Chapter 4
Chapter 4
Weeks has passed at ganoon pa rin ang nangyayari. Ganoon pa rin ang treatment sa akin ni Namjoon, minsan, kinakausap niya ako, minsan naman parang hanging lang.
Ewan ko ba, hindi ko siya maintindihan. Sumasama rin ako pa-minsan-minsan, nila Fiona, Ashley at Nancy. May club silang sinalihan at inaya nila ako, pero tumanggi ako dahil iba ang gusto ko.
Sumali ako sa Creative Writing Club, since mahilig akong magsulat at magbasa ng mga books. Kahit na hate ko 'yung school at mga studyante, may parte pa rin sa kalooban ko na masay ako, at least may library.
Ang grupo ni Nancy ay sumali sila sa Dance Club, since Nancy and her friends were both a member of cheerleaders team. Atsaka, napipilitan lang naman talaga akong makisama sa kanila. Hindi ako mayaman, at natatakot ako na baka isang araw… malaman nila 'yun at mapapahiya ako. Dito nag-aaral ang kapatid ko, ayokong pati siya ay madamay nang dahil lamang sa katangahan ko. When in fact, our father really did his best to provide for us.
Napatigil ako sa aking pagmuni-muni nang tinawag ako ng librarian.
"Miss Mikasa, paki-arrange nga ang mga books na ito. Ilagay mo sa History section." utos sa akin ng librarian at kaagad ko itong sinunod. Napalunok ako nang makita ko kung gaano ito ka-rami. Ang iba naman ay malalaki at mukhang mabibigat pa.
You can do this, Mikasa Akane! Nag-volunteer kasi ako na maging Assistant sa librarian kaya, panindigan mo 'to, Mikasa! Bumuntong hininga muna ako, bago ko dahan-dahan na kinuha ang mga libro. Nang nasa History section na ako ay muntik ko nang mabitawan ang mga dala kong libro dahil bumibigay na ang magkabilang braso ko!
Sisigaw na sana ako nang may biglang sumalo nito. Wala akong ibang naririnig ngayon kung hindi ang pagtibok ng aking puso. Kinabahan ako nang sobra! Nanlaki ang aking mga mata at nakita ko si Dashmon!
With his new attire, black leather jacket? And a silver necklace, may hikaw pa sa kabilang tenga! Wait... color black na rin ang buhok niya ngayon. The last time I saw him, that was colored in brown, naka-uniform. Parang ibang Dashmon ata nakikita ko ngayon.
"Ang payat mo naman kasi eh. Kumain ka nga nang marami," sabi niya sa akin at kaagad ko siyang sinagot.
"Bakit? Kasalanan ko bang mabigat ang mga librong iyan?!" sinubukan kong kunin ang librong hawak-hawak na niya ngayon, ngunit kaagad niya itong itinaas. Matangkad siya kaya hindi ko talaga makukuha.
"Ano ba!" mahina kong sabi sa kaniya.
Nakatingin lamang siya sa akin at siya na ang naglagay nang mga ito sa History section.
"What are you doing here in Library? Tuwing dumadaan ako dito, palagi kitang nakikita. I thought, you're with Nancy and her cheap group?" pagtatanong niya sa akin.
Ano kaya ang magiging reaksyon niya kung sasabihin ko sa kaniyang gusto pa siya ni Nancy? Pero, bahala na. Ayoko nang makialam dun. Iba magalit si Nancy, talagang masisira ang buong buhay mo kapag ginawa mo 'yun.
"Assistant ako ni Ms. Librarian. Atsaka, wala rin naman akong ginagawa eh, kaya nag-volunteer nalang ako." hindi kaagad siya nakasagot sa akin. Pansin kong dala-dala pa rin niya ang kaniyang gitara sa kabilang side ng kaniyang balikat.
"Bakit palage mong dala ang gitara? Trip mo lang ba talaga iyang dalhin?" chismosa na ako, oo, pero gusto ko lang naman talagang malaman kung bakit.
Hinarap niya ako at inilagay niya muna sa magkabilang bulsa, ang kaniyang mga kamay.
"It's not just a trip, Ms. Tushima. I'm a member of a band." nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang mga sinabi.
Umawang ang aking bibig at hindi na lamang ako nagsalita pang muli. Teka, paano niya nalaman ang pangalan ko?
"Sandali... saan mo nalaman ang pangalan ko?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Nakalagay lahat nang pagmumukha ninyo sa labas ng classroom ninyo. I saw your face and your name."
Muntik ko nang makalimutan 'yun, oo, noong nakaraang linggo kasi, inutusan kaming kumuha nang aming mga litrato at ilagay sa labas nang classroom to represent our section. Ginagawa daw iyon ng school, every school year.
May kinuha siyang isang libro at binasa niya ito.
"Mahilig ka pala sa libro? Parehas pala kayo ni Namjoon." sabi ko sa kaniya.
Nang hindi ko siya narinig na nagsalita ay kaagad ko siyang nilingon.
"May nasabi ba akong hindi maganda?"
"Nagtanong ka pa talaga," umikot ang mga mata niya sa akin at kaagad akong humingi nang paumanhin sa kaniya.
