Chapter 11

Chapter 11

Hindi kaagad ako nakakilos at umawang lamang ang aking bibig nang makita ko si Dashmon.

Mas lalo siyang tumangkad sa aking paningin at nagbago rin ang kaniyang hair style. Noon, na palaging naka-black ay nagbago na rin. He's on his full package uniform attire, neat and clean.

"Dashmon, wait!" pagtawag ko sa kaniya at lumingon naman siya sa akin na may kunot sa noo.

May dala-dala pa rin siyang libro at kaagad niyang tinanggal ang kaniyang earphones at parang naiinis pa siyang tumingin sa akin.

"Do I know you?" nagulat ako nang bigla niya iyong tinanong sa akin.

Napaatras ako nang dalawang beses at pinagmasdan ko ang kaniyang reaksyon. Anong nangyayari sa kanila? Bakit hindi nila ako maalala?

"Dashmon… stop acting like you don't know me. Mikasa Akane Tushima," sabi ko sabay lahat nang aking kanang kamay sa kaniya.

"Tinatanggap ko na ang offer mo. Ngayong friday, pwede mo akong isama sa family dinner ninyo. I can be your girlfriend." walang pagdadalawang-isip na sabi ko sa kaniya.

His jaw clenched... his almost perfect brown eyes and arched eyebrows...

Napatuwid ako sa aking pagkakatayo, pero hindi pa rin iyon sapat at kailangan ko pa na i-angat ang aking mga paningin, para mapagmasdan ko siya nang maayos.

He smirked and answered me back. "Don't be too assuming, Ms? I don't remember saying that words to you. I done have a girlfriend, and I don't have plans to court you. And one more thing, we don't have a family dinner this coming friday." napahiya ako sa kaniyang mga sinabi, bago siya umalis sa aking harapan.

A small ache, etched in my heart. Hindi ko alam kung bakit parang nasaktan ako sa mga sinabi ni Dashmon sa akin. Yes, I admit. He's not a showy person, he seems cold, but, he's not like that.

Gusto kong i-umpog ang aking ulo nang dahil lamang sa kahihiyan. Of course! He's not Dashmon Santander! You are in the past, Mikasa!

Inis akong bumalik nang classroom. Hindi ko namalayan ang oras, kaya wala akong ganang lumabas nang building. Huminto muna ako sa may can vendor at bumili nang maiinom.

Pinili ko ang strawberry juice at kaagad akong lumabas nang University. Nagpaalam sa akin si Pearl na hindi siya makakasabay sa akin dahil may pupuntahan pa daw sila nang kaniyang ina.

It's actually fine to me, mas gugustohin ko pang mag-isa nalang muna. Lalong-lalo na dahil hindi ko pa masyadong kilala si Pearl. Lahat nang nandito, kilala ko sa Future, but... they don't remember me.

Napabuntong hininga na lamang ako at kaagad kong tinungo ang aking bike. Kumunot ang aking noo nang makita ko ang gulong nang aking bike. Umawang ang aking bibig at napatingin ako sa aking paligid. Sino naman kaya ang gagawa nito sa akin?! Paano ako makakauwi nito?

Napatigil ako sa aking pag-iisip nang solusyon nang may biglang lumapit sa akin.

It's... NJ...

Pinagmasdan niya muna kung ano ang nangyari sa aking bike. Pumilig ang kaniyang ulo at nakapamewang na tumingin sa akin pabalik.

"You can't fix it right away. Kailangan mo muna nang gamit, bago mo 'yan mapapaandar ulit." sabi niya sa akin.

Pero... sabi ni Papa kakabili pa daw niya sa bike na ito. Tumayo na lamang ako at kaagad kong kinuha ang aking bike.

Tumalikod ako sa kaniya at kaagad niya akong tinawag. Naninibago pa rin ako sa kaniya, sa tuwing nakikita ko siya, si Namjoon ang naiisip ko at hindi ang isang Nathaniel Jeon Santander.

"Sandali..."

Lumingon ako sa kaniya at nagkasalubong ang aming mga tingin. He stand tall like a fine boy, double eyelid, with his cute nostrils and brown eyes... isama mo pa ang uniporme niya na bagay na bagay sa kaniya. He's also carrying a sling laptop bag.

"Bakit?" hindi ako nagpahalata na kinikilig ako. Hindi ko alam kung bakit!

"Uuwi ka na?" pagtatanong niya sa akin.

"Oo... maglalakad nalang ako. Matagal na rin kasi akong hindi nakakapaglakad eh." pagdadahilan ko sa kaniya.

Biro ko lang 'yun, syempre, hindi ako maglalakad. Sasakay nalang siguro ako nang taxi o trycyle.

"Sumabay ka nalang sa akin." kumunot ang aking noo at magsasalita pa sana ako nang bigla niyang ibigay sa akin ang isa pang kulay pink na helmet.

"Hindi na kailangan..." sabi ko sa kaniya pabalik.

Napatingin ako sa kaniyang bike at nakita kong medyo malaki ito at pwede kang sumakay sa likod.

"Sige na, ihahatid nalang kita. Malapit lang naman ang building ninyo sa bahay namin eh. A few blocks away. Atsaka, pauwi na rin naman ako." pagpapaliwanag niya sa akin.

