Chapter 21
Chapter 21
Hindi ko na namalayan ang araw nang dahil sa bumabagabag pa rin sa aking isipan ang lahat nang mga sinabi sa akin ni Pearl noong nakaraang araw.
Did she really think that I'm gonna seduce Nathan Jeon, kaya siya umamin sa akin na gusto niya si NJ?
That's so pathetic…
Kaagad akong pumasok sa loob ng aming classroom at sinalubong kaagad ako ni Yna na may dalang mga albums.
"What is that?" nagtataka kong pagtatanong sa kaniya.
She smiled even more at kaagad na ipinakita sa akin ang iba't-ibang klaseng version ng kaniyang album.
"Balak ko kasing pumunta sa concert nila, kaya bumili kaagad ako nang mga albums. Balita ko rin kasi na magkakaroon rin sila ng fan sign dito sa Pilipinas, kaya, ayoko nang mag-aksaya ng oras." masaya niyang sabi sa akin.
Pinagmasdan ko lamang siya habang abala siya sa kaniyang ginagawa. She's really a fan girl. Parehang-pareha sila ni Mama, sabi sa akin ni Papa noon, isang fan girl rin ang aming ina.
But Papa wins the battle between the idols of my mother or him. Ikaw ba naman ligawan araw-araw, at na-kwento rin sa akin ni Papa noong nanliligaw pa siya kay Mama, palagi niya itong sinasayawan nang mga k-pop songs kasi iyon ang gusto ni Mama.
He even surprised my mother when he courted her. Matagal man ang kaniyang panliligaw, worth it naman ang lahat.
Kakausapin ko pa sana si Yna, kaso, biglang pumasok ang aming subject teacher at kaagad itong nagsalita sa harapan.
"Class, malapit na ang Ms. Personality, we need a representative for this section."
Napatingin ako sa aking mga ka-klase na ngayon ay nagbubulong-bulongan kung sino ba ang sasali sa sinabi ni Ms. Victoria.
"Ma'am, I vote Yna!" nanlaki ang mga mata ni Yna nang bigla siyang iboto ng aming isang lalakeng ka-klase.
Tinukso nila ito at kaagad na inawat nang kaniyang mga kaibigan.
"Dude, may boyfriend na 'yan. Lagot ka kay Agusdy pag nalaman niya."
Nagsitawanan lang sila at kaagad na umiling si Yna.
"Ma'am, ayoko!" pag-re-reklamo ni Yna.
Inilibot ni Ma'am Victoria ang kaniyang paningin at huminto nang makita ako.
"What about you, Mikasa?"
Napatingin ang iba naming ka-klase sa akin at umawang ang aking bibig at napa-upo ako nang maayos nang wala sa oras nang tinanong ako ni Ma'am Victoria.
"Ma'am, I'm not into-" hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang may biglang sumingit.
"I vote Mikasa Tushima for Ms. Personality!" pinanlakihan ko ng mga mata ang may sabi nun at nginitian lamang niya ako.
"What about you, Ms. Tushima? Ano ang masasabi mo? Most of your classmates voted you for the Ms. Personality."
Napahilot na lamang ako ng aking sentido, habang hinihintay ni Ma'am Victoria ang aking magiging sagot.
Ngiti lamang ang isinagot ko sa kaniya at kaagad niyang inilista ang aking pangalan sa kaniyang notepad at pagkatapos ng aming klase ay pinapunta pa niya ako sa kaniyang office dahil may ibibigay siyang schedule for the practice.
I am noy a shame of my body, hindi lang talaga ako sanay na sumali sa mga ganito, pero, mapapahiya naman ang section namin kung wala kaming pambato, hindi ba?
"Mamayang four pm, magkakaroon kayo ng practice, near at the basketball court. Nandoon lahat nang mga couches ninyo." pagpapaliwanag sa akin ni Ma'am Victoria at tumango na lamang ako sa kaniya.
Sabay kaming nag-lunch ni Yna at kinausap niya rin ako tungkol sa cheerleading.
"Don't worry about it, Mikasa. Mag-focus ka muna sa pageant. Sasabihin ko nalang sa captain leader namin at kay coach Ann na hindi ka makakapunta ngayon dahil may gagawin kang urgent na trabaho."
