CHAPTER ONE - FLASHBACK

A/N:  Comment din po kayo para ma-inspire ako mag-update. Hihi!

**********

ALDEN BAUTISTA

Pinanganak akong mahirap. Ang papa ko ay piyon lang sa konstruksyon at ang mama naman ay jack of all trades. Minsan, naglalako siya ng gulay, isda, manok, at kung may sapat na puhunan pati na rin karne ng baboy. Kapag hindi naubos, niluluto niya ito at iyon naman ang ititinda. Kapag walang paninda, suma-sideline din siyang labandera at tagalinis ng bahay ng mga maykaya sa lugar namin. Minsan naman, tagabantay sa dalawa kong kababata na puro reklamador. Pinapakain na nga sila ni Mama, nagrereklamo pa sa lasa.

"Wala kang hiya, no?" lagi kong pang-asar noon kay Marius kapag nakain sa amin. Kukutusan naman ako ni Mama. Wala raw akong respeto sa kapwa ko bata.

Sino ang hindi maiinis? Pinakain na nga sila ni Mama ng pansit, magrereklamo pa sa lasa. Either maalat, o kulang daw sa asin, pero hindi ko pa nakalahati ang akin, ubos na ang sa kanila ni Markus.

Panget raw ang lasa, pero dinidilaan pa ang walang lamang mangkok. Kaya madalas ay naghahampasan kami sa mesa. At palagi ako ang nakakagalitan ni Mama. Bawal daw kasing awayin ang bisita.

"Ang bisita, oo. Pero ang BWISITA, pwede," lagi kong sagot.

"Alden, anak. H'wag ganyan."

Magbebelatan na kaming tatlo pagkatapos. Mauuwi iyon sa habulan hanggang sa labas ng bahay. Hahabol naman nang paika-ika si Mama sa amin. Kapag naabutan kami, pingot sa tainga ang nakukuha ko at ang kambal nama'y pagsasabihan lang. Tapos, pagdating ni Papa mula sa trabaho, mauuna pa silang dalawa sa pagsalubong sa tatay ko at sa paglalambitin. Di ba ang kapal?

Palagi man kaming nag-aaway na tatlo, magbabati din naman agad. Kahit nga hindi kami nagbabatian, kapag inaaway sila ng ibang bata at tinutuksong putok sa buho dahil wala silang tatay, pinagtatanggol ko sila. Gano'n din naman sila sa akin. Kahit galit silang dalawa, kapag may mang-away sa aking bata sa kalye namin, pinagtatanggol din nila ako. Iyon ang isang bagay na ikinatutuwa ni Papa. Kaya napamahal silang dalawa talaga sa mga magulang ko.

Sa kabila ng aming kahirapan, masasabi kong swerte pa rin kami ng kapatid kong si Ella. Hindi gaya ng ibang mahihirap na pamilya sa area namin, nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw. Minsan nga, limang beses pa kung isasama ang meryenda sa umaga at sa hapon. Nakakabigay pa kami ng food kina Tita Sheila kasi walang-wala silang makain lagi.

Sasabihin ng iba, ang malas namin ni Ella dahil sina Papa at Mama lang daw ang naging mga magulang namin. Ang hindi nila alam, never kong ipagpapalit sina Mang Andoy at Aling Nene para sa mas mayamang magulang. Ang swerte kaya namin sa kanila. Mayroon kaming mapagmahal at mapagkalingang mama at papa. Masasabi rin ba iyan ng lahat ng mga mayayamang anak tungkol sa mga magulang nila?

Saka ang isa siguro sa ikinatutuwa kong sila ang mga magulang namin ay dahil sa pinamana nila sa aming good looks. Hindi sa pagmamayabang, mukha raw akong artista. Hindi man ako lumaki sa air-conditioned na bahay, ang kinis naman ng kutis ko. Kasing kinis daw ng mga kutis ng Koreano, Intsik, o Hapon. Namana ko ang kulay ng balat ko kay Mama. Maputi siya sa karaniwang Pinoy. Kay Papa ko naman nakuha ang pagiging tsinito.

