Chapter 22
Chapter 22
Kinabukasan ay kinausap ng aming adviser ang coach sa Ms. Personality.
Alam kong hindi maganda ang mga ginawa niya sa akin, pinahiya niya ako, imbes na kausapin nang masinsinan.
"I'm really sorry for what happened, Mikasa. I don't have an idea na ganoon pala ang pag-trato niya sa iyo." panghihingi nang paumanhin ni Ms. Victoria sa akin.
Nasa opisina ako ngayon at pinatawag niya ako nang dahil sa mga nangyari.
"Pwede pa rin naman po ba akong umatras, hindi ba?" pagtatanong ko sa kaniya.
Nakita ko ang lungkot ng kaniyang ekspresyon at kaagad niyang tinanggal ang kaniyang salamin sa mata at ipinagsalikop ang kaniyang mga kamay at hinarap ako.
"Your name is already on the list. Kung aatras ka… mas pinatunayan mo sa lahat na hindi mo kaya. I know it's hard for you to do this, Mikasa. But I am still hoping that you would continue this."
Napaisip rin ako sa mga sinabi ni Ms. Victoria sa akin, bago ako dumiretso sa cafeteria. She has a point, though. Kung ititigil ko 'yun, paniguradong nagmumukha lang akong talunan and I don't want that to happen.
Sinabi na rin naman sa akin ni Ms. Victoria na pinalitan nang bagong coach ang magtuturo sa amin. Nakakahiya, dahil umabot na sa ubong Santander ang isyu tungkol doon.
Bagsak ang aking balikat nang pumasok ako sa loob ng cafeteria, lalong-lalo na nang makita ko ang ibang ekspresyon ng ibang studyante. I know, nagkamali ako! But it doesn't mean na kasalanan ko lahat!
Biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko si Nathan Jeon Santander, katabi ni Yna, naghihintay sa akin.
Anong ginagawa niya dito?
Kaagad akong lumapit sa direksyon nila nang magulat akong biglang lumapit si Pearl sa direksyon nila Yna at NJ.
What the…
"Hi guys!" bati niya rito at nakita kong umasim ang ekspresyon ni Yna sa ginawa ni Pearl.
Dahil natatakpan pa ako sa katawan ni Pearl, nakita ko ang paglingon ni NJ habang seryosong nakatingin lamang sa akin. Nang makarating na ako sa kanilang direksyon ay kaagad akong inaya ni Yna na kumain.
"Mikasa! Kanina ka pa namin hinihintay rito. Nakausap mo na ba si Ms. Victoria? Anong sinabi niya tungkol sa mga nangyari?" nag-aalalang pagtatanong ni Yna sa akin.
Lumingon muna ako kay Pearl at nginitian lamang niya ako habang abala siya sa kaniyang pagkain.
Nakita kong walang pagkain si NJ pero may dalawang ice americano at banana milk sa kaniyang harapan.
"Ms. Victoria wants me to continue the pageant," sagot ko sa kaniya pabalik.
Napalingon sa akin si Pearl at kinausap ako.
"Really? Pero… Mikasa, kung ako ang nasa posisyon mo? I would literally back out. Nakakahiya 'yung mga nangyari sa'yo. I am saying this because I'm your friend and I'm concerned."
Kumunot ang noo ni Nathan Jeon habang nakatingin kay Pearl.
"No, she doesn't need to back out. Kung aalis si Mikasa, paniguradong walang mananalo sa inyo. She's smart, beautiful." ramdam ko sa boses ni Yna ang inis na kaniyang nararamdaman.
"It's okay, Pearl. Ms. Victoria told me that the coach already back out. Pinalitan na nang bago."
Umawang ang kaniyang bibig at hindi siya nakapagsalita. Nabaling lang ang aking atensyon nang biglang ibinigay sa akin ni Nathan Jeon ang banana milk na nasa kaniya.
He smiled at me,"Don't think about it too much, Mikasa. Kung aalis ka, I will still support you. Kung magpapatuloy ka, ganoon pa rin."
