▶
Iba ang teatro sa totoong buhay.
Pero kung sisiyasatin, halos magkarugtong lang sila, 'di ba? Dalawang magarbong kurtina sa pagitan ng mga naghahandang artista at mga manonood na nagsisipagsigla. Kaya nga hindi tulad sa pelikula, hindi ko siguradong wala ako sa dulaan. Papunta rin, oo. Kung kabilang ako sa palabas, who can say?
"Kuys Maya!"
Kakapasok ko lang ng kotse ni Bujie.
"Dali, babe! Baka maabutan pa 'yan ni Mama!"
Super crazy, because for the past seven months, I finally. . .belonged. Or at least, hindi na ako basta nagmamasid lang, dahil isinasama na nila ako. After naming magkita ni Dan no'ng January, he no longer feels like a faraway lovely. Bumalik man kami sa online interactions, hindi ko na kinailangang magpapansin sa klase—especially kapag nire-require kaming mag-on cam ng ibang prof—para lang makita niya ako. 'Yong inakala kong huling sulyap? Naging madalas na atensyon sa isa't isa.
Sumabay ako sa instrumental intro ng Proof.
"Sinisira na talaga ni Maya 'tong algorithm ng Spotify ko," nananakot na biro ni Bujie habang nilalakasan ang tugtog. Tinawanan lang siya ni Ate sabay stretch ng kamay dito sa likuran para panggigilan ang pisngi ko.
Prente akong nangibit-balikat. "Kargo mo na ako no'ng jinowa mo 'yan si Poleng."
Tumawa sila sabay apir.
I smile as I drift into the bop, grungy tones, all while remembering our daily banters sa group chat namin sa Spiderman: No Way Home, pagpa-punchline at pangsisintunado ng mga kanta through VMs, at 'yong dalawang beses na ginabi kami sa video call — isa sa Google meet, at 'yong sa Discord — both while hilariously listening to 2000s bop Pinoy music.
Dumating ang Mayo, nilibang ako ni Eri at Dan habang nakikipagburgisan ako sa Taguig. Sila rin pati sina Mari at Ahon ang kasama kong sumubaybay sa online bilangan ng boto no'ng eleksyon at ngumawa eventually dahil for some sketchy odds, nanalo si Marcos laban kay Robredo.
At pagdating ng birthday ko?
Mikay e-mailed me Dan's raw video greeting.
Kahit palagi ko siyang tinutuksong burgis, he set up his old, grainy camera phone, capturing his slightly faded black sando tucked in his fancy white slacks. Nag-lean over siya sa computer chair bago tumugtog ng maikling piece sa piano'ng nasa gilid niya. He was slow, taking his precious time, yet I happily lingered.
Bumaling siyang muli sa camera.
"Gusto mong gawan kita ng kanta?"
Kahit ngayong pinapanood ko ulit, tumango pa rin ako.
Mabilis siyang umiling as he chuckled. "Nah, I'm kidding. Well, I might. Kaso kita mo naman, I have this exciting stuff na inaasikaso here." Umikot siya kasabay ng upuan, nakasuporta ang dalawang kamay sa likod ng ulo, at ilang segundo lang ay saktong tumigil siyang nakaharap sa camera.
Umusog siya palapit, nanalamin, ginulo-gulo ang buhok habang may pagod na ngiti. "Happy birthday, lovely guy," he finally said with his boyish salute.
That I had freedom to behold, to admire, to rewatch this again and again, sapat na 'yon. Sulyap lang. Walang pagbabago o panghihingi, 'di ba? The unique capacity to invite me in, sarili niya 'yon. . .sa kanyang sa kanya. Only he can make a space for whom he lets in.
So when July arrived, baka nga kailangan ko lang manghingi ng permission.
And I did. Indirectly.