"Bakit naman kayo hindi in good terms ni Namjoon?" pagtatanong ko ulit.
"Mahabang usapan. Atsaka, wala akong balak na i-kwento sa'yo ang mga buhay namin." sabi niya sa akin.
Kaagad niyang ibinalik ang librong binabasa niya kanina at kaagad na umalis sa aking harapan. Ano naman kaya ang problema ng isang iyon?
Pagkatapos ko sa aking ginagawa ay sinabihan ako ni Kuya Chanyeol na uuwi na kaagad, pero hindi muna ako uuwi. Dadaan muna ako doon sa Milk Tea Shop na kakabukas pa lamang, ang ganda kasi ng theme at gustong gusto ko 'yung design sa loob, kaya pupunta muna ako doon.
Pagkapasok ko sa loob ay nakita kong medyo marami ang customers na kumakain. Kaagad akong pumunta sa counter at nagulat ako nang makita ko si Namjoon?!
Naka-suot siya ng maitim na blouse, probably his uniform! Naka-black cap din siya.
"Namjoon?!" hindi ko mapigilan ang hindi mabanggit ang kaniyang pangalan. Hindi ko ma-describe ang reaksyon niya, pero blangko ang nakikita ko.
Nag-ta-trabaho pala siya dito? Hiring pa kaya sila?
"What is your order, Ma'am?" pagtatanong niya sa akin na para bang hindi niya ako kilala. Napangiti ako, kahit masungit siya, gwapo pa rin siya sa paningin ko.
"Sweet Red Velvet," maikli kong sagot sa kaniya. Gusto ko sana siyang tuksohin, pero hindi ko nalang ginawa, baka kasi masuntok ako nang wala sa oras eh.
Inikotan lamang niya ako ng kaniyang mga mata at kaagad niyang ginawa ang order kong Milk Tea.
Pumili muna ako ng table na aking ma-u-upuan at pinili ko ang malapit sa table at kaagad akong umupo doon. Kampante akong patingin-tingin lamang sa labas ng glass wall nang biglang dumating si Namjoon at kaagad niyang inilapag ang Milk Tea na in-order ko kanina. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti. Ba't ang gwapo niya?
"Enjoy your drink," he said in a deep baritone voice.
Sasagot pa sana ako nang bigla siyang umalis sa aking harapan at bumalik sa kaniyang ginagawa. Parang gusto ko nalang tumambay rito tuwing hapon, kaya lang paniguradong papagalitan ako ni Papa at ni Kuya dahil masyadong mahal ang mga pagkain nila dito. Malaking pera na rin iyon para sa akin.
Nakakalahati na ako sa aking iniinom at hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin kay Namjoon. He is such a hard working guy. Nag-aaral siya, habang nag-ta-trabaho naman sa hapon at gabi. I adore him so much.
"Hi, baby!" muntik ko nang matapon ang aking iniinom nang may biglang humawak nang kaliwang kamay ko. Nanlaki ang aking mga mata at nagulat ako nang makita ko si Dashmon!
"What the heck?!" hindi ko mapigilan ang hindi magalit sa ginawa niya.
Pinipilit kong hablutin ang aking kamay, nguniti hindi niya ito hinahayaan na makalaya. Ano bang problema ng isang ito?!
"Ano bang problema mo, ha?!"
"Baby... hindi mo man lang sinabi sa akin na nandito ka pala. Edi sana sinundo nalang kita kanina. Monthsarry natin ngayon, remember?" hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa lahat nang kaniyang mga sinabi.
Nagtaka na lamang ako nang may biglang sumulpot na isang magandang babae. Nakasuot siya ng uniporme, ngunit hindi ito katulad sa amin.
Ang sama ng tingin niya sa akin, na para bang anytime, pwede niya akong saktan.
"Dashmon! I thought you loved me?! Why are you with someone else?!" sigaw nito sa kaniya.
Napahilamos na lamang ako ng aking mukha. Humanda ka sa'kin mamaya.
Dashmon, with his pokerface and he's confidently faced the girl who's in front of us.
"I'm sorry, Samantha. I love everything in you, but this girl?" pinanlakihan ko siya nang aking mga mata nang tinuro niya ako bigla.
"I love her more than I have loved you before. I'm sorry," labas sa ilong niyang sabi sa babae.
Hindi ako makatingin ng diretso sa babae dahil ang sama na nang tingin niya sa'kin. Humanda ka sa'kin, Dashmon!
"Miss? It's not what you thi-" napapikit ako nang maramdaman ko ang Milk Tea na itinapon niya sa aking uniform.
Uniform?!
Nanlaki ang aking mga mata at kaagad akong napatayo nang wala sa oras. Nagsitinginan na rin ang iba pang mga customer na nandito nang dahil lamang sa kaniyang mga ginawa.
"You, flirt! Magsama kayong dalawa!" sabi niya bago siya umalis sa aming harapan.
Tahimik lamang si Dashmon habang nakatingin sa akin.
"This is all your fault! Pwede ba? Huwag mo nga akong idamay diyan sa mga problema mo sa mga babae?! Tignan mo!" galit kong sabi sa kaniya at inis kong kinuha ang tissue na nasa table at kaagad ko itong ipinunas sa aking uniform.
