Teen Love Eight.
8.
Kyla's POV
I'm super excited na talaga mag-uwian. Edi sila na may lablayp. Si Avril at Gerald, laging nag-ngingitian. Si Nika naman arrange marriage kay Bryan. Si Avah naman, lumalandi din kay Aldrich simula nang kumanta sila. Kantahan 'ko din kaya si Adam? TSK. Nakaka-bitter kaya. Stress na tuloy ang utak 'ko, kung meron man. :p
Anywaysss, uwian na at hindi ako sasabay sa kanila. Kakausapin 'ko kasi si Cliefford at makikipag-break na. Gwapo naman siya kaya keri pero napaka-torpe. Like duh! Kami nuh!
Nandito na kami sa rooftop at nag-uusap.
"Kyla, just why are you breaking up with me so sudden?"
Sinamaan 'ko siya ng tingin. Really?
"Ang torpe mo kasi. Lagi kang nahihiya. Nakakabagot. Sige bye." Sabay walkout 'ko.
I'm beautiful really! My hairs is long to the point that they are making step there. Oh pak! English 'yun! English!
Lumabas na ako ng rooftop pero naramdaman 'kong hinawakan ni Cliefford ang kamay 'ko.
"Kyla.. please.. just give me a second chance. Kahit 'yun lang."
Pinanliitan 'ko siya ng mata. "Ayaw." Sabay kuha 'ko ng braso 'ko. Bumaba na ako pero sinusundan pa din niya ako at tinatawag ang pangalan 'ko. Hindi ba siya nahihiya? I'm very shyness to the highest level! The people of the school look to me. Uggh.
Pumunta na ako sa parking lot kaso nakita 'ko na nandun pa din ang barkada, kaya lumiko ako papunta sa Cr na malapit do'n. Sigurado namang hindi niya ako susundan doon.
Pagpasok 'ko dun, biglang nagsigawan yung mga babae kaya napa-sigaw din ako. Leche. Bakit ba sila sumisigaw?
Napa-lingon naman ako sa likod 'ko at nakita si Cliefford na nasa loob ng cr ng babae? Wth
"Cliefford, utang na loob. Tigilan mo na 'ko! At pambabae 'tong cr!" Madiin 'kong sabi sa kanya.
"No. Until you gave me a second chance." Napa-facepalm na lang ako.
Napairap ako sa kanya atsaka ako lumabas ng cr.
"Kyla, I'm begging."
Sasagot na sana ako pero naramdaman 'kong may umakbay sa'kin. Tatanggalin 'ko na sana dahil akala 'ko si Cliefford pero nung nakita 'ko kung sino, hinayaan 'ko na lang. Ok lang sa'kin na sa balikat 'ko lang 'yun, FOREVER!
"Leave her alone." Sabi niya ng naka-tingin kay Cliefford ng masama.
Nag-cross arms naman ako atsaka nag-smirk kay Cliefford.
Napa-atras naman si Cliefford at umalis na, malamang! Ano ba namang laban niya sa sikat na "Jirayu Lee" kahit na transferee pa lang? Hindi kayo nagkakamali! Si Jirayu Lee nga! Oh my gosh! Sobrang gwapo! Kyaa. Gusto 'ko ng mag-gimmie gimmie! Pero siyempre, pahinhin epek muna.
"Ahh.. salamat kanina ha?" Nakangiti 'kong sabi sa kanya.
"Siyempre may kapalit 'yun." Sabay ngiti niya. Oh-me-gish! Ang pogi!
"Ha? Ano naman 'yun?" Kunyaring gulat 'kong tanong sa kanya. Ibinaba naman niya ang mukha niya dahil mas matangkad siya hanggang sa magka-pez na kami. Shet! 1 inch na lang pagitan namin. Nakakaduling lang. Bigla naman siyang ngumiti! Hindi kaya.. HAHALIKAN NIYA AKO?!
