Chapter 23
~Stynx's POV
Before Athaia's body fell unto the ground, boss was fast enough to catch her. Everything happened like a slow motion. Like a literal slow pace of time.
Tatlo kami nina Selvestre at Coother ay nakatunganga lang at sandaling natulala habang si boss ay madaling tinakpan ang butas sa dibdib ni Athaia.
Ilang minuto pa bago ko naintindihan ang nangyari at agad napamura sabay bunot ng baril.
"Shit!"
"T-The fuck?!"
"P*ta!"
"A-Athaia! N-No! Athaia, open your eyes! Open your eyes! You can't leave me!"
Paulit-ulit na sumisigaw si boss at parang hindi alam ang gagawin. Kung saan hahawakan ang asawa niya at nagkalat na rin ang dugo sa damit ni Athaia.
"The hell was that?! The Queen!" I growled.
"Fuck! I'll drive! Cover boss!"
Sigaw din ni Vestre at agad sumakay sa kotse niya dahil hindi na namin magamit yung kotse ni boss na tadtad ng bala.
Habang kami ni Coother ay sinira 'yong pintuan ng bullet proof na kotse ni boss para gawing panangga.
"M-Moglie....fuck, don't leave me! Athaia, n-no!"
"Boss, we need to leave this place! We're under attack!"
I shouted as I fired back. Maraming mga sasakyan ang nakikita kong paparating at may mga snipers pa sa tabi-tabi.
Si boss naman kahit parang nawala na sa katinuan ay agad ding binuhat si Ma'am Athaia at sinakay sa kotse ni Vestre.
"Gray, alis na! Kami na bahala dito!" Sigaw ni Coother na nagtatapon ng maliit na time bomb sa daan bago dumiritso sa kanyang kotse.
Sumakay din ako sa sports car kong bullet proof at nagtapon muna ng flash bangs at grenade bago humarurot.
Si Gray ang nag-drive kina boss papuntang hospital at kami naman ni Coother ang nagligaw sa mga sumusunod pa sa'min.
Dumiritso na agad kami sa hideout para makapaghanda. Pagpasok pa lang nga namin sa main building ay sumalubong na agad sa'min si Isolde Selene kasama ang tatlong reaper.
"Sundan niyo sina boss sa Freñier Main Hospital at magbantay kayo sa paligid. Walang palalapitin na kalaban sa hospital premises ha,"
Wika ko agad at dumiritso sa silid kung saan kami nagme-meeting at kung saan naka-stock ang mga baril.
"Stynx! Bilis, kanina pa kami naghihintay!" Bungad ni Alexen sa'min ni Coother. Nasa harap siya ng lamesa at may mga baril ng nakalatag. Nag-aayos na siya ng gamit.
Si Brendel naman ay nakatayo sa harapan ng mga baril na nasa dingding.
Kung paano sila nakarating dito? Simple. May underground ang mansion at may secret tunnel kung saan nakalagay ang elevator na tagos sa tunnel ng hideout namin. Kaya kahit naka-lockdown sa mansion ay nakarating sila dito.
"Nilagay namin sa auto-mode ang security ng mansion. Hindi na 'yun mapapasok ng kahit sino," ani Brendel.
Naglapag siya ng sandamak-mak ng iba't-ibang uri na bala sa mesa.
"Good. Ano ba'ng nangyari talaga?" Tanong ko habang kinukuha sa dingding ang Commando Assault Rifle para lag'yan ng bala.
"Bigla na lang silang lumusob eh. Kaka-trouble shoot pa lang namin sa signal kasi biglaang nawala kaya nawalan kami ng access sa mga CCTV," saad ni Brendel na hawak din ang Bravo Squad Assault Rifle.
"At bigla na lang silang lumitaw. Naka-kalat sila sa tabi-tabi lang. Hindi na namin kayo natawagan dahil pawala-wala nga 'yong signal sa buong premises," singit ni Alexen na nag-aayos ulit ng pangalawa niyang baril. A SWAT HK machine gun.