I am so glad that Yna is here, together with me. Alam kong hindi maganda ang pag-uugali niya noon, alam ko rin na sinasabayan niya lang ako just because I am rich, elegant and very extravagant girl, kahit na ang totoo ay mahirap lamang ako.
"Thank you so much, Yna." iyon lang ang aking nasabi dahil sa totoo lang, wala akong masabi sa kaniya.
She's too good for me being a friend.
"Nabalitaan ko rin na sasali si Pearl sa Ms. Personality," ani Yna.
Napahinto ako sa aking pagkain nang marinig ko ang mga iyon kay Yna.
"Mikasa, I know I'm not a good person but… please be careful."
"But why? She's also my friend."
"I don't know how to explain this to you but… she's a traitor."
Umawang ang aking bibig nang sabihin niya iyon. Naghahanap pa ako nang mga salitang pwede kong ibato sa kaniya pabalik. Matagal ko nang napapansin na hindi niya gusto si Pearl and I don't even get her why.
Hindi na lamang ako sumagot sa kaniya at itinuon ko nalang sa pagkain ang aking atensyon.
Nang mag-alas-cuatro y media na ay dumiretso ako sa sinabi ni Ms. Victoria kanina. Habang naglalakad ako ay biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makita ko ang isang Nathan Jeon Santander.
He's wearing a jersey, a basketball attire and… he's very fucking tall with that.
He's even wearing a black band at kahit nasa malayo pa ako ay kitang-kita ko na ang pawis sa kaniyang katawan.
Damn those abs???
I swallowed hard as I watched him playing basketball with his friends and… couch?! Wait? Is he playing basketball?
"NJ!" pagtawag ng kaniyang kasamahan.
Napahinto ako nang wala sa oras nang makita ko kung gaano siya kagaling tumakbo at maglaro ng bola. Because he's very tall, it's easy for him to shoot the ball from the ring.
"Nice one, Santander!" sigaw ng kanilang couch na nakatingin lamang sa kanila.
Nakita ko ang seryoso niyang mga tingin habang hinihingal nang dahil sa laro. Kaagad akong umiwas at naglakad nang mabilis nang bigla siyang lumingon sa akin.
Damn it! He's a varsity player?!
Nagmamadali akong makapunta sa area namin at tama nga ang mga sinabi ni Yna kanina. Magiging kalaban ko nga si Pearl sa pageant.
She's with her friends at hinintay ko nalang na dumating ang couch namin nang biglang lumapit sa akin si Pearl.
May kakaiba talaga sa kaniyang mga ngiti na hindi ko maipaliwanag because it's vivid!
"Kasali ka rin?" nanliit rin ang kaniyang mga nang tinanong niya ako.
"Yes," maikli kong sagot sa kaniya.
"Glad to hear that, Mikasa! Kanina pa kasi ako lonely dito eh. Wala akong makausap," nagulat ako sa biglaang pag-approached niya sa akin.
"Okay, girls! Straight up!" kaagad kaming umayos ng tayo, habang katabi ko lamang si Pearl.
"Ang una nating pag-aaralan ngayon ay ang paglakad at pagrampa nang maayos. You always have to remember that this is the best part of you, when it comes to pageant." pagpapaliwanag sa amin ng coach.
Habang nasa kalagitnaan kami nang pag-pa-practice ay unti-unti ring dumadami ang nanonood sa amin! Even the basketball players walk towards our direction! Kasama na doon si NJ na may hawak pang white towel at gatorade sa kaliwang kamay.
Shit!
Napalingon ako kay Pearl nang biglang sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi nang makita niyang unti-unting lumapit ang team sa aming direksyon.
"Pearl, you're next." sabi ng coach at nalaglag ang aking panga nang bigla siyang rumampa sa aming harapan.
The fuck... she's a damn legend! The way her hips swayed as she walks confidently like a victoria's secret model.
Pulang-pula na ang aking mukha, lalong-lalo na nang maghiyawan ang mga studyanteng nakatingin sa amin. Hindi ako lilingon sa direksyon nila, ayokong mapahiya!
Pagkatapos ni Pearl ay tinawag na ni coach ang aking pangalan.
Nagsisisi na ako kung bakit nagpadala pa ako sa mga gusto nang aking mga ka-klaseng sumali rito!
"Mikasa? It's your turn!"
Para akong nabalik sa realidad nang tinawag akong muli ni coach.
