Tears 2
"Anong nangyare? Bakit mukang sinapian ka na naman ng kasamaan?" natatawang salubong saakin ni Mariana.
"Bad trip nakita na naman ako ni Ethan. Tangina bakit ba ang init init ng ulo sa akin ng isang iyon. Masyadong pakielamero, pinakielaman ko ba ang buhay niya?! Hindi naman-"
"Lakas ng tama mo kay Vice President ah!" Bri cut me off.
"Ako? Kapal naman. Wala akong interes sa mga ganoong klase ng lalaki. Lahat ng oras non nasa pag aaral. Wala ata sa plano niya ang magliwaliw. Ano bebe time namin? Lecture? Module? Assignment? Hassle yon bitch." napairap na lang ako sa kawalan.
"Dami agad nasabi" ani Faye
After two hours bumalik na din agad kami sa classroom. Bigla tuloy akong kinabahan. Kahit na alam ko na hindi naman mapapansin ng TLE teacher namin na nagcutting kami pero baka sinumbong naman kami ni Ethan, or worst ako lang.
"Science pala natin ngayon buti naman. Daming free time." pagkasabi ni Mariana noon ay natulog na siya sa tabi ko.
"Hoy Sab!" medyo nawala ang badtrip ko ng dumating na si Cali.
"What?"
"Nakita ko kayo ni Ethan sa may Canteen ah! Mukha kayong magjowa na nagaaway! What's that?!" nairita ako sa pagmumukha niya kasi binibigyan niya ng ibig sabihin ang walang kwentang bagay na iyon.
Kinwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyare tutal wala naman kaming klase. Adviser namin ang teacher namin sa Science pero dahil 1st Sem palang ay galit na ito saamin, hindi na siya umaakyat sa room namin para magklase. Pano halos araw araw pinapatawag siya sa Guidance dahil sa kalokohan namin. Minsan nagpapadala na lang siya ng sasagutan namin, minsan naman magapapa outline ng lecture sa module. Hindi naman namin ginagawa mas gusto ko na lang makipag kwentuhan kay Cali. Parehas kami ng mindset nito e, magkasundo kami sa lahat.
"Cali, Sab tara sama kayo?" tanong saamin ni Stacy.
"Di kayo nagsasawa gumala? Mga malalandi na tirador ng Grade 8." natatawang sabi ko. Totoo naman e kunware may pupuntahan sila sa Grade 8 area pero ang totoo susulyap lang ang mga higad na ito sa mga crush nila. Pota child abuse.
"Tirador ng bata" gatong ni Cali. Nagtawanan kaming dalawa nang lumabas na ng classroom yung pito. Sina Stacy, Audrey, Faye, Lyra, Bri, Mariana atThalia.
Nagtataka ako nang makitang dali dali silang bumalik sa classroom.
"Listen" napalingon ako sa harapan nang makita ang President namin.
"Lahat ng may dalang cellphone magsurrender na, may nagsumbong sa inyo" obviously saamin siya nakatingin. Palagi namang kami.
Lahat kaming siyam ay tumayo para bumaba sa teachers faculty. Kitang kita ko agad ang masamang tingin sa amin ni Maam Lucy, ang adviser namin.
"Kayo na naman? Wala ba kayong sawa? Put all your phones here!" tinuro niya ang ibabaw ng lamesa niya. Unang nagbaba si Bri, Samsung, sumunod si Faye at Lyra, Oppo, sumunod si Cali, di ko alam kung anong brand dahil padala daw iyon ng nanay niya galing ibang bansa, sabay sabay kami nina Audrey, Mariana, Stacy at Thalia pare parehas Iphone ang saamin.
"Now kailangan ko ng contact number ng mga magulang niyo." nagkatinginan kami. Fuck ito ang pinaka ayaw namin.
"Hindi po namin alam" napairap ang teacher namin. May kinuha siyang folder sa loob mg drawer ng lamesa niya.
