Chapter 20

Chapter 20


Nang makauwi na ako sa bahay ay nagulat ako nang madatnan ko si Mama. Nakaupo siya at nag-ka-kape.

"Magandang hapon, po." iyon na lamang ang aking nasabi, bago ako yumuko sa kaniya at di-diretso na sana ako nang bigla siyang magsalita. 

"Anak, Mikasa?" pag tawag niya sa akin.

Tinignan niya ako nang may pagtataka sa kaniyang mga mata. 

"Nag-ta-trabaho ka ba sa coffee shop ni Ma'am Gale?" 

Teka, paano niya nalaman? At saan niya nalaman? 

Lumunok muna ako, bago ko siya sinagot. "Opo, para na rin makatulong po ako rito." pagpapaliwanag ko sa kaniya. 

It's actually true… I want to help them, kahit na hindi sila ang tunay kong mga magulang, ayoko pa rin na maging pabigat sa kanila.

I have plans to look and find my real parents, but I just don't know where to start. Miss na miss ko na sila. 

"Mikasa, hindi mo naman kailangang mag-trabaho anak. Kaya na namin ng ama mo." kaagad akong umiling sa kaniya, 'tsaka ko siya sinagot. 

"Let me do this, Mama. Gusto ko rin po ito." iyon na lamang ang aking nasabi at blangkong ekspresyon lamang ang ibinigay niya sa akin. 

Kaagad akong pumasok sa loob ng aking kwarto at doon huminga nang malalim. Alam kong nag-aalala sila sa akin, pero, gusto ko rin silang tulungan sa paraang kaya ko. Ayokong maging pabigat. 

Napatingin ako sa calendar na nakasabit sa pader. I really couldn't imagine that I am actually here… araw-araw at gabi-gabi kong hinihiling na sana… dumating na 'yung araw na pwede na akong bumalik sa kasalukuyan, to my future. 

I just miss my life… 

Pagod akong humiga sa aking kama at kinuha ko ang aking cellphone. Napangiti na lamang ako habang tinitignan ko ang litrato ni Nathan Jeon. I posted this a while ago and then I saw Pearl… commented and reacted to my inkstagram post. 

'Where are you? Is this Nathan Jeon?' 

Iyon ang laman ng kaniyang comment. Mas lalong kumunot ang aking noo at binisita ko ang inkstagram account niya.

Pearl has a thousand of followers, pero walang nakalagay doon na fi-no-llow siya ni NJ. They're friends, right? 

I haven't communicated with her these past few days, ewan ko, hindi rin naman kasi niya ako kinakausap. She said, she's my best friend. Naninibago pa kasi talaga ako sa kaniya eh. I feel like she's new to me. Ibang-iba ang nararamdaman ko kay Yna, at kay Pearl. 

Maaga akong nagising kinabukasan dahil trabaho ko na. It's sunday and this is the second day of my part time job. Pagkatapos naming pumunta sa museum kahapon ay sinamahan pa ako ni Nathan Jeon umuwi. 

Pagkarating ko ng coffee shop ay naabutan ko na siya nang nag-aayos ng mga tables, wearing his uniform. 

Nang makita niya ako ay kaagad niya akong nginitian. Dumiretso kaagad ako sa counter at lumapit sa akin si Kisses na may ngiti sa kaniyang mga labi. 

"Mikasa, pakiramdam ko, may gusto sa'yo si NJ." nagulat ako sa kaniyang mga sinabi at umawang ang aking bibig. 

"Malabo 'yun. He's still in love with his ex-girlfriend," sagot ko sa kaniya pabalik habang pinagmamasdan namin si Nathan Jeon na naglilinis ng mga tables. 

"Ewan ko ba, pero kamukhang-kamukha mo talaga si Mikaella." 

Wait, kilala niya si Mikaella? 

"Kilala mo siya?" nagtataka kong pagtatanong sa kaniya. 