"They took us by surprise. This is getting worst. They just attacked us the other day! Fuck!" Mura pa ni Coother na hawak na ngayon ang 50 Cal Sniper rifle niya.
Kumuha pa ako ng Swat mini k at ni-loadan ng bala.
"Mapapalaban talaga tayo ngayong araw. Potangina kasi ng mga Stavros na 'yan eh!" Asik ko at nagligpit na.
"Pupunta muna akong computer room. Mauna na kayo sa hospital," utos ko sa kanila at umalis na patungong computer room kung saan ako ang hari.
~Gray's POV
Mas mabilis pa ata kami sa kuryenteng nakarating sa hospital. Para ngang nilipad namin mula sa hideout patungong Freñier Main eh.
Pero kung kasing bilis kami ng kuryente, kasing bilis naman ata ng spacecraft 'tong magkakapatid na Alfaza at nandito na agad sa labas ng OR.
"Zethary, kalma lang. Magagaling na doctors ang nag-oopera kay Athaia. Mabubuhay siya," saad ni Max kahit na hindi naman talaga nagwawala si boss. Nakatayo nga lang eh, kaso nakakatakot ang istura. Tulala at parang nawalan na ng pag-asang mabuhay.
Tahimik lang din ang mga kuya ni Ma'am Athaia at maging ang pinsan niya ay parang statwa sa tigas.
May kasama rin silang tatlong babae at isang lalaki. Lahat sila kalmado at nananantsa, pero kami?
Ako lang ata ang kalmado dahil si Maxer kanina pa nagsasalita at napapraning.
"Guys, kalma lang kayo, okay? Malakas si Athaia, kayang-kaya niya 'yun. Sus, iyon pa? E pinaglihi ata 'yon sa sabong sa sobrang tapang eh. Basta huwag lang kayong praning, ha?" Aniya pa kahit na wala naman talagang nagwawala.
"Pwede ba? Maxer?! Shut up!"
Sigaw na ng pinsan ni Athaia. Si Brendel naman ay panay ang tayo't-upo. Si Alexen ay hindi mapakali habang si Coother ay panay ang tingin sa paligid.
For a second, everyone went silent. Not until the younger Alfaza spoke in wrath.
"This is your fault," matigas at punong-puno ng galit at hinanakit sa boses na saad ni Knave Alfaza.
"Knave,"
"Because of you, my sister's in between death and life! You caused it!"
"Knave! Ano ba?! Hindi niya 'yun kasalanan!" Pakisawsaw ni Thaina Verdenza pero hindi siya nito pinansin. Kita ko rin ang pagpigil ni Max sa braso ni Thaina para hindi na 'to makisagot pa.
"She's fine! She's definitely fine with us! If only you did not took her back! And away from us! This shouldn't had happened! This won't happen!" Galit na galit na sigaw ni Knave kay boss na panay ang tagis ng panga at hindi nagsasalita.
Pain, anger and hatred are in his eyes as he yelled. He even tried to attack our boss but then they stopped him. While Zethary…
Malamig, nakakamatay at nakakakilabot ang tingin niya na kung hindi lang galit na galit si Knave ay tiyak na matatakot na ito.
But anger always fuels bravery. Kaya halos suntukin na ng nakababatang Alfaza si boss.
Nakabantay lang kaming lima at nakamasid naman ang mga Alfaza.
"Knave. That's enough," ma-awtoridad na pigil ng nakatatandang Alfaza pero tila walang naririnig ang nakababata niyang kapatid.
"Just after this, Zethary Freñier. Just after this! You won't ever see her again! I swear that to our patents' graves!" Knave Alfaza yelled. At yun lang ata ang nakapag-pasalita kay boss.
"You can't do that. You can't take my wife away from me," halos manginig ako sa lamig ng boses ni boss. May ibang emosyon din akong nakitang dumaan sa mukha niya. Nanayo rin ang mga balahibo ko sa batok sa tuno ng kaniyang boses.
