Chapter 6
Enjoy!
~Maxer's Pov
"Max, how was it?"
"Okay na yun Zethary, napadala ko na sa location na se-nend mo."
"Good."
Nakaupo lang ako sa sofa habang si Zethary ay nag-aayos ng suit niya.
"Nga pala, paano mo nalaman ang tungkol dun? At kailan mo pa nalamang si Veltier ang kalaban natin?" Tanong ko ulit.
Hindi kasi mawala sa isip ko. Imagine our shock when we told him who are the enemies and he told us more? Nakakahiya.
Matagal na pala niyang alam. At mukhang mas marami pa siyang alam kaysa samin.
"A long time ago," tanging sagot niya lang at may hinalungkat sa cellphone niya.
Napatango lang ako at muli na namang naalala kung paano niya tinapos sina Dominic at Rosso. That was the scarest.
Nang araw na muntik ng makuha ng Stavros si Athaia ay nahuli namin sina Rosso at Dominic.
The two were bleeding back then, but Zethary ordered us to take care of them and to do not touch them.
Laking-gulat ko noon at akala ko na-misheard ko lang siya. Pero hindi pala.
Nagtaka pa ako nun, because he should be angry. Rosso and Dominic hurt Athaia—his wife. But he wants to take care of the villain?
And when we thought he's out of his mind, he came along. So dangerous and furious.
"Untie them." He commanded Alexen and Gray.
"Boss? "
"Don't make me repeat myself," he said in a dark and dangerous tone.
Napa lunok naman kaming lahat at sinunod ang utos niya.
Pagkatapos ay ngingisi-ngisi sina Rosso at Dominic na kakatayo lang.
Gabi ngayon, nasa private Training Field kami ng Freñier Mafia. Open space at pwedeng-pwede pang tumakas ang dalawa, kung patatakasin namin.
"What now, Zethary Freñier? What's your plan?" Panghahamon ni Dominic kay boss.
Pero si boss tahimik lang, walang imik. Nagtatagis ang bagang at kahit ako pinanayuan ng balahibo sa kung gaano kadilim ang aura niya.
Nagkatinginan lang kaming lima.
"You maybe don't know who we are, Freñier. So let us introduce ourselves first." Rosso added, grinning proudly.
"We are Stavros. We'll take you down to the depths of hell. Sooner than later you'll crawl and kneel before us," ani Dominic na nakangisi.
Oh? Ang yayabang. Ngayon pa sila nagyayabang makalipas ang isang decada.
"You should had stay away, just know that involving my wife in this business isn't a good play to pull," Zethary said coldly as he tilted his head and signaled us to move away.
Kaya ginawa namin. Nasa gilid lang kami at magkaharap silang tatlo.
"That's the point, Zethary Freñier! Your wife is your downfall!"
"But I must say this, you have a very gorgeous wife, Freñier. And after this, I will get her. She should be one of my women."
Tawa pa ni Dominic. Wala sa sarili akong napakuyom sa pambabastos niya kay Athaia.
And oh, he made the wrong choice of his life; desiring the Mafia boss' wife.
"We'll see if you have a chance after I kill you," galit na saad ni Zethary at sa isang iglap ay inaatake na niya sina Rosso at Dominic.
Ni hindi ko nasundan ang bawat galawin niya. Basta ang bilis at walang nagawa ang dalawa.
They are a good fighter, I must say. But shockingly, they can't match Zethary.
They are conspiring on how to take the Boss down, but failed big time.
"Shit! Rosso!"
Rosso was the first to fell. He kneeled and crawled when Zethary hit his nape and legs at the same time. But as he crawled, Zethary land a powerful kick unto his back making him scream in pain as his spinal cord broke.
Next is Dominic, tutulungan sana niya si Rosso pero nahuli ni boss ang leeg niya at binalibag siya sa damuhan.