Premiere night ng newest single niya, he invited many people over Zoom. Wala akong kaalam-alam na may gano'n pa lang kaganapan kung hindi pa ako chinika ni Shaira dahil buong araw kong kasama si Revi as I was collaborating with him on a short film project I wanted to pursue. Kaya sa sobrang excited ko bilang bida-bidang bading, direkta kong hiningi kay Dan 'yong link an hour earlier. In my defense, akala kong late na ako! He had to let me in, and kahit no problema mi amigo, wala siyang naging choice kundi kantahin ang chorus ng Lovely on the spot as my 'bonus content.'
Nyeta.
I had to remind myself: wala namang malisya, beh.
Sa tingin ko, 'yon ang rason why I made myself stay for roughly 50 minutes and 30 seconds, doing some individual stuff with him together in mundane silence, before the spotlight and all his invited guests' eyes were on him.
Ang galing.
Dan Marion
henlo, dan!
i listened to your many songs, especially the one you played sa gig mo last december. it was captivating. even when i don't fully resonate with it, let's just say i've been 'reckless' myself. 🤠
but with lovely, it was exactly how you promised us from the beginning: love in its unblushing grace. it's comfortable, quietly warm, altogether steadfast. 🤍✨ mas nag-mature yung voice mo! at talaga namang nakakakilig! AHSHSHAHA eme 😆
congrats, sir dan marion! ang galing! 💛🌻
thank you thank you thank you sir jeremiah!
u don't kno how much i cherish this.
💛 1
dasurv, beh.
thanks beh
😆 1
10+ for using your own lingo
🤠 1
I never knew if he knew.
"Oh, bebi boy, andito na tayo!"
Agad akong bumalikwas pabintana. Ilang segundo lang, nakita ko na 'yong malaking VALENZUELA sa mahabang patag ng tiles. The fountain splashes with colored lights. "Ingat ka! Tawag ka lang kapag susunduin ka na namin!" Hinila ako ni Ate sa batok for a cheek kiss.
"Sa'n kayo?"
"Shhh. Wag nang maraming sinasabi." Pinitik niya ako sa noo. "Kay Dan ang pokus—at kay Lord, ha?"
Inirapan ko siya. Ayaw pa sabihin, eh. Kinalabit-kalabit ko na lang si Bujie. "Oy, ingatan mo 'tong si Poleng!"
"Opo, Kuys!"
I clutch the strap lace of my disposable camera pagtapak ko sa labas. I walk around habang nakikipagsabayan ang Sunbeam sa earphones ko laban sa mas malakas na tugtugan dito sa Valenzuela People's Park. Revi should be here by now. Saan kaya sumuksok 'yon?
Revi Bautista
oy wer u
kahit ayaw mong sumama sa play, tutulungan mo pa rin ako ngayon sa short film, tandaan mo yan!!!
Heyyyy
Mayaaaaaa :(((
Baka di na q mkpunta
lah wag mo kong nilalaro???????
🤣 1
Tell Dan and Mikay
gara mo naman beh
AHAHAHAAHHAHAAHAHA
Nagchange mind si Niks ehhhh
Date na daw kamiii
🧐 1
ganyan ka ipagpapalit mo kami
sa nde mo pa nmn jowa
😆 2
Sowi puuuu
🚫 1
Bawi ako
Or habollll
If kaya
Oki
kala ko pa naman wingman kita tonyt
Yaka mo naman yan
Kumiss ka nga sa cheeks first meet
AHAJSJAHAJAAJAJAJAHAH
Tapos nag-send na siya ng video, shouting, "Maya and Dan baliwan era! Woophooooop!" Siraulo talaga. So saan muna ako ngayon maghihintay nito?
"TWEEEEET, TWEEEEET, TWEEEEET!"
Pahatak kong inalis ang earphones ko.
"Tweet, tweet! Mayaaaaaaa!"
Napatili na ako pabalik dahil tama nga akong si Mikay 'yong gagang naaaninag ko mula sa malayo. Nagawa niya pa talagang humuni nang pagkatinis-tinis kahit sobrang daming tao rito sa park. Meron siyang katabing babaeng napakalawak ng ngiti, at sure pa rin naman akong: "Shaira! Andito ka rin, mhie!"
