Chapter 24

~Gray's POV

NAPAHINTO NA ako sa pagbaybay ng hallway, ewan pero kanina pa ako palakad-lakad lang dito eh. Wala namang kalaban, o trap, o kahit ano na lang. Ang boring tuloy ng byahe ko.

"Tss, ano ba 'yan, wala man lang ba sasalubong sa'kin dito? Hindi pa ako nakakagalaw ng gatilyo mula kanina," bulong-bulong ko pa.

Kabwesit naman kasi. Kanina pa talaga ako nagbabaybay dito sa mga hallway-hallway pero wala man lang akong nakasalubong na kalaban.

Tss, this is just so weird. It was obvious kanina na handang-handa sila sa pagdating namin. Pero bakit ngayon wala man lang ata gustong makakita sa kakisigan ko?

"Their loss, not mine." Naiiling kong saad sa sarili ko.

Then suddenly, I stopped. I looked to the both sides of the hallway. Left and right.

Teka nga, bakit parang pamilyar ata ako dito ah.

"The fuck?" Lumakad ako sa kanang bahagi at binaybay 'yon hanggang sa marating ang isa na namang nakakalitong hallways. Right and left again.

Agad nakunot ang nuo ko. Bakit ba parang nagpabalik-balik lang ako dito? Eh dumaan na ako dito kanina ah. Putrangis naman oh! Sobrang laki ba talaga nitong warehouse na'to na ilang beses pa ata akong maliligaw.

"Niluluko ata ako ng lugar na'to ah, e dinaanan ko na'to eh!" Napakamot na lang ako sa batok ko.

Binubwesit ako ah, kaasar. Bakit ba walang binigay si Stynx na blueprint nitong warehouse? Tuloy nagkakaligaw-ligaw ako.

"Tss, sino ba engineer ng building na'to at mukhang gusto pa ata gawin 'tong maze. Lakas ng trip maglagay ng sandamak-mak na hallways ah," nabubwesit ko na talagang usal.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Binaybay ko na ulit iyong kanang bahagi naman ng hallway na hindi ko pinili kanina.

Pero hanggang sa nakailang ikot pakanan at pakaliwa na lang ay hindi pa rin ako nakalabas sa mga hallway.

Kanina ko pa rin napapansin na paikot-ikot lang din talaga ako. Anak ng tinapa naman oh! Maze nga ata 'tong hallway na'to.

Grabe yung engineer ah, parang may ikukulong talagang tao dito ah. Kalito talaga yung hallway eh. Hindi ko na tuloy alam saan liliko.

"Wala man lang CCTV?" Nakita kong wala man lang kung anong nakakabit sa kisame.

I thought there is para sakali ay makita nila kung may kalaban ba na nakulong sa maze. Pero wala naman eh.

"Now, what to do?" Naupo na lang muna ako sa sahig dahil sa pagod. Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ng pants kong suot at tinawagan si Coother na humiwalay sa'kin kanina matapos namin dumaan sa likod.

Pero nakakapagtaka kasi walang sumalubong sa'min dun. Pagpasok namin dalawang hallway din ang sumalubong kanina kaya nagkahiwalay kami.

Unfortunately for me, I've picked the easiest way. Please mark my sarcasm.

Ilang sandali pa sumagot si Coother pero marami akong ingay na naririnig sa kabilang linya.

"…Coother," sabi ko.

"O bakit? Saan ka na, si boss nakita mo na?"

"Mukha bang nakita ko na? Hindi ako tatawag kung kasama ko na si boss ah. Tanga, hanapin mo na lang kasi pati yung iba, nasa safe zone ako." Napailing pa ako habang nagsasalita.

Safezone mukha mo, Gray. Safe talaga, no enemies, no worries, no ways out din.

"Bakit nas'an ka ba? Saang safe zone 'yan?"

"Ah, sa Earth lang p're," biro kong sagot sa kanya at tumawa.

"I'm serious. I haven't seen Stynx since earlier, while Alexen almost died, dying to be precised." Napataas kilay ako. Really? Ang mahal kong councillor na si Alexen? I'm so worried.

I snorted. "Almost lang? Ba't hindi pa 'yan tinuluyan ng kalaban? Ano ba lagay niyan, fifthy-fifhy?"