Bata pa lang ako, lagi ko nang naririnig sa mga kapitbahay namin ang salitang 'cute' o pogi.

"Aling Nene, kanino n'yo pinaglihi itong anak n'yo? Parang anak ng Koreano. Ka poging bata! Isali n'yo kaya sa That's My Boy ng Eat Bulaga? Sigurado ako, mananalo ang poging ito," sasabihin pa nila sabay kurot sa pisngi ko.

"Aray!" isisigaw ko. Siyempre, exaggerated na iyong palahaw ko. Gusto ko lang naman kasing makadilihensya ng tsokolate. Kapag kasi mangiyak-ngiyak na ako'y bibigyan ako ng sampong piso pambili ng Cloud 9. Pagkabili ko, ke ano man ang pinag-awayan namin ng kambal, mabubura lahat iyon dahil bigla silang babait sa akin. Kapag magmamatigas ako, aagawin nila ang tsokolate ko kaya madalas ay pinagbibigyan ko na lang.

Suma total, away-bati kami ng dalawang asungot noong bulinggit days namin. Katunayan, walang araw na hindi kami nag-aaway na tatlo. Gayunman, bago sumapit ang dilim, bati na naman kami.

Sa totoo lang, hindi ako berdugong bata. Ang dami ko ngang kaibigan noon. Sa kalye namin, lahat ng mga anak ng kapitbahay kasundo ko. Sila Marius at Markus naman, walang kalaro liban sa akin. Paano kasi, kapag naglalaro kami ng holen, nangdudugas sila, lalo na si Marius. Kapag matatalo na'y sisipain ang holen ng kalaban palayo saka dadamputin iyon at itatakbo na lang basta. Si Markus naman, mabait sana. Kaso, laging nahihila ng kakambal sa kasamaan. Kaya lagi ay mag-partners in crime sila.

Dahil na rin siguro sa ganoong ugali nila, hindi sila kinaibigan ni Leora, ang bunsong anak ni Aling Puring at Mang Naldo. Mabait si Leora at laging mabango. Kada labas nito ng bahay, tila laging bagong paligo. Maayos ang pagkakasuklay sa dalawa niyang pigtails saka plantsado ang suot niyang palda at blusa.

Magkababata kaming apat, pero sa akin lang naging close si Leora. There was even a time when we were little na naging crush ko siya. Kaso mukhang kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin. Sinabi pa niyang crush niya ang isa naming classmate na si Jake. Siyempre, masakit iyon. Kasi first time kong magkagusto no'n sa girl. I think I was six years old then.

"Marami ka pang makikitang mas magandang girl, anak," naaalala kong sabi noon ni Mama nang tabihan ako sa may bintana. Nakaupo kasi ako roon at tinatanaw si Leora habang hinahawakan ni Jake ang kamay para hindi siya mahulog sa kanal.

Hindi ko pala namalayan, tumutulo na ang luha ko habang nakatingin sa kanya na may ibang kahawak-kamay at tila gustung-gusto pa niya. Ang lawak kasi ng ngiti niya.

Ako sana ang gumagawa no'n lagi. Pinagkatiwala siya ni Mang Naldo sa akin dahil magkaklase kami saka magkalapit lang ang mga bahay namin. Kaso, ewan! Ang labo nga ni Leora, eh. Naisip ko tuloy na baka iyon ay dahil sa mayaman ang pamilya nila Jake. Sa barko daw kasi nagtatrabaho ang tatay niya.

Sa lugar naming puro mahihirap at halos walang permanenteng trabaho ang mga magulang namin, mayaman na ang tingin ng buong barangay sa mga nagbabarko o di kaya sa mga titser o empleyado ng Munisipyo ng Las Pinas o Muntinlupa. Sila kasi'y nakatira sa mismong lupang nabili nila, samantalang ang karamihang taga-roon ay puro squatters. Kabilang na kami roon.