Nagulat ako sa kaniyang mga sinabi.
What the heck, why did he say that?! Nandito si Pearl sa tabi ko! Why is he acting like that in front of me and Pearl?!
"Kanina ka pa hinihintay ni NJ, Mikasa." nakangiting sabi sa akin ni Yna.
Napansin ko na tahimik lamang si Pearl sa aking tabi.
I'm not a bad cold hearted person so…
"Pearl, sa'yo nalang ito. I'm not really into banana milk. It's your favorite, right?" I smiled to her and she looked at Nathan Jeon first.
"Yes," she answered shortly.
Umawang ang bibig ni NJ sa aking ginawa at mas lalo akong hindi mapakali nang tinitigan niya ako.
I liked him… but I also don't want to hurt my friend's feelings. Hindi ako ganoon. I'm not even selfish to do that.
As long as I can… lalayo ako…
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam muna ako kay Yna na pupunta muna ako na sa lockers room. Hindi ko inaasahan ang pagsunod sa akin ni Pearl.
"Oh, Pearl? What are you doing here?" pagtatanong ko sa kaniya.
To be honest, gusto kong mainis sa kaniya, kasi, sa lahat nang gusto niyang pagsabihan tungkol sa nararamdaman niya, ako pa talaga.
She smiled at me first, before she spoke.
"Mikasa… I just wanted to say thank you…" kumunot ang aking noo nang dahil lamang sa kaniyang mga sinabi.
Binuksan ko muna ang aking locker, bago ko siya sinagot.
"For what?"
Sumandal siya sa kabilang locker at nakita ko ang ngiting multo sa kaniyang mga labi.
"Kasi… nang dahil sa'yo, hindi ako na out of place kanina. Kahit na alam kong hindi ako gusto ni Yna."
Napatigil ako sa aking ginagawa at pinagmasdan ko ang kaniyang reaksyon.
"It's okay. Alam ko naman na gusto mo si NJ… and you wanted to talk to him," iyon lang ang aking naisagot sa kaniya nang bigla siyang may inilahad sa akin.
Umawang ang aking bibig at dahan-dahan ko itong kinuha.
A pink invitation letter with her named engraved on it.
"Malapit na ang 18th birthday ko. I wanted you to be there, Mikasa. And…" dahan-dahan akong nag-angat nang tingin sa kaniya.
Nakita ko ang unti-unting pagpula nang kaniyany magkabilang pisngi, bago niya ipinagpatuloy ang kaniyang sasabihin.
"I also invited Nathan Jeon to my birthday party. He will going to be my… last dance."
My heart ache when she said that to me.
"Buti nalang talaga at pumayag siya, Mikasa. It's actually my dream to be dance with him…" hindi ko mapigilan ang hindi mapatanong sa kaniya.
"Paano mo siya nakilala, Pearl? Why do you like Nathan Jeon?" napatuwid siya sa kaniyang pagkakatayo at nagsimula na kaming maglakad pabalik sa aming mga classroom.
"Me and Mikaella was once a part of an organization. And then I saw Nathan Jeon, palage siyang pabalik-balik sa meeting room namin noon just to see Mikaella. Nanliligaw pa lamang si NJ kay Mikaella noon. No'ng panahon na gusto ko nang umamin sa kaniya… hindi ko na nagawa, kasi… nalaman kong sinagot na pala niya si Nathan Jeon. " ramdam ko sa kaniyang boses ang lungkot na kaniyang nararamdaman.
"But… she's your friend, right?"
Hinarap niya ako at magkasalubong ang magkabila niyang kilay.
"No, she's not my friend. Ikaw lang ang kaibigan ko rito. Yna's team was just like the others. Hindi ko nga alam kung ano ang problema nila kung bakit galit sila sa akin. I didn't do anything wrong."
Maybe… maybe… Yna was wrong…
Naramdaman ko kasi 'yan, noong pumasok ako dito sa Santander University. Noong mga panahong hindi pa ito nangyari. I don’t have friends, only Nancy, Ashley and Fiona.
