Chapter 13
Chapter 13
Lutang ang aking isipan habang naglalakad ako papunta sa aming classroom. Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang malamig na tingin na ibinibigay sa akin kanina NJ.
Ano ba ang ginawa ko? Pinilig ko na lamang ang aking ulo at dumiretso sa aking upuan. Kaagad na tumabi sa akin si Yna na may dalang flyers.
"Mikasa, gusto mo bang sumali sa cheering squad? Kulang kasi kami nang isang member eh." nagulat ako sa mga sinabi niya.
Her lips twirled and her hair looks even more shiny.
Kinuha ko ang papel na ibinigay niya sa akin at kaagad ko itong binasa. Kaya siguro ang sama nang ugali ni Nancy sa future dahil ang bait-bait nang pag-uugali niya dito. Naninibago ako sa tuwing tumitingin siya sa akin na nakangiti.
She's willing to fight for her feelings towards Dashmon!
"But... I'm not that fit enough to be a cheerleader. Humanap ka nalang iba," sabi ko sa kaniya at kumunot naman ang kaniyang noo, bago niya ako sinagot.
"Sigurado ka? Hindi ka talaga sasama sa squad namin? I mean, Pearl was willing to be part of our team, but I don't like her. I don't like her body, her face, she's not pretty enough to be part of us. duh." umawang ang aking bibig.
Well, she's kinda have an attitude.
Wala rin namang mawawala sa akin kung susubukan ko, hindi ba? Matagal ko nang pinangarap ito pero hindi lang talaga ako nagkaroon nang chance dahil nagdadalawang-isip akong sumali noon. Nancy is very a competitive girl, ayaw niya na nalalamangan siya, she wants to be on top, always.
"Fine. Kailan ang audition?" lumiwanag ang kaniyang pagmumukha at kaagad niya akong niyakap nang dahil sa tuwang nararamdaman.
"Really?! Pwede mamaya! Sa court! Hihintayin ka namin doon. Nandoon rin ang Captain namin to judge you. Marami ang gustong mag-audition, kaya naisipan namin na sa court nalang gaganapin. For sure, our captain will accept you, Mikasa." she smirked at me, before she get back to her seat.
Napabuntong hininga na lamang ako at nakinig sa klase.
Pagkatapos ng klase ay sinamahan ako ni Yna na mag take ng lunch sa cafeteria ng school. They had a bunch of different kinds of foods, snacks and all. Talagang sikat na ang unibersidad na ito. Nakita niya si Pearl na papalapit sa aming direksyon ay kaagad na nag-iba ang timpla ni Yna.
Hindi ko alam kung ano ang problema niya kay Pearl at bakit parang galit siya dito palage.
"What are you doing here?" suplada niyang pagtatanong dito.
Nawala ang mga ngiting nakasilay kanina kay Pearl. Hindi ko alam kung paano ko sila pipigilang dalawa. I don't know, but I think they had a past.
"She's my best friend, of course I'm here. Ikaw? Bakit ka nandito? Doon ka na sa mga ka-squad mo." iritadong tumayo si Yna at nginitian niya muna ako, bago siya magsalita sa aming harapan.
"Fine, I'll go now. Mikasa, remember, I'll wait you in court, okay? Paniguradong makukuha ka sa cheerleading team."
"Thank you, Yna." iyon na lamang ang aking naging sagot sa kaniya, bago niya inikotan nang mga mata si Pearl at umalis sa aming harapan.
"Sasali ka sa cheering squad?" napabaling ako kay Pearl at kaagad akong tumango sa kaniya.
Pinagmasdan niya ang aking magiging reaksyon, kaya hindi ko maiwasan ang hindi rin mapatingin sa kaniya. She looks so weird, para bang... hinuhusgahan niya ako sa isipan niya.
"Ikaw? I heard from Yna, you was once tried to audition. Anong nangyari? I mean, you look so good, beautiful and physically fit. Pwedeng pwede ka sa squad." sabi ko sa kaniya, sabay inom ng aking juice.
"I failed. Hindi ako gusto ni Yna, she influenced their Captain to not accept me from the audition. Ang sama nang ugali niya, Mikasa. You have to be careful to her. You don't know her." itinatak ko sa aking isipan ang lahat nang mga sinabi sa akin ni Pearl kanina.
