Chapter 7

Chapter 7


Na-bo-bother ako sa tuwing naaalala ko 'yung mga sinabi sa akin ni Dashmon. The way he looked at me and almost begged. Ipinilig ko nalang ang aking ulo at dumiretso sa aking lockers room.

Napatigil ako sa aking paglalakad nang makita ko ang babaeng kasama ni  Namjoon noong nakaraang araw. Pinagmasdan ko siyang mabuti.

She's beautiful, tall and... a cheerleader girl. Mahaba ang buhok, maganda ang katawan. She's busy putting all her things from her locker when someone came and called her.

"Captain Gianna! Hinahanap ka na ni Coach." napatingin ako sa babaeng tumawag sa kaniya.

Kaagad kong binuksan ang aking locker at nagpanggap ako na may ginagawa ako. Napalingon akong muli sa kaniya at lumingon rin siya sa akin.

Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti sa akin. I smiled to her back. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso. Akala ko talaga tataasan niya ako nang kaniyang kilay!

Well, that scene will mostly happen only in the stories and fantasies about love. This is reality, though.

Bagsak kong isinarado ang aking locker at kaagad na umakyat sa second floor. Nagulat ako nang makita kong umiiyak si Nancy and the two dumplings were comforting here.

"What happened?" kaagad akong lumapit sa kanila at tinanong kaagad kung ano ang nangyari at bakit umiiyak si Nancy.

"Well, dumating lang naman si Dashmon Santander dito at may hinahanap siyang babae." umabot hanggang tenga ang kaba at galit na naramdaman ko nang marinig ko iyon mula kay Ashley.

"Talaga?" umawang ang aking bibig at napapikit ako nang wala sa oras.

"Whoever that girl is! Humanda siya sa'kin! Siya ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa'kin si Dashmon! He's my boyfriend!" sigaw niyang sabi at inawat kaagad siya ni Fiona.

"Stop it, ex-boyfriend mo na."

"Shut up!"

I gritted my teeth at walk out from the class. Wala pa ang subject teacher namin, kaya may chance pa akong puntahan ang lalaking iyon!

He's a first year college at pumunta talaga ako sa department nila. Pinagtitinginan nila ako dahil bago ako sa paningin nila, pero hindi ko nalang iyon pinansin at kaagad akong pumasok sa classroom nila.

Naabutan ko siyang tumutugtog ng gitara with his friends!

Nagulat sila nang makita nila ako. But Dashmon didn't.

"Can we talk?" seryoso kong pagtatanong sa kaniya.

He smirk at me with his devil dragon eyes. Inilapag niya ang gitarang tinutugtog niya kanina at sinubukan pa niyang hawakan ang aking kaliwang kamay, pero hindi ako nagpatinag sa kaniya.

Sumunod siya sa akin at muntik ko na siyang kwelyuhan nang dahil lamang sa pinaiyak niya si Nancy. The hell I care about Nancy, ayoko lang talaga na malaman nila na ako 'yung babaeng pinupuntahan ni Dashmon! Paniguradong masisira ang buhay ko nang dahil lamang dito!

"What is it?"

"Bakit ka pumunta sa classroom namin? Paano kung malaman ni Nancy na nag-uusap tayong dalawa?! We're not close, Dashmon! Ayokong masira ang buhay ko nang dahil lamang sa may koneksyon ako sa'yo. Pumayag na nga ako sa gusto mong mangyari, hindi ba?" hindi ko mapigilan ang hindi mainis sa kaniya.

He brushed his hair and leaned on the wall.

"Are you afraid of Nancy?" pagtatanong niya sa akin.

Hindi ako nakasagot sa kaniya. He gave me a fake smile before he smirk at me.

"Don't be a coward. Kung malaman man niya, edi malaman niya. There's nothing wrong with that. If she'll do something bad in you? Call my name," seryoso niyang sabi sa akin.

Napabuntong hininga ako bago ako bumalik sa classroom namin. Hindi ko na lamang pinaki-alaman sila Nancy dahil baka mas lalo silang magtaka.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso kaagad ako sa Milk Tea Shop at doon tumambay. I ordered Red Velvet, I don't know why but I really love this flavor of Milk Tea.

Nakita kong pumasok si Namjoon at dumiretso sa loob. He didn't even look at me and that's fine. Malilimutan ko rin siya. Gradually, slowly.

Dumating kaagad ang in-order kong Tea at napatingin ako sa aking cellphone. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong hiring ang shop na ito nang staff. Tinignan ko ang mga requirements.

I am qualified for this job! Part time job lang naman eh, hindi ako mag-ta-trabaho dito dahil kay Namjoon. Mag-ta-trabaho ako rito dahil kailangan kong tulungan sila Papa sa gastosin. Kahit na ako nalang ang mag-provide ng weekly allowance ko. Napangiti ako at kaagad kong nilista ang mga requirements.

Pagkauwi ko sa bahay ay nakita ko si Papa na nakasandal sa upuan, pero nakatalikod siya sa akin. May hawak si Papa na isang passbook. Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga, bago kinausap si Kuya Chanyeol.

"Anak, Chanyeol." hindi muna ako tuluyang pumasok at nakinig muna ako sa pag-uusapan nilang dalawa.