Tapos ay inapakan ni boss ang bewang niya para hindi siya makatayo at buong pwersa na hinila ang ulo niya pataas kaya kitang-kita namin kung paano nabali ang leeg ni Dominic. Sa isang iglap ay wala na itong buhat at duguan.
"D-Dominic! You're an animal, Zethary! What did you do!" Takot na takot na sigaw ni Rosso na gumagapang palayo pero walang awa si Zethary, ngayon ko lang siya nakitang naging gan'to kagalit na sobrang lupit niya.
Mabagal siyang naglalakad at sinusundan si Rosso kung saan siya papunta at kami ay tahimik lang na nanunuod.
"Where do you think you're going, Rosso? Don't you want to fight no anymore? I thought you're going to take me down?" May panunuya sa boses na saad ni Zethary at inapakan sa likod si Rosso para hindi ito makagapang palayo.
"I told you, do not involve my wife. You should've stayed away."
May hinugot siyang baril mula sa likuran at pinaglaruan yun.
"Even you'll kill me now, there's still a Stavros out there, conspiring for your fall. We're not alone, Zethary Freñier. We're not alone!"
"Yeah? I know who's with the Stavros. You wanna hear it?"
Rossi's face went paler. Seems like he can't believe what Zethary said.
Even we, I, we're also shocked. He knew? How?
"Let's compromise, Rosso. Are you a fast runner?"
"W-What?"
"Come on, stand up and run as fast as you can. Now!"
Due to mixed fear and pain, Rosso was reluctant to move but still he managed to run fast.
Sumisigaw pa ang puta habang kumakaripas ng takbo at hindi man lang ata niya alam kung saan siya papunta.
I wonder what will happen next.
"I have never been this anger. I've never felt extreme anger my entire life..." I heard Zethary mumbled as he cracked his gun.
Then he aimed it towards Rosso, and pull the trigger. First he shot Rosso in the leg. Bumagsak agad yung puta at sinubukang tumayo ulit.
Malayo na siya sa'min pero tinasaan parin siya sa hita nang barilin siya ulit ni Zethary.
Sa huli, tinamaan na siya likod, balikat at ulo. Bumagsak siya at doon lang kami nakagalaw ulit.
"Max, wrap their bodies and send it as present to our dear friend." He ordered me, full of sarcasm. "I'll tell you where."
At tumalikod na siya. Nagkatinginan kami nina Gray, Alexen, Coother at Stynx, nagbabakasakaling tulungan nila ako sa bangkay pero ang mga putang'na, kumaripas ng takbo!
~Gray's Pov
"Boss, wala naman akong gagawin, pwedeng mag-out of town?" Tanong ni Alexen kay boss na papaalis na.
Nakahilata siya sa mahabang sofa animo'y may-ari. Kahit kailan talaga nakakahiya kasama 'tong si Alexen.
"Bahala ka, malaki ka na naman,"
Walang interest na sagot ni boss at umalis na.
Napa iling na lang ako sa kasungitan ni boss. Umagang-umaga parang nakainom ng suka ang itsura.
"Yan kasi, wala ka bang common sense? You're old enough to decide, fucker. Boss won't cage you here," sabi ko at nagkape na lang with cream and cake.
Akma na akong susubo nang dumagundong ang sigaw ni Ma'am Athaia mula sa itaas ng hagdan.
Napatingin ako dun at napanganga nang makita si Ma'am Athaia na sobrang ganda. Kahit kailan talaga kakaiba ang taglay niyang kamandag.
Oh, don't get me wrong. I'm not fantasizing her, boss will surely kill me, too. I'm just so amazed.
"Zeth! Waaaaiiit!" Sigaw ulit ni Ma'am Athaia at parang ako na lang ang nag-aalala na baka mahulog siya sa hagdan.
Takbuhin ba naman niya yung mahaba at mataas na hagdan mula second floor.
"A-Athaia." Napa balik rin bigla si boss sa loob at gulat na gulat.
Halatang natakot din siya na matumba ang asawa niya't mabalian ng buto.