"Yes, dhie!"
Mas nagtilian kami.
We embrace as soon as our bodies are bumping and jumping in pure glee. Dalawang taon na mula no'ng i-suspend 'yong classes na inakala naming temporary lang! Ngayon na lang kaming nagkita ulit! Kung hindi sa decision naming mag-stop together due to our own personal situations, baka wala na kaming reunion ngayon as classmates.
"Grabe ka na, mhie! Sobrang bigatin mo na!"
Sobrang nakakaproud si Mikay. I've witnessed mula pa no'ng freshman days 'yong undying love niya for acting. Now, look! Here she is! Marami-rami pang pumapasok sa kabilang entrance, and it's all the more exciting dahil kanya-kanya na rin silang hanap ng pwesto sa loob ng amphitheater.
Nagtinginan kaming tatlo. Pare-pareho pa ring hindi makapaniwala na kaharap namin ang isa't isa. "Ang tangkad mo na, dhie!" sagot ni Mikay sabay hawak sa ulo ko.
Kay Shai ako bumaling. "Ang fresh mo naman, mhie."
"'Lam mo 'yarn, dhie."
Mahigpit ko siyang niyakap. "Nasaan na pala si Dan? Siya lang naman pinunta ko rito."
Pumadyak si Mikay sabay hampas sa 'kin. "Eme ka, beh! Sinong nambardagul ng SM namin para saglitin ka rito? Ako! Hindi siya! Wag kang naghahanap ng ayaw magpakita!"
Tawanan kami.
Tinulak siya ni Shai papasok ng maliit na gate. "Balik ka na do'n, gagstug! Bida ka kaya!"
"Hnggg. . .sige na nga!"
Nagpalipad siya ng maraming halik. Inalalayan siya ni Shai sa pagkahaba-haba niyang robe. Tawang-tawa kami dahil struggle siyang makababa nang hindi biglang mapapatid. Nakipagbeso siya kay Shai, sumaglit ng hinto, at sumigaw ng, "After-party mamaya, ha?!" before quickly rushing into backstage.
Ngumuso si Shai. "Sama ka?"
"Tara, sama ka rin, mhie," sagot ko habang natango.
"Ekis."
"Kahit ando'n man si Ahon?"
"Ay, nako. Baka butasan ako sa tagiliran kapag ginabi ako ng uwi. Alam mo naman 'yong mga certified gangstah sa 'min." Tinusok-tusok niya ang tagiliran ko pagkalapit sa 'kin. "Ikaw, push mo 'yan. Feeling ko may crush din 'yon sa 'yo."
"Si Ahon?"
"Gaga, si Dan!"
"Ramdam ko nga rin. Charing!" Tawang-tawa akong umiling. "Hindi tayo para mag-ilusyon tonight!"
She anchors her hand around my arm. "Sa kanya mo tanungin. Kaya mo naman 'yan. Kilala kita, matapang kang bading. Genuine pa!"
"Pinalaki ni Sexbomb Rochelle, eh."
"Sa true lang, dhie."
Sa kakulitan ni Shai, wala na tuloy akong ibang maisip kundi makita ulit si Dan. This special opportunity, as a spectator again, sinusubukang i-make sense kung ano ang parteng isinuot lang at ang bahaging likas na sa kanya.
With the limited time remaining, nagmadali kaming dalawa bumili ng snacks. Upbeat music sa loob ng amphitheater kaya sumasayaw kami ni Shai habang hinahanap ang seats namin. Pagdantay ko sa armrest, tumawag na naman si Revi over video call. Nagra-rant. Pinilit kong intindihin at sagutin sa gitna ng halo-halong boses. May limang segundong bilang sa stage hanggang sa tuluyan na kaming balutin ng dilim.