"Oo, dinadala niya 'yun dito eh. This is their favorite spot." sagot niya sa akin pabalik. 

Hindi na lamang ako sumagot sa kaniya pabalik dahil hindi ko alam kung ano ba dapat ang isasagot ko o sasagot pa ba ako. 

Buong araw akong ganoon, parang nawalan ako nang gana pero kailangan kong magpanggap na ayos lang. Bakit ba malaki ang epekto sa akin ng Mikaella na iyon? I don't even know her personally. All I know was… she's the ex-lover of Nathan Jeon. 

Nauna na akong lumabas ng coffee shop at nakita kong umaambon na naman at makulimlim na ang kalangitan. Wala akong dalang payong. 

Napalingon ako kay Nathan Jeon at nakita kong dumiretso siya sa kaniyang mamahaling bike. Mukhang uuwi na siya. 

"Sabay ka na, ihahatid nalang kita." sabi niya sa akin. 

Please, stop, Mikasa. Stop falling for him. 

"It's okay. Sasakay nalang ako ng taxi," sabi ko sa kaniya. 

Napatingin siya sa kaniyang bike at baka naisip niyang hindi ako magiging komportable sa kaniyang bike. 

Sasagot na sana siya nang nabigla kami nang biglang dumating si Pearl sa aming harapan. She's wearing a scarlet cardigan and a black sidney skirt and a hair clip on her hair. 

"Pearl? Anong ginagawa mo rito?" nagtataka kong pagtatanong sa kaniya. 

Nakita ko ang kaniyang pagbuntong hininga, bago siya tumingin sa akin. 

"Galing ako sa office ni Daddy. Naisipan kong pumunta rito, teka, uuwi ka na?" pagtatanong niya sa akin. 

Napalingon ako kay NJ na ngayon ay nakamasid lang sa aming dalawa. 

"Oo," maikli kong sagot sa kaniya. 

Nagulat ako nang hawakan ni Pearl ang aking kaliwang braso at nginitian. 

"Sumama ka muna sa akin. I want to go to Mall, kaya lang wala akong kasama. Kaya, naisipan kong puntahan kita rito."

How can I resist when her she was smiling at me all the time. Atsaka, isa pa, matagal na rin kaming hindi nagkita, maybe because she's busy with her work? 

I just really want to know her even more. Kung paano ko ba siya naging kaibigan, anong klaseng kaibigan ba siya. 

Matagal akong nakasagot sa kaniya at unti-unti na lamang akong tumango. 

"Sige, sasama ako." 

She almost jumped because of excitement when she heard me say yes. 

"Nathan Jeon, uuwi ka na? You can come with us." pag-aaya niya kay NJ. 

Nakita ko ang pag-iling ni NJ at kaagad niyang inilabas ang kaniyang bike, not even looking at Pearl. 

"I gotta go now. See you at school," sabi niya sa akin, bago siya umalis. 

There is something wrong with his looks. Nilingon ko si Pearl at nakita ko pa ang seryoso niyang ekspresyon habang pinagmamasdan si NJ umalis papalayo. 

"Let's go?" pag-aaya niya sa akin at kaagad kaming umalis doon at pinagbuksan kaagad kami ng pintuan ng isang lalakeng naka-uniporme.

I really thought that Pearl is on the same level with us, but I was wrong. She's rich, she looks elegant and very beautiful. 

Pagkarating namin sa mall ay kaagad siyang dumiretso sa isang brand na mamahalin. To be honest, ngayon lang ako nakapasok sa ganitong mga lugar and I think there's nothing wrong with that. 

Sunod nang sunod sa amin ang sales lady habang namimili siya nang mga damit. 

"What do you think about this one, Mikasa? Is it bagay for me?" pagtatanong niya sa akin habang nakatingin pa rin sa malaking salamin. 

Nginitian ko siya at kaagad akong tumango. 

"Oo naman, Pearl. It looks good on you." sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi at kaagad itong ibinigay sa isang sales lady at pinahawakan. 

