Prologue


Isa... dalawa... tatlo... binilang ko nang paulit-ulit ang mahinang pagdaloy ng ulan mula sa kalangitan. Napatingin ako sa kalangitan, umaambon ito at hudyat na uulan pa nang mas malakas.

Ipinikit ko ang aking mga mata habang niyayakap ng lamig ang aking buong katawan. Mas lalo ko lamang naamoy ang mga alaalang matagal ko na dapat kinalimutan. Ibinuka ko ang aking mga mata at napatitig sa kabuuan ng lugar.

Naglakad-lakad pa ako papasok sa loob para mas makita ko ito ng malinaw. Ang mga nagtatayuang gusali, ang cafeteria, ang canteen... biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso at dahan-dahan akong umakyat ng hagdanan papuntang... library.

Kumirot ang aking puso nang makita kong halos maging kulay abo na ang mga ito. Punong-puno na nang mga alikabok nang dahil sa tagal na rin ng panahon ang lumipas. Inilibot ko ang aking paningin at napatingin ako sa pintuan ng kabilang silid. Ang library ay nahahati sa dalawang espasyo.

Kaagad akong lumabas sa library at dahan-dahan akong lumapit sa isang pintuan... mas lalong kumalabog ang pagtibok ng aking puso nang nasa harapan na ako ng pintuan. Dahan-dahan ko itong binuksan at libo-libong mga alaala ang pumasok sa aking isipan.

Mas lalong kumirot ang aking puso habang pinagmamasdan ko ang mga gamit na nasa laboratory. Para akong binalik sa nakaraan at kahit anong pilit kong pumasok ay hindi na ako makakapasok pang muli...

Napahawak ako sa aking dibdib at napangiti ng mapait...

NJ...

"Mikasa Akane, mag-impake ka na nang mga gamit mo." sabi sa akin ni Papa habang nagka-kape sa lamesa at nasa newspaper lamang ang kaniyang paningin.

Umikot ang aking mga mata at lumukot ang aking mukha habang dahan-dahan kong kinuha ang aking bag at ang maleta ko.

"Papa, si Ate Akane nag-re-reklamo!" aniya ng aking bunsong kapatid na si Chanjin.

Sinamaan ko siya ng tingin at napatigil lamang ako nang inawat siya ni Papa. Buti nga sa'yo.

"Akane," tawag sa akin ni Papa at kaagad niyang ibinaba ang newspaper na kanina pa niya binabasa.

"Kailangan nating lumipat sa ibang lugar, dahil utos iyon ng boss ko." pagpapaliwanag ni Papa sa akin.

"Papa naman eh. Pang-ilang lipat na natin ito, hindi ko na mabilang. Taon-taon nalang tayong palipat-lipat ng bahay. Taon-taon din akong transferred student." sabi ko kay Papa at kaagad kong isinarado ang zipper ng aking bag.

Ngayong gabi kasi kami ba-byahe ni Papa, papunta sa bagong magiging bahay namin.

"Hay naku, Mikasa... tiisin mo nalang, okay? Ang importante, may trabaho ako at nasusuportahan ko kayo nang mga kapatid mo. Ang hirap kayang maging single-parent. Kung hindi lang siguro namatay nang maaga ang inyong ina... hindi sana tayo maghihirap nang ganito."

Kumirot ang aking puso nang dahil sa mga sinabi ni Papa sa akin. Ipinilig ko nalang ang aking ulo at nakita kong bumaba si Kuya Chanyeol, dala-dala ang kaniyang malaking duffel bag. Tatlo kaming magkakapatid, si Kuya Chanyeol ang panganay, ako ang sumunod at bunsong kapatid namin si Chanjin. Si papa lamang ang kumakayod sa amin, maaga kaming iniwan ni Mama nang dahil lamang sa kaniyang sakit.

Nakita kong may inilahad si Kuya kay Papa. Kumunot naman ang kaniyang noo, nagtataka kung bakit siya binigyan ni Kuya ng pera.

"Chanyeol, para saan ito?" kuno-noong pagtatanong ni Papa sa kaniya.

"Ipon ko po 'yan. Nakahanap po kasi ako ng trabaho habang nag-" hindi naituloy ni Kuya ang kaniyang dapat sabihin dahil biglang sumingit si Papa sa kanilang usapan.

"Ano?! Anong ibig mong iparating? Nag-aaral ka habang nag-ta-trabaho? Anak naman, bakit mo ginawa iyon? Kaya ko naman eh!" pagalit na sabi ni Papa sa kaniya.

"Pero, Papa kaya ko rin naman eh. Nahihirapan rin po ako habang nakikita ko po kayong nagpupuyat nang dahil sa trabaho ninyo na hanggang dito sa bahay ay iniuuwi ninyo. Taon-taon po tayong lumilipat nang tirahan nang dahil sa pinapagawa ng boss ninyo. Gusto ko lang naman pong makatulong. Top student pa rin naman po ako. Magiging Magna Cum Laude pa rin po ako." pagpapaliwanag ni Kuya Chanyeol sa kaniya.

Napabuntong hininga si Papa nang dahil lamang sa mga sinabi ng aking kapatid. Unti-unting tumango si Papa sa kaniya.

"Pasensiya na kayo… huwag kayong mag-alala, kapag na-promote na ako, hindi na natin kailangang lumipat ng tirahan. Bibili ako ng sarili nating bahay." napahinga ako ng maluwag nang dahil lang doon.

Mabuti naman...

Kaagad kong pinasok sa compartment ang aking mga gamit at tumaas ang aking kilay nang itinapon lang ng bunsong kapatid ko, ang kaniyang maliit na bag na sobrang dumi na.

"Chanjin!" pagalit kong sigaw sa kaniya, pero tinawanan lang ako ng aking kapatid.