"Zeth, sandali-Ay!" And she fell!
Ang taas kasi ng heels niya kaya natipalok. Agad siyang dinaluhan ni boss na panay ang mura at pangaral.
"What's the matter, love? And why do you have to run over the staircase? For goodness's sake, Athaia! That's dangerous! What if you fall!"
"I already did! Bakit mo kasi ako iniiwan!"
"What?! I'm not. I'm waiting outside since you doesn't want to be bothered while dressing up."
Nag-aaway na naman sila. Kaya ang kinalabasan, kaming lima ay parang nanunuod ng sarswela.
"Let's go, I'll take you to your school."
"Agh! No, not in the school. Sasama ako sayo sa Opisina, Zeth."
"Huh?"
"Sabi ko sa office. I want to come with you."
"And why did you suddenly want to go there? How about your studies?"
"I can handle them! Come on, let's go."
Mukhang excited pa si Ma'am Athaia na pumasok kaysa kay boss na napatitig ng matiim sa asawa niyang hinihila siya para umalis na.
"You don't need to be there, I can handle the company. At bakit ka ba sasama sa'kin doon?" Tanong ni boss sa walang emosyong boses at mukha.
Napaikot lang ng mata si Ma'am Athaia kay boss at nangalumbaba.
"Bakit ba ayaw mo? May babae ka yata dun eh."
"W-What? I don't even think of that."
"Then why don't you want me there? Gusto ko rin naman matuto para matulungan kita."
Pangungumbinsi pa ni Ma'am Athaia pero si boss nagtaas lang ng kilay.
Now I can't help but to be happy. Boss seems enjoying it. He has a nice and beautiful wife.
Saan kaya ako makakahanap ng gan'yan?
"Hindi mo na kailangan pang matuto, nandito naman ako at kaya ko pa yun lahat. As long as I'm breathing, you don't need to do the things I do. Ayukong napapagod kita."
Makahulugang sabi ni boss at ngayon ngingisi-ngisi na. Si Ma'am Athaia naman mukhang walang naintindihan.
Puta! Si boss kakaiba!
"Huh? Mapapagod? Sira-ulo ka ba?"
"What?! Ako? Sira-ulo?"
"Wag mo'kong sigawan! Sabing sasama ako sa'yo eh. At wala kang magagawa."
"Oh sure I can do something."
"Zeth naman eh." And her she comes, maglalambing na naman siya kay boss hanggang pumayag nga ang pinuno naming marupok!
"Thary...please? I just want to know how it would be. So I would be ready if needed." Ma'am Athaia reached boss' hand and held it tight.
Napatingin naman si boss dun at nagtagis ang bagang. Kunwari ayaw eh halatang gusto naman.
Pwe!
Mga galawan ni boss eh, alam na alam ko 'yan! Sigurado akong ang ending nito ay papayag din siya. Tapos magkakasama sila doon sa office buong araw at maglalandian.
Si boss, pakipot pa.
"Give me a better reason why should I bring you then." Ge boss, pa hard to get pa.
"Grabe si boss, kunwari matatag pero marupok naman," rinig kong sambit ni Stynx sa tabi ko.
"Oo nga. Naku!" Dagdag ko at napasipol kaya nilingon kami ni boss ng mga nanlilisik niyang mata.
"Kasi...auh,...because I really need to learn for our future! Para sa mga anak natin at...at.." Ma'am Athaia for the win!
Napa iling na rin sina Coother at Maxer.
"Uhuh? Our children..." Boss echoed as if that's the only thing he heard.
"Yeah...and of course I want to help you. We should be doing things together as husband and wife," namumulang sinabi ni Ma'am Athaia at bahagyang niyakap si boss.
At ang walanghiya naming pinuno ay nagawa pang pumikit at tumingala. Saka lumunok na parang hirap siyang inumin ang sariling laway!
"Not enough reason--"
"And I want to be with you all the time!" Pasigaw na saad ni Ma'am Athaia na nagpahalakhak kay boss.