"Ma, paglaki ko, ipagpapatayo ko kayo ni Papa ng malaking-malaking bahay sa sarili nating lupa! Pangako ko iyan sa inyo!"

Napabungisngis noon si Mama at bigla niya akong hinila't kinarga. Pinupog niya pa ako ng halik pagkatapos at hinagud-hagod ang likuran ko. Nakaramdam ako ng ginhawa. At naibsan ang lungkot ko. Kahit walang masyadong sinabi sa akin si Mama tungkol kay Leora, alam kong ramdam niyang nasaktan ako nang husto nang makipag-holding hands ito kay Jake kung kaya kahit six years old na ako'y kinarga-karga pa rin ako't tila pinaghele pa. Hindi ko iyon nakalimutan kahit minsan. Sa tuwing nalulungkot ako o nabibigo sa pag-ibig, bumabalik doon ang isipan ko. Maalala ko lang ang haplos noon ni Mama, naiibsan na ang depression ko.

Baka sasabihin ninyo, paano ako nabigo sa pag-ibig kong kanina ko pa bukam-bibig na maraming napopogihan sa akin? Well, ganito kasi iyon...

"Hi, Alden!" nakikilig na bati sa akin ng mga nadaanan kong babae sa corridor ng school namin sa Las Pinas East National High School. "Pirmahan mo naman ang T-shirt ko, o," ihihirit pa ng isa sa grupo. Eh, di matutuwa na ako no'n. Minsan, kinikilig pa kapag maganda ang girl.

Pero ang lahat ng iyon ay biglang magbabago kapag nakilala na nila ang dalawa kong best friends, sina Marius at Markus. Ang dating may crush sa akin, bigla na lang manlalamig at kakaibiganin lang ako para maipakilala ko sa dalawa kong brod. Di ba ang sakit no'n?

Sa totoo lang, kay Leora lang hindi umobra ang charm nilang dalawa. Simula't sapol ay naiimbyerna sa kanila ang babaeng iyon dahil lagi nilang pinapaiyak noon. Pinagtatawanan lagi nila ang pigtails ni Leora. Tuwid na tuwid daw kasi talaga ang hati ng buhok sa likuran. Parang ginamitan daw ng ruler.

Napangiti ako nang maalala iyon.

Meron pa palang isang babae na immune sa charm nila. Si Grace.

Napabuntong-hininga ako pagkaalala ko sa kanya. Dali-dali ko ring niligpit ang pinagkapehan sa ibabaw ng mesang nasa hardin ko. Bigla na lang kasing umambon. Mahirap na. Baka bumuhos ang ulan. Kagagaling ko lang sa sakit kung kaya hindi ako pwedeng mabasa.

"Alden, may tawag sa phone!" Si Mama. Inabot niya sa akin ang cell phone pagkapasok ko ng bahay. Kalung-kalong pa niya ang panganay na apo kay Ella.

Kinurot ko muna ang mamula-mulang pisngi ng pamangkin ko bago ako pumasok sa kuwarto para sagutin ang kung sino mang natawag sa akin.

**********

MARIA LEORA MARTINEZ

Sa lugar namin sa Las Pinas, iilang magulang lang ang may mga trabaho. Kabilang sina Mama at Papa roon. Hindi naman bongga ang work nila, pero at least regular. Messenger sa munisipyo ng Las Pinas ang papa ko at sales lady namang ng SM Southmall ang mama. Bunga ako ng second marriage nila kung kaya ang laki ng agwat ng tatlo ko pang kapatid sa akin. Dalaga't binata na sila, six years old pa lang ako. Ito ang dahilan kung bakit naghanap ako ng mga kaibigan sa mga anak ng kapitbahay namin. Ang kaso lang, karamihan sa kanila'y hindi ko makasundo. Kung hindi maiingay, mga palaaway. Ayaw ko ng gano'n. Nang akala ko'y wala na akong mahanap na makakalaro, nakilala ko ang anak nila Aling Nene. Si Alden.