Nagpapanggap pa akong mayaman dahil sa gusto kong magkaroon ng kaibigan. Kung gaano ka-bait si Yna ngayon, kabaliktaran naman sa Nancy na kilala ko.
"I want you to be there, Mikasa."
Iyon ang huling mga salitang sinabi niya sa akin, bago siya pumasok sa kanilang classroom.
Nang mag-uwian na, bitbit ko ang aking laptop at iba pang mga gamit habang naglalakad, hindi ko maiwasan ang hindi maisip ang lahat nang mga sinabi sa akin kanina ni Pearl.
She invited Nathan Jeon to her birthday party at magiging last dance pa niya ito. The spirit of that girl is higher than my confident to say I like Nathan Jeon in front of him.
Napapailing na lamang ako nang biglang tumabi si Nathan Jeon sa akin at sumabay sa aking paglalakad.
"Anong ginagawa mo?" kunot-noo kong pagtatanong sa kaniya.
"Naglalakad." maikli niyang sagot sa akin.
Sinabi sa akin ni Yna na magkakaroon raw kami nang practice bukas sa cheerleading, but since kasali ako sa Ms. Personalities, excuse muna ako.
Kung hindi lang talaga kita gusto, hindi kita hahayaang sumabay sa akin maglakad ngayon. Knowing that there is one person who's obsessed in you.
"Look at the sun, Mikasa… it's beautiful," sabi niya sa akin habang itinuro ang liwanag nang araw na unti-unti nang lumulubog.
Hindi ko dala ang bicycle ngayon dahil balak kong maglakad nalang.
Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilan ang hindi magtanong sa kaniya.
"Pearl invited me to her birthday party. She invited you, too?"
Nasa harapan pa rin ang kaniyang paningin, hindi man lang nagbago ang kaniyang ekspresyon.
"Yes," he answered shortly.
"Pupunta ka ba?"
What a lame question, Mikasa! Of course, pupunta siya! Kaibigan niya rin si Pearl.
"Ikaw, pupunta ka rin ba?"
Hindi ko inasahan ang pagtanong niya sa akin pabalik.
I want to go there, too. But knowing and seeing them dancing together… it would literally break my heart into pieces… kaya siguro… huwag nalang?
Nakatitig lamang siya sa akin habang hinihintay ang aking magiging sagot.
"Pearl wants me to be her 18th dance… but I'm not her boyfriend. So…"
Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang sinabi.
"Hindi ka pumayag?"
Napakamot siya sa kaniyang ulo at nag-aalangan pa na sumagot sa akin.
"I rejected her…" umawang ang aking bibig.
No… I saw Pearl's smile and… I don't want her to be upset with me…
"Nathan Jeon, pumayag ka." I said to him with finality.
Kumunot ang kaniyang noo at hindi ako maintindihan.
"No, I already rejected her. Binawi ko ang mga sinabi ko sa kaniya kanina. I can't dance with her, she's not my girlfriend."
"But she's your friend!" nagulat rin ako sa biglaang pag sigaw ko sa kaniya.
Hindi siya nakasagot sa akin. I tried to calm myself just to hide my emotions.
"Go… be her last dance, Nathan Jeon…"
Biglang lumamig ang kaniyang ekspresyon nang sinabi ko iyon sa kaniya.
"You want me to dance with her? Really?" hindi niya makapaniwalang sabi sa akin.
He bit his lower lip as his brows shot up.
"Oo. Bakit naman hindi, hindi ba? I'm not your girlfriend and you guys look good together!"
He laughed without humors… kahit ramdam ko na ang kaniyang namumuong galit.
"Stop… pushing me to someone else, Mikasa." after he said that, he slowly nodded at me.
"Fine… I'll dance with her."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kaagad siyang nagpatuloy sa kaniyang paglalakad.
Nakalagay sa magkabilang bulsa niya ang kaniyang mga kamay, without looking at me back.
I swallowed hard and entered the building.
Totoo naman kasi…
Mas bagay silang dalawa…
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top