Chapter 31

Chapter 31

Magkasalubong ang aking magkabilang kilay habang patuloy pa rin ako na nakikinig sa aming guro ngayon.

Brielle is here! He's our new classmate! Hindi ko naman alam na magiging ka-klase namin 'to si Brielle, eh! First year college na si Pearl, kaya nagtataka ako kung bakit nandito siya. He should be the same year just like his sister.

Kinilabit ako ni Yna at napalingon ako sa kaniya.

"Magkakilala kayong dalawa ni Brielle?" pagtatanong niya sa akin, habang nasa guro pa rin ang kaniyang mga paningin.

"Twin brother siya ni Pearl," maikli kong sagot sa kaniya.

Umawang ang kaniyang bibig at napalingon nang wala sa oras kay Brielle. Lumingon na rin ako kay Brielle at nakita ko ang mala-sarkastiko niyang ngiti sa akin.

Inikotan ko na lamang siya ng aking mga mata at patuloy na nagsulat sa aking notebook.

"Ikaw ha, hindi mo man lang sinabi sa akin na kayo na pala ni Nathan Jeon." kinikilig niyang sabi sa akin.

Nasa dulo naman kami, kaya hindi kami masyadong makita ni Ms. Gianne. Kumunot ang aking noo. Paano naman kaya niya nalaman?

"Paano mo nalaman? Sasabihin ko palang sa'yo," mahina kong sabi sa kaniya.

"Agusdy, said. Sinabi rin ng boyfriend mong si Nathan Jeon, sa boyfriend ko."

I bit my lower lip. Ito talagang si Nathan Jeon, sabi nang ako na ang magsasabi, inunahan talaga ako!

Hindi namin namalayan ang oras at lunch break na namin. Kinakabahan ako, kasi… ngayon ko sasabihin kay Pearl ang lahat nang tungkol sa aming dalawa ni NJ.

Natatakot ako… na baka magalit siya…

Dala-dala ko ang aking sling bag, palabas na kami nang classroom namin nang bigla naming nakasalubong ang aming coach. Umawang ang aking bibig nang makita ko siya.

Nasaktan ako sa mga nangyari ng araw na 'yun, pakiramdam ko pinagkaisahan nila ako.

"Ms. Tushima? Can I talk to you for awhile?" sabi niya sa akin.

Tinapik ni Yna ang aking kaliwang balikat at unti-unting tumango.

"Okay po," sagot ko sa kaniya pabalik.

Sumunod ako sa kaniya at dumiretso kami sa may office nila. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang babaeng nagtanggol kay Pearl, ang babaeng pinagbintangan ako sa bagay na hindi ko naman ginawa.

She didn't look at me, palagi siyang nakayuko na para bang nagsisisi sa lahat nang mga ginawa niya.

"Have a seat, Ms. Tushima." umupo ako, katapat sa upuan ni Ashley.

"I want to make this things clear. Ashley," panimula ni Coach.

Humarap sa akin si Ashley, at tinignan ako nang mata sa mata. She's almost crying in front of me. Gusto ko siyang kausapin, pero parang umismid ang aking dila at walang salita ang gustong lumabas.

"I wanted to say sorry, Mikasa… a-alam kong hindi ikaw ang gumawa nun, hindi ikaw ang sumira nun. A-ako talaga…" my jaw dropped when she said those words to me.

I really couldn't believe what she just said!

She paused a little bit, she's holding her tears…"Pearl… payed me to ruined her gown, to set you up…"

Nagpantigan ang magkabila kong tenga nang sabihin niya sa akin ang mga salitang iyon.

What the…

Damn…

"Kinausap ako ni Ms. Ashley kanina, Mikasa. Sinabi niya sa akin ang totoong nangyari. Pearl, gave her a money to ruin her dress. Para mapagbintangan ka lang. I trusted Pearl, naniwala ako sa kaniya, without even listening to your explanation and to your side. I am really truly sorry about what happen, Mikasa." pagpapaliwanag sa akin ni Coach.

Galit akong tumayo at wala akong ibang sinabi sa kanila at kaagad akong lumabas para puntahan si Pearl.

I am so done with her! I am so good to her, but all this time?! All this time?!

Pumunta ako sa building nila at hinanap ko siya doon, pero ang sabi ng iba, nasa rooftop daw siya.

Nagmamadali akong pumunta sa rooftop habang unti-unting nanlalabo ang aking mga mata. Napatigil lamang ako nang marinig ko ang kaniyang boses.

"Nathan Jeon! Why her?! Nandito naman ako… ako nalang! Ako nalang please!"

"Stop it, Pearl! You don't know how much I love Mikasa… I can't love you. You were so bad! Matagal akong nagtimpi sa mga ginawa mo! Noon pa, noong buhay pa si Mikaella! I used to keep it silent! Pero ngayon, hinding hindi na ako papayag na sirain mo si Mikasa! I won't let you ruin her… I won't let you ruin our relationship!"

Kaagad akong pumasok at nabigla naman silang dalawa nang makita ako. May pag-alala sa mga mata ni Nathan Jeon, ngunit hindi ko siya pinansin.

Galit ako, oo galit ako kay Pearl! At nasasaktan ako nang dahil sa mga ginawa niya!

"Why did you do this, Pearl? What did I do to you?" pagtatanong ko sa kaniya.

Umatras siya habang tinatangay nang hangin ang kaniyang mahabang buhok… she's sarcastically smiled at me.