'Di 'ko na napigilang mapangiti, hinawi niya yung buhok 'ko sa likod ng tenga 'ko at hinawakan ang magkabilang pisngi 'ko. Oh-me-gesh! Eto naa! Pero baka makita ng barkada.. tanaw kasi to sa parking lot. Yaan mo na. Keri yan, gwapo naman siya eh.
Iginilid niya ang mukha 'ko at akala 'ko i-ki-kiss niya ako sa cheeks. Pero hindi, nakakainis! Umasa ako mga pre!
"Follow me." Bulong niya sa tenga 'ko atsaka lumayo sa'kin. Nag-lakad naman siya at nasa likod niya lang ako at sumusunod. Bumusangot naman ako! Aba! Paasa siya ah!
Naglakad lang kami ng naglakad, hanggang sa mapunta kami sa garden. Lumingon siya sa paligid atsaka biglang humarap sa'kin. Nagulat naman ako nung bigla niyang hinawakan ang kamay 'ko at in-intertwined 'yun sa kanya. Nasa state of shockness pa lang ako pero hinila na niya ako. Eto ba yung kapalit?!
Ang bilis naman niya.
Lumapit kami sa isang bench at umupo dun. Malamang! Alangang dumapa kami do'n, edi nagmukha kaming baliw na lovers nanaka-intertwined ang hands! Kyaa! Grabe lungs!
"Kyla.." napalingon naman ako sa kanya ng dahan-dahan tapos biglang humangin kaya lumipad ang buhok 'ko at hinawakan niya ang pisngi 'ko at unti-unting lumapit at hinalikan niya ako sa labi! Kyaa! Kilig. Pero siyempre joke lang 'yun. OA lang talaga ako. :p
"Hmm?" Nahihiya 'kong tanong.
"Uhmm.. nasan nga pala ang mga kaibigan mo?"
'Nasa pwet 'ko nagkakape, gusto mo tingnan?' Pero siyempre sa isip 'ko lang 'yun. Mamaya ma-turnoff sa'kin edi goodbye lablayp na. Dahil din gwapo siya.
"Umuwi na." Sagot 'ko naman. At ngumiti ako ng mapang-akit.
"You know what? I like you." Nagulat ako sa sinabi niya? Masyado naman siyang straight to the point.
"But I heard that you're a playgirl." Sabay lingon niya sa'kin. Pinisil niya ang kamay 'ko. Iiik! KILIG!
"And I want you to know that I'll court you.."
Ginamit niya ang free hand niya at iginilid ang buhok 'ko sa tenga 'ko at hinawakan ang pisngi 'ko at tumingin ng diretso sa mata 'ko.
".. and I will make the playgirl of the town falls to me."
Nagulat ako, at the same time ay kinikilig! Siyempre! Babae din ako no! Pero nevermind! Lols nag-english na naman ako.
Tumayo na siya at tumalikod pero nagulat ako nung humarap ulit siya atsaka ako hinalikan sa pisngi at tumakbo. Pakiramdam 'ko naman matutunaw ako! Gosh! Nung hindi 'ko na siya nakita, nagsimula na akong mag-gimmie gimmie.
"Kyaaaaaaaaaaa! Ohmygosh! Ohmygosh! Oh-my-gosh! Kyaaa!" Sigaw 'ko habang pinapaypay ang isa 'kong kamay sa mukha 'ko. Nakaka-hyperventilate! Kyaa! KILIG!
Nung maka-get over naman ako tsaka 'ko narealize ang mga sinabi niya sa'kin. Ya, sanay na 'ko sa mga nanliligaw pero kahit kailan hindi pa 'ko na-fall. Kumbaga, crush lang. At meron akong crush no! Si Lord Adamson Samdford! At F.Y.I. kaibigan 'yun ni Jirayu! Hayszxc hirap talagang maging maganda.
× × ×
"Ok para hanapin si x kailangan na blahblahblah.."
Sumasakit na ang ulo 'ko. Paki 'ko ba kay x?! Duh! X na nga e! Buti sana kung si Adam ang x. Bwahahaha!