Dalawa lang ang uniform ko! Paniguradong pagagalitan ako ni Papa!
"Let's go, I'll take you somewhere." seryoso niyang sabi sa akin.
Napatigil ako at napatingin sa direksyon ni Namjoon. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko siyang nakakunot ang noo at kaagad na inalis ang paningin sa amin. Nakakahiya!
Nauna akong lumabas sa Milk Tea Shop at padabog akong naglakad. Napapitlag lamang ako nang may biglang naglagay ng jacket sa aking likuran. A black leather jacket.
Kinuha niya ang kaniyang mamahaling motor at kaagad niyang ibinigay ang helmet niya sa akin.
"Saan mo ba ako dadalhin? Nakagawa ka na nga nang kasalanan, nakakalito ka pa! Bayaran mo nalang ako. Paniguradong pagagalitan ako ni Papa kapag nakita niya akong may mantsa ang uniform ko! Alam mo bang ang mahal-mahal nang uniporme ninyo, ha?! Hindi namin kayang bumili ng brand new!" wala na akong pakialam kung malaman man niya ang totoo sa akin. I don't care about him, anyway.
Humarap siya sa akin at tinignan ako nang seryoso.
"Sumakay ka na..." aangal pa sana ako, pero hindi ko nalang ginawa dahil hindi rin naman ako uuwi kapag ganito ang hitsura ko, paniguradong malalagot ako kay Papa.
Tinangay ang aking buhok habang nasa kalagitnaan kami ng byahe. Huminto lamang kami sa isang mamahaling store. Napanganga ako nang iginiya niya akong pumasok sa loob. Umawang ang aking bibig nang makita ko ang pangalan nang store.
'Santander University Shop'
Oh my gosh! Nakita kong may inilabas si Dashmon na card. Kulay ginto ito.
"How about you, Ma'am?" pagtatanong ng guard sa akin.
"No need to her, she's my girlfriend. In charge na lahat sa credit card ko." sagot ni Dashmon at kaagad niyang hinawakan ang aking kabilang kamay at tuluyan na kaming pumasok sa loob.
Umawang ang aking bibig sa laki ng store! May uniforms section at naka-display doon lahat nang mga uniforms namin, from Elementary to College uniforms! Mayroon rin uniforms para sa mga Presidents and Dean listers uniforms!
Sa kabilang side naman ay mga shoes and accessories na halos may nakalagay na logo, bawat items. Kaya pala hindi afford ni Papa ang bumili ng brand new. Ang mahal!
Ma-swerte ako dahil nabigyan ako nang full scholarship ng University.
"Good afternoon, Mr. Santander, what can I do for you?" kumunot ang aking noo nang malaman ko ang kaniyang apelyido.
Santander? Magka-ano-ano kaya sila ni Namjoon?
"I want to have a two pairs of uniform, for her. Samahan mo na rin nang dalawang sapatos, black and rubber shoes."
Kaagad ko siyang pinigilan. Wala akong pambayad!
"Dashmon, sandali... wala akong pambayad..." nahihiya kong sabi sa kaniya.
"Ako ang magbabayad... tanga." umismid ang dila ko nang dahil sa kaniyang mga sinabi.
"Teka, bakit mo ba ako dinala rito? Hindi mo naman kasalanan ang mga nangyari kanina," bigla siyang tumawa ay sarkastiko siyamg humarap sa akin.
"You said earlier that it was my fault. And I'll take all the responsibilities regarding to your wet uniform just because my ex-girlfriend throws you a drink. Huwag ka nang mag-reklamo at magtanong." malamig niyang sagot sa akin.
Nang dumating na ang mga ito ay kaagad niya itong ibinigay sa akin.
"The total expenses is fifty thousand, sir." nanlaki ang aking mga mata at gustong-gusto ko itong tanggihan, ngunit paniguradong malalagot naman ako kay Papa!
Ibinigay niya ang credit card niya at kaagad niya itong binayaran. Hindi ako makapagsalita, ewan ko ba!
Ibinigay sa akin ng Sales Lady ang apat na paper bag na kulay black ang grey, sobrang kintab ng pangalan nila sa gitna ng paper bag.
Pagkatapos naming bumili ng bagong uniform ay kaagad akong napahinto sa aking paglalakad. Hindi ko alam pero... nanghihinayang talaga ako sa fifty thousand.
"Dashmon... ibalik nalang natin ito, ako nalang gagawa ng uniform ko. Ibigay mo nalang sa'kin 'yung pera."
Tinignan niya ako nang malamig...
"I can't take you home. Pinapauwi na ako ni Papa sa bahay. We have dinner," seryoso niyang sabi sa akin pero... nanghihinayang talaga ako aa pera!
"You don't need to thank me, okay? Kasalanan ko rin naman 'yun. Mag-usap nalang tayo sa library, tomorrow." sasagot na sana ako nang bigla niyang paandarin ang MV Agusta F4CC niyang motor.
Tinangay nang hangin ang dapat kong sabihin sa kaniya.
Bahala na nga!
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top