Yung tipo ng tawa na hindi makapaniwala.
"Oh hell! Our boss is badly smitten to his wife," nasabi ko na lang.
Halatang-halata naman eh, pero si Athaia ang manhid. Though I can already see where this is going to.
"Okay. You got me there in 'you want to be with me all the time'. Ako rin naman, I badly want to be with you all the time, Amore." Halakhak ni boss na kinikilig.
See?! Sabi na eh! Dito rin 'to papunta! Gusto lang talaga magpapilit ni boss.
"Really?! Oh yes! Eh ano pang hinihintay natin dito?! Tara
naaa-"
"Sandali nga. Bakit pala ganyan ang suot mo?"
"And here comes the strict and possessive Zethary Freñier," bulong-bulong naming lima.
Napakunot naman ang nuo ni boss habang pinapasadahan ng tingin ang asawa niya.
"Ano ba ang masama sa suot ko? Pangit ba?"
"What? No, even you will wear sacks I'm sure you're still beautiful." At nagawa pang puruhin ang asawa.
"Yun naman pala! Then what's wrong?!"
"Turn around, Athaia. I want to see what's the design at the back."
"What?! Ayan, tignan mo!"
"What the fuck?! Why is it backless?!" Sigaw ni boss nang nakitang backless si Ma'am Athaia.
"Duuh? That's passion! Ano ka ba naman, tara na nga lang!"
At hinila na ni Ma'am Athaia si boss na nagrereklamo pa.
Napailing na lang kaming lima at humilata sa sofa. Saktong hinatiran kami ni Brendel ng meryenda.
"Wow, Brendel-babe. Thanks sa meryenda," Stynx said enthusiastically and was about to get the sandwich but Brendel flipped him over his head like it's just an exercise.
"Gago, sa'kin 'to! Patay gutom ka!"
***
~Thaina's Pov
"Yun yung lalaking tinutukoy ni Ferrin diba?" Nakasandal lang ako sa bintana ng kotse ni Evaia, siya ang girlfriend ni Kuya Ferrin, nang bigla siyang may itinuro na nadaanan namin.
"Huh? Sinong lalaki, Eva?" Maang-maangan ko. Pero syempre nakita ko rin yung chonggo'ng tinutukoy niya.
Si Maxer Leverge.
"Yung si Maxer, yung gusto ni Ferrin na akitin mo." Natatawa niyang sabi.
And I just rolled my eyes. So? What? I don't care! Hindi ko seseryusuhin yung sinabi ni kuya 'noh!
"Oh ngayon? Hayaan mo siya dyan! Wala akong balak na gawin yun!" Naninindig ang mga balahibo ko sa tuwing nakakarinig ako ng akit-akit na yan!
"Hahaha. Oh come on, Thaina. You need to cooperate. You are an Alfaza, a pure and true one."
"And that plan is absurd! Ang pangit-pangit ng lalaking yun, Eva. Sasayangin ko lang ang oras ko dun."
"Ano ka ba, subukan mo lang muna. Saka hindi mo naman kailangang akitin talaga ang Maxer na yun." Ha?
"Kung ganun ano? Tutunganga lang ako habang inaakit siya? Ano ba yan, hindi kita maintindihan," saad ko pa pero tumawa lang siya at biglang niliko pabalik ang kotse.
The next thing I knew, we're heading towards the grocery store where we saw Maxer.
"Just rock his world, Thaina. Bigyan mo siya ng iisipin niya mamayang gabi bago siya matulog."
"Huh?" Tinanguan niya lang ako at nginitian.
"W-wait...Eva!..what the..." Wala na akong nagawa.
Pagkababa ko saka ko lang narealized ang sinabi niya at ang walanghiya! Pinaharurot ang sasakyan palayo!
Wala akong nagawa kundi ang pumasok sa grocery store na bulok. Chos! Hindi, maganda naman yung grocery store pero maraming tao.