Bumuntong hininga muna ako, bago ako dumiretso sa court na sinasabi ni Yna sa akin. Sa gilid nito ay may isang malaking basketball court. May mga seniors na naglalaro at may mga college students rin. Nagtagal ang aking mga mata nang makita ko si Dashmon! I mean Azi!
Pinagmasdan ko siya habang naglalaro. Tumaas ang aking isang kilay nang makita ko kung gaano siya kagaling maglaro ng basketball. Wala naman sigurong lalake na hindi marunong maglaro ng basketball, am I right?
Binalewala ko na lamang ito at dumiretso sa court. Nasa malayo pa lamang ako ay nakikita ko na ang mga studyanteng gustong mag-audition para sa cheering squad. Sinalubong ako ni Yna, with her attire. Kamukhang-kamukha niya talaga si Nancy!
Hinawakan niya ang aking braso at kaagad na ipinakilala ako sa kaniyang mga kasamahan. Lumingon sa akin ang isang matangkad na babae, maputi at maganda rin.
"Ikaw ba ang tinutukoy ni Yna?" she asked me.
Tumango na lamang ako sa kaniya at inilibot ko ang aking mga mata nang makita ko si Lola! Shit! Hindi dapat ako nagpapahalata eh! My grandma looks so hot in her teenage years! Nakangiti siya habang nakikipag-usap sa ibang mga kasamahan nila Yna. Damn... she looks so pretty!
Nakita ko na ang mga lumang litrato ni Lola, at isa lamang ang masasabi ko, parang hindi kumukupas ang kagandahan niya.
"Excuse me, Ms. Mikasa?" nabalik lang ako sa realidad nang tinawag ako ng Captain nila.
I started dancing in front of them and show some skills that I have learned from my previous school, noong nasa present pa lamang ako nang aking buhay. Umawang ang kanilang mga bibig habang nakatingin sa akin.
Nagsilakpakan sila at kinindatan ako ni Yna.
"So, what do you think, Captain? Is she qualified?" kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.
Nanliit ang mga mata nang kanilang Captain at dahan-dahan itong tumango.
"Yes, she's qualified, Yna. Where did you learn that skills, Mikasa? You were so good!" hindi ko rin mapigilan ang hindi mapangiti nang dahil sa tuwa.
Dapat akong malungkot dahil hindi ko kasama ngayon ang aking ama at ang aking mga kapatid, pero... pasensya na kung hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti nang dahil lamang sa konting achievement na naabot ko ngayon.
I am already part of the cheering squad!
May ngiti ako sa aking mga labi habang nasa kalagitnaan ako nang aking pag-ba-bike. What a beautiful ending for this day. Pinagmamasdan ko rin ang kagandahan nang kalangitan at ang haring araw na unti-unting nagiging kulay ginto. Ang mga ibon na lumilipad. Napatigil lamang ako nang makakita ako nang isang store.
A book store...
Umawang ang aking bibig at kaagad akong pumasok doon. Namangha ako nang makita ko ang loob. It's kinda look old but it's so beautiful! Naka-arranged din ang mga libro at iba pang mga gamit.
"Miss, ID?" pagtatanong sa akin ng nagbabantay at kaagad ko itong ibinigay sa kaniya.
"Anong libro ang kukunin mo?" pagtatanong niyang muli sa akin.
"Hindi ko po alam, Kuya. Maghahanap pa po ako. Bago lang po kasi ako rito eh." sabi ko sa kaniya pabalik.
Tumango siya at pinayagan akong maglibot-libot sa loob. Matagal ko nang hinintay ito! Nagsasawa na kasi ako sa libro nang school eh. I want to try something to read.
Naghanap ako nang magandang libro nang makita ko ang isang lalakeng nakaupo sa sahig, habang nakatakip ang kaniyang mukha, gamit ang isang libro.
Teka, pwede ba ito?
Napatalon ako nang wala sa oras nang biglang tumunog ang aking cell phone. Nagmamadali akong tumalikod sa kaniya at pinatay ang tawag.
Paglingon ko ay hindi na ako nagulat nang makita ko si NJ. Kumikislap pa ang kaniyang mga mata habang dahan-dahan siyant tumayo. Ngayon ko lang napagtanto na mas matangkad pa pala talaga siya, kaysa kay Dashmon.