"Of course I can! And I will! I thought you can protect her from harm but you just prove me wrong! You are nothing but a trash! You failed to protect her! You don't deserve my baby! Narinig mo ba, Zethary?! Ha?!"
"Knave! Tama na 'yan!" Singit ni Thaina pero nanlilisik ang mga matang nakipagtitigan si Knave Alfaza kay boss na puno rin ng galit ang mata.
"I admit it, it was my fault. I failed to protect her. Big time. But I swear, it will happen only once—give me a chance to prove myself worthy of your sister," seryusong sabi ni Boss at hinarap ang mas nakatataas na Alfaza. Si Ferrin.
"I'll avenge her. I will make them pay."
"We can make them pay, Zethary Freñier. Your effort is not needed here. I trusted you of her safety but——"
"I will do it for her, Ferrin. They will taste my wrath. Give me this one."
Hindi bumitaw si boss sa pakikipag titigan sa pinuno ng mga Alfaza pero umiling na ito. Akmang magsasalita pa si boss nang unahan siya nito.
"Paunahan tayo kung ganun. Kapag nauna kaming maka-ganti, amin ang kapatid namin. Wala kang masasabi at wala kang gagawin. Tapos."
Ferrin challenged him, our mafia boss. Knave immediately grumbled but stopped by the unexpected visitor who lost his way in our lair.
"Where's Athaia?!"
Dwayne Almedra, one of the Stavros arrived with a concern face.
Oh, looks like someone's gonna die hard today.
~Thaina's POV
"Where's Athaia?!"
Napalingon ako sa pamilyar na boses na aking narinig, at hindi nga ako nagkamali.
I was torn between asking him why he's here and how did he knew that Athaia's here. But the thing that scares me the most is when Knave—in his serious and deadly face, pointed a gun to Dwayne.
Mabilis ding bumunot sina Alexen, Gray at maging sina Collin at ang malala ay si Zethary. Kasing bilis ng kidlat na kung hindi pa ako agad pumagitna at nilagay sa likuran ko si Dwayne ay baka napatay na nila siya.
"Kuya! Knave! God! Ano ba kayo?!"
"Thaina! Step aside! I'll kill that motherfucker!" Knave growled eagerly.
"Thaina! Anak ng tokwa, 'wag ka ngang bigla-bigla na lang pumapagitna!" Maxer hissed and tried to pull me back but I refrained.
"Guys, please! Knave! Zethary, 'wag niyo siyang saktan. Wala siyang kasalanan!" I tried to defend Dwayne because I know, I'm sure that he's innocent. He is maybe one of the Stavros now because of their merging but he won't hurt Athaia.
"He's our enemy, Thaina. How can you say that?! They hurt Athaia!"
"That's it! They. Not he. He did not hurt Athaia. Ang Stavros ang may gawa at hindi siya."
"But he's one of them," singit ng isang taga Freñier. Walang iba kundi ang walanghiyang si Alexen Bougainville.
Ugh! Why can't they understand it?! Wala ngang kasalanan si Dwayne.
"He's one of them, yes. But he's our friend!"
"I don't fucking care! I will kill him!"
"Knave!"
He tried to pull me away but Maxer and Ferrin stopped him. Na-alerto na rin talaga sina Collin at handa ng makigulo nang magsalita si Dwayne.
"Si Athaia ang pinunta ko dito. Hindi ako makikigulo o makikipag-barilan sa inyo. Gusto ko lang malaman kung okay ba siya."
"Tingin mo, p're, okay siya? Kita ng hindi pa nga lumalabas ang doctor eh," matabang na sagot ni Maxer. Gusto ko siyang batukan pero hindi ko magawa dahil baka pag-lumayo ako kay Dwayne ay talagang babarilin siya ni Knave.