"Ano sa tingin mo?"

"Naging mabait ako sa'yo! Tinuring kita na parang isang tunay na kaibigan! I even have doubts believing Yna about you! Hindi ako naniwala dahil kaibigan kita, Pearl! Ano bang nangyayari sa'yo?!"

She laughed sarcastically before she look at me back.

" I don't need a friend, Mikasa… I already told you that I like Nathan Jeon Santander, but you failed me… minahal mo pa rin siya at inagaw mo siya sa'kin!"

"Let's go, Mikasa…" pag-aawat sa akin ni Nathan Jeon, ngunit hindi ako nagpatinag sa kaniya.

I still want to talk to her.

"Let me remind you, Pearl… He's not yours…"

Nagulat ako nang bigla niya akong sinampal nang napalakas… parang tumigil ang aking mundo at huli na nang makita ko si Nathan Jeon na tinulak si Pearl.

"Nathan Jeon!" pag-awat ko sa kaniya at kaagad ko siyang hinawakan sa kaniyang siko.

Humagulgol ng iyak si Pearl habang unti-unti niyang inaabot ang paa ni Nathan Jeon. Nakita kong may tumulong mga luha sa mga mata ni NJ…

"Kapag sinaktan mo pa siya ulit… hindi lang pagtulak ang gagawin ko sa'yo. You really want me to show my dark side, huh? I don't love you! I don't even care about you! Wala akong gusto sa'yo, Pearl! I will never, ever like you!" galit na galit na sabi ni Nathan Jeon sa kaniya.

"Nathan Jeon…" pinigilan ko siya at kaagad niyang hinawakan ang aking kaliwang kamay.

"Nathan Jeon! Please!" pagmamakaawa ni Pearl sa kaniya.

Tumalikod si Nathan Jeon at hinawakan ang aking bewang, habang inalalayan niya ako palabas nang rooftop.

Nakita namin ang mga kaibigan ni Pearl sa labas nang pintuan at kaagad silang pumasok sa loob.

Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Nathan Jeon, bago ako nilingon.

"Let's go, I'll take you to the clinic." malambot niyang sabi sa akin.

Napalingon ako sa pintuan at inaalala ko pa rin si Pearl.

No… stop it, Mikasa… she slapped you!

Sinamahan ako ni Nathan Jeon papuntang clinic. Malakas ang pagkakasampal sa akin ni Pearl at namamaga ang aking kaliwang pisngi.

Pagkarating namin sa clinic ay nagtanong ang nurse kung ano ang nangyari sa aking pisngi at bakit ito namumula. Hindi ko nalang sinabi sa kanila ang totoo, dahil ayokong makarating ito sa kataas-taasan.

Ayokong makarating ito kay Mr. Santander, kay Mrs. Morticia. Tapos malalaman nila na may ganitong eksena at nasali pa ang panganay nilang anak nang dahil lamang sa akin. Hindi ako makakapayag doon.

Nagpahinga muna ako doon nang mahigit isang oras. Umalis kanina si NJ dahil may pinuntahan siya. Mahigit isang oras na ang nakalilipas ngunit wala pa ring Nathan Jeon na bumalik sa clinic.

Buti na lamang at bumisita sa akin si Yna, may dala siyang gamit.

Sinabi ko sa kaniya ang totoong nangyari at nakita ko ang pag-iba ng kaniyang ekspresyon.

"I knew it! Talagang may sakit sa utak 'yang babaeng iyan!" hindi siya makapaniwalang sabi niya sa akin.

Despite of everything that happened. I still want to talk to her about what happened. Iyong masinsinan, iyong walang sakitan na mangyayari. I just want peace.

Napatingin ako sa aking wrist watch at nakita kong alas-cuatro na nang hapon. Naisipan kong umiwi na lamang at sumabay sa akin si Yna paglabas nang clinic.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita kong humandusay sa sahig si NJ nang dahil sa bigla itong sinuntok ni Brielle?!

He attempt to punch Nathan Jeon for the second time, but I walk towards NJ at tinulungan ko siyang makatayo. Bigla akong nanghina nang makita kong may dugo sa kaniyang gilid ng kaniyang labi.

Napalingon ako kay Brielle at nakita ko ang eskpresyon niyang galit na galit. He sighed just because of his anger.

"If you hurt my sister again, Mr. Santander? I swear to hell… I'll make you rot in there…" he said with a cold voice before he turned his back to us and continued walking away.

Tinulungan kong makatayo si Nathan Jeon.

"Are you okay? Kailangan nating gamotin 'yan… Kasalanan ko ito eh." hindi ko mapigilan ang hindi mapaluha.

He lifted my chin up and his eyebrows furrowed when he saw me crying.

"Don't fucking say that, Mikasa… wala kang kasalanan." he said to me, before he turned his head to Yna.

Sinenyasan niya si Yna na lapitan ako.

"Yna, umuwi na kayong dalawa. Agusdy and Jimmy are waiting outside." nanlaki ang aking mga mata nang dahil sa kaniyang mga sinabi.

"How about you?" nag-aalala kong sabi sa kaniya.

Pinagtitinginan na kami nang ibang mga studyante nang dahil lamang sa mga nangyari.

"Pinatawag ako ni Papa," doon ako tuluyang nanghina nang sabihin niya iyon.

Hinawakan niya ang aking mga kamay at hinalikan niya ako sa aking noo.

"Everything will be okay, Mikasa. Just trust me…"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top