar na nila ako. Amp.

"Di talaga ako a-attend sa kasal." Cross-arms kong sagot.

"ABNORNAL!" - Gab

"Tulungan niyo na lang akong pumuslit sa kasal." Lol.

"Luhh?"

"Bahala ka basta kami aattend sa kasal mo ah?" - Gab

Nangilabot naman ako. Tinatanong kasi nila kung anong gagawin 'ko sa kasal kaya ayan. Amp.

"Pakyu kayo!" I joked.

"Yieeee!" - Kyla

"Flowergirl ako." - Avril

Napa-face palm ako.

"Ako din ah?" - Avah

"Oo tapos ka-partner ni Avah si Aldrich." - Gab

Napatawa naman kami dahil tumingin ng masama ni Avah. Ang pikon kasi.

"Basta ako maid of honor!" - Shan

Napatigil ako tumawa at tumingin ng seryoso kay Shan. Here we go again. Amp.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top