TEACHER WONDER WOMAN

Sa bawat araw na lumilipas, bawat aral naman ang ating natututunan mula sa mga nangyayari sa atin sa araw-araw. Nagpapasalamat ako dahil sa kabila ng mga naranasan ko, heto ako ngayon, nagtuturo ng mga batang nangangailangan ng matutunan sa pang-araw-araw na pagpasok nila sa eskwelahan.

Ako nga pala si Ryeese Perez, dalawampu't pitong taong gulang, at kasalukuyang teacher sa Macalañay National High School. Maihahalintulad ko ang aking sarili sa isang kawayan. Isa akong dalagang Filipina na may katangkaran, na kahit na anong dagok man ang dumating ay mananatiling sasabay lang sa hampas at sayaw ng hanging naghahalintulad naman sa daloy ng buhay.

May balangkinitang pangangatawan ako, may singkit naha mata, may matangos na ilong, at mapupulang labi. May bilugan din akong mukha, laging nakasalamin dahil may diperensya na ang aking mga mata't mahirap ng makaaninag sa malayuan.

Hindi ako naririto sa paaralang ito para lamang kumita. Nais kong maibahagi ang mga aral na natutunan ko sa nakaraan at kasalukuyang buhay ko. Mga bagay na kailangan nilang malaman tungo sa maganda't payapa nilang kinabukasan. Mahal na mahal ko ang trabaho ko at handa akong gawin ang laat para lang matulungan ko ang mga estudyante ko ng maayos. Gusto ko silang lumking may maayos na record, matino, mababait, madiskarte sa buhay, magalang, masinop sa lahat ng bagay, at higit sa lahat ay ang pagkakaroon ng takot sa Diyos.

"Saan ang klase mo ngayon, Ms. Ryeese?" tanong nitong isang co-teacher ko na si Ma'am Dianne.

"Sa section 4 po, third building," magalang na sagot ko rito, kahit na mas matanda ako ng dalawang taon.

"Makikisabay na sana ako, Ma'am. If okay lang naman po sa inyo," aniya pa.

"Sige po. Sure! Para naman may kasama din po ako at hindi nag-iisa. Hahaha!"

Sabay nga kaming nagtungo sa building na nakalagay sa sched na kung saan nandoon ang mga estudyanteng magugulo't matitigas ang ulo. Hindi ko alam kung bakit isa ako sa mga na-assigned dito eh. Hindi naman ako terror na teacher par mapatino sila, at dahil ito ang trabaho ko, mahal ko ito kaya gagawin ko ng maayos at kung ano ang nararapat. Para sa akin at para na rin sa mga batang makakahalubilo ko na naman sa araw na ito.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ng co-teacher ko nang bigla akong lingunin nito at magtanong. "Paano mo napapaamo ang mga batang hawak mo? Galing ka sa ilang sections na may mas magugulong estudyante, 'di ba? Tips naman, Ma'am. Baka naman oh! Hirap na hirap na ako sa mga estudyante ko eh," anito na biglang nanghina nang marating na namin ang building.

Nginitian ko ito. "Simple lang, Ma'am. Sa araw-araw na pumapasok ako sa kanila, pinupuno ko sila ng pagmamahal, kalinga, at atensyon. Pinapangaralan ko sila sa bawat araw na nakakasama nila ako bilang pangalawang magulang sa loob ng classroom."

"Hindi mo naman kasi kailgang magalit sa kanila para lang mabago mo sila at matulungang maayos ang mga sarili nila. Ang tanging kailangan lang na'ting ibigay ay pagmamahal sa kanila. Ang atensyon na dapat sa magulang nila natatamasa. Mga bagay na dapat tunay na mga magulang ang nagpo-provide at nagsisimula, hindi nila iyong nararamdaman sa kanila dahil maaaring hindi naging handa ang mga magulang nila sa mga dapat na role ng isang magulang sa kanilang mga anak," panliwanag ko.

