Chapter 7 - REFODELM
"SAAN ANG PROVINCE MO?" tanong ko sa isa sa mga newbie sa team Ube. Na-curious kasi ako sa apelyido niya. May naging kaklase kasi ako nung high school na kaapelyido niya.
"Sa Marinduque po." sagot niya sa kanyang usual na mahina at malambing na tono ng boses.
Bingo!
Di nga ako nagkamali. Magkababayan nga kami.
Pero nang tanungin ko siya kung may kakilala siya o kamag-anak sa bayang ng Boac, umiling siya sabay sabing, "Wala po."
Sabagay, sa ibang bayan kasi sa Marinduque nagmula ang kanyang mga magulang. Pero iniisip ko talaga na kamag-anak niya yung naging kaklase ko nung high school. Sa liit ba naman ng probinsiya ng Marinduque, napakalaki ng tsansang magkamag-anak sila kung meron lang magtitiyagang i-trace ang kanilang family tree.
Mabait si Delmar. Hindi siya yung tipo na maboka at maepal. Napakaaga pa niyang pumasok. Bilib ako sa taong ito na tila hindi yata natutulog dahil siya ang laging nauunang dumating sa office. Alas-sais ang umpisa ng shift niya pero alas-singko pa lang ay nasa opisina na siya. Sasabihin nyo sigurong sakto lang naman ang pasok na alas singko. Pero aminim n'yo rin na para makarating ka sa office ng alas singko, dapat alas tres ay gising ka na para pagsapit ng alas kuwatro ay paalis ka na ng bahay. At least isang oras dapat ang allowance sa biyahe papuntang trabaho. Iyon ay kung ayaw mong ma-late at hindi makapag-claim ng daily shift allowance. Sabagay, may mga team lead naman na hindi mahigpit sa pag-claim ng allowance as long as hindi nama sobrang late sa trabaho ang empleyado.
Mahiyain siya, nabasa ko na yun sa kanyang kilos bagama't nandun ang likas niyang self-confidence. Magaling din siya. In fact, andami niyang naiisip na ideas nung pinagsa-submit kami ng "poka yoke". Mga little ideas daw yun na makakatulong para mas mapadali ang ginagawa naming trabaho.
Aside dun, mabilis pang magprocess ng invoice. Basta, ang gaan-gaan niyang kausap at kasama.
Delmar pala ang kanyang pangalan.
Nice name. By the sea ang ibig sabihin. Bagay sa personalidad niya na mahilig sa dagat. Di nga ba at ritwal na niyang ginagawa ang umuwi sa lalawigan nila sa Marinduque tuwing bakasyon o birthday niya at ubusin ang oras sa pakikipaglaro sa mga alon sa dalampasigan?
Lagi nga namin siyang sinasabihan na isama naman kami sa Marinduque. Pati ako ay sasama pa, to think na dun na nga ako pinanganak at lumaki. Sayang nga lamang dahil hanggang ngayon, hindi pa niya kami nadadala sa lugar na gustong-gusto niyang uwian tuwing bakasyon.
Akala niya, hindi na siya makakauwi dun dahil may pasok kaht holiday ang mga BPO companies. Pero nagagawan niya ng paraan na makapag-leave ng ilang araw para lang magawa ang halos taon-taon niyang pag-uwi sa Marinduque.
Mahal na mahal niya ang Marinduque na isang isla, kung paanong gustong-gusto rin niya ang dagat.
Kung paanong maharot ang alon sa bawat paghampas nito sa dalampasigan ay siyang liksi rin niyang sinasalubong ang buhay.
Katulad ng dagat, malalim si Delmar.
Napakalalim...
USERID: REFODELM
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top