"What are you doing here?" nagulat ako nang bigla siyang magtanong. Hawak-hawak niya pa rin iyong libro kanina.
"Naghahanap ako nang magandang libro, pero... mukhang wala naman silang available sa mga gusto ko."
"Ano ba ang gusto mo?" pagtatanong niyang muli, habang nakatuon lamang ang buong atensyon sa librong binabasa niya ngayon. Mukhang, namimili rin siya nang magandang libro.
"Kahit ano, basta, maganda 'yung twist." umawang ang aking bibig nang may inilahad siya sa aking tatlong libro.
"I'm done reading that book. It's quite beautiful and interesting. I highly recommend that." kahit ang boses niya ay malalim pero malambot.
Napakagat na lamang ako sa aking pang-ibabang labi. Hindi ko mapigilan ang hindi kiligin, ganito pala ang pakiramdam kapag pinapansin ka at kinakausap ka nang taong gusto mo. Gusto kong tumawa...
"Salamat..." ikli kong sagot.
"Mahilig ka palang magbasa ng libro? Ngayon ko lang nalaman." hindi ko mapigilan ang hindi magtanong. Nakakabingi kung palagi nalang tahimik.
"Since I was kid, I was really fond into books. Mahilig akong magbasa nang mga libro, stories." ani NJ.
"Paniguradong magkaiba kayo ni Azi." napatigil lamang ako nang hindi siya kaagad nakasagot sa akin.
Tinignan niya lamang ako nang seryoso.
"Yes, we're different. He's not into books, he said that I'm such a boring guy, just because I read books. Magkasalungat kaming dalawa kahit magkapatid kami. He likes racing, he likes cars." pagpapaliwanag niya sa akin.
He's kinda obvious, though. Halata sa pananamit ng Azi na iyon. He likes to wear a leather black jacket, black jeans, black cap. Magkaibang-magkaiba silang dalawa sa Dashmon na nakilala.
Napahinto lamang kami sa aming pag-uusap nang biglang umulan nang napakalakas. Malapit nang mag-ala-sais ng hapon! Paniguradong pagagalitan nila ako!
"May payong ka ba diyan?" napalingon ako sa kaniya at napailing.
Nagulat ako nang may bigla siyang inilabas na payong, galing sa kaniyang bag. Binuksan niya ito at ngumiti sa akin.
"Let's go. Let's eat some ramen," nalaglag ang aking panga sa kaniyang sinabi.
Parang huminto ang pag-ikot ng oras nang dahil lamang sa mga paru-parong aking nararamdaman ngayon.
Tumango na lamang ako sa kaniya at naglakad kami palabas nang store.
Sinabi niya sa akin na malapit lang ang kainan dito. Just a few blocks away. Pumasok kami sa loob ng kainan at kaagad na um-order ng pagkain. Hindi ko mapigilan ang hindi ginawin.
Ang lakas kasi talaga nang ulan sa labas.
Ibinigay niya sa akin ang isang pagkain. Pinagmasdan ko lamang siya habang abala siya sa kaniyang ginagawa.
Ang multong ngiti sa aking labi ay hindi na mapigilan. I should treasure this moment, this day... It's my first time, eating together with him. Masama ba kung tao kung sasabihin kong… masaya ako ngayon?
Nakauwi ako sa bahay nang may ngiti sa aking mga labi. Napatitig ako aa jacket niya na pinahiram sa akin. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi.
Pagkatapos naming kumain ay hindi na gaano ka-lakas ang ulan, umaambon na lamang ito. Hindi ko mapigilan ang hindi ginawin. Ganito kasi talaga ako sa tuwing umuulan eh, hindi ko mapigilan ang hindi ginawin. Nanlaki ang aking mga mata at nagulat ako nang biglang may nilagay siya sa aking likuran.
"Wear my jacket. Ibalik mo nalang 'yan sa akin bukas ng umaga." malumanay niyang sabi sa akin.
"NJ, hindi na kailangan." ibabalik ko na sana sa kaniya nang pigilan niya ako.
"Mikasa... don't be stubborn. Ayokong magkasakit ka."
Gusto kong sumigaw nang dahil lamang sa kilig. Kung ganito naman palage ang mangyayari sa araw ko, hindi ako mapapagod kakapasok sa school. Tatapusin ko pa mga school works ko. Napatawa na lamang ako sa aking isipan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top