Chapter 27

Chapter 27

Nagmamadali akong umalis ng University, since it's already twelve o'clock in the afternoon. 

Hindi na ako nakapagpaalam kay Yna at pati na rin kay Nathan Jeon, dahil kinakabahan ako ng sobra para kay Pearl. I think she really needs me so much, at nag-aalala ako sa kaniya nang sobra. 

Kaagad akong sumakay nang trycyle papunta sa bahay nila at hindi pa sana ako papasukin ng kanilang gwardiya, mabuti na lamang at natatandaan pa ako nang isa nilang katulong at sinabi na isa ako sa mga kaibigan ni Pearl. 

Tinignan ko ang aking cellphone at nakita kong hindi pa rin siya nag-re-reply. Abala ang ibang mga katulong sa paglilinis ng kanilang mansion. 

The fountain area was field by the tranquility. The water was finely flows from above down to its hole. Nagulat ang mga katulong nang makita ako. 

"Ma'am? May kailangan po kayo?" nakakunot-noong pagtatanong ng isang babaeng sa tingin ko'y mayordoma ng mansion. 

Tumabi sa akin ang isang katulong na nagpapasok sa akin kanina sa gate at sinabi niyang isa ako sa mga kaibigan ni Pearl. 

Tinignan pa niya ako nang mula ulo hanggang paa at nag-da-dalawang isip pa siya kung pahihintulutan niya akong pumasok sa loob ng kwarto ni Pearl o hindi. 

I tried so many times to call back Pearl, but she didn't answer my calls kaya mas lalo lamang akong nag-aalala sa kaniya, that's why I'm here! 

Nang pumayag na ang mayordoma ay sinamahan ako ng isang katulong paakyat sa kwarto ni Pearl. 

"Ma'am Pearl, nandito po ang kaibigan ninyo…" magalang na sabi ng katulong, nakapang-uniporme pa. 

"Let her in…" 

Kaagad akong pinapasok sa loob at naabutan ko siyang nakasandal lamang sa headboard ng kaniyang kama, habang may benda sa kaniyang ulo. Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso at kaagad akong lumapit sa kaniya. 

"Pearl…"

Lumingon siya sa akin at nakita ko ang iba't-ibang mga gamot na nasa bedside table niya. 

"Anong nangyari?" hindi ko mapigilan ang hindi magtanong. 

I heard her sighed and looked at me with sorrowful emotions, kakaiba ang mga titig na ibinibigay niya sa akin. She's… in pain… 

"Nilagnat ako, nagkasakit ako…" even her voice changed a bit because of what she feel right now. 

"Don't worry, babalik nalang ako ng school at sasabihin ko kay Coach na nilagnat ka." I assured her that it was all fine. 

"No, it's okay, Mikasa…" sabi niya sa isang mahina na boses. 

Napatahimik ako at nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang mga luha sa kaniyang mga mata na unti-unting tumulo. 

"I confessed to him…" 

Wala akong ibang naririnig ngayon kung hindi ang bawat pagtibok ng aking puso. 

Umawang ang aking bibig at nalaglag ang aking panga. Why Nathan Jeon, didn't say this to me?! He even make the situation complicated! 

"Noong umalis ka nang hospital room niya. Umalis rin si Tita Morticia. I asked him why he's acting cold at me. Hindi niya man lang ako tinignan o pinansin the whole time… I confessed to him…" hinayaan ko siyang magpaliwanag, dahil gusto ko rin namang malaman ang lahat nang nangyari, tungkol sa kanilang dalawa. 

"I confessed to him and he said… he liked someone else…" nag-panic ako nang makita ko siyang humahagulgol ng iyak. 

I comforted her and hugged her… 

"I couldn't just believe what I've heard from him! Ang alam ko lang… wala siyang nagugustuhang iba, kasi… mahal pa niya si Mikaella… pero… paano nangyari 'yun?!" 

I'm sorry, Pearl… I betrayed you… I'm such a bad person… a bad friend… 

Hindi ko dapat magustuhan si NJ… hindi dapat! 

Humarap siya sa akin at mas lalo lamang akong nasaktan nang makita ko siyang umiiyak. 

"Mikasa… what should I do? Ano ba ang kailangan kong gawin para lang magustuhan ako ni Nathan Jeon? I love him so much!" umiwas ako ng tingin sa kaniya, hindi ko rin kasi alam kung ano ba ang dapat na gawin. 

Tumayo siya at nakapamewang na humarap sa akin. 

"Sinabi ba niya sa'yo kung sino ang babaeng nagugustuhan niya?" pagtatanong ko sa kaniya. 

"Hindi… ang sabi niya lang sa'kin… may nagugustuhan siyang iba. I-I just want to know, who's that girl… I want to talk to her," pagpapaliwanag niya sa akin. 

"Kaya ka absent kanina kasi inaalala mo?" pabagsak siyang humiga ulit sa kaniyang kama at tumulo na naman ang kaniyang mga luha. 

"Wala naman talaga akong pakialam sa activity na mangyayari bukas eh. Nalaman ko kasi na… manonood raw si NJ, kaya naisipan kong sumali nalang. I think…  he liked one of the girls in that contest. Hindi ako susuko, Mikasa." she said to me with full of valor in her voice.