"Layas ka muna, Revi!"
"HOOOOY, WA—!"
Bumalik ang liwanag sa entablado.
Buong-buo, pakislap-kislap, sumusunod sa mga gumagalaw, tumatamlay; buong kwentong dinadala ng mga artistang higit pa sa tutok ng mga ilaw. Naghawak pa kami ni Shai ng kamay sabay full-blown hiyaw when Mikay finally appears in her royal elegance as she portrays the queen of some mystical land.
And there Dan was. . .
Crowning the queen with his musical genius.
Para talaga sa kanya ang tanghalan.
Tawang-tawa akong lumabas ng amphitheater dahil nang matapos ang play, panay ang tulak sa 'kin ni Shai habang may kasamang maingay na pagtaboy sa mga nasa harapan naming gustong magpa-picture sa mga actors, kaya inakala nilang gusto niyang mauna. Siya tuloy ang nagkaroon ng picture kasama si Dan. They recognized each other, may brief conversation, at may nahagip pa akong, "You're here for Mikay, 'no?" before akong magbilang ng 1, 2, 3~!
The flash was blinding.
Dan certainly didn't know it was me.
Narinig ko nang humihingal si Shai sa tabi ko. "Dhie, ba't may pang-iiwan?! Traydor ka, chinismis pa kami ng mga tao do'n!" Umupo na siya sa gate bago itinungkod ang kamay.
Napahawak na ako sa panga kakatawa. "Ipinagkanulo mo sarili mo, eh!"
"Keri lang! Kapag napa-develop mo 'yong pic, tapalan na lang natin ng mukha mo!"
Tawang-tawa kami parehas.
Kumapit siya sa braso ko para sabay naming baybayin ang park palabas. Sa pinakamalapit na Jollibee kami tumambay para more more ang bonding. Umorder kami para sana 'ka ko diretso na ako ng uwi after the food. Eh, ang gaga, pinipilit akong sumipot pa rin sa after-party.
"Gagstug, mas importante 'yon," katwiran niya pa habang niyuyugyog ako. "DaMay for 2022!"
Natatawa akong umirap. "Chaka naman ng ship name!"
"Wag mo akong artehan, dhie!"
Damay? Damayan. Parang may pag-ibig talaga sa amin, 'no? Natawa ako sa naisip. Hindi rin naman tumigil si gaga sa pangungunsinti kahit habang kumakain na kami. Naudlot lang ang fangirl mode niya sa aming dalawa nang dumating sina Bujie at Poleng para sunduin ulit ako.
Niyakap ko ang ulo niya.
"Buhok ko!" reklamo ni gaga.
"Bye!"
Natatawa akong nagbigay ng flying kiss bago harapin ang kotseng susundo sa 'kin.
"Musta, Kuys?" bungad ni Bujie.
Hingang malalim.
The ride is surprisingly calm and comfortable. Tinatapik-tapik ko pa nga ang tiyan ko para lang piliting mag-act up habang tinuturo ko sa magjowa ang daan gamit ang Google Maps. Nang matunton nila ang malaking bahay ng pamilya ni Dan dito sa Dalandanan, it was already blasting with people, some of whom ay 'yong mga namumukhaan kong kaklase namin.
Ang unang bumungad sa 'kin pagpasok ng gate: garaheng may poon ni Mama Mary katabing-katabi ng halaman sa gilid. Iyon lang din kasi ang natatamaan ng ilaw sa labas. Madilim papasok at 'yong umiikot na bolang gawa sa salamin ang nagkakalat ng liwanag sa loob.
Mirrorball ang tumutugtog.
"Soju o Alfonso?"
Nagitla ako't napasandal sa door frame. "Ahon! Kagulat ka naman!" Bumuga ako ng hangin while staring at the small platter with two glasses. "Wala man lang bang beer?"
"Smirnoff. . ."
Umiling ako. I took the shot of Alfonso.
"Deym! Grabe ka na, sir!"