"Bastard. He is badly hurt, Gray. He was caught and now coughing blood, so hurry up and get in touch with the others. The Alfazas are also wandering around, alalahanin mong kapag naunahan tayo nila ay mawawala kay boss ang asawa niya. He'll be devastated."

Honestly, I get his point. We are doing this to win ma'am Athaia back. Maybe she wasn't that close to us before but she's kind—maybe the kindest person I've ever met. She's like a glistening light that has came to us.

Noong wala siya noon, ni minsan hindi ko pa nakitang ngumiti o tumawa si boss. Siya iyong tipo na kapag kaharap kami, mga tauhan niya ay akala mo naman ikakamatay kapag ngumiti kahit isang pulgada lang.

Ni hindi nga namin magawang magbiro o magbangayan kapag andiyan siya eh. Hindi rin kami nakakasagot ng pabalang kasi baka bigla niya na lang maisipang barilin kami.

But when the youngest of the Alfaza arrived in the mansion, it had light. Not so big but not so small either.

I witnessed how boss changed a bit, and soon, he'll fully changed into a better boss, a man and a person. Illegal nga lang ang ibang hanap buhay.

"Okay-okay. Kailangan ko lang makalabas dito sa maze. Just wait for me there, baby!" Pabiro kong hiyaw na parang ikakasuka ko pa ata.

"What the fuck?" I heard Coother cussed. May narinig din akong boses ng babae at ang namamaos na boses ni Alexen.

Putik, malala ba talaga ang gagong 'yun? Bakit parang mamamatay na?

"Anong maze?" Si Coother.

"Maze, ano ba ang maze? Siyempre maze, huwag ka ngang bobo." Tignan mo'tong si Coother. Nilipad na yata ng hangin ang kakarampot na utak.

"Huwag mo'ko pilosopohin. Lumabas ka na lang diyan—Caina, alalayan mo nga 'yang si Alexen. We need to advance," rinig ko pang ani Coother.

Caina? Babae? Aba at nagawa niya pang mambabae ah, sa sitwasyon namin?!

"Sino yung Caina? Coother, nakbubulakbol ka pa ba diyan? Nasa gyera na tayo nambababae ka pa rin?"

"What?! Idiot! She's my sister!" He hissed.

"Ahh, ganun? Hindi mo kasi sinabi agad eh. Sige,"

"Hurry up, Gray. We're losing it," mariin niyang sabi. Sasagot pa sana ako ng pabiro pero binaba na niya agad.

Tignan mo'to, akala naman niya ikinagwapo niya pagiging bastos. Ginagaya si boss eh.

"Tss." Tumayo na lang ako at nagsimula na ulit baybayin ang makitid na hallway. Walang kwarto, hallway lang talaga.

Kada liko ko ay nag-iiwan ako ng isang palatandaan. "Mauubusan ako ng bala nito eh," saad ko.

Tig-iisang basyo kasi ng bala ang iniiwan ko sa bawat liko para malaman ko kung nadaanan ko na ba yun o hindi.

Hanggang sa tatlong dead end na ang nakita ko, pangatlo na ngayon kaya sa kaliwa naman ako.

"Astig ng engineer, sobrang complicated ng maze niya," usal ko nang halos hindi pa ata ako umuusad mula kanina.

Hanggang sa lahat na ng hallway nadaanan ko na pero puro dead end.

I halted. Something's wrong here. Bakit walang labasan? Bakit dead end lahat?
Now, how would I get the hell out of here?

Niluluko ko lang ata sarili ko dito eh wala namang daan talaga.

"Shit! Hindi kaya…" napamura ako. I was fooled. Damn, I immediately find the hallway I used to get here.

"Bakit ba hindi ko naisip agad 'to…" nagsisising sabi ko habang tinatahak ang hallway na pinasukan ko kanina.

If my realization is right, the only way out here is the only way to get in here. All hallways has dead end, and this one is the way in…and fortunately the way out too.

"Ang bobo ko naman, nagsayang lang pala ako ng bala at oras kakaingot-ikot ko dun." Kabwesit ah.

