Chapter 5
Chapter 5
Itinago ko kay Papa ang tungkol sa uniform na binili ni Dashmon para sa akin. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga ginawa niya. Alam ko rin naman na may ginawa siyang kasalanan dahil dinamay niya ako sa mga problema niya sa buhay, pero, hindi naman niya kailangang gumastos ng malaki.
Ano ba'ng paki ko?! Napabuntong hininga na lamang ako at maaga akong natulog dahil may activity kaming gagawin bukas. May volleyball na magaganap bukas para sa physical activity namin, at kailangan kong sumali doon.
Hindi pa naman ako mahilig sa sports!
Sinuot ko 'yung bagong uniform at napatingin ako sa salamin namin. Nalaglag ang aking panga nang makita ko ang kagandahan nito. Ang ganda nga!
"Anak, iyan ba iyong binili kong uniporme para sa'yo? Anong ginamit mo diyan? Ang puti ah." hindi makapaniwalang sabi ni Papa sa akin.
Ngumiti na lamang ako sa kaniya at kaagad na nagpaalam na papasok na ako sa school. As much as I want to have a bike, ay hindi ko nalang hiniling kay Papa. Medyo malayo kasi ang school at nakakapagod kayang mag bike!
Hindi ako sumabay kay Kuya Chanyeol dahil mamayang hapon pa ang pasok niya. College life nga naman, paiba-iba ang schedule. Habang naghihintay ako ng sasakyan sa may waiting area ay nagulat ako nang biglang tumabi sa akin si Namjoon!
Nakasabit sa isang balikat niya ang kulay itim niyang bag. Ang neat pa niyang tignan nang dahil lamang sa kaniyang school uniform with his school slacks. Ang kintab pa ng black tic-tac shoes niya!
Umawang ang aking bibig habang pinagmamasdan ko siyang nakatingala sa kagandahan ng kalangitan, habang may lollipop sa kanyang bibig. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti.
Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang tulad niya? He's not just a handsome man, matalino rin siya sa kahit anong subject.
Napatigil lamang ako sa pagtitig sa kaniya nang makita namin ang bus na huminto sa aming harapan. Kaagad kaming nakarating sa school at hinintay ko muna na umalis siya, bago ako tuluyang pumasok sa loob ng aming classroom. Baka kasi pag-chismisan kaming dalawa eh. Hindi naman sa assuming ako, pero, ayaw ko lang talaga ng issue.
Handa na ang lahat para sa game namin. Nagliligpit pa lamang ako ng aking mga gamit ay nakita ko na sila Nancy, Ashley at Fiona na abala sa paglalagay ng light make up sa kanilang mga mukha. Inayos ko nalang muna ang pagkakatali ng aking buhok.
"Everyone, let's to the field." utos sa amin ni Mrs. Mondejar at kaagad kaming lumabas nang aming classroom.
Tinignan ako nang may pagtataka ni Ashley.
"You didn't put any make up?!" hindi makapaniwala niyang pagtatanong sa akin.
"Hindi, bakit?" nagtataka kong pagtatanong sa kaniya pabalik.
"Mikasa, there are a lot of handsome boys in the field! You don't want to look attractive?!" gusto kong matawa nang dahil lamang sa kaniyang mga sinabi.
"I am beautiful even without make up." nalaglag ang kanilang mga panga sa aking sinabi at may ngiti ako sa aking mga labi, bago ako tuluyang dumiretso sa field.
Pagkarating namin doon ay hindi nga nagkamali si Ashley. There are a lot of boys in the field! Nag-pa-practice, ang iba naman ay naglalaro ng basketball court, malapit lamang sa field na paglalaruan namin. Santander University has a huge field! Iyon lamang ang aking masasabi.
"Okay! Team Blue and Team Red, are you ready?!" sabi ng coach namin.
Magkaiba ang coach at ang physical education teacher namin. Mayaman ang SU, kaya nilang mag-provide ng professional coach. Team Red kami, kasama ko sa team sina Nancy, Ashley at Fiona.
Kaagad na nagsimula ang laro at habang tumatagal ay nararamdaman ko ang tensyon sa pagitan namin at ng Team Blue. Sa tuwing tumitingin ako sa direksyon ni Nancy ay naiirita siya kapag hindi kami nakakakuha ng puntos. She's not the leader here, we're all have the same position. Sinadya ni coach na walang leader, dahil laro lang naman ito for our performance task.
Girls muna ang naglaro sa field at hindi ako makapag-concentrate dahil nakatingin si Namjoon sa aming direksyon! Muntik na akong mawalan nang balanse nang matamaan ang mukha ko ng bola!