There. Umiikot na agad ang tiyan ko.
Nakisalamuha agad ako sa lahat ng kaklase namin. Sabi nga ni Mikay sa text niya kahapon kasabay ng address ni Dan: Kabugin mo lahat ng babae sa room natin, dhie, ah? Ibakuran mo si Dan! Syempre hindi ko siya susundin. Instead, I am doing what I planned to do: i-exercise ang newfound kong kakayahang makipag-eye contact, makinig more actively, and to basically transcend our online conversations para makipagkaibigan.
Nakipaglaro rin ako, nakipagsayawan, at sinubukang indahin ang tsismisan ng iba. Effective distraction 'tong pang-aagaw ni Ahon ng kung kani-kaninong phone. By the time na kina Mari at Eri na ako nakikipagtawanan sa gitna ng sahig dahil nalaman kong walang kaalam-alam si Dan sa pakana nilang ganito, nakakaramdam na ako ng hilo.
"Bhie, may load ka pantawag?"
Napangiwi ako sa tama ng ilaw. "Bakit?"
"Lagot na ako sa kuya ko."
Pinahiram ko si Eri ng phone. The shot of harder energy almost blew my brains out dahil nandito na si Dan sa bahay nila. Tawang-tawa ako — and I swear narinig ko rin si Mari mula sa stage — dahil napangiwi si Dan sa mga hiyawan. Introverted siyang tao, so it's obvious namang gusto niya na lang magpahinga.
"Oh, kids! There's your Daddy Dan!"
"Dan, wag ka muna matutulog!"
"Speech, speech, speech, speech!"
"Alfonso?"
Nagitla na naman ako nang tabihan ako ni Ahon. "Sulpot pa."
"Walang chaser, kaya mo?"
I took another shot.
Nilubayan niya na ako. Dahan-dahan akong tumayo. May magandang babae sa harapan, mas bata sa 'kin, at mukhang kapatid 'yon ni Dan dahil tinawag siyang big bro.
"WOOOOH!"
After ibalik kay Mari ang mic, nagtanong siya ng, "Sino na po next kay Desiree? Informal party lang 'to, wala tayong programme! YOLO!"
Excuse me na ako nang excuse me sa mga tao hanggang sa makatawid ako palapit kay Mari at makasenyas.
"Ooh, nice! Give it up for Maya!" At kumanta pa siya ng, "Sabay-sabay tayo, itaas ang kamay~!"
Muntik pang marinig ng lahat 'yong dighay ko dahil sumaktong lipat niya ng mic sa 'kin.
Buong-buo, pakislap-kislap, tumatamlay, at pilit tumututok sa akin ang flashlight na hawak ni Ahon mula sa likuran bilang improvised spotlight.
"Hello, mga beh."
Palakpakan.
Luminga-linga ako sa lawak ng sala. "Nasa'n pala si Mikay? Bawal din gabihin 'yon, huy."
Tawanan.
Umulit na naman 'yong Mirrorball. Limang beses na yata. Hinahanap ng mata ko si Dan. I have to adjust my eyeglasses dahil halos dumulas na sa ilong ko. Tumingkayad pa ako saglit kahit mataas ang suot kong sapatos. Napalunok na rin dahil para akong hina-heart burn.
Wala na siya.
"We all know Dan Marion."
Or do I?
Idinikit ko sa dibdib ko ang mic. "Mahusay na singer-songwriter, currently president's lister, at akalain mo nga namang nagte-teatro pala? Ngayon niyo lang din ba nalaman?"
"Matagal na, sis!" sigaw ni Mari.
At may umisa pa ng, "Newbie ka lang sa block namin kaya ganyan!"
"Ay, true nga, 'no!" mabilis kong sagot, naka-realize din kahit papaano. "Feelingero si bading, gusto agad ng exclusive access!"
