Chapter 25
Chapter 25
"Thank you for calling me, Mikasa." Jimmy said while looking at Nathan Jeon.
Pagkatapos niya kasing mahimatay ay wala akong ibang maisip na tawagan kung hindi ay ang kaniyang kaibigan na si Jimmy. Kung tatawagan ko naman si Mrs. Santander, paniguradong magagalit 'yun sa anak niya dahil sa mga nangyari.
"Wala akong ibang matawagan eh," I responded to him shortly.
He lifted his head and look at me. Pinagmasdan ko ang kaniyang kabuuan. He's tall, he has black hair, may piercings sa magkabilang tenga niya, has a soft kissable lips. He looks cute, mararamdaman ko talaga na hindi siya intimidating na lalaki. Sa lahat nang mga kaibigan ni NJ, siya palang ang nakilala ko.
"It's okay. He's my friend, though. Ano ba'ng nangyari at naabutan ko kayong dalawa na basang basa na naman sa ulan?" pagtatanong niya sa akin.
Napakibit-balikat na lamang ako. Sasabihin ko ba sa kaniya o hindi? Mukhang mapagkakatiwalaan naman siya, atsaka isa pa, kaibigan siya ni Nathan Jeon.
"It's a long story, but to make it short. He confessed to me. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon sa mga sinabi niya sa akin. Siguro… nagustuhan niya lang ako dahil nakikita niya si Mikaella sa akin."
Kumurot ang aking damdamin nang mailabas ko ang mga salitang iyon. Hindi ko na ata kakayanin pa kung hindi ko 'yun malabas, pakiramdam ko sasabog ako nang dahil sa sakit, pag-aalala at pagdadalawang isip.
Because… it is possible, right? Someone… like Nathan Jeon, had a chance to fall in love with me because he reminded me of his ex-girlfriend who's very smilar to her. But I don't want that. Kahit na gustong gusto ko siya, ayoko namang mamilit, ayokong manglimos ng atensyon para lang mahalin ako pabalik.
"Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng aking kaibigan, pero… kapag nagmahal si Nathan Jeon, sigurado siya doon. I know him very well." iyon lamang ang kaniyang sinabi sa akin.
Umawang ang aking bibig… I badly want to know their whole story, between Mikaella and Nathan Jeon, pero sa tuwing sinusubukan ko ang magtanong, parang may pumipigil sa akin na gawin ang mga iyon.
"He might be in love with his ex-girlfriend, but that was before, Mikasa. What's matter the most is the present. Hindi na niya maibabalik pa ang nakaraan, whatever happens to their relationship will forever stay in the past." hindi ako makasagot sa mga sinabi ni Jimmy sa akin at tinapik lamang ang aking likuran, bago siya tumalikod sa akin.
Bumuntonghininga na lamang ako at tuluyang pumasok sa loob ng kwartong hinihigaan ni Nathan Jeon ngayon. Ngayon ko lang nalaman na ang mga magulang pala ni Jimmy ay may ari ng ospital na ito. Paniguradong nakarating na ito sa mga magulang ni Nathan Jeon.
They deserve to know it, too.
Pero, ano naman ang sasabihin ko? Bakit basang-basa si Nathan Jeon sa ulan? Anong nangyari at bakit naging ganoon? Ayoko namang malaman nila ang totoo, nahihiya ako.
Lumambot ang aking puso habang pinagmamasdan ko ang isang Nathan Jeon. Hinawakan ko ang kaniyang kaliwang kamay. It didn't fit perfectly because he has big hands, it's kinda rough, siguro dahil sanay siya sa trabaho. Hindi siya nakikinig sa mga magulang niya, kaya kung gusto niyang mag-trabaho, ginagawa niya.
Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang biglang dumilat ang kaniyang mga mata. Kukunin ko na sana ang aking kamay nang pinigilan niya ito at hinawakan. Umawang ang aking bibig at dahan-dahan akong lumingon sa kaniya.
Pumungay ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin. A small smile escaped in his lips.
"You stayed…" bulong niyang sabi sa akin.
Iniwas ko ang aking paningin sa kaniya.
Alangan namang iwanan kita rito.
"Ayokong malaman ito ni Pearl. Magagalit 'yun sa akin." I told him without even looking at him.
Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang unti-unting pagkunot ng kaniyang noo. Napaayos siya sa kaniyang paghiga at pinagmasdan ako nang mabuti. Na para bang binabasa niya ang aking reaksyon ngayon.
"Stop worrying about her. I'll handle it."
"Anong gagawin mo sa kaniya?" hindi ko mapigilan ang hindi kabahan. Ayokong magalit sa akin si Pearl.
Friendship is important to me.
"Basta, huwag nang matigas ang ulo. Can you stop thinking about her for once? Ang pag-uusapan natin ngayon ay ang tayo." inikotan ko siya ng aking mga mata.
"Walang tayo," pagiging klaro ko sa kaniya.
He chuckled like a damn! Stop! Bakit ba sa tuwing tumatawa siya mas lalo akong nahuhulog sa kaniya?!
"Okay, let me rephrase it. Magiging tayo, magiging tayo pa," sabay tingin sa akin.
"Bakit ang dali lang sayo na kalimutan ang nakaraan? How about Mikaella? Sinabi mo na sa akin na kahit kailan hinding hindi ka magkakagusto sa akin at bawal kitang magustuhan. What happened to your words, Nathan Jeon?"
His reaction didn’t changed. He was still remained that way. Na para bang wala na talaga siyang pakialam sa kaniyang nakaraan.
"I loved her, I do love her, yes. That's the truth." bumuntonghininga siya, bago siya nagpatuloy.