Napa ngisi na ako nang nakita ko na ang labas. Pati iyong pintong pinasukan namin kanina ni Coother.

A smile made its way to my lips as I made my final step to finally left the strategic maze.

Pero agad din akong napahinto nang may sinulid akong nasagi sa paanan ko. At hindi pa nga ako tuluyang nakakahinto nang para akong marahas na tinapon sa ere nang biglang may sumabog.

My world spinned. My head was hit to the wall. It bleed. My ears lost its capability to hear. My body fell unto the rocky floor.

Agad kong naramdaman ang sakit na walang kapantay at sa huli kong hininga ay naramdaman ko ang pag-agos mismo ng sarili kong dugo.

~Stynx's POV

"K-Kuya! Kuya, tulungan mo'ko! Kuya Stynx!"

"What the fuck?!" Mula sa pagtakbo ay napatigil ako. Bigla akong nanginig nang marinig ang nagmamakaawang boses ni Irene.

Pakiramdam ko bigla akong tinakasan ng dugo at kaluluwa nang marinig ang boses niya.

"Oh god…" bigla kong sambit. Iniumang ko na ang baril ko sa kung saan na para bang anytime may susulpot na kalaban.

"K-Kuya! Kuya! Please, help me! Help me! The clock is ticking fast!"

Narinig ko ulit ang sigaw niya kaya pinagbubuksan ko ang mga kwartong nadadaanan ko. Nasa corridor na ako ng warehouse.

The way is leading to the function hall. If I'm not wrong.

"Irene! Saan ka!" I shouted back to call her. Pero wala na akong narinig. Mas dumuble ang kaba ko.

"Irene! Nandito si kuya, saan ka!" Muli ko pang tawag at pinagsisipa ang isang pinto dahil ayaw bumukas.

"Kuya! Kuya, Stynx! M-Malapit na kuya…mamamatay na ako!" I heard her shaking voice again and I can tell that she's crying hard.

My chest thundered in fear. Anong malapit na? Anong mamamatay na? The hell!

"Irene!" I screamed. Nang mabuksan ang silid wala namang tao. Sa ibang sulok din nanggaling ang boses niya.

"K-Kuya! The clock is ticking very fast! I'm here, I'm here! I'm scared!" Naririnig ko pa rin ang sigaw at pag-iyak niya.

Napahilamos na rin ako sa mukha ko habang pilit binubuksan ang panibagong kwarto. Nanginginig na ako. Hindi siya maaring mamatay, paano siya napunta dito? Did the Stavros took her here? Did they hurt her?!

Fuck them to the very core! They'll pay for this!

"Irene! Sumigaw ka kung nandiyan ka sa loob! Irene, si kuya 'to!" Sigaw ko habang kinakalampag ang pinto ng kwarto.

Pero walang sumagot at narinig ko na naman ang boses niya mula sa kabilang sulok. Napamura ulit ako ng sunod-sunod. Pakiramdam ko tinakasan ako ng sandamak-mak na pawis sa sobrang kaba, alala at takot.

Hindi ko na halos maiangat ang braso kong may baril para barilin ang doorknob sa kabilang pintuan.

"Irene!"

"Here! Kuya, nandito ako! Sa kabila!"

"Saan?"

"Nandito! Oh god, ilang minuto na lang, sasabog na ako! O my god, I'm really gonna die!"

Rinig na rinig ko ang paghagulgol niya ng iyak. Naririnig ko na siya nang malinaw at nasa pinakadulong kwarto siya. Dead end na ng hallway yun.

"Irene! I'm here!" Nakaramdam ako ng tuwa at agad sinipa iyong pinto. I heard her cry even harder.

Naririnig ko rin ang mga babala niya pero huli. Nabuksan ko na ang pinto.

"Kuya, ingat! May patalim——"

Bago pa ako makapasok ay may tumama ng dalawang kutsilyo sa balikat at tagiliran ko. It came unexpected, it came in both sides when the door was unlocked.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at sakit. Muntik pa akong matumba kung hindi lang agad ako nakabawi.

"Oh my goodness! Kuya," iyak ng kapatid ko.

Habang ako ay sunod-sunod na napamura at napakapit sa hamba ng pinto para sa suporta.

