Chapter 30
Chapter 30
Nakauwi na lamang ako sa apartment ay hawak-hawak ko pa rin ang aking puso. Napahinga ako nang maluwag.
Ganito pala 'yung pakiramdam… ganito pala iyong pakiramdam na may nagmamahal sa'yo. After I said those words to him, his eyes widened and he couldn't believe what I have just said…
Bumalik sa aking alaala ang mga nangyari kanina.
His jaw dropped and his eyes widened when he heard those words from me. He shallowed hard, na para bang hindi siya makapaniwala sa kaniyang mga narinig.
"Really?" his words were almost whispered.
Unti-unti akong tumango sa kaniya at nabigla ako nang bigla niya akong niyakap nang napakahigpit. Yumuko siya para mas mayakap ako nang mahigpit.
"Really… I… I couldn't believe it…" masaya niyang sabi sa akin habang nakayakap pa rin sa akin.
Niyakap ko na rin siya pabalik at pinikit ko ang aking mga mata para mas maramdaman ko pa ang kaniyang mahigpit at mainit na yakap.
"Pero… pwede ba akong humingi nang pabor sa'yo?" kumalas siya sa aking pagkakayakap at tumingin sa akin na may kunot-noo.
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi… gusto ko rin naman na ayokong itago ang relasyon namin, pero… ayoko rin naman mabigla si Pearl. Buo na ang desisyon ko. Sasabihin ko kaagad sa kaniya bukas nang umaga.
"What is it?" nasa akin pa rin ang kaniyang buong atensyon, habang nakatingin sa akin nang seryoso.
"Pwede bang… ako nalang ang magsabi kay Pearl? Mas mabuti na 'yung manggaling sa akin, dahil kung ikaw ang magsasabi, mas lalo siyang masasaktan at kahit sa kabila nang lahat… kahit na nahahalata kong ayaw niya ako… kaibigan pa rin ang turing ko sa kaniya. Ayoko siyang biglain, Nathan Jeon." pagpapaliwanag ko sa kaniya.
Inalis niya ang kaniyang paningin sa akin at nakapamewang na humarap sa akin. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang tinignan niya akong muli. Tagos sa aking puso't-isipan ang mga tingin na ibinibigay niya sa akin.
He didn't say a word… dahan-dahan lamang siyang tumango sa akin.
Napabuntong hininga ako nang wala sa oras. Akala ko magagalit siya… akala ko sisigawan niya ako…
"Hindi ka… galit?" nahihiya kong pagtatanong sa kaniya.
His forehead furrowed and shook his head before giving me a damn… smile.
"Why would I be mad? I will never… give any reason to make my girlfriend overthink, just because I'm mad."
Gusto kong sumigaw nang dahil sa kilig, kaya lang hindi ko magawa. Mamaya nalang sa bahay.
Hinawakan niya ang aking magkabilang kamay at hinagkan ang mga ito.
"Simula ngayon… sanayin mo na ang sarili mo na may maghahatid sa'yo, may magsusundo sa'yo. May makakasabay ka sa pag-uwi at pagpasok mo sa school." hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti nang dahil sa kaniyang mga sinabi.
Wait a minute… is this really happening?
For real?!
"Is this really happening?" he looked at me with a purest smile with a heart.
"Yes, my Mikasa…"
He held my hand and hold it tightly. Naglalakad kami ngayon, hindi ko alam kung saan kami pupunta
"Nakakahiya 'yung mga nangyari sa'kin kanina… nakakasakit lang sa damdamin dahil pinagbibintangan nila ako sa isang bagay na hindi ko naman ginawa." malungkot kong pagpapaliwanag sa kaniya.
Hindi ko lang mapigilan ang hindi ito masabi sa kaniya. Now, that he's already my boyfriend… pakiramdam ko… pwede ko na siyang pagsabihan nang nararamdaman ko, nang mga hinanakit ko sa buhay.
When I'm with him… I feel like… I'm already home…
Narinig ko ang marahas niyang pagbuntong hininga.
"Don't worry about it…" nanlaki ang aking mga mata at napahinto ako sa aking paglalakad.
"What?!" napatigil rin siya sa kaniyang paglalakad at may pagtatakang lumingon sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?"
"I'll talk to the coach about what happened, earlier. It's not an accident, it's a set up. Nakikinig lang ako sa inyo kanina, at gustong-gusto kong ipaglaban ka dahil pinagtutulungan ka nila kanina. It's not your fault. Wala kang kasalanan at may karapatan kang ipaglaban ang sarili mo." huminto siya sa kaniyang pagsasalita at bumuntonghininga muli.
" I really don't like Pearl. Alam kong ginagawa niya ito dahil gusto ka niyang siraan. I don't want that to happen. I will talk to the coach, tomorrow morning." kaagad akong umiling sa kaniya, bago ko siya sinagot ulit.
"You don't need to do that, NJ… ako nang bahala sa mga bagay na 'yun. Problema ko iyon, ako dapat ang gagawa ng solusyon para doon."
"But you're my girlfriend now, Mikasa. Mag-aalala ako nang sobra-sobra kung malalaman kong ginaganyan ka. I can hurt people just to protect your peace." he lifted my chin and just look at me through my eyes.
"Do you understand that?"
