Teen Love One.

1.

Avah's POV

"Oy ang gwapo no'n oh."

Napatingin kami lahat sa sinabi ni Nika at napatango ako.

"Maputi lang." Mapaklang sagot naman ni Gab.

"Onga, tsaka chinito lang." Gatong naman ni Yanna.

"Ang kokontrabida niyo lang." Sagot naman ni Kyla sabay cross arms.

Natawa na lang ako sa kanila at tumingin ulit sa field.

Well, nandito kasi kami sa field at kuhaan ngayon ng sched namin para sa school year. Grade 11 student na kami, in short--senior high. At kasalukuyan kaming magkakaibigan na tumitingin ng gwapong transferees sa field. Madami kasing nagta-transfer na students na galing public or private sa school kasi malaki rin 'to.

"Oy ayun rin oh!" Sigaw ni Kyla.

Napatingin ako at napatango ulit. Gwapo nga, maporma pa.

"Maporma lang." Komento ulit ni Gab.

Tumingin ako kay Gab na katabi 'ko lang. "Yung totoo, Gab?"

"Lahat na lang eh ayaw." Dagdag pa ni Shan.

Nagtawanan naman kami.

By the way, ako nga pala si Sandavah Ricaford. At sila pala ang mga kaibigan 'ko. Nag-aaral kami ngayon sa Princeton University, at two years na 'ko dito. Kadalasan 'Avah' ang tawag sa'kin nitong nga cute kong frenz. Papakilala 'ko nga pala sila.

Si Shannie Kang; leader ng grupo. Para kasi siyang nanay at sinusunod talaga siya ng lahat. Responsable siya at maaasahan kaya siya ang President ng SSG dito sa school. We used to call her "Shan".

Next, si Gabriella Cruz; boyish naman siya. Pero hindi yung sobrang boyish, boyish lang talaga kumilos tas parang siga at mapang-asar. Kasundo niya lagi si Nika sa asaran. "Gab" for short.

Sunod, si Jannika Rodriguez; pinaka-rich kid sa'min. May ari rin sila ng mga restaurants and hotels sa bansa. Kaya lagi siyang updated sa lahat. Kadalasan din siyang maloko at mapang-asar kaya nga kasundo niya si Gab. Pero siya ang pinaka-religious sa'min. "Nika" for short.

Next, si Liana Lim; sporty sa'min. Varsity siya sa volleyball at isa lang ang napapansin 'ko sa kanya. Ayaw niya sa lalaki as in. Siya yung pinakamailap sa'min sa lalaki. May pagkamataray din siya at maldita, kaya no wonder. Yanna for short.

And last but NOT the beast, si Kyla Reyes; siya naman yung masasabi 'kong playgirl. Papalit palit siya ng boyfriend at talaga namang lapitin siya ng boys. Kung tutuusin siya ang pinakasikat sa'min sa boys. Pinakamalakas din ang trip, pinakamaingay at pinakakalog. "Kyla" for short.

"Spotted!" Kyla exclaimed and stood up. Tinuro niya yung isang side na may grupo ng mga lalaking naglalakad sa kabila. Pito sila at hindi 'ko mapagkakailang ang gwapo nila at ang lalakas ng dating.

"Pito sila, anim tayo. Dalawa akin ha." Kinikilig na sabi ni Kyla.

Napailing na lang ako at natawa.

"Harot mo, Kyla." Biro ni Yanna sabay irap.

"Ay weh. Tingnan mo nga si Gab oh walang side comment." Pumunta siya sa harap ni Gab atsaka ito sinanggi. "Gwapo no?"

Gab glared at her and rolled her eyes.

Napatingin ulit ako do'n sa mga lalaki at napansin 'ko na nakakakuha pala talaga sila ng atensyon. Halos lahat ng tao dito sa field ay napapatingin sa kanila atsaka teka--

"Si Gerald Francisco!" Nika exclaimed.

"Sabi 'ko na nga ba!" Dagdag 'ko pa.

"Kaya pala pamilyar tas ang gwapo niya sa personal infairness." Shan giggled.

Well, artista kasi si Gerald. Na-discover siya sa isang competition at maganda talaga ang boses niya pero artista siya sa America. Hindi dito, pero full filipino siya at sikat talaga siya jusko! Ang gwapo!

Pero alam 'ko nag uumpisa na rin siya dito ng career.

"Geez, ang hot." Shannie said.

Napatango na lang ako. Lumingon ako kay Gab at nakatingin din siya sa mga lalaki.

"Uy Gab." Pang aasar 'ko.