"Kasalanan niyo! Kayo ang may gawa nito sa kapatid ko!" Knave scoffed. Gosh! Bakit ba sobrang init ng ulo niya these past days?
"Hindi ko alam ang plano nila. Hindi ko alam ang ginawa nila."
"Paanong hindi mo alam? Isa ka sa kanila tapos sasabihin mo 'yan? Wag mo kaming gawing tanga. Kami ang puntirya niyo," Si Gray ang sumagot.
Napapikit na lang ako. Kinakabahan ako sa tuwing nakikita ko kung paano magpigil si Ferrin at Zethary ng galit. They are the real Mafia boss—who can be silently furious.
"Leave before I lost control of myself. I'll spare you today but not again," Zethary uttered, trying to get hold of himself.
"But I——"
"Leave now. I don't want to see a Stavros. Baka magdilim ang panigin ko at mabaril kita,"
Nagtitimpi ring saad ni Ferrin kaya agad ko ng hinila si Dwayne paalis doon. Sumakay kami sa elevator pababa sa basement ng hospital.
Tahimik kami sa loob ng elevator hanggang sa nagsalita siya sa mahinang boses.
"Please... tell me she'll be fine. Tell me she's fine...Thaina. Hindi ko na alam ang gagawin ko." Ramdam ko ang lungkot at pagkalito niya.
Napasandal siya sa dingding ng elevator. Hindi ko napigilang lumapit sa kanya at yakapin siya ng mahigpit. Niyakap niya rin ako pabalik saktong bumukas ang pinto ng elevator.
"She'll be fine. Sa ngayon ay h'wag ka munang magpakita kay Kuya Ferrin o kay Knave o kay Zethary Freñier. Baka mapatay ka nila."
"Wala akong pakialam, Thaina. Hindi ako natatakot. Basta makita ko lang ulit si Athaia."
Parang may pumiga sa dibdib ko nang marinig siya. Talagang hindi niya kayang pabayaan si Athaia. Kahit kailan.
May pumasok sa elevator at muli itong umakyat. Teka, umakyat?
Kumalas ako kay Dwayne at tinignan kung sino yung pumasok at nakita si Maxer na tahimik at walang emosyong nakatingin sa'min.
"Kung ako sa'yo, aalis na agad ako dito. Hindi na ako magpapakita pa," saad ni Maxer.
"Sabihin mo sa boss mong babalik ako."
"Bakit pa? Hindi mo ba siya narinig kanina? Ngayon ka lang niya papa-lampasin."
"I don't care. I'm still coming back."
"I'm telling you——"
"Enough, Max!" Singit ko. I scowled at him and he scowled back.
"Bakit ka ba nandito? Mag-uusap dapat kami."
"Edi mag-usap kayo. Walang pumipigil sa inyo pero kailangan bang magyakapan?" Matabang niyang sabi. Ano ba'ng problema niya?
"Paano kami mag-uusap kung nandito ka?"
"O e ano ngayon kung nandito ako? Hindi naman ako inosente sa totoo niyang kulay. I know him well, we move in the same circle so what's up with the fuse?"
Gusto ko siyang sapakin dahil sa kadaldalan niya pero wala akong oras. Saktong bumukas ulit ang elevator kaya hinila ko na si Dwayne palabas. Dumiritso kami sa cafeteria ng hospital at sunod naman ng sunod si Maxer.
"Paano mo nalaman ang tungkol sa Alfaza at sa nangyari kay Athaia?"
Tanong ko nang makaupo kami sa at nilagay ang iilang in-order sa mesa. Si Maxer naman ay nasa counter pa rin at malamyang nago-order.
"I've been wondering about things. We merged with the Stavros—well, that was without my consent. My brother surprised me. And then I've found out about the Alfaza because of Evaia Morché. That was when I found out you two—also an Alfaza," paliwanag niya at napapikit. Halatang problemado rin siya. Mula bata ay kilala na namin siya ni insan at alam kong hindi siya masamang tao. Nadadamay lang din siya malamang sa kuya niya.
