Teen Love Seven.

7.

Avah's POV

Tuesday na, at grabe lang talaga yung nalaman namin kahapon. Arrange marriage sina Bryan at Nika?! Kaya pala nung isang araw nag-usap sila. Kakilig naman.

"Sa Music Room na daw tayo!" Sigaw nung president namin.

Napatingin ako sa side nila Aldrich at ibinalik sa notebook 'ko ang tingin.

"Sa isang sulyap mo ay nabihag ako. Para bang himala ang lahat ng ito~" kanta ni Nika sabay tawa.

Tiningnan 'ko ng masama si Nika dahil kahapon pa nila ako inaasar kay Aldrich baka mahalata.

I mentally slapped myself. Jusko, ano ba 'tong pinag-iisip 'ko.

Pumunta na kami sa Music Room at pinapunta na naman kami ni Ma'am sa kanya-kanya naming partner. Lumapit naman na ako kay Aldrich.

Ngumiti siya sa'kin. "Hi."

Ngumiti din ako sa kanya. "Hello."

Napag-usapan pala naming kantahin yung Two is Better than One dahil parehas naming alam yung kanta at alam din daw niya yung chords.

And really, I can't deny that he's so approachable and kind.

"Cruz and Rodriguez." Sabi ni Ma'am habang hawak-hawak yung 1/4 nila.

Tumayo naman na sila at siyempre suportado namin sila.

"Woooh!!" Sigaw 'ko.

Habang hawak ni Gab at Nika yung gitara sa Music Room, nag-sesenyasan na sila. Hahaha! Buti nga. Nag-strum naman na si Gab.

♬♪♩ You by the light

Is the greatest find

In a world, full of wrong

You're the thing that's right ♬♪♩

Ang ganda talaga ng boses ni Nika. Lahat naman kami tahimik habang nakikinig sa kanya. Sumabay naman na sa kanya si Gab.

♬♪♩ Finally made it

Through the lonely

To the other side ♬♪♩

Ang ganda ng blending ng boses nila pramis!

♬♪♩ You said it again my hearts in motion

Every word feels like a shooting star

I'm a the edge of my emotion

Watching the shadows burnin' in the dark

And I'm inlove, and I'm terrified

For the first time, and the last time in my only life ♬♪♩

After nilang kumanta, nagpalakpakan lahat. Infairness, ang ganda ng version nila ng "Terrified".

"They're good." Napalingon ako kay Aldrich na bigla na lang nagsalita. Tumango naman ako.

"Yeah. Talent na talaga nila 'yan."

Nag-perform naman na yung iba 'kong kaklase at hindi pa kami natatawag. Jusko lang! Kanina pa 'ko kinakabahan dito.

"And for the final performance, Ricaford and Gyo."

Nag 'ayieee' naman yung iba sa pangunguna nila Gab at Nika. Jusme. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Pumunta na kaming dalawa sa harapan, kinuha niya yung gitara sa gilid at pinatong yung isa niyang paa sa upuan at ipinatong dun yung gitara. Ang cool niya tuloy tingnan! Ngumiti naman siya sa'kin.

"Kabado ka ba?" Tanong niya. Nag-nod naman ako sa kanya. Sila Gab at Nika kasi eh! Sumisigaw pa din.

"Don't be. Nandito naman ako." He said with a smile. Kinilig tuloy ako, crush 'ko kasi siya at aminado ako dun.

Nag-simula na siyang mag-strum.

♬♪♩ I remember what you wore on our first day

You came into my life

And I thought hey,

You know this could be something ♬♪♩

Habang kinakanta niya 'yan at habang nag-gigitara, nakatingin siya sa'kin. Hindi tuloy ako mapakali, isama pa yung mga impit na tili ng mga kaklase 'ko. Hmph. KINIKILIG AKOO! XD Ako naman yung kumanta.

♬♪♩ Cause everything you do

And words you say

You know that it all takes my breath away

And now I'm left with nothing ♬♪♩

Tumingin naman ako sa kanya gaya ng pinractice namin kahapon at nagkasalubong kami ng tingin.