"The fuck…" kahit masakit at nahihirapan ay pinilit kong tanggalin iyong kutsilyo sa balikat ko at pasuray-suray na naglakad palapit kay Irene.

Binaliwala ko na ang sakit na para akong pinapatay maging ang pagbulwak ng dugo mula sa kaliwa kong balikat. Maging ang kutsilyo sa tagiliran ko ay hindi pa nakukuha. Dumudugo na rin yun ng marami.

"I-Irene…" napasalampak ako sa harapan ng inuupuan niyang upuan.

She immediately cried harder and tried to move but she couldn't. Her ties are tight and in her body is a jacket with a time bomb.

Agad naglandas ang maraming luha sa mukha ko at nawalan na ng pag-asa. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili dahil sa kalagayan niya ngayon.

Hindi bale ng mamatay ako, 'wag lang siya.

"Irene…I'm sorry…" I cried and held her knees by my bloody hands. They were shaking, and so my hands. Even my whole body.

Mas lumakas ang iyak niya at maging ang akin. Ramdam ko na ang kawalan ng pag-asa at hindi ko inaasang ngayon ko pa talaga naalalang manalangin.

"Did they hurt you? What did they do to you? I'm sorry…this is my fault, I-Irene."

My tears streamed more. My voice broke as I tried to endure the pain of my wounds just so I could hug her tight.

"Kuya, mahal na mahal kita. Miss na miss na kita pero hindi ko akalaing dito pa tayo magkikita," iyak niya ng sobra at napatingin sa sugat ko.

"I'm fine, I'm fine…I'll try to get you off from this bomb, okay?" Kahit nanginginig ay sinubukan kong bunutin ang kutsilyo sa tagiliran ko.

"Shit!" I hissed when I almost faint in pain.

"Kuya! Oh my god, you're so bloody!" She said, shaking in fear.

"Mahal na mahal din kita, hindi kita hahayaang mamatay, Irene," nanghihina kong sabi.

Nakatali ang nga kamay niya sa likuran ng upuan at nasa katawan niya ang jacket na may kakabit na bomba.

"Kuya! Yung time! J-Just…Just go! Leave me here!"

"No!" I shouted when she tried to kick me off her.

Mas lalo akong nanginig at naiyak nang makitang three minutes na lang ang natitirang oras at sobrang bilis pa ng takbo nito.

Hindi ako halos makahinga sa sobrang kaba, takot at sakit na nagsama-sama na ata sa dibdib ko dahil sa sitwasyon. Nagsusumamo na ako sa isipan ko.

"Kuya! Just let me die, I just called your name because I want to see you, I am scared…." She cried. Now saying things I didn't hear from her before.

"I miss you, I love you a lot. I know about your work but I don't hate you. But just go, I prefer you alive, doing illegal stuffs than die."

"Shut it, Irene! I won't let you die, we'll die together then!" I yelled.

Hindi ko na halos alam kung anong wire ang dapat putulin at nagkasugat na ako. Nanlalabo na rin ang paningin ko at dumuduble na ang paningin.

"The hell…where's the right wire?" Nanginginig kong sambit nang ang dami kong kulay na nakikita.

Napaluhod na rin ako ng tuluyan nang muntik na akong bumagsak. I vaguely hear Irene too.

"One minute left! Just go, Stynx! I'll explode any seconds now!" She screamed but I couldn't hear her clear.

Ilang beses akong napakurap at nanlumo para bumalik ang maayos kong paningin. And when it did, the seconds welcomed me. It's running darn fast and the time life is less than a minute!

"Stynx! Please, save yourself!"

"Shut it, Irene! I'm not leaving you alone…"

Halos hindi na ako huminga nang mabilis kong pinagpuputol ang dapat putuling wires para hindi kami sumabog.

But I didn't reached.

One second was left before I've cut the last wire.

Meanwhile…

~Third person's point of view

MAGKASAMA naman sina Collin at ang magkapatid na Alfaza. Sina Ferrin at Knave.

Hindi pa sila sugatan at maayos pa ang lagay hindi tulad ng mga Freñiers na halos malulubha ang lagay.