At ang tanong. Where do I find Maxer Leverge?
Nasaan ba kasi yung lalaking yun?
Naghanap lang ako, palakad-lakad, dito at doon pero wala aking nakita.
Sabi na sayo, Thaina eh. Wag mo ng seryusuhin yung sinabi ni Ferrin.
"I should just leave,"
Sambit ko at aalis na lang sana nang may nahagip ang mata ko sa meat section.
There he is. Wala sa sarili akong napailing at ngumiti. Ano'ng sabi ko sa'yo, Thaina? Wag kang susuko hanggat humihinga ka pa.
Inayos ko muna ang sarili ko, baka kasi mamaya i-epal pala ako dito tapos mukha akong basahan.
Nang matapos ay malamya akong naglakad palapit sa Maxer na yun na mukha naman palang onggoy, nasa mga junk foods na siya at namimili. At ang hunghang! May oras pang magpapogi points sa ang namimili!
Akala naman niya gwapo siya? Ghad! Why so feeling?
Nasa likuran na niya ako pero wala siyang pakealam. Gago talaga!
Malamya kong inabot yung isang pakete ng kung ano ba yun, basta inabot ko kahit hindi abot at dahil nasa kanya ang atensyon ko ay nagsilaglagan yung mga chips at ako naman hinayaan lang yun.
Pero ang deputa! Ni hindi ako nilingon! Talagang mahahataw ko na siya ng mga junk foods eh.
"Excuse me, Miss? Would you buy chips or not?"
"Huh?" May nagtanong na sa'king babae.
Mukhang mataray pa yung sales lady kasi nakataas ang isang kilay at tinignan ako ng taas baba.
Aba! Kung makatingin naman 'to?
"Hindi. I mean, no, I won't," sabi ko at tinalikuran na yung babae na namumulot ng mga nalaglag.
Pero pagd harap ko sa kinaruruunan ni Maxer kanina ay wala na siya.
Shiz!
Hinanap ko siya ulit pero wala na akong nakita. Mukhang umalis na agad ah.
Sawi akong kumuha ng mga chips at chocolates para kainin. Pagkabayad sa counter ay agad rin akong lumabas at nag-aabang ng masasakyan.
Nakaramdam ako ng gutom kaya nagbukas ako ng Piatos pero may biglang bumundol sa balikat ko mula sa likuran kaya natapos yung laman ng Piatos na agad kinainit ng ulo ko.
Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang magsayang ng pagkain!
"What the-are you blind! Hey you jerk!" Pasigaw na tawagin ko sa lalaking bumundol sa'kin kaya napatigil siya.
"Hey!" Lumapit pa ako sa kanya para sermunan siya. " Hey again! You must pay me for my chips! Sinayang mo ang pagkain ko! Hindi mo ba alam na maraming batang gutom ngayon tapos ikaw nagsasayang lang?! Kayo talagang mga Italiano mga walang hiya kayo! Mga walang kwenta! Ang dapat sa inyo ay ilibing ng buhay!" Sigaw ko pa at wala akong pakealam kung hindi siya nakakaintindi ng tagalog.
"Mga wala kayong kwentang nilalang! Hindi porket dayu lang ako rito ay--"
"Sorry, Miss. Hindi ko naman sinasadyang mabangga ka. Heto oh, papalitan ko na lang yung sa'yo."
Napatanga ako nang biglang humarap yung lalaki na si Maxer pala at may malawak na ngiti.
At hindi ko alam, ang tangos pala ng ilong ng tang'na at maganda ang kulay asul na mata. Manipis at mapulang labi saka matangkad naman. Ang gwapo pala ng Italianong'to?
"Miss?"
"Huh? A-Ano yun? May kailangan ka?" Huh? Ano daw Thaina?
Nakita kong tumikwas yung sulok ng labi niya na parang natutuwa. Napakurap-kurap ako bigla at napatras nang humakbang siya palapit sa'kin.