"N-Nahihirapan ka na siguro talaga," nai-usal ko na lang ng wala sa oras habang nakatingin sa gwapo at maamo niyang mukha.
Wala rin siya sa sariling napatingin sa'kin kaya nagkatitigan kaming dalawa.
Agad akong umiwas nang pakiramdam ko sasabog ata ang dibdib ko dahil sa titig niya.
"Hirap na nga talaga ako. I've been trying to stop them from harming you both. Veltier is just so hard to please."
"Thanks for that, Dwayne. But don't worry, we will be fine."
"Thaina." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit na mahigpit kaya napatingin ako doon.
Sobrang bilis ng tahip ng dibdib ko habang ninanamnam ang init ng kamay niya.
"B-Bakit?"
"Bantayan mong mabuti si Athaia. Kilala mo naman 'yon, matigas ang ulo. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko mapipigilan ang Stavros kaya huwag mo siyang palalabasin ng madalas ha,"
Paki-usap niya sa sensero at seryusong mukha. Kita ang pagmamahal niyang buo at tapat sa pinsan ko. At ayaw ko mang makaramdam ng sakit pero hindi ata kayang magkunware ng puso kong bata pa lang umiibig na sa kanya.
NANG makaalis si Dwayne ay agad na sumulpot si Maxer na parang kabute sa likuran ko.
I don't know how long he's been there but I'm excited to punch him if ever he'll tease me right now. I'm not in the mood.
"So, he knows and he is in love with my boss' wife," he stated.
"And so? He stands no chance anyway." Pinaikutan ko siya ng mata at nauna ng umalis pabalik sa—o hell! Nakalimutan ko na'ng tungkol kina Knave. Mamaya mag-away na naman sila.
Agad akong sumakay sa elevator halos maiwan pa si Max kung hindi lang agad siya nakapasok.
"Kababata niyo siya?" Tanong na naman niya.
"Oo!" Padaskol kong sagot.
"May pagtingin siya sa pinsan mo?"
"Oo." Bakit ba siya tanong ng tanong? Naririndi na ako ah! Tsaka diba obvious?!
"E bakit ganun ka makatingin sa kanya."
"Bakit? Pa'no ko ba siya tignan, Max?! Ba't ba ang daldal mo?"
"Kasi kitang-kita ko ang kislap ng mata mo kapag kaharap siya, Thaina. D-Do you love him?" Tinignan ko siya ng masama. Ang pakialamero talaga niya kahit kailan.
Hindi na ako sumagot at lumabas na ng elevator pagkarating namin sa kung saan namin iniwan sina Knave kanina.
Tanging si Thalia, Yvon at Yashika na lang ang naabutan ko.
"Nasaan sila? At si Athaia?"
"Nilipat na siya ng kwarto. Umalis na rin ang iba para..."
Alam ko na kung saan sila nagpunta at kung ano ang gagawin nila. Nagbuntong hininga na lang ako at sinundan sila sa kwarto ni Athaia. Naka sunod naman sa'kin si Max.
"Thaina."
"What?!"
"How about me?"
"Ano ka?" Inis kong tanong dahil naiinis na ako sa kanya.
Bigla niya na lang akong hinaklit sa braso dahilan para mapatigil ako't mapaharap sa kanya.
And there he is, looked troubled. His face's dark and vivid.
"How about me? If you love him then...where's my place in your life?"
Seryuso niyang tanong. Hinarap ko na rin siya ng tuluyan.
"You know your place, Max. I've told you where it is."
~Alexen's POV
Ako, si Coother, si Stynx, si Gray at si Boss ang magkasamang lumusob sa isang warehouse ng mga Stavros kung saan nila ini-imbak ang kanilang mga gamit.
Tig-iisang kotse ang dala namin at isang motorbike naman ang kay boss. May dala siyang AK-74 with grenade launcher at basic special forces machine gun.