"Bilang pangalawang magulang nila, kailangan din nila ng masasandalan kapag may kinkaharap silang mga problema. Kailangan nila tayo. Kailangan nila ng makakausap at makakaintindi sa kanila, tulad na'tin na mas nakakatanda. Wala man sa trabaho na'ting mga guro na ituwid ang mga baluktot nilang pag-iisip, pero matutulungan na'tin silang mabago ang mga sarili nila nang hindi nananakit ng pisikal, nang hindi sila nasasaktan," dagdag ko pa.

Napangiti ito. "Ang swerte ng mga magiging anak mo sayo. Sobrang bait ng magiging Mama nila. Sana talaga naging anak mo na lang ako. Ma-reincarnate sana ako, Ma'am. Tapos ikaw yung magiging Mama ko, haha!"

"Hahaha! Tara na nga! Ayoko pa magkaanak, bilang isang panganay na babae sa tatlong magkakapatid, kailangan kong kumayod para sa pamilya ko. Kaya, tama na muna ang mga anak-anakan ko na mga estudyante kong matitigas ang ulo. Baka kapag nagkaroon ako ng anak, mas malala pa sa mga naging estudyante ko. Hay, nako! Huwag na lang muna. Hahaha!" tugon ko rito. Masyado na siyang advance mag-isip. Wala pa nga sa bokabyularyo ko ang magkaroon ng sariling pamilya eh. Hindi naman sa ayaw ko. Wala pa kasi akong maraming ipon para sarili ko at pati na rin sa magiging kinabukasan ng magiging mga anak ko sa hinaharap.

"Tama! Kaya, tayong mga babae, dapat ginagalang tayo eh. Minamahal ng lubos, pinapahalagahan dapat tayo. Dahil wala ng mas hihigit pa sa pagmamahal ng isang babae sa kanyang minamahal at pamilya. Mananatili tayong matatag kahit na ano mang pagsubok ang dumating, lagi nating iisipin na pagsubok lang iyon at hindi tayo pwedeng papatalo na lang. Kung kaya pang lumaban, lalaban tayo." Ibang klase din itong si Ma'm Dianne. Alam kong may malalim na pinaghuhugutan angga sinabi niya.

"Alam mo, Ma'am Ryeese? Alam ko na kung anong role ang babagay sayo." Oh, tingnan niyo. Minsan ang random niya din. Hahaha!

"Ano?" tanong ko rito.

"Teacher Wonder Woman!"

"Huh? Bakit naman?" tanong ko ulit sa kanya.

"Kasi, isa kang guro tulad ko. Then, you're helping others to sav other people's future life. Bago sila mapariwara, mapahamak, o maligaw ng landas, kayang kaya mo silang tulungan at gabayan tungo sa maganda nilang kinabukasan," paliwanag niya.

Napangiti ako ng palihim sa mga sinai niya. Hindi ko lubos akalain na ganito na pala ang epekto ng mga bagay na ginagawa at sinasabi ko sa ibang tao. I'm speechless, I wanna cry at this moment, kaso bawal dahil may susunod na klase pa ako. Baka mahalatang naiyak ako.

"Salamat sa pag-appreciate sa mga ginagawa ko po, Ma'am. Ginagawa ko naman po kung ano ang dapat na'ting gawin bilang taga-guide ng mga bata para sa hinaharap."

Niyakap ako nito sabay sabing...

"We really love you, Ma'am. Hangang hanga po kami sa galing ninyong makisama sa amin at sa mga estudyanteng nandito sa paaralan na'tin. Nagpapasalamat din kami na dumating ka sa buhay namib bilang Ate, bilang Nanay ng mga estudyante, at bilang adviser naming lahat. Salamat, Ma'am. Maraming, maraming salamat," aniya sabay paalam niyo sa akin. May klase na pala kami. Hahaha! Hindi na namin napansin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top