"I wonder who are waiting for us, is it some of their most skilled reapers or their councillors?" Collin muttered. He is holding a machine gun and a load of bullet on his shoulder.

Papasok na rin sila sa bulwagan ngayon at handang-handa na humarap sa kung sinuman.

"I wish to meet their mafia boss. The councillors and those who hurt my sister. They will pay for what they did to her," nagngingitngit sa galit na sabat ng nakababatang Alfaza.

Habang walang imik naman ang nakatatanda hanggang sa nakapasok na sila sa malawak at malinis na bulwagan.

Dangerous silence welcomed them. The whole place is wide, clear, as if this is the very place for a ball. There's a long wooden staircase in the middle. There are huge and high circular pillar in every corner. There are also doors everywhere.

"What's up? Why is there no one here?" Takang tanong ni Knave sa sarili. Tahimik naman ang dalawa dahil sa masamang kutob nila.

Iniumang nila ang kanilang baril sa mga sulok-sulok, animo'y may susulpot na kalaban. Nang biglang bumukas ng marahas ang ibang pintuan at niluwa nun ang mga duguang myembro ng Freñiers.

"The hell…." Collin unconsciously uttered when he saw the bloody councillor of Freñier Mafia—Alexen Bougainville.

"Shit! Lex, kayanin mo, tiisin mo muna!" Coother hissed as he help his sister, Caina para alalayan si Alexen na hindi na makatayo nang maayos.

Duguan ito at hindi na halos dumidilat at makalakad.

"Coother, pagod na pagod na ako. Hindi ko na ata k-kaya…" anito.

"I don't care if you're tired already, just don't close your eyes otherwise you won't see the world again," may diing usal ni Coother.

"Tatanga-tanga kasi eh! Bakit ba kasi ako pa'yong inuna mong itulak kaysa magtago ka? Ayan tuloy nasalo mo lahat ng bala!" Caina nagged. Alexen just tsked and held his abdomen where a bullet was buried.

"Can't you just be thankful of me? I saved you even you tried to kill me. Instead of nagging, why don't you try to be nice, huh?"

"Hindi ako nakikipag-mabutihan sa tanga," Caina contradicted. "I don't need your saving, idiot!" Panay ang mura nito habang pinapasandal si Alexen sa pader upang hindi tuluyang bumagsak.

Nagkatinginan naman ang tatlong Alfaza bago lumapit sa tatlo din. Agad humarap si Coother sa kanila at nakipagtitigan lang.

Hindi man siya magsalita ay may kutob siyang dito nagtatrabaho ang kapatid. Caina immediately stood up, while Alexen's eyes followed her.

"Boss, buti okay lang kayo. Hindi kayo nasaktan ng sobra tulad ng tanga dito." Alexen's stare immediately went sharp when he heard Caina.

"This girl?! Mamamatay na nga ako dito wala man lang lambing sa katawan," Alexen sneered but nobody notice him.

Tumango naman si Ferrin at Knave. Hinarap ng tatlo si Coother na tahimik lang at mariing nakatingin sa kapatid.

"K-Kuya…."

"I thought you're in the Philippines. All this time, Caine, you're fooling me?" Anito sa kapatid. Agad umiling si Caina at lumapit sa kapatid. Si Alexen naman ay panay ang mura at hindi na gaanong makahinga.

"Hindi ganun, noong nakaraan lang din ako dito, utos kasi sa'kin na bantayan si Ma'am Athaia." Coother's eyes flew toward the silent Alfaza. Knave made the first expression. He smirked.

"You won't be so surprised if you've expected that our sister is a gem, we won't just sent her to your lair without security," Knave said with a smug.

Naubo naman si Alexen kaya nakuha nito ang atensyon ng lahat. Hindi na ito nakamulat at putlang-putla na. Nagkalat na rin ang dugo nito sa sahig at kung hindi pa ito dinaluhan ni Coother ay natumba na ito.

"Fuck! Alexen, hold on!" But the latter did not response. He was already half way to hell when Knave just throw a syringe to him.

"Inject that to him so he won't lost consciousness. That will keep him awake and numb for few minutes." Agad kinuha ni Coother ang syringe at in-inject kay Alexen.