Napa-lingon naman ako kay Shan at aba ang lola niyo nakikinig! Pumunit ako ng papel sa likod ng notebook 'ko.
Himala Shan, nakikinig ka.
Itinupi 'ko naman yung papel at pa-simpleng binigay sa kanya. Kumunot ang noo niya pagkabasa nito.
Palibhasa, hindi ka nakikinig.
Ngumuso ako nung nabasa 'ko 'yun.
Ekskyusme? Nakikinig ako, kaso lumalabas nga lang sa kabilang tenga 'ko. :p
Binigay 'ko ulit 'yun sa kanya at humarap sa teacher. Leche. Nakakahilo ang pinaghalo-halong numbers, letters at symbols.
Pasimple akong kumuha ng notebook sa bag 'ko pero ang totoo niyan titingnan 'ko lang ang crush 'ko, si Adam. Haay. Pangarap lang kita.
Medyo binagalan 'kong kumuha ng ballpen, kunyari di 'ko mahanap, pero nung satisfied na ako sa view, humarap na 'ko.
××
Uwian na! Grabe! Hindi na 'ko nag-ayos ng gamit dahil eksayted na akong umuwi. Kapagod ng araw ngayon ah!
"Locker lang kami." Paalam ni Nika atsaka sila tumakbo ni Avah.
Lalabas na rin sana ako pero nakita 'ko si Cliefford na nasa labas.
"Psst. SHAN! Help!" Bulong 'ko kay Shan.
"Bakit?" Tanong niya.
"Si Cliefford kasi.. banas!"
Bigla naman siyang ngumiti ng nakakaloko.
"GUYS IWAN SI KYLA!" Sabay takbo ni Shan, bigla namang nagtakbuhan 'yung iba. Anak naman ng tupa!
Sumunod akong tumakbo pero hinarang ni Cliefford yung braso niya at seryosong tumingin sa'kin.
"Let's talk."
Kahit na medyo kinabahan ako, hindi ako nagpatalo. I flashed my most bitchy smile.
"No."
Nagulat naman ako nang bigla niya akong hawakan sa magkabilang braso at akmang hahalikan. What the fuck?!
Bigla 'ko siyang tinulak kaya lumayo siya.
"Anong problema mo?!"
Naramdaman 'ko ang gulat ng mga kaklase 'ko. Paksht. Putcha! At sigurado akong nakita 'yun ni Adam!
Sinampal 'ko siya ng malakas at halatang nagulat siya. Ay anak naman ng tokwa oh! May naramdaman naman akong humawak ng braso 'ko.
"LEAVE HER ALONE! DON'T YOU EVER TOUCH HER AGAIN AND I'LL NEVER STOP MYSELF TO KILL YOU."
Nagulat ako napatingin kay Jirayu, oo kay Jirayu. Nakakagulat and at the same time, nakakatakot. Bigla namang tumakbo palayo si Cliefford. He deserved that, jerk.
"Kyla?"
Napalingon ako ulit kay Jirayu at concern siyang nakatingin sa'kin. Hindi na siya galit, naging maamo na siya. Narinig 'ko pa siyang bumulong na nagpangiti sa'kin.
'Pambihirang lalaki 'yun, muntik na ah.'
Bigla namang nag-kantyawan 'yung barkada niya.
"Hoo! Landi ni Ji." - Bryan
"May pa-kill you kill you pa ang potek." - Gerald
"Sabihin mo lang sa'kin kapag ginulo ka pa ulit no'n ha?" Sabi sa'kin ni Jirayu na hindi pinapansin ang sinabi ng mga kaibigan niya.
"Bye." Sabi pa niya at ngumiti sa'kin atsaka umalis.
Mga ilang minuto din nung napag-isipan 'kong habulin si Jirayu.
"Ji!" Sigaw 'ko. Di'ba 'yun yung tinawag sa kanya ni Bryan?
Humarap naman siya. Ngumiti ako sa kanya.
"Salamat."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top