Naka sunod kami sa kanya at halos humiwalay ang kalukuwa ko sa katawan sa sobrang bilis ng patakbo ko hindi lang maiwan ni boss.
Shit! He's driving insanely fast! Mukhang mas takot pa nga akong mabangga kaysa mabaril eh.
"Lex, sundan niyo ni Stynx si boss. Iikot kami ni Gray at sa likod susugod,"
Ani Coother sa earpiece na suot namin. And so they part ways with us. Napapagitnaan namin si boss ni Stynx at nasa labas pa lang ng warehouse ay sinalubong na kami ng mga kalaban.
May mga armadong lalaking pilit sinasara ang malaking gate pero huli na dahil diri-diritso ako't binangga ang mamahalin kong kotse sa gate.
Ugh, my poor baby.
Hindi ko ininda ang impact nito at agad na kinuha ang dala kong SWAT HK machine gun. Pinaputukan ko ang lahat ng harang sa daraanan ni boss at ganun din ang ginawa ni Stynx.
'Sing bilis naman ng kidlat na lumusot si boss sa mga balang umuulan at matagumpay na nakapasok.
Oh yeah! Now we're in! It's showtime baby!
Nang maubos ko ang mga kalaban na bantay ay sumunod na rin ako kina boss.
Nadatnan ko si Stynx na nanunuod lang sa—wait, what the hell is that?!
My eyes widened when I saw boss, holding two guns in each hands while turning around and shooting our enemies.
Nanuod na lang din akong matumba isa-isa ang mga hadlang sa daraanan namin. Hindi ko mabasa ang emosyon ni boss dahil malamig ay nakakatakot ang kanyang mukha.
"Tsk! Alalay lang tayo sa bida dito." Naiiling na saad ni Stynx at ngumisi.
"Sana all bida. I wish I am the director. Mukhang bebenta ang pilikula ko kapag siya ang bida."
"Talagang bebenta! At kung ikaw ang director, ako naman producer! Nice, easy money!" Nagtaas pa ng kamay si Stynx na nagsesenyas ng pera kaya ganun din ginawa ko.
"Shit! Si boss nauna na! Gago!" Pansin ko at agad na tumakbo papasok at sumunod kay boss.
Pero sumalubong sa'min ang bangkay ng mga taga-Stavros. Wala na rin si boss kaya kailangan kong gawin 'to ng mag-isa.
"Ang bilis naman ni boss! Nawala agad," ani Stynx.
"Bagal mo kasi."
"Wow. Mabilis ka kasi 'no? Nahiya naman ako," hirit pa niya bago nag-iba rin ng landas sa'kin.
Tatlo kasi ang daanan. Sa gitna, sa kanan at kaliwa. Siya sa kanan kaya ako sa kaliwa. Malamang kasi sa gitna si boss.
Dala ang paborito kong Swat HK machine gun ay tinahak ko ang daan na nadala sa'kin sa isang hall.
Parang pinagdidiriwangan ng grand ball at walang katao-tao. Pero naninindig pa rin ang balahibo ko dahil sa sobrang katahimikan na hindi na ata maganda.
"Gzzz. Something's off,"
Wala sa sariling sambit ko. Siguro mas okay kung aalis na lang ako, right? Hindi naman sa naduduwag ako pero kasi masama kutob ko dito eh.
Aalis na lang nga sana ako nang biglang may malakas na pwersang bumangga sa'kin dahilan para ako'y bumagsak.
"Araay!"
A girl voice was heard but then it was drowned by a gunfires.
"Shit! That was close!" I hissed. Saktong bumagsak kami nang may nagpa-ulan ng bala.
"Aah! Don't touch me!"
Biglang bulyaw nung babaeng naka-bunggo sa'kin sabay tago. Ganun din ginawa dahil wala akong balak mamatay 'no.