"Oo, may kailangan ako. At ikaw lang ang makakapagbigay nun."
"H-Huh?"
"Kailangan ko ng dugo, kanina pa ako nauuhaw."
"A-Ano? "
"At kailangan kita. Kaya huminto ka."
Sa sinabi niya ay parang nahihiptonismo rin akong sumunod.
I stopped stupidly which I regretted afterwards. Teka nga! Bakit ba ako umaatras.
Hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala ang lalaking hinahanap ko kanina pa, at akmang magsasalita na ako nang biglang tinagilid niya ang ulo niya, hinawakan ako sa panga at tinagilid ang ulo ko at naramdaman ko na lang ang pagkagat niya sa balat ko sa leeg at pagsipsip nun kinalaunan.
Parang nanayo bigla lahat ng balahibo ko sa katawan dahil dun. Sa gulat ko napanganga na lang ako at hindi nakagalaw.
Ang sakit ng ginawa niya, Puta! Pero napapikit ako nang dinilaan niya yun at umakyat ang labi niya pataas, paakyat sa panga ko at sa labi ko-tsaka ako nilukumos ng halik.
Grabe! Yung halik pa na hindi smack, hindi rin torrid kundi French!
Ang kapal ng mukha!
Nang matauhan ako ay sasampalin ko na sana ang walanghiya pero agad na siyang nakalayo sa'kin at dinidilaan ang sarili niyang labi habang nakatingin sa'kin.
What the fuck! This man! He's an idiot and a rapist and a jerk and an asshole!
"Walanghiya ka! Puta ka--"
"Shhh. Ayuko sa maingat, miss. Kaya hinalikan kita. So stop talking and run. Baka kasi hindi lang yun magawa ko sayo."
"Ano?! Ako ba pinagtitripan mo?! Ha?!"
"I said...run!"
Bigla akong napaatras ng sumigaw siya at para bang tinatakot ako na multo siya.
At ako, napaatras naman sa gulat. Putang'na niya, pinagtitripan pa ako? E kung ilampaso ko kaya siya sa kinatatayuan niya?
At may atraso pa siya sa'kin. Bigla na lang niya akong hinalikan!
"The fuck! You're crazy!" Sigaw ko.
"Sabi ng ayaw ko sa maingay eh,"
Sabi niya at muli na namang lumapit sa'kin kaya napatakbo ako paalis at kumaripas ng tago.
Pagkakita ko ng sasakyan kahit hindi ko kilala, nakisakay na lang ako.
What the-kanina pa ako nag wa-what the ah.
***
~Athaia's POV
"Zeth, ano'ng position ko dito sa companya?"
Tanong ko kay Zethary. Nakaupo siya sa harap ng mesa niya at may binabasang kung anong report.
"CEO malamang," Sagot niya nang sinulyapan niya'ko at kinindatan.
Asus! Kumindat siya, kala niya bagay sa kanya.
"Talaga?" Wow, mukhang mas mapapadali pala ang pag transfer ko ng funds nito, " hmm, pwede bang dalawa ang CEO sa iisang Kompanya?"
"Yes, of course. Samsung has three of it, while the other are two; as ours," sabi niya at sumandal.
Nasa tabi niya ako at nakaupo rin sa sarili kong swivel chair.
"Why are you asking, any way?"
"Wala lang. Nagtatanong lang ako."
"Hmmm." Tumango-tango siya at napalunok ako nang bigla na namang dumantay sa hita ko ang isa niyang kamay.
Kanina pa niya 'yan pinapatong diyan! Tapos hihimasin niya ang hita ko! Nanananching pa talaga ang luko!
"Love?"
"H-Ha?"
Nginitian niya ako at masuyong lumipad sa bewang ko yung dalawa niyang kamay at niyakap ako.
He buried his face in the hallow of my neck as he hugged me tight.
Para namang binubundol ang dibdib ko sa kaba. Aba! Minsan lang siya maging ganito kaya kinakabahan talaga ako at baka anong sirang pagkain ang nakain niya.