Sigurado ba siyang okay lang?

Ayoko rin naman na maglakad pauwi, kaya sumakay na lamang ako sa likuran at hindi ko alam kung saan ako kakapit!

Oh my god, my heart!

"Kumapit ka sa uniform ko, kung hindi ka komportableng hawakan ako." biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso nang sabihin niya iyon sa akin.

"Ayoko, baka magusot ang uniform mo." nilingon niya ako mula sa likuran at parang may paru-paro sa aking tiyan nang magtama ang aming mga paningin.

Ewan ko, pero ang gwapo niyang tignan kapag naka-cup at uniform siya.

"Mahuhulog ka, kung hindi ka kakapit." iniwas ko ang aking paningin sa kaniya at dahan-dahan akong tumango sa kaniya.

Hinawakan ko ang kaniyang uniform at doon ako kumuha nang lakas para kumapit. Hindi naman siya malakas magpatakbo nang bike, sakto lang. Habang nasa kalagitnaan kami nang kalsada ay hindi ko mapigilan ang hindi humanga sa kagandahan nang kalangitan. Ang mga ito ay unti-unting nagiging kulay kahel at parang unti-unti itong hinahaluan nang ginto, habang ang mga ibon ay parang nagsasayaw sa gitna nang mala-gintong kalangitan. Lumingon akong muli kay NJ, kahit na likod niya lang ang aking nakikita.

"Anong nangyari sa girlfriend mo?" pagtatanong ko sa kaniya at nakita ko ang kaniyang paglingon.

Nilingon niya lang ako, pero hindi niya ako sinagot. Gusto kong batokan ang aking sarili, bakit ko pa kasi iyon tinanong sa kaniya, eh, kamamatay lamang nang girlfriend niya. Paniguradong... nasasaktan pa rin siya.

"She's sick, the Doctor can't do anything about it." hindi ko inaasahan ang pagsagot niya sa akin pabalik.

"I'm sorry to hear that, " iyon na lamang ang aking nasabi sa kaniya.

Ayoko nang magtanong pang muli, baka ano na naman ang aking masabi na hindi niya magugustuhan. Hindi nga ako gusto ni Namjoon tapos gagawa pa ako nang bagay na hindi magugustuhan ni NJ. Umiling na lamang ako.

"It's okay. I need to accept the truth that she's already gone. My Mikaella is gone." kahit na hindi siya nakatingin sa akin ay nararamdaman ko pa rin ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

Nang makarating na kami ay kaagad kong binigay sa kaniya ang helmet. Pinagmasdan ko muna siya habang inilalagay niya ang helmet na sinuot ko sa may basket sa harapan nang kaniyang bike.

"Can I ask you something?" napalingon siya sa akin at inayos muna niya ang kaniyang cap at napahawak sa bike habang nakatingin sa akin.

"Ano 'yun?"

"Yna said that you'll only able to see colors, once you will find your soulmate. Do you believe in that?" ganoon pa rin ang ekspresyon na ipinapakita niya sa akin.

"Yes, I believe in that, Mikasa." seryosong sagot niya sa akin pabalik.

Ibig sabihin ba nito? Soulmate ko siya? At... bumabalik na rin ang tunay niyang paningin?

"Do you already see colors?" hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako at may konting saya sa aking puso.

Sinabi sa akin ni Yna na... sa iisang tao lamang pwedeng bumalik ang tunay mong paningin. You will only be able to see the true colors once you will met the person that has meant for you. Hindi na ito pwedeng mapunta sa ibang tao.

Kaya... I felt a little happiness in my heart.

Nakita ko ang unti-unti niyang pagtango sa akin. I bit my lower lip as I hold my smile.

"Talaga? Si-sino at kanino?" pagtatanong ko sa kaniyang muli.

Iniwas niya ang kaniyang paningin sa akin at napatingin sa kalangitan.

"Kay Mikaella..." unti-unting nawala ang aking ngiti nang banggitin niya ang pangalan nang kaniyang girlfriend.

"Sa kaniya ko lang ulit nakita ang tunay na paningin. The true colors will be back... if you really love that person. Mikaella is my soulmate, she was meant for me, but God took her away from me."

"But... why I already see colors?"

"Kanino?" napahinto ako nang tanongin niya ako pabalik.

I swallowed hard. I don't want to say this to him. Ayokong malaman niya ang totoo. Baka... iwasan niya ako.

"I don't know..."

"If you have a strong connections and feelings towards that person, there is a possibility that you will see colors with that person. That's not destiny, that's not even love, either. There is a possibility that you will experience one sided love. Kasi... ikaw lang ang nakakakita nang tunay na anyo. Everyone in here, are color blinded. They will not be able to see the true colors. It will remains black and white."

Iniwas ko ang aking paningin sa kaniya at napatango na lamang. Bullshit! I shouldn't believe in this! Kailan ba ako pwedeng makabalik sa kung ano man ang buhay ko?! This is not my life!

Kaagad kong kinuha ang aking bag at ngumiti nang tipid sa kaniya.

"Salamat sa paghatid." hindi ko na hinintay ang kaniyang magiging sagot at kaagad akong umalis sa kaniyang harapan at tinungo ang elevator.

True colors? True love? True love my ass...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top