Chapter 9

Chapter 9

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat nang mga nangyayari. Why people acting so strange? Napatingin na lamang ako sa aking wrist watch.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng University. Wala namang nagbago sa lugar, ganoon pa rin ang ayos nito. Lumapit sa akin si Yna at binigyan niya ako nang pagkain. Hanggang ngayon... naninibago pa rin ako sa kaniya. She's not like this. Atsaka, isa pa, hindi ko makita sila Ashley at Fiona!

"Mikasa? Are you a fan of BTS?" nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang tanong. Nilingon ko siya at nakita ko ang kaniyang ngiti na abot hanggang tenga.

My mother was once talked about them. They were once a very famous K-pop group in Korea. Kaya... nagtataka ako kung bakit nagtatanong si Yna tungkol sa kanila. Sobrang tagal na nun.

"No, but my mother's was once an obsessed fan of them." kumunot ang kaniyang noo at kaagad akong sinagot.

"Really?! Oh my god! I didn't expect that! Ang sikat kaya nila, tapos ang ga-ganda pa nang mga music nila. I have plans to go to their concert." umawang ang aking bibig.

Anong ibig niyang sabihin?

"Na-Yna... matagal na silang nag disband, hindi ba?"

"What? No! Mas lalo silang sumikat ngayon! Atsaka, anong mag-di-disband?" natatawa niyang sabi sa akin.

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso at kaagad kong kinuha ang aking cellphone. I checked the calendar...

June 11, 2021

Muntik na akong mahimatay nang makita ko ang petsa at taon. No! No! No, it can't be! Paano sila Papa? Kuya Chanyeol at Chanjin?

"Mikasa? Why are you crying?" nag-aalalang pagtatanong ni Yna sa akin.

Lumingon ako sa kaniya at pinagmasdan ko siyang mabuti.

"Yna... alam kong ikaw si Nancy. Please, stop kidding around, it's not funny. Please... sabihin mo sa'kin, ikaw si Nancy." mas lalong kumunot ang kaniyang noo at kaagad na napatayo.

"I'm sorry, Mikasa... don't worry, I'll be back, okay? Kukuha lang ako nang tissue." kakausapin ko pa sana siya nang bigla siyang umalis sa aking harapan at nagmamadaling pumasok sa loob ng building.

Napasabunot ako nang aking buhok at unti-unting namumuo ang aking mga luha. What is happening?!

Napatigil ako sa aking pag-iyak nang may naglahad sa akin ng panyo. Inangat ko ang aking paningin... I saw Namjoon... standing in front of me. Ang pinagkaibahan lang... he changed his hair color. Mas lalo siyang tumangkad.

"I hate seeing girls, crying. So take this… and wipe your tears." sabi niya sa akin.

Napatitig ako nang ilang segundo sa panyong nakalahad sa akin. Dahan-dahan ko itong kinuha at pinunasan ko ang aking mga luha.

Tumabi siya sa akin, habang nakatingin lamang sa kawalan.

"Namjoon...." banggit ko sa kaniyang pangalan.

"Why are you calling me with other name? I already told you... My name is NJ Santander, short for Nathan Jeon." pagpapakilala niya sa akin.

"Am I really in the past?" hindi ko alam kung bakit ko iyon nabanggit sa kaniya, na kahit ako ay hindi naniniwala sa mga ganyan.

"Don't say that. This is the present, Ms." sagot niya sa akin pabalik.

Bakit hindi nila alam 'yun? I don't believe that the present can travel back to her past. I even don't believe in reincarnation and everything. But why the heck am I here?! In Year 2021? Really? This is supposedly, year 2090! Kung ganoon? Kung totoo man... paano ako makakabalik sa future? Paano?

Hindi ko mapigilan ang hindi mapaluhang muli...

Bumalik si Yna na may dalang tubig at tissue.

"NJ... I'm so sorry for your lost. Alam kong hindi madali para sa'yo ang kalimutan si Mikaella... she's your girlfriend." palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nagtataka.

NJ shook his head, before he answered Yna.

"It's almost one month since she left. I... slowly, gradually... forgetting the painful memories. Don't worry, I'm fine. I just need time to adjust from everything that happens."

Who is Mikaella?

Tango lamang ang iginanti ni Yna sa kaniya, bago siya nagpaalam sa amin na babalik na nang building nila. Napatigil ako at napaisip nang wala sa oras. Tumabi ulit sa akin si Yna at kaagad na ibinigay sa akin ang bottled water at tissue.

"Yna? Who is Mikaella?"