"Are you happy...with me?" Biglang tanong niya na hindi ko alam ang sagot.
Am I? Are you, Athaia?
Well? Masaya naman ako, wala naman akong problema. Kahit nga na may plano ako laban sa kanya pakiramdam ko wala lang yun sa kanya.
Yeah, wala talaga kasi hindi naman niya alam!
"O-Oo naman." Totoo naman kasi. Kahit strict at minsan may saltik siya mabait naman siya at talagang binibigay lahat ng gusto ko.
But there's one thing I really want that he can't give me; Justice.
"Then why are you....." He went silent.
Ilang minuto pa bago siya nagsalita ulit.
"Love, do you know why my endearment for you is love ?"
"Hindi"
"Of course you knew it. Didn't I told why?"
"Huh? May sinabi ka ba? Kailan?" Wala kaya! Sinungaling din 'to eh.
"I did. I confessed. I said I love you...and it's true. But you said you hate me and I said I know, then you said that you wishes my fall,"
Mahinang sabi niya kaya napatulala ako. Now I remembered it. That night he confessed. How can I forget about that?
Because of my anger. My plan and my greed. Because he killed Aveñier. It all started months ago.
"A-Akala ko kasi...." Hindi ko na matapos ang sasabihin ko dapat nang bigla kong narealize ang isang bagay.
Mom never taught me to do bad things. Dad never taught me to plant anger.
Now I feel guilty for planning behind his back.
But still, it's firm enough for me to continue it. He killed Aveñier and I will never forgive him.
"I know. I understand. You don't feel the same yet." Kumalas siya at bahagyang lumayo para matignan ako sa mata.
Bakit ganun? Sa tuwing nakatingin ako sa mga mata niya, parang nalulusaw na lang bigla ang galit ko? Parang wala lang siyang ginawang masama.
"But I will taught you how to love-truthfully and devotedly when I get back."
"Huh?" Wala na akong naintindihan kasi unti-unting bumababa ang mukha niya at napapikit na lang ako nang dumampi ang labi niya sa'kin.
And I won't deny how sweet and soft his lips are. He kissed so good.
Nanghina na lang ako sa aking kinauupuan nang ginagad niya ang labi ko't mas naging aggresibo pa ang halik niya.
Yung parang sabik na sabik at nanggigigil. Pumulupot ang mga braso niya sa'kin at sa isang iglap ay walang kahirap-hirap niya akong inangat at pinaupo sa mga hita niya paharap sa kanya.
His kisses traveled down to my neck and back to my lips again. Napa yakap na rin ako sa kanya at gumanti ng halik.
Shiz! Kung gan'to pala siya kagaling humalik ay baka nga bigyan ko siya ng tagapag-mana.
Naglilikot na ang kamay niya sa likuran ko at mga hita. Sige lang kami ng halikan kahit na nauubusan na ako ng hangin nang biglang narinig namin ang pagbukas ng pinto at ang boses ni Bethany.
"Mr. Freñier, what do you want for lunch, Sir-what the..."
"Oh hell!" I quickly moved away from his lap and sat upon my chair.
Hiyang-hiya ako lalo na't hanggang ngayon ay nakanganga pa rin ang secretary niya.
While him! Parang wala lang sa kanya yun at nagawa pa akong halikan ulit sa pisngi habang nagsasalita at hindi tinatapunan ng tingin si Bethany.
"None. I already have mine here," makahulugan niyang sabi at ngumisi.
Namumungay pa ang mga mata niya at sinubukan akong hipuan pero pinigilan ko ang kamay niyang nanunuot sa loob ng skirt ko.
Ang bastos naman talaga ng walang'ya!
"Pff. Ayaw talaga pahawak kahit isang beses." Natatawa niyang sabi at ako na lang ang nahiya.
Ano raw? Ayaw pahawak, huh?!
***
Thanks for reading.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top