"I have a lot of stilettos and pair of chanels in the house, but it's kinda old na that's why I want to buy new." nakinig lamang ako sa kaniya habang hindi ko rin maiwasan ang hindi mapatingin sa mga damit na naka-display. 

Kahit na siguro buong taon akong mag-ta-trabaho sa coffee shop, isang damit lang ang kaya kong bilhin sa botique na ito. 

Nakaabot kami sa shoe section at mahigit limang sapatos ang pinili niya. 

Chaperone lang ba ako rito o ano? 

May nakita akong isang magandang damit. It's color pink and mixed with white but it has diamonds as the design of the dress. 

Nang abala pa si Pearl, ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapatingin sa price ng dress. 

I swallowed hard when I see the price. It's twenty-five thousand! 

Napapailing na lamang ako sa aking isipan at kaagad na ibinalik ang damit sa lalagyan. 

Hanggang tingin nalang talaga siguro ako rito… 

Nang matapos na niyang bilhin lahat ay nag-aya siya sa aking kumain but she insisted that she'll be the one to pay the bill. 

Hindi na rin ako umangal dahil maliit lang naman ang pera ko, atsaka, ikalawang araw ko pa sa trabaho. Kaya wala pa talaga akong pera.

She chose the Japanese Restaurant. 

Habang nasa kalagitnaan kami nang aming pagkain ay bigla siyang nagsalita. 

"Mikasa, magkasama pala kayong dalawa ni Nathan Jeon sa museum?" 

Nabigla ako nang bigla niya iyong tinanong sa akin. 

Tango lamang ang iginanti ko sa kaniya at nakita ko ang kaniyang tipid na ngiti. 

"It's his favorite museum. Iyon palagi ang pinupuntahan nilang dalawa ni Mikaella, noon." 

"He really love Mikaella. I still can feel it," sagot ko sa kaniya pabalik. 

Napatigil siya sa kaniyang pagkain at napalingon sa akin. 

"Yes, she must be so lucky to have Nathan Jeon, but she passed away." 

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. At hindi ko rin alam kung bakit namin ito pinag-uusapan ngayon. 

"Mikasa…" bigla akong kinabahan nang tinawag na naman niya akong muli. 

"Yes?" 

"Do you like, NJ?" biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang tinanong niya iyon sa akin. 

Umawang ang aking bibig at habang siya ay hinihintay pa rin ang aking magiging sagot. 

"No, I-I don't like him, Pearl. He still love his ex-girlfriend. It would be a shame, loving someone who's still in love with their dark past." iyon na lamang ang aking isinagot sa kaniya. 

Nakita ko ang kaniyang pagbuntong hininga. I'm not a fool not knowing what is the sign of her reactions right now. Ang tanga ko naman kung magbulag-bulagan pa ako, hindi ba? 

"I want to be honest with you, because you're my best friend, Mikasa." 

"I like Nathan Jeon Santander…" 

I swallowed hard and not even looking at her because I know she will and she can read my reactions. 

What? 

What, Pearl? 

You like him? 

"Akala ko talaga… gusto mo rin siya, kasi, alam kong may posibilidad na magugustuhan ka ni NJ… because you look just like his ex-girlfriend. And I'm scared…" 

Napaangat ako nang tingin sa kaniya… 

"Scared of what?" hindi ko pinahalata ang lamig ng aking boses kahit na unti-unti akong nakakaramdam ng sakit sa dibdib. 

"Scared of not having him in the end. He didn't know that I loved him, because he's so in love with Mikaella. I don't even have a chance to tell him the truth." pagpapaliwanag niya sa akin. 

"Huwag kang mag-alala, wala akong gusto sa kaniya." 

Iyon ang aking isinagot ko sa kaniya at nginitian niya ako. 

"Glad to hear that, Mikasa." 

Deep inside… I really don't know what to do… 

I… also liked him… 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top