At saka yung babae, ang lakas ng loob niyang bulyawan ako? Siya kaya bumangga sa'kin!
"Shit! Why so ready? Naghanda talaga ang mga puta," rinig kong sabi ng babaeng katabi ko.
Nakatago kami ngayon sa likod ng malaking haligi na semento na kasya sa'ming dalawa.
"Usog ka nga, matatamaan na ako dito!" Sigaw ko pa at tinulak siya, the girl who immediately faced me with a roar.
"Ikaw ang umusog, gago! Umuulan dito ng bala sa'kin!" Bulyaw niya pabalik at tinulak ako. My eyes then widened when a bullet almost hit me when I dropped in my butt.
"Akala mo diyan lang? Ipapaalala ko sa'yo, nasa iisang lugar lang tayo! Putang'naaaaa! Umuulan din ng bala dito!" Taranta kong sigaw at tinulak siya Pero imbis na matumba siya ay ako pa ang muntik mangudngod sa semento dahil tumayo siya't dumikit sa semento.
"Gago!"
"The fuck?!"
Napayuko na lang ako ng tuluyan sa sahig na ilang libong taon pa ata mula ng nilinis sa dami ng alikabok.
"Ang dami nila! Jusmiyo maricar naman oh! Wala na akong bala!" Hirit pa noong walang hiyang babae. Mas dumami rin ata ang mga kalaban namin base sa dami ng putok.
"Hoy, lalaki! Peram akong baril." Masamang binalingan ko siya, yung babaeng malakas ang loob manghiram sa'kin, pagkatapos ng lahat ng kabalbalan niya?!
"Ano mo'ko? Alalay na kukunin mo baril ko?"
"Sabi ko peram, hindi ko kukunin, tanga!"
"Aba't——"
"Wait nga!"
Natigil kami pareho nang matitigan namin ng mabuti ang isa't-isa. My eyes went sharp immediately, hers widened in shock and fear.
"You?!"
"Ikaw?!"
We both shouted at each other. Agad akong tumayo para sana sumbatan siya sa pagkuha niya sa cellphone ko noon sa locker room.
Nang biglang natigil ang putukan at may tumutok sa'min ng baril. Napapalibutan na pala kami ng mga kalaban at napakurap-kurap na lang ako.
"Hands up!" Sigaw ng isa sabay duldulan ng mahaba niyang baril sa sentido ko.
I swallowed hard.
I don't wanna die yet! Kaya walang pag-aalinlangan kong binitawan ang baril ko at nagtaas ng kamay.
Nagtaas naman ng kilay iyong babaeng kaharap ko at ngumisi.
"You, put your hands up! Don't just stood there!" Bulyaw din sa kanya ng isa kaya ako naman ngayon ang ngumisi.
"Ano, tatawa ka pa?" Panunuya ko. Napairap naman siya.
"Fuck you!"
"Oh sure, kailan mo gusto? Anytime, anywhere, ready ako," ngising sagot ko lang.
"What if we'll kill you both? When do you want it?" Biglang singit ng kalaban at hinawakan naman kami ng iba na para bang tatakbo kami anytime.
"Stop the talk and move, Freñiers." May tumulak sa'kin kaya napalakad ako.
Ganun din ang babaeng kasama ko at pinauna nila kami habang sila ay nakasunod at nasa amin nakatutok ang baril.
The hell, Alexen. Huli agad? Hindi ka pa nga pinagpawisan eh!
"Face on the road! Don't look back, idiot!" Bulyaw ulit ng isa pa nang lumingon ako sa kanila.
I then gritted my teeth. What did that fucket just called me?! Ako? Idiot? Baka itong katabi ko?
"Just walked…and say goodbye!"
Naramdaman ko ang pagtigil ng mga sumusunod sa'min kasabay ng maraming putok na umalingawngaw.
***
Heyow! It's good to be back, Scarlets!
Mejo mahaba-haba po'tong chapter na'to kaya antay² lang po tayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top