♬♪♩ So maybe it's true

That I can't live without you

And maybe two is better than one

And there's so much time

To figure out the rest of my life

And you've already got me coming undone

And I'm thinking two, is better than one ♬♪♩

Pagkatapos naming kumanta, bumalik na kami sa upuan namin kanina habang pumapalakpak yung iba.

"Your voice is beautiful." Sabi niya pagkaupo namin. Napatingin naman ako sa kanya. Oh my! Why so gwapo Aldrich? Gahd.

"I-ikaw din naman." Nahihiya 'ko ring sabi. He smiled at me as a reply.

"Go back to your room." Sabi ni ma'am.

Nagsitayuan naman na kami. Lalapit na sana ako kila Avril dahil tinatawag nila ako pero may naramdaman akong humawak sa braso 'ko. Pagkalingon 'ko, parang gusto 'kong biglang himatayin. I saw Aldrich smiling.

"Pwede ba tayong sabay sa lunch? If you want?" He asked while scratching the back of his head.

"Sure." Sagot 'ko naman.

"Thanks. Well, mamaya ah?" Sabi niya sabay alis.

Unti-unti akong napangiti at pinipigilan na wag akong tumili kaya I do the usual way of Kiligness na parang nang-gigigil na ewan habang papalapit kina Avril.

"Avah, are you ok?" - Avril

"Ofcourse!" I told her and continued my kiligness.

Jusko! I-can't-wait-for-lunch!
    
  
××

Five minutes na lang, lunch na. I really can't wait for it, seriously!

"Goodbye Grade 11-Amity."

Tumayo naman na kami, "Gooodbye Ma'am Chiquitita!"

Hindi talaga ako mapakali pramis! Napatingin ako sa side ni Aldrich at naka-tingin siya sa'kin. Na-conscious tuloy ako kung ayos lang ba ang itsura 'ko.

I smiled at him and he smiled back. Humarap naman ako kina Shan.

"Shan, di muna 'ko sasabay sa inyo."

"Sige lang. Bakit nga pala?" Tanong naman niya.

Lumingon ako kay Aldrich at mukhang inaantay niya na ako.

"Ah, inaya kasi ako ni Aldrich. Sige ah!" Tumalikod na 'ko sa kanila at lumapit kay Aldrich.

Narinig 'ko naman ang mga mapang-asar na remarks nila Shan at parang gusto 'kong bumalik at takpan ang bibig nila. Nakakahiya! Baka mahalata ni Aldrich. Napayuko tuloy ako.

"Kakain ka ba?"

Napatingin ako sa kanya. "Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"I want to go to the Music Room again. If you want, but it's ok if you'll buy your food."

"It's ok. I didn't usually eat during lunch. Tara?"

Ngumiti naman siya sa'kin.

BAKIT ANG GWAPO NIYA?! JUSKO WAG KANG NGUMITI! FEELING 'KO MATUTUNAW AKO!

Gusto 'ko ng sumigaw pero dahil kasama 'ko siya, lumingon ako sa left side at kinagat yung labi 'ko. Shemay talaga! Ngiti niya lang 'yun ah!

Pagdating namin sa Music Room, hindi 'ko alam ang gagawin 'ko, kaya umupo na lang ako.

Kinuha naman niya yung gitara at lumapit siya sa'kin. Umupo naman siya sa harap 'ko.

"Bakit?" I ask consciously dahil tumitig siya sa'kin. Shemay! Ngumiti naman siya. Oxygen pleaseee?!

"Pwede 'ka bang kumanta? Your voice is playing in my mind during class. Nakaka-addict." Naka-ngiti niyang sabi. Yaa! Feeling 'ko matutunaw na ako! Seryoso!

"A-ah? Anong.. kakantahin 'ko?" Kinakabahan 'kong tanong. Nakaka-addict daw boses 'ko! Kyaa!

"Kahit ano. Marunong ka bang mag-gitara?"

Nag-nod naman ako at kinuha yung gitara. Nagsimula na 'kong mag-strum.