Minutes passed and he moved a bit before his eyes parted. Everyone felt relief, that's when another door near them opened and it showed another bloody Freñier.

"Oh hell!"

"Aw, poor little boy,"

"He is even fatal,"

Sunod-sunod na puna nina Coother, Knave and Collin. Agad bumagsak sa sahig si Stynx na duguan din. Habang umiiyak naman ang kapatid nitong si Irene.

"Kuya, oh my god, please hold on. Huwag ka naman mang-iwan!" Iyak nito at pinilit itayo si Stynx pero hindi niya makaya.

Pero isang himala ata ang nangyari at walang imik na lumapit si Knave sa magkapatid at tinulungan nito si Irene na isandal si Stynx sa pader, kalapit ni Alexen.

"Hindi na'to tatagal." Natatawa pang wika ni Knave.

"Shut it, Knave. He's dying," Ferrin sneered.

"T-Tulungan niyo kami, please! He's dying," iyak ni Irene na naduguan na rin ang damit.

Caina then approached them and tried to see if Stynx still has a pulse.

"May pulso pa, Knave, mayroon ka pa bang ganun?" Tinuro ni Caina ang syringe na walang laman na hawak ni Coother.

Knave shrugged, looking heartlessly hopeless. "Wala na eh, ikinalulungkot ko pero mamamatay na nga atang talaga 'yan——" nasa kalagitnaan pa lang ito ay humagulgol na si Irene at agad nanlumo. Nilapitan nito si Knave. And the younger Alfaza's eyes widened when Irene held his hands tightly.

"I'm begging, please…please save him! Kahit anong kapalit ang gusto mo, ibibigay ko tulungan mo lang si kuya…"

Lahat nakatunghay, wala namang naisagot agad si Knave at napangisi lang sa kabila ng pagkabigla.

Knave sighed, he clicked his tongue in a playful manner before he laid down the syringe that Caina immediately took and injected it to Stynx.

Ilang minuto lang ang binilang nang gumalaw na ito at nanghihinang nagmulat. Balak sanang yakapin ni Irene si Knave sa tuwa pero agad itong tumayo at itinaas ang kamay.

"Whoah! Easy, magseselos ang girlfriend ko kapag may yumakap sa'king iba," ngising anito.

Napabuntong hininga naman si Ferrin at tumahimik lang ang iba na hindi na pinansin si Knave.

Dahil sa dalawang duguan ay hindi na nila napansin ang pagdating ni Zethary Freñier. Walang emosyon ang mukha nito at may hawak na mahabang baril.

Dagli lang nitong pinasadahan sina Alexen at Stynx na naghihingalo. Agad namang tumalim ang tingin ni Knave rito at akmang susugod nang pigilan siya ni Ferrin.

"Stop Knave, don't waste your energy," Ferrin warned.

"Save your strength for the Stavros, I'm not your enemy," said coldly by Zethary.

Saktong humarap ito sa buong bulwagan nang nagsulputan mula sa mga pinto at maging sa mga hallway ang mga Stavros na may dalang samurai.

Everyone stilled, they followed every Stavros surrounding them. From the sides, walls, pillars and even above the staircase. Napapalibutan sila ng mga lalaking naka-itim at may dalang samurai at kutsilyo. Wala man lang baril.

"Finally, finally…" then a man's voice broke the long silence.

Lahat napaangat ng tingin sa ikalawang palapag ng building, sa itaas ng hagdan nakahanay ang tatlong lalaki na nakilala nilang sina Ferriols Almedra, mula sa mga Alta Mercy at Montevalore. May babae ring lumitaw na kilalang-kilala ng mga Alfaza.

The four of them looked down with hatred and anger on their faces. Tahimik namang nagngitngit si Ferrin nang makita si Evaia.

"We've waited for this very moment..." May lalaking pumapalakpak na mabagal na naglalakad sa likuran ng apat, at pagharap nito sa kanila ay may maitim itong ngiti.

They gasped when they saw who it was. The man in black coat and dark dangerous aura—Veltier Stavros.

"We've met again…my friend," anito habang nakatingin kay Zethary Freñier.

"Khel,"

***

Half lang muna. Mejo may kahabaan talaga eh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top