PROLOGUE

A/N:  Comment-comment din pag may time. 

**********

Dati pangarap ko lang ito. Iyong tatayo sa harap ng altar habang hinihintay ang babaeng pinakamamahal ko. Hindi ko sukat-akalain na darating din pala ang araw na pinapangarap ko. You may call me corny and maybe too emotional for a guy, pero hey, marunong ding magpakita ng emosyon ang mga lalaki sa tamang babae!

Baka iisipin n'yo ang panget ko kaya hindi ko inakala na magkatotoo ang pangarap ko. Hindi sa nagmamayabang, ang daming may crush sa akin. Hindi ko na nga mabilang. Mga classmates ng younger sister kong si Ella, crush nila ako. To the point na tumitili pa sila sa tuwing ipapakilala na ako ng bunso namin sa kanila. Sometimes, it flatters me, but most of the time, it irritates me. Ang iingay kasi nila sa tuwing dadaan ako sa harap nila. So ano'ng problema kung kinikilig sila, you may ask. Actually, malaki.

You see, though I am good-looking myself, at nagpapa-humble na ako niyan, ha, mas may dating pa rin ang best friend kong si Marius at ang kakambal niyang si Markus. Sa una magka-crush sa akin ang mga babae pero kapag nakilala na nila si Marius, wala na. Idagdag pa si Markus. Karamihan sa mga girls, pag hindi pumasa kay Marius, babaling sila kay Markus. Wala nang naiiwan for me. Buti nga kamo at halos six years ang tanda ko kay Matias. Imagine na lang kung magkakaedad kaming apat?

Naudlot ang pagmumuni-muni ko nang may biglang sumiko sa akin.

"Mukhang natatae ka, brod," anas sa akin ni Marius.

May tumawa sa tabi niya. Nakangisi sila pareho ni Markus sa akin.

"I can't wait to see her," sagot ko. Hindi ko pinatulan ang biro niya. Wala ako sa mood dahil sobra-sobra ang kaba ko. Natatakot akong hindi maintindihan.

"Aaahh," sabat ni Markus sa tabi niya. Tinutukso ako. "The guy is sooo in love."

Naghagikhikan uli silang magkapatid. Ngingiti-ngiti lang ako sa tabi nila, pero ang puso ko tila sasabog na sa sari-saring emosyong nararamdaman. Mas nangingibabaw ang takot dahil baka magbago ang isipan ng bride ko at iwan na lang ako roon sa altar. Hindi malabong mangyari iyon kasi hindi boto sa akin ang mga magulang niya. Katunayan, kaya lang sila napapayag na tanggapin ako para sa kanilang anak ay dahil malapit ang pamilya namin sa mga San Diego.

"Ladies and gentleman, the beautiful bride," sambit ng emcee ng kasal namin, hudyat para magsipagtahimik na ang lahat. Nawala na ang atensyon sa mga bulinggit naming enourage na siyang naunang nagmartsa sa aisle.

Mayamaya pa nga, tumugtog na ang wedding march at sumulpot ang mapapangasawa ko sa bukana ng simbahan. Pagkakita ko sa kanya sa suot niyang off-shoulder white wedding dress hindi ko napigilan ang pagbalon ng luha sa mga mata ko. I was crying like a little boy.

Inasahan ko nang kakantiyawan ako nila Marius at Markus, pero kung kailan ko inasahang uulanin ako ng biro saka ko naman naramdaman na nagseryoso sila. Maging si Matias sa hindi kalayuan ay wala ring kangiti-ngiti. He nodded in my direction after seeing my bride. He mouthed the words, "Congrats, Kuya Alden."

Nayakap ko agad ang bride ko pagdating niya sa harapan ko. Her mom rolled her eyes and gave me a cold stare. Her dad naman whispered a warning in my ears. "Paiyakin mo ang beybi namin, may kalalagyan ka sa Bilibid."

"Dad. Stop."

My bride simply laughed at her dad's warning. Ngumiti naman ako sabay sagot ng, "Hindi po iyan mangyayari, sir."

"Just make sure it will not happen."

Parang ayaw pa nilang bitawan ang bride ko kung hindi tumikhim-tikhim ang pari. Ang dami pang bilin ang mommy niya.

Kung pwede nga lang mahila ang seremonya, ginawa ko na. Hindi na ako makapaghintay na matapos na ang lahat at makalayo kami sa dalawang ito. Kaso, kinailangan naming pagdaanan ang lahat ng proseso. Makaraan ang ilang sandali, bago namin i-recite ang vows, binalingan ni Father ang mga guests at tinanong ng, "If anyone objects to the wedding, speak now or forever hold your peace." Napalingon din ako sa mga panauhin sa puntong ito. Gusto ko sanang h'wag isali ito sa seremonya, pero sabi ng pari kailangan daw talaga niyang sabihin. H'wag daw akong mag-alala at kasama lang daw ito sa routine ceremony for tradition's sake.

Naniwala naman ako. Until there was one dude at the back of the church who suddenly raised his hand and hurriedly walked to the center aisle and yelled, "Stop the wedding!"

Ang akala ko no'ng una ay prank lang. Napagbintangan ko pa nga sa isipan si Matias. Pero nang nagkaroon ng komosyon sa mga panauhin at hindi bawiin ng lalaki ang mga sinabi niya, no'n ko na-realize na totohanan pala iyon.

Lalaki ako, oo, pero no'ng mga oras na iyon, parang gusto kong himatayin sa takot at kaba. Kung nagkatotoo ang pangarap ko, nagkatotoo rin ang pinakakinatatakutan ko! And they all happened on the same day!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top