Unang kita ko kay Alden, napogihan talaga ako. Gustung-gusto ko ang kanyang mga mata. Kakaiba sa lahat. Singkit kasi. Saka, ang puti-puti pa niya. Parang kutis-gatas. Mas maputi pa nga siya sa akin, eh.

"Kape't gatas!" kantiyaw palagi ng mga kalaro namin sa aming dalawa. Morena kasi ako. Pero hindi lang basta morena, ha? Isang makinis na morenang dalaga!

Sa tuwing naalala ko ang kamusmusan namin ni Alden, napapangiti talaga ako. We grew up close dahil nga halos magkatabi ang mga bahay namin. Kaso nga lang, bata pa lang kami, may kahati na ako sa oras at atensyon niya---ang dalawa naming hambog na kapitbahay. Sina Marius at Markus.

Friendly si Markus, pero balasubas ang tingin ko sa kakambal niya. Lagi kasing nang-aaway iyon ng ibang bata, eh. Ayaw patalo sa laro. Ayaw ring pasasapaw sa kuwento. Hindi ko nga alam kung bakit pinagtitiyagaan sila ni Alden. Mukha namang hindi magkasundo. Hay naku.

"Leora, bakit ang bango mo lagi?" inosenteng tanong sa akin noon ni Alden na hinding-hindi ko makalimutan. Paano kasi'y crush ko na siya noon pa. Kaya nang mapansin niya iyon, siyempre kinilig agad ang bata kong puso. Kaso umeksena ang kambal at sinira ang moment namin. Bigla kasi nilang hinila si Alden at niyayang maglaro ng holen. Hay.

Pero isang gabing kabilugan ng buwan, lumabas si Alden sa bahay nila at lumipat sa amin. Doon siya nanood ng palabas sa TV. Tapos, no'ng nagpuntang kusina sina Mama't Papa para kumuha ng makukukot habang nanonood ng isang old Tagalog movie, bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko at sinabing, "Balang-araw, ipagpapatayo kita ng bahay, Leora. Saka gusto kitang pakasalan!"

"Ha? Kasal? Ano iyon?" Pero siyempre, arte-arte lang iyon. Kahit naman six years old pa lang ako no'n alam ko na ang ibig sabihin ng kasal. Narinig ko na iyon kina Mama at Papa eh. Iyon daw ang ginagawa ng nagmamahalan. Pumupunta sa simbahan at humihingi ng basbas sa Panginoon.

"Kasal. Iyong ginagawa ng mga mama at papa. Pupunta tayong simbahan tapos sasabihin natin sa pari na gusto nating magpakasal."

"Ano? Kasal?" dumagundong ang boses ni Papa. Narinig si Alden!

"Mang Naldo!"

Nakita kong namutla nang husto si Alden pagkakita sa papalapit kong ama. Halos maihi ito sa shorts niya. Ang bilis nga niyang magpaalam sa amin eh. Nainis tuloy ako kay Papa.

Later ko na lang nalaman sa kanila ni Mama na nagbibiro lang pala si Papa noon at hindi siya talaga galit. Sa halip, natawa siya sa narinig na pinagsasabi ng kababata ko sa akin.

**********

Grace Cyrene Soriano

Growing up in the States, foreign sa pandinig ko ang Pilipinas. Katunayan, noong magju-junior high school na ako nang malaman kong taal kaming taga-Manila. And I only discovered it because we had to go home dahil namatay ang matriarch ng mga Soriano. Ang akala ko noon, we were Hispanic. Kasi naman, Soriano ang apelyido ni Daddy at Alvarez nama si Mommy.

"So we're Asians?" halos ay naibulong ko lamang. Hindi ako makapaniwala.