Bumuntong hininga ako 'tsaka ako naglakad sa stage at napapikit ako nang wala sa oras. I tried my best to make my posture good and I started walking like a queen.
"Show your smile, Mikasa!" nagulat ako nang makita ko ang magkasalubong na kilay ng aming coach at tumahimik ang paligid.
Napalingon ako sa kanila at sa direksyon nila Nathan Jeon. Nakita ko ang blankong ekspresyon niya habang nakatingin sa aking direksyon habang nag bubulungan ang kaniyang mga kasamahan.
Did I do something wrong?
"Hey, ano ka ba naman Mikasa?! Ayusin mo nga iyang mga galaw mo!" nabigla ako nang pinagalitan ako ni coach.
Some of the girls smirked at me like I'm such a loser because I join this kind of activity.
I tried my best to do it again but I just can't even concentrate!
Nakita kong napahilamos siya sa kaniyang mukha at bigla na namang sumigaw.
"You know what? You're not belong here! Hindi ka nga makarampa nang maayos! My god, Mikasa! Ang simple lang ng pinapagawa ko sa'yo!"
Biglang sumakit ang aking dibdib nang marinig ko ang mga salitang iyon.
Napapahiya na ako!
"I'm sorry..." mahina kong sabi sa kaniya at nakita ko ang kaniyang pag-iling, showing his disappointment.
Kaagad akong umalis doon. Tinatawag pa nila ako, pero hindi na ako nakinig sa kanila.
Para saan pa't napahiya na ako sa maraming tao?
Tumulo ang aking mga luha at tumigil lamang ako sa lugar na walang tao.
Hindi ko mapigilan ang hindi mapahikbi. Nasasaktan ako! Naiinis ako sa sarili ko dahil naaapektuhan ako nang ganito kahit hindi naman dapat!
"I don't want to see you crying, here."
Nag-angat ako nang tingin at nakita ko si NJ... may inilahad siya sa aking panyo at tinanggap ko nalang din ito.
Katulad ko, sumandal rin siya sa pader habang nakapamulsa. Even though, he's still wearing his jersey attire, he's not smell bad. Mabango pa rin.
"Bakit ka pa sumunod?"
Nilingon niya ako at nginitian.
"Wala namang magagaling doon," sagot niya sa akin pabalik.
Ibig ba niyang sabihin? Hindi rin ako magaling dahil nanggaling naman ako doon. Edi doon na siya kay Pearl!
"Hindi naman talaga ako magaling." malamig kong sabi sa kaniya.
Nagkibit-balikat siya at nilingon ako.
"Who said that? You're just nervous but it doesn't mean you're not good at it."
Hinarap ko siya at napatigil ako. Bakit ko nga ba siya kinakausap? Gusto siya ni Pearl, at baka isipin ni Pearl na may namamagitan sa aming dalawa ni Nathan Jeon.
"No, because I'm really not..." tumuwid siya sa kaniyang pagkakatayo habang nakapamulsa pa rin.
"You're just proving to them that you're not actually good. I believe in you, so please... don't say that."
I felt something in me when he said that words to me. Lalong-lalo na nang makita ko ang kaniyang ekspresyon.
His eyes reflected to the color of sun rays... mas lalong sumingkit ang kaniyang mga mata at mas lalong pumula ang kaniyang mga labi.
Pinagmasdan ko lamang siya nang biglang may kinuha siyang bulaklak.
Kumunot ang aking noo. Anong ginagawa niya?
"Dandelions," banggit niya.
"Ano?"
"You just look like a dandelions." biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang inilagay niya sa aking kanang tenga ang bulaklak na kinuha niya sa tabi.
Nagtama ang aming mga mata. Hindi ko mabasa ang kaniyang ekspresyon... hindi ko maipaliwanag.
"Sa lahat nang nandoon, ikaw lang ang nakita kong magaling. You're just like a dandelion, attractive in a simple way. I will support you, Mikasa."
Umawang ang aking bibig at niyakap niya ako. Rinig na rinig ko ang pagtibok ng aking puso.
God! Bakit ako kinikilig?!
Napapikit na lamang ako at niyakap ko na rin siya pabalik.
Memories flashed in my mind...
Sumakit ang aking ulo at pinilit ko itong labanan.
I saw myself... crying in the middle of the road.
Bakit ba palage na lamang akong nakakakita nang mga ganoong pangyayari?
It's just... different...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top