♬♪♩ I've never gone with the wind

Just let it flow

Let it take me where it wants to go

Till you  open the door

But there's so much more

I'd never seen it before ♬♪♪

Napa-tingin ako sa kanya and I caught him staring at me while smiling from ear to ear. Bigla akong kinabahan, kinikilig ako.

♬♪♩ I was trying to fly

But I couldn't find wings

Then you came along and you've change everything ♬♪♩

Nakatitig lang ako sa kanya at gano'n din siya sa'kin. Bakit ganun? Kinikilig akoo! Ngumiti ako.

♬♪♩ You lift my feet off the ground

Spin me around

You make me crazier, crazier

Feels like I'm falling and I

I'm lost in your eyes

You make me crazier.. crazier.. crazier.. ♬♪♩

Tinigil 'ko na ang pagkanta at hindi na kinanta yung verse 2, hindi 'ko rin kasi kabisado eh. Tumingin ako sa kanya ulit pagkababa 'ko ng gitara.

"Thank you for singing." He said smiling.

Nagkamot naman ako ng batok.

"Wala 'yun. Ha-ha. Salamat din sa pag-ta-tiyagang makinig."

"What? Tiyaga? No, you have a beautiful voice. You shouldn't said that."

Naramdaman 'ko namang nag-init ang pisngi 'ko at nagulat ako nung bigla siyang natawa.

Napatigil ako at hindi 'ko alam ang gagawin 'ko.

"You're cute when you're blushing."

Blushing? Did I just.. blushed? Imposible. Bakit naman ako magba-blush?

"I'm not blushing." I told him.

"You are." Sabi naman niya atsaka kinurot ang pisngi 'ko. "Cute mo."

I stared at him when he said that. Napaawang ang bibig 'ko at nag-init ang pisngi 'ko.

He chuckled at my reaction and stood up. "Tara na?"

Napailing ako dahil sa naging reaksyon 'ko kanina. Tumayo na rin ako ng maayos at ibinalik ang gitara. Naglakad na rin kami palabas ng music room pero tinawag 'ko siya.

"Aldrich."

Tumigil siya atsaka lumingon sa'kin. "Hmm?"

"Kalimutan mo yung mga naging reaksyon 'ko kanina." Naka yuko 'kong sabi sabay tingin sa kanya.

I saw him smiling. "Makakaasa ka." Then he winked at me. Oh god, why is this man like that?!
  
× × ×
  
"Avah, seryoso. Para kang baliw."

Napalingon ako kay Gab at nginitian siya ng malapad. Inakbayan 'ko naman siya bigla.

"May ki-kwento ako sa'yo!" Excited 'kong sabi sa kanya. Nasa hallway kasi kami at pauwi na. Pero hindi 'ko talaga mapigilang mapangiti sa tuwing maalala 'ko yung kanina sa Music Room. :">

"Tungkol 'yan kay Aldrich no?" Mapang-asar niyang tanong. Tumango naman ako habang naka-ngiti.

"Kanina kasi.. kinurot niya ako sa pisngi tapos sabi niya ang cute 'ko daw. Waaa! Nakakakilig!"

Tumingin naman ako sa kanya pero poker face lang siya, inalis niya yung pagkaka-akbay 'ko sa kanya.

"Naniwala ka naman? Hindi ka cute, di 'yun totoo."

Hinampas 'ko naman siya, asar. Panira talaga 'to ng moment. Bigla naman siyang tumingin ng masama, uh-oh. Nagsimula na akong tumakbo habang tumatawa. Masakit kasi siyang mamalo e, napaka-sadista pa naman ng babaeng 'yun kahit kelan.

Pagdating 'ko sa parking lot, umikot-ikot ako sa ilang kotse pero nagulat ako ng maramdaman 'ko sa braso 'ko ang napakalakas na palo ni Gab.

"Aray! Sadista ka talaga!" Sabi 'ko sa kanya. Nag-smirk naman siya sa'kin. Hinimas 'ko naman ang braso 'ko papunta sa kotse 'ko. Ang sakit nun ah?

Napa-lingon naman ako sa isang part ng Parking lot. Nagulat naman ako, si Kyla ba 'yun?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top