Chapter 8 - ROJAKRIS
NAGKAKASAYAHAN na kami sa private resort sa parteng iyon mg Laguna na inarkila namin overnight. Karamihan ay abala na sa pagtatampisaw sa pool na mainit ang tubig.
Sa gitna ng pagkakasayahan ng mga nasa pool ay biglang sumisid si Tin at lumangoy-langoy sa pool.
"Para lang tayong nasa ano..." Sabi ni Hero sabay lingon sa akin. "Tsong, saan nga 'yung lugar na maraming butanding?"
"Donsol, Sorsogon."
"Yun! Parang nandun lang tayo. Nakakakita na kasi ako ng lumalangoy na butanding dito."
Dedma lang si Tin. Sanay na siya sa mga brutal na pagbibiro ni Hero. Di na bago ang mga ganung biro sa kanya. Di siya nasasaktan. Kaya niyang makipagsabayan sa mga tawanang siya ang paksa ng katatawanan. Di siya pikon. Wala yun sa kanyang bokabularyo.
Siya si Kristine Joy. Tawag namin sa kanya ay Tin.
Mabait.
Masayahin.
Iyakin.
Pero ang pagiging iyakin niya ay hindi tanda ng kanyang pagiging mahina kundi tanda na siya'y buhay at marunong masaktan. Tanda na siya'y marunong magpakita ng emosyon base sa kung paano ito dapat ipakita, maging ito man ay sa pamamagitan ng mga luhang umaagos sa kanyang mga mata.
Maya-maya pa'y biglang lumutang si Tin mula sa pagkakasisid niya at tila sirena itong nagkaroon ng pagkakataong masilayan ang ibabaw ng dagat sa unang pagkakataon. Emote na emote pa ang lola n'yo. Halakhakan ang lahat sa kanyang ginawa. Ganun naman lagi si Tin. Siya ang buhay ng bawat pagtitipon. Sagot na niya ang saya at patawa sa bawat lakad ng barkada. No dull moment ika nga pag andyan sa tabi si Tin.
...to be continued
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top