"Kunin niyo diyan, attendance yan ng mga magulang niyo tuwing may meeting. Isulat niyo sa isang papel at isa isa kayong lumapit sa akin" napakagat ako sa labi ko. Tangina kapag minamalas ka nga naman jusko. Sama sama kaming naglakad papunta sa kabilang long table.
"Lagot na tayo" stress na sabi ni Audrey. Sa aming lahat si Audrey ang ayaw gumawa ng kalokohan hindi dahil sa ayaw niya kundi dahil takot siya sa magulang niya.
"Anong lagot? Basic" I glared. Matalino ata to. Natawa na lang ako sa naiisip ko. Kinuha ko ang ballpen na hawak ni Bri. Hinanap ko ang pangalan ng mama ko, nakita ko na may contact number doon. Agad kong binura iyon. Sabay sabay nanlaki ang mata nila.
"Nagiimprove brain cells mo Sab. Nagkakakwenta." pangaasar ni Cali. Lahat sila ay hinanap ang pangalan ng parents nila at gaya ng ginawa ko ay binura din nila ang mga number doon.
I just found ourselves na nasa harap ng guidance counselor.
"Parang kahapon lang nandito din kayo, dahil naglaslas kayo for no valid reason, dahil sa trip niyo lang. Tapos ngayon nandito kayo because of what? What now students? Nagdala kayo ng cellphone which is against the law of our school. And worst. Binaboy niyo ang attendance sheet ng adviser niyo. Are you all aware na kailangang isubmit iyon?" Napahilot sa sintido si Ms. Glenda.
Napalingon kami nang dumating ang grupo ng mga kalalakihan. Papasok din sila sa loob. Nakahilera din sila gaya namin at nasa kabilang side ko naman si Ethan. I glared.
"Lintek lang ang walang ganti" I whispered but enough for him to hear that. Nakita ko sa peripheral view ko na nilingon niya ako. Fuck you for reporting us.
"And you guys? Nagdala kayo ng knife?! For what?! Makikipagbasag ulo ba kayo?!" kitang kita ko ang frustration niya. Dumating na din ang adviser namin.
"Explain" malamig na sabi ni Maam Lucy.
"Mali po kayo maam, sorry pero hindi po namin balak gamitin iyon sa masama-"
"No!" Mariana cut him off. Yes that's mah bitch. I glared.
"Yes maam. Its a no. They even threatened us with that knife!" I added
"We are all scared" kunwareng natatakot na sabi ni Thalia.
"Stop! All of you sa labas muna kayo maguusap lang kami. Walang lalayo!" ani Maam Lucy. Para kaming mga tanga na sunod sunod lumabas.
"What the hell is that?!" galit na tanong sa akin ni Ethan. Bakit ba sa akin nagagalit ang isang ito? Nakakapikon akala siguro kaya niya ako. Nilingon ko ang mga kasamahan namin para kaming nasa isang battle kasi lahat sila ay nasa likod ko at lahat ng mga kaibigan niya ay nasa likod niya. In short para kaming tanga.
"Hell" binuka ko pa ang kamay ko para mas lalo pa siyang maasar. And I succeed.
"Alam niyo naman kung bakit kami may dalang kutsilyo, you're all making shit" natawa na lang ako. Yes we know. Tuwing break time kasi ay palagi sila kumakain. Nagdadala sila ng kanin at ulam including some canned goods. At ginagamit nila ang kutsilyo para mabuksan iyon.
"You started the game right? So? Here we are to play you dirty game Mr. Vice President" nagtawanan ang mga kaibigan ko ganon na din ang mga tropa niya.
"So you think you can beat me? Oh come on Sabrina, we all know that you are not yet at the forefront of what I can do. Hindi mo kilala kung sinong binabangga mo. " He smrik.
"That's what you all think, dahil iyon pa lamang ang pinapakita ko. If you think you can handle me, well, you are mistaken. You just awakened the sleeping Amphitere within me. At hindi mo din kilala kung sinong bumabangga sayo."
We stared sharply at each other. We took a few minutes in that situation. He did not answer either. And those were the last words I threw at him before we were called to go inside again.
_______________________________________________________
🥀
_angelblues
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top