Her feelings for Nathan Jeon is on another level. Nagkagusto rin naman ako sa isang lalake noon, but I am not that obsessed like what she have felt for NJ. Tama ba na bibitawan ko si Nathan Jeon nang dahil sa gusto ito ni Pearl? 

Nabalik lang ako sa realidad nang biglang may tumawag sa akin. Bigla akong nataranta nang makita ko ang pangalan ni Nathan Jeon na naka-rehistro sa screen ng aking cellphone. 

Kumunot ang noo ni Pearl at kaagad akong nagpaalam sa kaniya na sasagutin ko muna ang tawag. Umalis ako sa kaniyang kwarto at iniwan ko nalang muna doon ang aking bag at dumiretso sa may terrace sa kabilang side ng kanilang bahay sa second floor. 

"Why did you called?" pagtatanong ko sa kabilang linya. 

"No, why you didn't call me? Hindi ka man lang nagpaalam sa akin na umalis ka na pala ng school." malamig niyang sabi sa kabilang linya. 

Napahilot ako sa aking sentido at pinagmasdan ang mga punong nakapalibot sa malaking bahay nila Pearl.

"Pearl needs me…" 

"I need you, too…" umawang ang aking bibig nang sabihin niya iyon sa akin. 

"This is not right, Nathan Jeon… Pearl likes you so much-" natigilan ako sa aking pagsasalita nang bigla siyang sumingit sa kalagitnaan ng aking pagpapaliwanag.

"Mikasa, can you stop thinking about other people? I am so sick of that. Ilang beses ko nang sinabi sa'yo na ako na ang bahala sa lahat, okay? You don't have to worry about it." 

"Pero bakit mo sinabi sa kaniya na may nagugustuhan ka nang iba?" narinig ko ang marahas niyang pagbuntong hininga sa kabilang linya. 

"Alangan naman sabihin ko sa kaniya na siya ang gusto ko? Mas mabuti na 'yung hindi ko siya paasahin, Mikasa. Mas lalo lamang siyang masasaktan kung bibigyan ko siya nang motibo na mas lalong magustuhan ako. I don't like her, I don't like anything from her. End of the discussion." Nathan Jeon said with a cold tone in his voice. 

Napabuntong hininga na lamang ako nang dahil sa kaniyang mga sinabi. 

"Stop worrying about it, okay? I will handle everything." sabi niya ulit sa akin pero mahina na ito at hindi na malamig. 

"Manonood ka ba bukas?" hindi ko mapigilan ang hindi mapatanong tungkol diyan. 

Kung manonood siya, ibig sabihin makikita niya akong sumasayaw! What the heck?! Nakakahiya 'yun! Hindi pa nga ako nakaka-get over doon sa mga nangyari sa akin noong nakaraang linggo. 

I heard his chuckled on the other line. "Of course, nandoon ang prinsesa ko eh." 

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at napapailing na lamang nang palihim. 

"Sige na, ibababa ko na 'to." napalingon ako sa aking likuran at mukhang nandoon pa rin naman si Pearl sa kaniyang kwarto. 

"I'll see you, later." sasagutin ko pa sana siya nang bigla niyang binaba ang tawag. 

Inis akong naglakad pabalik sa kwarto ni Pearl nang may mabunggo akong tao. 

"I'm sorry!" paghingi ko nang kapatawaran at kaagad kong pinulot ang mga gamit na nahulog sa kaniya. 

Nag-angat ako nang tingin at umawang ang aking bibig nang makita ko ang isang bulto ng lalake. 

A fine man, firm and tall and his muscles were on their right places. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kaniyang pagmumukha.

He has a pierce on his right ear, pati na rin sa pang-ibabang labi niya. Messy hair, and a perfect jawline with a brunette color of eyes. 

"You okay, Miss?" he asked me with a baritone voice. 

Tango na lamang ang aking naisagot sa kaniya nang bigla ko rin makita si Pearl sa kaniyang likuran at inakbayan ang lalaking kaharap ko ngayon. 

"Mikasa… I want you to meet Brielle… my twin brother." 

Nalaglag ang aking panga nang dahil lamang sa mga sinabi ni Pearl sa akin. He stand straight to his sister and held his hand for a shake. 

Nagulat ako… may kakambal pala itong si Pearl? Bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat nang ito? Hindi ba? Sinabi niya sa akin na matagal na kaming magkaibigan na dalawa? 

"Nice to meet you, Miss? Mikasa, am I right?" sabi niya sa akin sabay ngiti. 

Tinanggap ko nalang din ang kaniyang kamay habang gulat na gulat pa rin sa mga pangyayari. 

"Hindi ko alam… may ka-kambal ka palang lalake," sabi ko kay Pearl. 

Pearl smiled at me and she held my elbow at iniwan ang kaniyang kapatid na lalake at pumunta kami sa may garden area nila. 

"I'm sorry, hindi ko nasabi sa'yo. I am too focused on Nathan Jeon… but anyways… bagay kayo ng kapatid ko," nanlaki ang aking mga mata. 

Kaagad akong umiling sa kaniya. 

"Pearl…" pagbabanta ko sa kaniya. 

Tinutukso niya pa rin ako! 

"Bagay kayo! Alam mo, walang girlfriend 'yung kapatid ko! I will set a date for the two of you!" bigla akong kinabahan sa kaniyang mga sinabi. 

Seryoso ba siya?! Ayoko! 

"Pero-" 

"No buts, Mikasa!" she said with a wide smile on her face. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top