"Mikaella Akane... she's the one and only girlfriend of Nathan Jeon Santander." umawang ang aking bibig sa kaniyang mga sinabi...

"Nasaan siya?"

"You didn't know? She died last month. She's sick and her doctor can't do anything about her pain, anymore. Today... is her death monthsarry." nanlaki ang aking mga mata.

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako nang pagkirot sa aking damdamin. You didn't know her, Mikasa! Dapat hindi ka naaapektuhan!

I want to know everything... kahit na anong pilit kong makaalala? Wala akong maalala! Hindi ko na maalala kung ano ang mga nangyari kahapon! Even in my memories from the present! Yes, I know that I have a father, a two brothers... pero... hindi ko matandaan ang mga alaala namin bilang isang pamilya!

Why am I even here? Bakit ako nandito sa nakaraan?

Tapos na ang klase at hindi ako umuwi sa apartment namin. Hindi ko kilala ang mga nakatira doon... si Papa lamang at ang dalawa kong kapatid ang tinuturing kong pamilya.

Bumagal ang aking paglakad nang biglang bumuhos ang matinding ulan. It's already seven pm in the evening. Naglalakad ako sa gilid ng kalsada.

Wala na akong pakialam kung mabasa man ako nang ulan ngayon... nasasaktan ako sa mga nangyayari. What did I do to deserve all of this?! Napatingala ako at napatingin sa kalangitan nang bigla itong umilaw at kumulog nang napakalakas.

I saw a car... I moved one more step.

Dahan-dahan akong pumagitna habang nararamdaman ko ang sasakyan na pabilis nang pabilis ang pagtakbo nito. Bumusena siya pero hindi ako nakikinig. This is the only way to get back to the present...

Nagulat ako nang may biglang humablot sa aking braso at kaming dalawa ay napahiga sa gilid ng kalsada. Tumigil ang sasakyan at lumabas ang driver.

"Hoy! Nababaliw ka na ba?! Kung gusto mong magpakamatay?! Huwag mo 'kong idamay! Baliw!" galit na galit na sigaw nito sa akin habang patuloy pa rin na bumubuhos ang ulan mula sa kalangitan.

Iniwan kami nang sasakyan at napatingin ako sa lalaking pumigil sa akin.

Umawang ang aking bibig at bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko si NJ! Nakita kong may sugat siya sa kaliwang braso. Tinulungan ko siya at tinignan niya ako nang masama.

"Are you crazy, huh?! Why did you do that?" ngayon ko lang siya nakitang ganito ka-galit.

No... he's not Namjoon Santander.

Hindi ako nakasagot sa kaniyang mga sinabi sa akin. Napayuko lamang ako. I saw the rain drop falling into his face like a waterfalls.

"Don't end your life just because of your problems! Paano 'yung mga taong nagmamahal sa'yo? You didn't even think of them!" napakagat ako sa aking labi habang dahan-dahan kong nararamdaman ang lamig mula sa hangin at ulan.

"Get in the car. I'll drive you home." malamig niyang sabi sa akin.

Naninibago ako sa kaniya.... I know that he's not Namjoon... but his physical appearance were screaming...

Magkaibang-magkaiba sila sa pag-uugali, Namjoon is cold and un-bothered, hindi namamansin at parang walang pakialam sa mundo.

But... Nathan Jeon is different to him. He looks worried and concern to me, even though, hindi niya pa ako masyadong kilala. Magkasalubong ang magkabila niyang kilay nang tumingin sa akin.

Why are you like this? Marami akong iniisip, kung bakit at paano ako napunta rito! Kailangan kong gumawa nang paraan para makabalik sa buhay na mayroon ako. This is not my life!

Hindi ko man lang napansin ang kaniyang sasakyan na naka-park sa gilid. Pumasok ako sa loob at kaagad niya akong binigyan nang face towel.

His forehead furrowed while his attention was  still in the road.

"What is your address?" pagtatanong niya sa akin.

Sinabi ko sa kaniya ang address ng building. Hindi ko alam kung doon ba siya nakatira... o hindi...

Mabilis kaming nakarating sa building at pinagbuksan niya ako nang pintuan kahit basang-basa pa rin ang kaniyang uniform.

May inabot siya sa aking isang jacket. Isinuot ko ito at hinarap ko siya. His eyes were full of sorrowful emotions... bakit naman?

"Please... don't do that again..." ipinagdasal ko na sana ganito nalang si Namjoon... kapag nagkaroon ako nang pagkakataon na makabalik sa future...

I just want to go back to my present... this is not my life. This is not the life that I want!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top