"I stayed in the past and don't have the courage to move on. I stayed in darkness, those times I'd think that the best way to ease the pain was to gone and be with her, instead. Simula nang mawala siya… parang nawala na rin ako. I even created a conclusion that I don't want to feel love again with someone else's arms. But those are just words, Mikasa."
He encircled my hand with his left hand, and cover it with his right hand. Doon lamang siya nakatingin habang nagsasalita.
"I… tried my best to avoid you, kasi, ayokong palitan si Mikaella… but you did…" napalingon ako sa kaniya at nagtama ang aming mga mata.
Dapat ba akong maging masaya sa mga sinabi niya? Ikakasaya ko ba ang mga iyon?
"What happen in the past, will stay in the past, forever." lumingon ako sa kaniya at hindi mapigilan nang aking mga mata ang mapaluha.
Gusto kong maging masaya, gustong gusto ko siyang tanggapin. Gustong gusto kong tanggapin ang pagmamahal niya.
"But you loved Mikaella, Nathan Jeon."
His eyes were full of sorrowful emotions that I couldn't even explain.
"Yes, I love her, Mikasa. But it doesn't the same way. I don't love her the way I have loved you. Kahit na anong gawin ko, hindi na babalik si Mikaella… she's gone."
He wiped my tears using his index finger and cupped my cheeks.
"Huwag na huwag mong iisipin na minahal lang kita nang dahil sa kamukha mo siya. Mahal kita dahil mahal kita. Tapos ang usapan," malambing niyang sabi sa akin.
Dahan-dahan niya akong hinila at niyakap nang napakahigpit. He's using all his arms to embraced me and hugged me even more. Tuloy-tuloy lamang ang aking pag-iyak habang hinahagod niya ang aking likuran.
I felt a kissed from my head…
He kissed me…
He kissed me on my forehead.
"Stop doubting yourself, Mikasa. From now on… I will be your best friend, your future boyfriend, your protector and your lover… and your suitor." napaangat ako nang tingin sa kaniya.
Ramdam ko pa rin ang init ng kaniyang mga yakap. He looked at me with his serious expression, totoong nagsasabi na talaga siya ng totoo.
"My suitor?" he slowly showed a smile to me.
"Oo… dahil liligawan kita, Mikasa. Liligawan talaga kita."
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. I don't want this to end… gusto kong mapanatili na lamang sa ganitong eksena, sa ganitong oras, mismo. Pipigilan ko pa ba ang damdamin ko? Mapipigilan ko pa ba ang sarili ko na mahulog sa kaniya?
What I felt about Namjoon is just a puppy love, a crush… but when it comes to Nathan Jeon, hindi ko maipaliwanag at bumibilis ang pagtibok ng aking puso.
Malungkot ako sa tuwing hindi ko siya nakikita sa coffee shop, nasasaktan ako sa tuwing tumatawa siya at may kausap na ibang babae, at nagseselos ako sa tuwing magkasama silang dalawa ni Pearl.
Iniintindi ko nalang ang lahat nang dahil alam kong kahit kailan hinding hindi ako magugustuhan ng isang Nathan Jeon Santander…
But I couldn't expect this to happen… hindi talaga…
Nabalik lang ako sa realidad nang biglang bumukas ang pintuan ng private room na hinihigaan ngayon ni NJ.
Kaagad akong umalis sa pagkakayakap sa kaniya, bago pa kami makita sa kung sino man ang pumasok.
My eyes widened when I see his mother. Umawang ang aking bibig, she's very fancy in her dress right now.
"What happened to my son?!" nag-aalala niyang pagtatanong sa akin.
May dalawang body guard na nakasunod sa kaniya, ngunit ang mga ito ay naghihintay lamang sa labas ng kwarto. Her red lips twisted when she saw her son, laying on the bed. Kaagad itong lumapit sa aming direksyon.
"Joon, what happened to you? Nag-alala ako nang sobra, hijo! Bakit hindi ako ang una mong tinawagan? When it should be me!" pagalit niyang sabi sa kaniyang anak.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Nathan Jeon at lumingon siya sa akin.
"You don't have to be worry about me, Mama. I'm fine, atsaka isa pa, nandito naman si Mikasa. Siya ang nag-alaga sa akin." Nathan Jeon's responded coldly to his mother.
She lifted her head to me and gave me a small smile on her lips.
"Thank you for taking care of my son, hija. But can you give us a minute? I just want us to be alone." nataranta ako at kaagad akong napatayo.
Yumuko ako sa kaniya at aalis na sana nang biglang hinawakan ni NJ ang aking kaliwang kamay.
"Mama, pwede ka ba naming makausap?" mas lalong umahon ang kaba na aking nararamdaman.
Kumunot ang aking noo at pinipilit kong hablutin ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya sa akin. Ayokong malaman ni Mrs. Santander ang tungkol sa nararamdaman niya para sa akin.
"About what?"
Nang magkaroon na ako nang pagkakataon na makuha ang aking kamay ay kaagad akong humarap kay Mrs. Santander.
"Kakausapin lang po kayo ni Nathan Jeon tungkol sa mga gusto niya. Iyon lang po," pagsisinungaling ko sa kaniya at nakita ko ang unti-unting pagkunot ng noo ni NJ.
Hindi ako humarap sa kaniya pabalik at tuluyan na akong nagpaalam sa kaniyang ina.
Sumakit ang aking damdamin habang nakasandal ako sa pintuan ng kwarto ni Nathan Jeon… gustong gusto ko siya, pero hindi pa ito ang tamang pagkakataon para malaman ng iba, lalong-lalo na ng kaniyang mga magulang ang tungkol doon.
Mayaman sila, at alam ko kung ano ang gusto ng mga magulang niya pagdating sa mga ganyan.
I'm not even that rich to reach their level of success…
Napalingon ako sa aking gilid at biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso.
"Is he okay?"
Pearl asked me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top