"Ako nang bahala, Nathan Jeon. Please…"
I don't want him to invade in my own problems. Ayoko siyang idamay sa mga bagay-bagay na dapat sa akin lamang. Ayokong isipin ng mga magulang niya na ginagamit ko lamang siya nang dahil sa mayaman ang pamilya niya. Ayokong maging pabigat sa kaniya.
Iyon ang huling pinag-usapan namin, bago niya ako hinatid nang building. He even asked for a hug, kaya pinagbigyan ko nalang, bago ako pumasok dito sa loob ng apartment namin.
Nakaharap ako ngayon sa salamin. Ano pa ba ang dapat kong ilagay sa mukha ko? I already applied face powder, eye liner, lipt tint at iba pang mga make up. I curled my hair a little bit, sa may dulo, para umalon ito sa aking likuran.
Hindi ko mapigilan ang hindi mapatawag kay Mama, kung kamusta na sila doon. Kahit na alam kong hindi sila ang tunay kong mga magulang, tinuring ko na rin sila na parang tunay na mga magulang ko, nang dahil sa pangungulila ko sa pamilya ko.
Si Papa, Kuya Chanyeol, Chanjin… kamusta na kaya sila ngayon?
Napalunok ako nang wala sa oras nang maramdaman kong may nagbabadyang mga luhang gustong lumabas mula sa aking mga mata.
Kamusta na kaya sila ngayon… hinahanap rin kaya nila ako? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako bumalik sa nakaraan. Kung bakit nakikita ko si Lola ngayon. I think, she's older than me, pero…
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit bumalik ako sa nakaraan. It shouldn't be in a year, 2021, it should be 2090.
Pinilig ko nalang ang aking ulo at iritado akong naghugas ng kamay, bago lumabas ng apartment ay tinungo ang elevator.
Paano kung… magising ako isang araw… panaginip lang pala ang lahat nang ito…
Paano kung… isang araw… magising ako, na hindi pala totoo ang mga ito, na isa lang palang panaginip ang lahat…
Paano kung… panaginip lang pala si Nathan Jeon? Paano kung… hindi pala siya totoo?
Kumirot ang aking damdamin nang makita ko siya sa labas, naghihintay habang nakasabit ang kaniyang black bag sa kanang balikat, nakapamulsa pa.
He looks so neat and clean with his uniform, black slack, white uniform with a tic tac black shoes, and his shoulder was on their right places. He stand so tall!
I think he's 6 feet tall, so damn handsome with his haircut and a new pierce on his right ear. Umawang ang aking bibig nang makita ko 'yun nang biglang kuminang.
Mahihimatay ata ako nang wala sa oras nang dahil sa gwapo kong boyfriend!
Nang makita niya ako ay bigla siyang napaayos nang tayo at nginitian ako, kahit na nasa malayo pa lamang ako.
Ngayon ko lang din napansin na wala siyang dalang bike o sasakyan. Ano ginamit niya papunta rito sa building ng apartment?
"Kanina ka pa ba naghihintay sa akin dito?" pagtatanong ko sa kaniya.
He shook his head, before he hold my right hand. Habang ang isa niyang kamay ay nasa loob ng kaniyang bulsa.
"Maglalakad lang ba tayong dalawa?" pagtatanong kong muli sa kaniya.
"Yup. It's just a few blocks away. Maaga pa naman. Don't worry, hindi tayo mahuhuli sa klase," nakangiti niyang sabi sa akin.
"Mas masarap kasing maglakad… lalo na dahil ikaw ang kasama ko."
Hinampas ko siya nang mahina sa kaniyang kaliwang balikat at tinawanan lamang niya ako.
"Mamaya… pupunta ako sa classroom ninyo. Sabay na tayong kumain." napalingon ako sa kaniya, 'tsaka ko siya sinagot.
"Paano iyon? Eh, sabay kami ni Yna palagi kung kumain." nag-aalala kong sabi sa kaniya.
"Edi sasama pa rin siya. Para double date tayong dalawa, kasama ang boyfriend niyang si Agusdy." napapailing na lamang ako sa aking isipan at napahilamos ako sa aking mukha nang wala sa oras.
"Ewan ko sa'yo!"
Nakarating naman kami sa University nang nasa tamang oras. Kaagad akong bumitaw sa pagkakahawak niya sa aking kamay at nagulat naman siya sa aking ginawa.
Tahimik lamang siya habang nakatingin pa rin sa akin. Nag-si-tinginan ang mga studyante sa amin ngayon nang dahil sa nakasunod sa akin si Nathan Jeon, oh, hindi kaya, nang dahil sa mga nangyari kahapon.
Bigla akong nahiya nang maalala ko ulit 'yun!
Hinatid niya talaga ako hanggang classroom!
Nakapamulsa siyang humarap sa akin.
"I understand… you don't have to explain, Mikasa. Maghihintay ako, kung kailan mo sasabihin na… tayong dalawa na. I respect your decision." ani Nathan Jeon.
"Pumasok ka na," he said softly to me, before he lifted his eyes to my classroom.
Tango lamang ang iginanti at isang tipid na ngiti, bago ako tuluyang pumasok sa loob ng aming classroom.
Pangako…
Babawi ako sa'yo, Nathan Jeon…
Nabalik lang ako sa realidad nang may biglang humarang sa dinadaanan ko, papunta sa aking upuan.
Nag-angat ako nang tingin at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko siyang muli…
He smiled at me like a fucking idiot!
Brielle?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top