Chapter 8

Chapter 8

Nagising ako dahil sa tunog ng aking alarm clock. Napabangon ako nang wala sa oras. I checked the time and it was already six thirty in the morning.

Pagod akong pumunta nang banyo at naghilamos ng mukha. Kukuhanin ko na sana ang aking face towel nang magulat ako na wala iyon doon. Kumunot ang aking noo at nagtaka. Tuwing gabi, nilalagay ko 'yun dito dahil alam kong gagamitin ko sa umaga!

Paniguradong ginamit na naman iyon ni Chanjin!

"Chanjin!" inis ko siyang tinawag at kaagad akong lumabas nang kwarto. Paglabas ko ay umawang ang aking bibig at nalaglag ang aking panga nang makakita ako nang ibang tao.

Napahinto rin sila sa kanilang ginagawa at napatingin sa akin.

"Mikasa... mabuti naman at gising ka na. Halika na't kumain, hija." pag-aaya niya sa akin.

"Halika ka na, Mikasa. Huwag mo nang paghintayin ang grasya." napalunok akong muli.

What the heck was happening?! Sino ang mga ito?! At nasaan ang pamilya ko!

"Si-sino po kayo? Anong ginagawa niyo sa bahay namin?" naguguluhan kong pagtatanong sa kanila.

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang biglang lumapit sa akin ang babae at inaya niya akong umupo sa hapag-kainan.

"Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?! Kumain ka na para hindi ka mahuli sa pasok mo. May exam kayo ngayon! Tumawag ako sa teacher ninyo." sabi niya sa akin, habang nilalagyan ng pagkain ang aking pinggan.

Wait.... naiiyak ako! Nasaan sila Papa at Kuya Chanyeol?! Si Chanjin? Don't tell me... pina-ampon na nila ako!

"Kailangan ko pong malaman kung nasaan sila Papa at Kuya Chanyeol!" nabulunan silang dalawa nang sabihin ko iyon sa kanilang harapan.

Natatawang lumingon sa akin ang matandang lalake. Ka-edad lang ni Papa.

"Ano ba ang pinagsasasabi mo, hija? Nananaginip ka pa siguro no?"

"Mikasa! Tumigil ka na nga diyan. Kumain ka na at baka ma-late ka pa sa school ninyo."

Hindi nalang ulit ako nagsalita at kumain nalang. Hindi pa rin ako mapakali eh! Ano ba talaga ang nangyari? Bakit hindi ko matandaan ang mga nangyari kahapon?! Atsaka, sino ang mga ito? Hindi ko sila kilala!

Pagkatapos kong kumain ay kaagad akong umalis ng apartment. Umawang ang aking bibig nang makita ko ang kabuuan ng building. Nasa tamang lugar ba talaga ako? As far as I can remember! This is not the picture of the building! Luma na ang building na tinitirahan namin ni Papa ngayon! Anong nangyari? It looks so expensive! Ang mga tao ay pabalik-balik lamang sa paglabas at pagpasok sa building.

Nananaginip ba talaga ako? No! Dreams are not real, Mikasa!

Sumakay ako nang bus papuntang school at pagkarating ko doon ay parang normal lang naman. Pagkapasok ko sa loob ng classroom ay hindi ko pa naabutan sila Fiona at Ashley. Ang nandoon lamang ay si Nancy, but... what the heck?! She looks so pretty! Walang halong make-up! Simpleng babae! What happened to her?!

Kaagad akong lumapit sa kaniya at kinausap. Nabigla siya sa aking ginawa.

"Nancy? Is that you? Oh my god, I like your hair!" hindi ko makapaniwalang sabi sa kaniya.

Nagsitinginan ang aking mga ka-klase... bakit parang gulat na gulat sila nang makita ako? Mahigit isang buwan na kaya kaming magkasama dito.

"Thanks... but... do I know you?" kumunot ang aking noo.

"Of course! Mikasa..." sabi ko sa kaniya nang hindi na siya muling nakapagsalita nang biglang dumating ang magiging subject teacher namin. Hindi ko rin siya kilala. Maybe, she's new here in Santander University.