Tawang-tawa kaming lahat. Ang sakit sa ulo. Namamawis din 'yong kamay ko sa konting kaba at lamig ng aircon. Naiihi na rin tuloy ako.
Si Dan.
Dapat nandito siya.
"Uhm. . .ehem."
Ano pang silbi ng pagbibida-bidang 'to?
Nanginginig man, huminga na lang ako nang malalim. Kung ako siguro ang nanonood sa 'kin ngayon, halata kong tinatakpan lang ng pagkagat ko sa labi ang nanlulumo kong ngiti.
"Congrats, Sir Dan!" sabi ko na lang at halos atras-bawing idugtong ang, "Masaya ako—kaming—maging kaklase ka."
"Siya lang?"
"Gaga, kayo rin!" Pabiro pa akong umirap. "Pero moment niyo ba 'to?"
Laptrip silang lahat.
Dumagundong ang platform boots ko sa matitigas na shoebox na ginawa nilang hagdan. Dumiretso ako kay Mari para matanungan kung saan ang CR dahil hindi ko kinakaya ang paglubog ng puso ko. It turns out na first time lang din pala ni gaga makapunta rito.
Lalabas na lang sana ako para sa gilid-gilid na lang umihi; yet here in the dark, there was Dan, illuminated by the mechanical light coming from a box.
Ref.
Sa garahe.
Sinisipat-sipat niya ang maliit na cup.
"Yogurt?"
Lumingon siya sa 'kin, parang inasahan nang magagawi ako rito. "I'm checking stocks. Baka mag-workout ako bukas."
"Protein booster," I recall.
He snickers.
Lumapit ako nang konti. Nanatili siya sa gano'ng pwesto, may malalambot na usok sa mukha gawa ng lamig ng yelo. Kumuha na rin ako ng tubig bago sabihing, "Hindi mo narinig 'yong speech ko."
"I have. Nasa garage lang tayo."
Tawang-tawa ako. As soon as pagkasara niya ang ref, hindi ko na siya masyadong maaninag.
"Now, playlist naman ni Maya entitled queer joy ang kakalkalin natin!" ang pakulo ni Mari sa loob.
True enough, Captivated plays.
Bwisit si Ahon!
"Uuwi ka na?" tanong ni Dan.
"Maya pa."
"Good pun," natatawa niyang sabi.
Hindi na siya napaisip.
Saglit pa kaming tahimik sa presensya ng isa't isa bago siya naghatak ng monobloc palabas. Normal ko siyang sinundang biglang may kasamang kunot-noo nang buksan niya ang pinto ng kotse niya.
Ihahatid niya ba ako?
Tatanggi pa lang sana ako, biglang may kinuha lang pala siyang unan. Natawa na naman tuloy ako. I think I know Dan — because I expected this boyish chuckle from him, even without knowing what to laugh at, saka 'yon ibinigay sa 'kin.
"Wala, hindi ikaw," tanggi ko.
Nakangiti pa rin siya.
Umuna ako sa hood. Bumwelo akong umupo sa unan para sana dumungaw sa langit nang bigla niya 'yong agawin. Ipinatong niya 'yon sa dala niyang upuan sabay nginuso ang platform boots ko.
"Hubarin mo, Maya."
Kunot-noo kong inangat ang magkabila kong paa para iwagayway sa hangin. "Maganda naman, 'di ba?"
"Oo naman. But your feet must be tired." Pinatigil niya ako. Siya na mismo ang nagtanggal ng shoes at ipinirmi ang paa ko sa ibabaw ng unan. "Para malambot 'yang maapakan mo."
Wala pa rin bang malisya, beh?
Hindi na talaga ako makapaghintay. Seven months. I've been dying to ask him this, and I am finally asking him this with the courage that only comes with embracing the uncertainty of risk.
"Dan."
Tiningnan niya ako.
"Masaya lang ba talaga akong maging kaklase?"