Umikot ang mundo ko at napatumba ako sa damohan. Napamura ako nang dahil lamang sa inis at pagkairita na aking nararamdaman ngayon. Lumapit sa akin si Nancy.
"Mikasa?! What the hell are you doing?! Ayusin mo nga 'yang galaw mo! Matatalo tayo nito nang dahil sa'yo eh." pagalit niyang sabi sa akin.
"Oh my gosh! Are you okay, Mikasa?" kunwaring nag-aalalang pagtatanong ni Fiona sa akin.
Itinago ko na lamang ang aking inis na nararamdaman sa kanila at umalis muna ako sa laro namin dahil kukuha muna ako ng tissue sa girls room, malapit lang naman dito sa field.
Pumasok muna ako doon at kumuha ng tissue. Dumugo kasi ang ilong ko eh. Sumakit ang ulo ko nang dahil lamang sa mga nangyari. Kasalanan ko 'to eh. Kung hindi lang sana ako nakipag-kaibigan kay Nancy... hindi sana ako nangangamba ng ganito.
Kumunot ang aking noo nang marinig ko ang boses ng isang babae. Boses na galit pero mararamdaman mo na may halong sakit. Nagtago muna ako sa gilid ng pader at biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko si Namjoon, kasama ang isang matangkad na babae, pero maganda... sobrang ganda!
"What? Are you going to break up with me?! You didn't answer my calls!" pagalit nitong sabi.
Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Namjoon, bago niya sinagot ang babae.
"I didn't say that. Nakatulog ako. Hindi ko napansin na tumawag ka pala. And you're aware that you are in a secret relationship with me, right?" napatigil ako nang sabihin iyon ni Namjoon sa babae.
Nakita ko ang biglaang pag-iba ng ekspresyon ng babae. Nakita kong bigla itong lumambot at kaagad na niyakap si Namjoon. Napakagat ko ang aking pang-ibabang labi habang pinagmamasdan ko silang dalawa...
"I'm sorry. I am just too scared ..."
"Scared of what?" malambing na pagtatanong ni Namjoon sa kaniya pabalik.
"That you'll fall out of love." nakita kong hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng babae.
"That will never happen. Stop over thinking. You're the only girl that I loved."
Hindi ko maintindihan kung bakit nanghihina ako. Nahihiya ako sa sarili ko, sa mga pagpapansin ko sa kaniya. When he's already in a relationship. Kaya pala... hindi niya ako pinapansin, kaya pala... hindi man lang niya magawang tumingin o lumingon man lang sa akin, dahil alam niya na masasaktan ang girlfriend niya kapag ginawa niya iyon.
Tumulo ang aking mga luha at hinintay ko munang umalis sila sa labas. Napasandal ako sa pader at napag-desisyunan nang hindi ko na itutuloy ang laro.
Dumiretso na lamang ako sa lockers room at kinuha ang aking uniform para makapagpalit ako ng damit.
Napabuntong hininga ako at pinilit ko nalang ang aking sarili na alisin sa aking isipan ang lahat nang mga nakita ko kanina.
Pabalik na ako nang classroom nang mapahinto ako nang makita ko si Dashmon sa labas ng lockers room, nakasandal sa locker room ko mismo!
Umasim ang aking ekspresyon at kaagad akong lumapit sa kaniya.
"Anong ginagawa mo dito? Baka may makakita pa sa'yo, umalis ka na!" pagtataboy ko sa kaniya, pero ganoon pa rin ang ekspresyon niya... blangko.
Inis kong binuksan ang aking locker at kinuha doon ang mga librong gagamitin ko para sa susunod na subjects. Magkasalubong pa rin ang dalawa kong kilay. Ano ba ang kailangan ni Dashmon sa akin, paano nalang kung makita kaming dalawa ni Nancy? Masisira ang buong taon ko nang dahil lamang sa kaniya!
"Dashmon!" pagtataboy ko sa kaniya ulit.
"Meet me at the cafe, seven pm." iyon lamang ang sinabi niya, 'tsaka siya tumalikod sa akin.
"Sandali! Paano kung ayoko?" huminto siya sa kaniyang paglalakad, at lumingon sa akin.
"You have to be there, Mikasa." he smirked at me, before he continued walking.
Napasandal na lamang ako sa locker ko. Kailan ba ako tatantanan ng lalaking 'yun?! Heart broken na nga ako kay Namjoon, tapos dadagdag pa siya sa problema ko!
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top