"Okay, class. Listen. We have new student, your new classmate, Ms. Mikasa Akane Tushima." umawang ang aking bibig sa kaniyang mga sinabi.

"Nice to meet you, Ms. Tushima. My name is Yna, not Nancy." ano ba talaga ang nangyayari?!

Hindi na lamang ako kumibo at baka maisipan pa nila na nababaliw na ako dito. Buong klase ako hindi mapakali, habang si Nancy ay panay pa rin ang pakikipag-kwentuhan sa akin. She's not like this! Tinanong ko siya kung bakit siya madaldal, ang sabi niya lang sa akin ay wala raw siyang masyadong kaibigan sa school.

Nagulat ako dahil cheerleader siya! May mga kaibigan siya! May iba nga diyan na gustong sumali sa grupo nila eh. Nakakapagtaka talaga nang sobra.

"Gusto mo? Sabay tayong mag-lunch?" pag-aaya niya sa akin.

"Nancy... are you really okay? You're not like this. I mean, you're a cheerleader. Atsaka, nasaan sila Fiona at Ashley? Bakit hindi mo sila kasama?" pagtatanong ko sa kaniya. Matagal siyang nakasagot sa akin at nakatitig lamang siya sa akin.

"Mikasa?" napabaling ako sa kaniya.

"Did you already see colors?" kumunot ang aking noo.

Umawang ang aking bibig at nalaglag ang aking panga. Oh my god! Ngayon ko lang napansin... am I color blind?! Why I can't see colors?!

"Na-Nancy? What is happening to me?! Why I can't see colors?!" kinakabahan kong pagtatanong sa kaniya.

Abala ang iba naming mga ka-klase sa pakikinig sa guro namin ngayon.

"You will only able to see colors, once you found your true love. Your soulmate." nanlaki ang aking mga mata at hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha. Kaagad ko itong pinunasan.

"What?" hindi ko makapaniwalang sabi sa kaniya.

"Mikasa... aren't you aware of the time? I lost my different sight of colors when I was thirteen years old. They say that... you will only be able to see colors again, when you meet the one. When you meet the person, you want to spend your life with."

Pumikit ako at kinalma ko ang aking sarili. This is bullshit! Bakit naman ako maniniwala sa mga ganoon?! Wala akong ibang nakikita ngayon kung hindi ang paligid na walang kulay. It's like a black color with vintage combined.

"Paano kung... hindi siya dumating?" hindi ko mapigilan ang hindi mapatanong sa kaniya tungkol sa bagay na iyon.

"You will be able to see colors once you will turned twenty. Pero kung... dumating man 'yung panahon na makakita ka na? Without your soulmate? That's the hardest part for us. I can now see colors when I met the love of my life. Trust yourself. Don't worry about it." pagpapaliwanag sa akin ni Nancy, no! Yna. Yna is her name.

Lumabas kami nang classroom ni Yna na kamukha ni Nancy. Natatakot ako... natatakot ako sa lahat nang mga sinabi sa akin ni Yna, kanina. Paano kung tuluyan na akong hindi makakakita ng anyo? To see the beauty of the world?

Dumiretso muna kami sa aming locker nang marinig ko ang pagkalabog ng aking puso at ang unti-unting pagwala nang itim sa aking paningin. Unti-unting nagkakaroon ng kulay ang aking paligid nang bigla kong makita ang isang lalakeng... hindi ko inaasahan na makikita ko pa.

"Namjoon?" bulong ko sa aking sarili.

Kaagad akong bumitaw kay Yna at tumakbo ako papunta sa direksyon ni Namjoon.

Parang bumagal ang pag-ikot ng mundo at kaagad kong hinablot ang kaliwang braso niya. Nagulat siya nang makita ako. Nanlaki ang kaniyang mga mata at nalaglag ang kaniyang panga.

Pumikit akong muli para siguraduhin na hindi ako nananaginip! He-he's my soulmate?! Inilibot ko ang aking paningin at nakakakita na ako ng anyo! I can now see colors!

"Namjoon?" naiiyak kong banggit sa kaniyang pangalan.




"Excuse me, Ms.... I'm not... Namjoon. My name's NJ... NJ Santander." pagpapakilala niya sa akin, bago siya umalis sa aking harapan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top