This time, sana naman may clue na siya. Marami nang nagsasabing transparent ako. Bida-bida. Genuine. Eloquent, yet competitive. Ngayong mas gusto kong malaman niya, bakit parang mas hindi niya naiintindihan?
Dahan-dahan niyang ibinaba ang paa ko bago tuluyang tumabi sa 'kin. Ang layo ng tingin niya. Tapos sumalubong sa mga mata ko. May ngiti — tapos lumihis pababa, umiiling. "Sorry, Maya. I'm not so good at being vulnerable."
Natawa kami.
"Sige, aamin na ako," sabi ko.
Hingang malalim.
"Gusto kita, Dan."
Nagpokus ako sa mga paa kong nagsasalitan. "No'ng una, ang insightful mo kasing mag-recite, tipong mapapa-oo mo ako. Hanggang sa naging mabait ka sa 'kin, sa mga kaibigan mo, kahit paulit-ulit mong sinasabing hindi ka magaling sa emosyon."
"Yeah?"
Tumango ako.
"Thank you," he whispers, smiling.
Wala siyang gusto?
Titingin na lang sana ako sa lawak ng kalawakan when I feel his hand on my knee. "For the record, hanga din ako sa pagsusulat mo." Nakahanap siguro ng tamang pwesto kaya tumigil. "Malalim kang tao, hysterical tumawa, plus you don't take someone else's shit if they claim to be smarter than they actually are. That's so awesome, really. Papansin ka. I love that about you."
"Ay, weh?"
Pinitik niya ang kamao ko. "Sus, 'kaw pa."
Diyos ko, ang lovely ni Dan.
Tumuwid siya ng upo. Humugot siya ng hininga na parang may gusto pang sabihin. Kahit tuluyan niya akong mahuling inaaral 'yong kabuuan ng mukha niya, hindi ako lumihis ng tingin. I am slow, taking my time, yet . . . he happily lingers.
"Naa-appreciate kita every time, Maya." I think kilala ko si Dan kahit papaano: the way he purses his lips, scrunches his nose unsurely, scratching the back of his ear. "But we are all of these little things only for a moment, right?"
Several years of holding on to my faith, ngayong pandemic lang ako naging able to appreciate the antagonistic complexity between my queerness and my Jesus. Kaya nga siguro tina-take advantage kong siya ang unang lalaking nagustuhan ko bilang bagong tao.
Wala kami sa pelikula.
O sa dulaan.
Kaya walang panggap, hinawakan ko ang pisngi niya. "Tama ka. I mean, super repressed ko ngang bakla noon, 'di ba? 'Ta mo ngayon, nandito na ako, malayang nakakasulyap. At wala akong gustong baguhin." Then I kissed the exact space where I embraced our risky beginning.
"Halika na nga," sabi niya.
"May sundo nga ako, ser."
Bumungisngis siya. "Oo nga. I mean, lapit ka dito." Then he taps the space closer to him.
Walang alangan, kusa akong umusog. Ngayong pinisil niya ang pulsuhan ko, inilapat ang buong palad sa akin, at dahan-dahang iniangat para halikan ang likod ng hinlalaki ko, nanatili pa ring komportable.
Kalmado.
Puno ng kagandahang-loob.
Ngumiti siyang nakatingin doon, and it stays even when he finally looks through my eyes. "You also make evenings good, you know?"
Iba ang totoong buhay sa teatro.
Totoong tao si Dan.
Oo, maraming nagsasabing komplikado siya. Kaya nga 'yon ang eksaktong dahilan kung bakit masaya akong naghihintay sa kanya. Sinuman ang gusto niyang papasukin sa likod ng dalawang magarbong kurtina, kalayaan niya 'yon hindi bilang artista, kundi bilang lalaking may tahimik na ganda. Sa bawat pagkakataon, sumisikip man o lumalabo, may nagbabago, o malayang nakakasayaw sa lawak at liwanag, araw-araw ko pa rin siyang pasasalamatan sa espasyong siya mismo ang maglalaan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top