"Ayusin mo 'to! Kung hindi mo ito aayusin, itatapon ko ito mamaya sa gitna ng kalsada!" inis kong sabi sa kaniya.

"Tabi," napatabi ako nang wala sa oras nang biglang dumating si Kuya at inayos ang pagkakalagay nang mga gamit sa compartment. Inikotan niya ako ng kaniyang mga mata.

"Ikaw 'yung matanda, hindi si Chanjin." mahinahon niyang sabi sa akin.

Napakibit-balikat na lamang ako sa kaniyang mga sinabi.

"Wala akong pake!" magsasalita pa sana siya, pero kaagad akong pumasok sa backseat.

"Papa, si Akane sumasagot na sa'kin." pagsusumbong niya kay Papa.

"Eh, paano ba naman kasi, bakit si unica hija ang pinagsabihan mo kanina? Ikaw naman Chanjin, malaki ka na. Hindi mo na dapat ginagawa 'yun. Mas matanda pa rin sa'yo si Akane, naiintindihan mo ba ako?" ma-awtoridad na sabi ni Papa habang nakatingin lamang sa harapan nang salamin.

Napangiti ako ng mala-sarkastiko nang makita kong halos magkasalubong na ang dalawang kilay ni Chanjin.

"Opo," sabi niya kay Papa, bago siya lumingon sa akin. "Sorry, ATE Mikasa Akane," labas sa ilong niyang sabi sa akin.

No'ng umulan nang libo-libong sperm cells habang ginagawa nila ang bagay na 'yun, bakit dalawang lalaking sperm cell pa ang naka-tadhanang maging kapatid ko? Ang sakit sa ulo!

Mahigit pitong oras rin ang naging byahe namin papunta sa bagong bahay na titirahan namin ngayon. Nang makarating na kami ay pinagmasdan ko muna ang kabuuan ng lugar.

It looks like an old apartment building in the middle of the woods, pero, hindi naman ganoon kalala. Malaki ang building, pero mukhang pinaglumaan na ang kabuuan ng lugar, may limang sasakyan lang ang naka-park sa maliit na parking lot. Pang-anim 'yung sa amin.

Kaagad ipi-nark ni Papa ang sasakyan at lumabas na kami. Tinulungan rin ako ni Papa na magbuhat sa mga gamit dahil buhat-buhat ni Kuya Chanyeol si Chanjin, nakatulog kasi eh.

Pumasok na kami sa loob ng building at sinalubong kaagad kami ng receptionist. Kumunot ang aking noo nang makita kong halos walang tao sa lobby, dalawang receptionist lang ang naka-duty sa harapan.

"Papa, sigurado ba kayong apartment ito? Bakit parang... pinaglumaan na nang panahon?" pabulong kong sabi kay Papa.

"Tumigil ka nga, Akane. Maayos naman  ang lugar ah. Atsaka, sa ngayon, ito lang muna ang kaya kong bayaran. 'Tsaka na tayo lumipat kapag nakapag-ipon na ako nang malaking pera, at isa pa, malapit lang ito sa unibersidad na papasukan ninyo ng Kuya Chanyeol mo." pagpapaliwanag ni Papa sa akin.

Itinikom ko nalang ang aking bibig at nanahimik na lamang ako. Natakot lang naman ako sa kabuuan ng lugar eh. Kaagad kaming binigyan ng susi nang aming magiging tirahan. Sira ang elevator, under maintenance. Kaya nag hagdan na lamang kami.

Hiningal ako nang makarating kami rito sa loob. Inilibot ko ang aking paningin at wala akong ibang makita kong hindi ang isang lampshade sa tabi ng maliit na couch at isang ilaw para sa sofa. May dalawang kwarto, walang veranda dahil hindi 'yun ligtas para kay Chanjin. Nasa 8th floor kami.

Kaming dalawa ni Chanjin ang magtatabi sa iisang kama, habang sa kabilang kwarto naman ay sina Papa at Kuya Chanyeol.

Inilagay ni Papa ang aming mga gamit sa sahig at kaagad na humarap sa amin.

"Chanyeol, bukas, samahan mo ang kapatis mong magpa-enroll sa bagong paaralan." kumunot ang aking noo at kaagad akong umiling sa kaniya.

"Huwag na po! Kaya ko naman eh."

"Anak, Mikasa, hindi mo pa kabisado ang lugar na ito. Chanyeol, samahan mo siya bukas." nakita kong tumango lamang si Kuya Chanyeol sa kaniya.

"Saan po ba 'ko mag-aaral, Papa?" mahinahon kong pagtatanong kay Papa.

"Sa Santander University. Iyon lang kasi ang pinaka-malapit na unibersidad dito sa apartment eh. Maganda naman doon, Akane." pagpapaliwanag ni Papa sa akin.

Napapailing na lamang ako sa aking isipan.

New environment, new friends again. Ang tanong? Magkakaroon kaya ako ng mga bagong kaibigan rito? Mababait rin ba kaya ang mga studyante dito? Hindi ako sanay mamuhay sa maraming tao, mahahabang gusali. Nasanay kasi ako doon sa dati naming tinitirahan na tahimik lamang ang paligid, at ang tanging tunog lamang ng bike ang nagdadala ng ingay, sa tuwing umuuwi ako galing sa skwelahan.

Masasanay rin siguro ako...


TO BE CONTINUED...

A/N: Celebrating my 20th birthday with these precious gems writer! I want to dedicate my prologue to them! ❤️ Check also their amazing stories! @Ziacheaveee @HasXShine Realrstyy @deynn_AB @Anonymousfiller18 @Fr4nkster resabel0810 @skyelestia @honeysareboring
@alohadona  @trixadoww  Athenedaphoenix14 @chel_via

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top