You may say, paanong umabot ng junior high school bago ko malaman na Asians kami? Well, hindi mukhang Asian ang Daddy. Mas lalo si Mommy. No one in our neighborhood in Palm Springs, California suspected we were Asians. Matatas kasi pareho sa wikang Kastila ang mga magulang ko. Katunayan, kung kaming tatlo lang, kinakausap nila ako sa Castilian Spanish kung kaya all along ay inisip kong Spanish immigrants talaga kami from Madrid.

Pagdating ko ng Ninoy Aquino International Airport for the first time, nagulat ako sa tumambad sa akin. Hindi sa kung ano pa man, pero ang iitim pala ng mga Pinoy! But then later on, natutunan ko ring ma-appreciate ang kagandahan ng aking mga kababayan pati na ang kultura ng inang bayan kung kaya, bumalik ako ng Manila para mag-college.

Mom cried her eyes out dahil ayaw niya akong mawalay sa tabi niya. Pero naging mapilit ako. I stayed with my Dad's sister, Tita Elena at natuwa ako nang malaman na mayroon pala akong pinsan na halos kasing edad ko. Si Alfonso.

Dahil sa panonood-nood ko ng football games ni Alfonso, I met this one girl who would change my life forever. Si Ella Bautista. Hindi ko na matandaan masyado kung ano ang hinabi kong kuwento when we met in college. I think I made her believed that was the first time I saw her. Pero ang totoo, nakita ko na siyang nagtsi-cheer sa kalabang koponan ng pinsan ko noon pa man. Parang hindi rin niya ako natandaan kasi mahaba na kulay blonde ang buhok ko nang una kaming magkita sa football game ni Alfonso at maikli na't kulay itim ang buhok ko nang pumasok ng college.

Ang rival team ng koponan ng pinsan ko ay mostly brats from this exclusive school somewhere between Alabang and Paranaque. Hindi ko nga gets kung paano nakilala ni Ella ang mga manlalaro no'n. Ang pagkakaalam ko kasi'y they were poor and the players of the rival team were all sons of multi-millionaires or billionaires in Manila. But then, noong mga panahong iyon, wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay makilala ang tsinitong laging kaakbayan niya sa tuwing nanonood ng laro. Akala ko noon boyfriend niya iyon. Ilang araw ko ring iniyakan iyon, ha? Gano'n ka tindi ang tama ko sa kuya niya.

Kaya nang ipakilala niya ito sa akin isang araw bilang kuya grabe ang tuwa ko. Parang tatalon pa nga sana ako sa kagalakan dahil kapatid lang pala niya, hindi boyfriend! Ang swerte ko.

I have to admit, I was worried nang maramdaman kong lumalim ang feelings ko kay Alden. Allergic kasi sa poor people ang mga magulang ko. None of the family members has ever gotten married with a poor person. Iyan lagi nilang sinisiksik sa kukote naming magpipinsan. Dapat walang sumuway sa aming lahat. We are allowed to marry a non-Spanish descent Filipino basta mayaman lang.

Natigil ako sa pagbabalik-tanaw sa aking nakaraan at napalingon pa sa sala dahil parang may nalaglag na portrait. Bago ko pa mapuntahan iyon, nandoon na ang personal maid kong si Ana at pinupulot na ang nahulog na picture frame.

"Sorry po, Ms. Grace. Nabasag po ang kristal ng frame." Mangiyak-ngiyak si Ana. Worried na baka kagalitan ko. Inakbayan ko siya saka kinuha ang portrait ni Alden sa kamay niya.

"It's okay. Don't worry," sabi ko. "I'll fix it."

Hindi ko na isinabit sa dingding ang portrait niya. Dinala ko na lamang ito sa aking silid. I stared at his photograph for a long time. At hindi ko namalayan, pumatak na pala ang mga luha ko sa mga alaalang nag-flashback sa aking isipan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top