Lumingon siya sa'kin atsaka ako pabirong sinuntok. Pero masakit!

"Aray, Gab grabe ka! Tinawag lang kita eh." Natatawa 'kong sabi.

"Palusot mo, Avah." Inilihis niya ang ulo niya. "But fine, gwapo sila."

Unti unti akong ngumiti ng sobrang lapad sa kanya. Tinaasan lang niya 'ko ng kilay atsaka siya tumingin sa iba.

Nung nawala na sila sa paningin namin, nag aya ni sila umuwi.

"Mcdo muna tayo, nagugutom ako." Aya ni Shan.

"Onga. Tara, gutom na rin ako." Sabi naman ni Nika.

"Ay, wait, wait! Cr lang ako! Pasama Gab." Singit 'ko naman sa kanila. Naiihi na kasi talaga ako.

Mapang-asar lang akong dinilaan ni Gab at umiling. Tiningnan 'ko naman ang iba pero lahat sila ayaw.

"Kaya mo na 'yan." Natatawang sabi ni Shan.

Pinalobo 'ko na lang ang pisngi 'ko at tumalikod.

"Kita na lang tayo sa parking lot!" Pahabol pa ni Shan.

Lumingon ako ulit sa kanila at tumango na lang. Grabe talaga mga kaibigan 'kong 'yun. Tsk.

Tumakbo na ako papunta sa cr para makabalik agad. Pero nang dumaan ako sa office ay nakita 'ko ulit yung mga transferees na 'gwapo' na nakapila do'n kaya sinundan 'ko sila ng tingin habang naglalakad. At nagulat na lang ako nang may nabangga ako.

Pagkatingin 'ko ay ang gwapo rin niya at teka! Isa siya sa grupong yun kanina! Mukha siyang koreano talaga at ang tangkad niya!!!

"Ikaw!" I exclaimed at mukhang nagulat siya.

"A-ako?" Nagtatakang tanong niya. "Kilala mo 'ko?" Sabay ngiti niya sa'kin.

Nagulat ako nang ngumiti siya at nang narealize 'ko yung sinabi niya at yung sinabi 'ko ay gusto 'kong batukan ang sarili 'ko. Seriously? Ano ba 'tong pinagsasabi 'ko?!

Ngumiti ako sa kanya. "Hindi." Sabay iling 'ko. "Nakita lang kita kanina sa field. Sorry nga pala, nabangga kita."

He chuckled and smiled, lumabas ang dimples niya kaya na-amaze ako. "Ok lang. See you around." Then he winked.

Nanlaki naman ang mata 'ko nang kumindat siya at umalis na. Putspa! Kumindat ang-- ang hayop!

Naramdaman 'ko ang kilig kaya unti unti akong napangiti at tumakbo na ulit papunta sa cr.

I can't believe him! He winked at me and I really can't deny he's so handsome!

Pagkatapos 'kong mag-cr dumaan ulit ako do'n kaso wala na siya o kahit sinong bakas nila. Aw, sayang. Pero shet ang gwapo niya. Crush 'ko na ata siya.

××

Pasukan na namin ngayon at excited akong naglalakad papunta sa room namin. Pare-parehas na abm ang kinuha naming magkakaibigan kaya magkaklase kami.

Kinwento 'ko yung encounter 'ko do'n sa lalaki kay Gab kaso binasag na naman niya ang trip 'ko at sinabing. "Wag assuming, kinindatan ka lang, kinilig ka naman."

Diba, diba! Imbis na sinuportahan ako! Ang bully.

Napatingin naman ako sa paligid dahil baka makita 'ko ulit siya. Pero walang bakas niya. Hays.

Dumiretso na lang ako sa room at nakita do'n yung iba na ang aga. Umupo naman na ako at narinig 'kong nagkukwento si Kyla.

"-pagkakarinig 'ko lang ha. Kaklase daw natin yung mga transferees na gwapo pero hindi 'ko sure. Pero na-e-excite ako!" Kinikilig na kwento niya kila Nika, Gab at Yanna.

"Di nga, Kyla?" Singit 'ko. "Sa'n mo narinig?" Usyoso 'ko naman.

Ngumiti siya sa'kin atsaka tinapik ang balikat 'ko. "Sources, Avah. Sources!"

Napatango na lang ako at umayos ng upo.

Kung kaklase namin yung mga 'gwapong' transferees, ibig sabihin kaklase namin yung lalaki kahapon! Jusko, hindi na 'ko makapaghintay na dumating sila.

Bigla namang bumukas ang pinto at napansin 'ko na halos lahat kami ay nakatingin do'n.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top