I know that eavesdropping is bad but I want to know everything.

"Po?"

"Kamusta naman ang pag-aaral ninyong dalawa ni Mikasa?" pagtatanong ni Papa kay Kuya.

"It's fine, Papa. About Mikasa? I don't know, hindi ko pa kasi nakikita ang card niya eh. But she's doing here best to maintain her grades." lumambot ang aking puso nang dahil lamang sa mga sinabi ni Kuya Chanyeol tungkol sa akin.

Kahit na makulit si Kuya at palagi akong inaaway, he's a caring man. Ma-swerte ang babaeng mamahalin niya.

"Mabuti naman kung ganoon. Sa susunod na taon, papasok na si Chanjin sa school."

"Papa, just tell me your problem. Pwede naman kitang tulungan eh. I have a scholarship and I will find a part time job, so that I can help you." tama nga siguro 'yung ginawa ko.

Mag-ta-trabaho ako sa "Sip a Tea". Kaya mo ito, Mikasa!

Habang abala ako sa subject namin para sa Chemistry ay nagulat ako nang may nagbato nang papel sa akin mula sa likuran. Nasa laboratory kasi kami ngayon. We have a lesson and we need to use the equipments.

Napalingon ako sa aking likuran. Nakita ko si Chen na nakangiti habang itinuturo ang papel na nakalukot mula sa sahig. Kaagad ko itong kinuha at bumalik ako sa aking upuan. Abala sila sa kanilang mga ginagawa, kaya hindi nila nahalata.

Binasa ko ang mensaheng ipinadala niya sa akin.

'Can I date you? You look so pretty.'

Napalunok ako nang mabasa ko ant mensaheng iyon. No! It's not my priority!

Itinapon ko nalang itong muli nang bigla itong tumama kay Ms. Alcazar! Oh my god! Hindi ko napansin na nandito na pala siya sa aking likuran.

Nagsitawanan sila habang ako ay abot hanggang langit na ang kabang aking nararamdaman ngayon. Tinignan ako nang masama ni Ms. Alcazar, bago niya pinulot ang papel na itinapon ko.


"Ma'am, what's the message?" pagtatanong ng isang ka-klase namin.

"Can I date you? You look so pretty."

Nagsihiyawan sila nang marinig nila iyon mula kay Ms. Alcazar. Napatakip na lamang at napahilamos ng aking mukha.

"Ms. Tushima?! Who is he? Panigurado, ka-klase natin siya!" sabi ni Nancy sa aming harapan at napapailing na lamang ako sa kanila.

Nang lumingon ako ulit kay Chen ay ganoon pa rin ang kaniyang ekspresyon na ibinibigay sa akin.

"Next time, Ms. Tushima, focus on my class, okay? You can have your chit-chat with someone, after my lesson." sabi ni Ms. Alcazar sa akin, bago bumalik sa harapan.

Napasabunot na lamang ako nang aking buhok. Sana hindi ko nalang pinulot!

Pagkatapos ng klase ay hinintay ko muna silang lahat na umalis, bago ako dahan-dahan na tumayo at hinubad ang lab coat. Pumunta muna ako sa comfort room na nasa loob lamang ng lab. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong... what the heck?! It's my menstruation day!

Napakagat na lamang ako ng aking labi. Paano ako lalabas nito?! Nakakahiya! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!

"Mikasa... are you done?" mas lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso nang marinig ko ang boses ni Namjoon mula sa labas nang comfort room.

"Hi-hindi pa eh. Huwag ka nalang maghintay. Masakit lang talaga ang tiyan ko. Sa iba ka nalang gumamit, ha?" sabi ko sa kaniya.


Wala akong dalang pads! Naiiyak na ako! Kung lalabas naman ako, paniguradong pagtitinginan nila ako! Mas lalong nakakahiya 'yun, hindi ba?

Lumabas ako nang bathroom at umawang ang aking bibig nang makita ko sa isang maliit na desk sa dulo... isang mamahaling jacket. Nakita ko ang note na nakalagay sa ibabaw nito.

'You can use my jacket to cover up your back. Return it to me, tomorrow' - Namjoon

Ano ba naman 'yan! Nag-mo-move on na nga ako eh! I don't have a choice but to wear it. Nang makarating ako sa locker ko ay kaagad ako nagpalit nang gamit. Inamoy ko ang kaniyang jacket. In fairness, mabango...

Sorry, hindi ko lang talaga mapigilan ang hindi kiligin!

Pauwi na ako at papuntang waiting area para maghintay nang bus. It's already 5:58 in the aftenoon. Dalawang minuto na lang para mag-six o'clock. Malakas ang ulan, hindi ko ito inaasahan na uulan nang napakalakas ngayon.

Tumawid muna ako sa kabila, para doon maghintay nang bigla akong nadulas sa gitna nang kalsada! Nabitawan ko ang dala-dala kong payong at napakagat ako sa aking labi nang maramdaman ko ang sakit ng aking likod at siko nang dahil sa pagsangga ko sa aking sarili.

Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko ang bilis na pagtakbo ng isang sasakyan.

Umilaw ito nang napakalakas at napasigaw ako nang dahil sa takot!

Pakiusap.... huwag... hindi pa ako handa...


TO BE CONTINUED...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top