Chapter 29
Chapter 29
As I watched his hair, dancing and swaying just because of the wind, I couldn't help but to adore him behind his back.
Kahit na hindi maganda ang mga nangyari ngayon, nandyan pa rin siya para pagaanin ang loob ko. Mas lalong kumunot ang aking noo nang maalala ko ang mga nangyari, hindi totoo na ako ang may gawa nun sa gown ni Pearl.
Never in my whole life, trying to ruin someone's life! Hindi ako ganoon.
Binalewala ko na lamang ito at bumuntonghininga ako nang malakas. Ayoko munang pag-isipan ang lahat nang iyon, kasi maiiyak lamang ako.
Unti-unting huminto si Nathan Jeon at lumingon siya sa akin.
"Let's go," sabi niya sa akin at nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang aking kaliwang kamay.
We take the stairs and my eyes widened when I saw a huge river and there's a bridge under it, and the buildings were very tall. Mas lalo itong kuminang nang tumama ang araw sa napakalinis na ilog. Walang tao, kaming dalawa lamang ang nandito at ang mga huni nang mga ibon.
Pero… bakit naman kaya dito niya ako dinala? Of all the places? Nakita ko siyang nakatingin lamang sa kalangitan, habang ang kaniyang dalawang kamay ay nasa magkabilang gilid ng kaniyang bulsa.
"Why did you take me here?" hindi ko mapigilan ang hindi mapatanong sa kaniya.
Nang lingonin niya ako ay nagtama ang aming mga mata.
"Dito, pwede mong isigaw lahat nang hinanakit mo. You can shout as much as you can. It's okay because they can't hear you, the beep coming from the cars are enough." ani Nathan Jeon.
"Palage ka bang pumupunta rito?" pagtatanong ko sa kaniyang muli.
"Simula nang mawala si Mikaella, palagi na akong pumupunta rito. Sa tuwing may problema ako, ito ang pinupuntahan ko. Wala akong ibang pwede kong mapagsabihan nang problema ko. It's okay to keep it private." I saw the sparks in his eyes…
Biglang kumirot ang aking puso… paano niya nasabi na mahal niya ako kung… hanggang ngayon ay si Mikaella pa rin ang dahilan nang lahat.
"You really love her, do you?" matabang na pagkakasabi ko sa kaniya.
He laughed without a humor, but he kept his distance, five feet apart from me.
"Kilala mo na kung sino ang mahal ko, Mikasa."
Hinarap ko siya at buong tapang ko siyang tinignan nang mata sa mata.
"Nathan Jeon… hindi tayo pwede. Marami tayong masasaktang tao! Ayokong magalit sa akin si Pearl, ayoko siyang saktan!"
He turned to me with blank expression. I couldn't even describe his emotions. Hindi ko maintindihan. Ang hirap niyang basahin.
"Palagi mo nalang inaalala ang mararamdaman ng ibang tao… paano ka naman? Paano naman 'yang nararamdaman mo? Are you gonna let me go just because Pearl, liked me?"
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Unti-unti nang nanlalabo ang aking mga mata nang dahil lamang sa mga mata kong nanunubig na.
"I am just trying to protect you!" kumunot ang kaniyang noo at buong presensya niya ang humarap sa akin.
"Protect me from what?!"
"Mayaman ka! Mahirap lang ako! Mayaman si Pearl, mas bagay kayong dalawa… kapag ako ang pinili mo… paniguradong… hindi ka pipiliin ng pamilya mo, NJ… You have to choose them."
"That's bullshit! Mikasa! They can't decide of what I'll do with u my life! Buhay ko 'to, at susuportahan nila ako sa kung ano man ang magiging desisyon ko sa buhay."
Matapang ko siyang tinignan, mata sa mata. Hindi ko kailanman inalis ang aking paningin sa kaniya.
"Ayoko... ayoko... Nathan Jeon... hindi mo ako kilala," parang may bumara sa aking lalamunan nang sabihin ko ang mga salitang iyon sa kaniya.
Nanlalabo ang aking mga mata at hindi ko na napigilan ang hindi mapaluha... ang totoo niyan, natatakot ako... natatakot ako na baka panaginip lang pala ang lahat nang ito... natatakot ako, baka isang araw... pagmulat ng aking mga mata... bumalik na ako sa kung ano man ang naging buhay ko noon.
He's not Namjoon... no... he is Nathan Jeon, mahal ko siya, at natatakot akong suklian ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin dahil baka bigla siyang mawala... baka bigla akong mawala sa kaniya...
He lifted my chin up and I saw tears coming down from from his cheeks... kumikinang ito dahil sa natatamaan ito ng sinag ng araw.
"Mahal kita... at handa kitang kilalanin, Mikasa..." nawala bigla ang aking lakas nang bigla niya akong niyakap nang napakahigpit.
Ipinikit ko ang aking mga mata at unti-unting bumigay sa kaniya. Matangkad siya, kaya isinandal ko ang aking mukha sa kaniyang matipunong dibdib.
I started... hugging him back...
"I love you so much, Mikasa... hindi dahil sa magkamukha kayong dalawa ni Mikaella. Mahal kita dahil mahal kita. Wala na akong ibang rason na nakikita pa. Ikaw lang," his voice were so soft that it could hear my screaming heart.
He cupped both of my cheeks with care. Na para bang natatakot siyang mabasag ang mga ito.
His jaw clenched and looked at me in the eyes with his sorrowful emotions...
"I love you..." hi whispered to me...
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at hindi ko rin mapigilan ang hindi mapatingin sa kaniyang mga labi. Why am I feeling this way? Hindi ko dapat nararamdaman ang pagmamahal na ganito!
"Say something..." nabalik lang ako sa realidad nang bigla siyang magsalita sa aking harapan.
"Dinala mo lang ba ako rito para sabihin ang mga salitang 'yun?" nakakunot kong pagtatanong sa kaniya.
Bumuntonghininga siya, bago niya ibinalik ang kaniyang mga paningin sa akin. Nanlaki ang aking mga mata nang bigla siyang may kinuha mula sa kaniyang kaliwang bulsa at inilabas doon ang isang gintong kwentas na may nakaukit na NJ...
Para akong na-estatwa nang bigla niyang isinuot iyon sa aking leeg. Isinuot niya ang isang kwentas na may nakaukit na MA, (Mikasa Akane)...
"You don't have to say yes. Hindi naman kita minamadali. Just take your time, Mikasa." mahinahon niyang sabi sa akin.
Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti. This is actually too much... hindi ko na rin mapigilan ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kaya... bakit ko pa iisipin ang mararamdaman ng ibang tao? Totoo naman na wala akong ibang ginawang masama...
Yes, Pearl liked her... but... I don't think Pearl is true to me, too. Kahit na hindi niya sabihin sa akin, mararamdaman ko na may galit siyang nararamdaman para sa akin at alam ko kung bakit.
I am not dumb... the way Pearl looked at me in the eye with full of sarcastic and her villain actions that it could burn someone's life. Alam ko 'yun, hindi ako bulag, at hindi rin ako tanga...
"Nathan Jeon..."
"Hmmm?" it was almost a whispered to my ears...
"If someone... ask... who is your girlfriend... just say my name..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top