Chapter 9

~Jealous~

Pagkatapos kong itanong kung nasaan ang magiging kuwarto ko ay agad na akong dumiretso duon, ka-agad akong humiga at saka tumingin sa ceiling. Anong next na mangyayari sa akin? Magiging sunod-sunuran kay Jacob na parang isang aso? Sa nangyari kanina ay ganuon ang pinapalabas ni'ya, na kaya ni'ya akong pasunurin sa isang salita ni'ya lang.

Talaga bang nakakatanga ang pag-ibig? Ibang-iba ang nababasa ko sa mga libro sa nangyayari sa 'kin ngayon.

Pumikit ako ng mariin at saka huminga nang malalim, "Hindi ako papayag na makuha ni'ya nang husto ang loob ko, this is just a glitch." Napa-hawak ako sa ulo ko at kaunting napasabunot, naguguluhan.

Kailangan kong i-let go itong nararamdaman ko, kung hindi ay magiging kontrabida ako at si Hannah at Jacon ang magiging bida sa sarili kong kuwento. No way.

Tumayo ako at dumiretso sa palikuran, humarap ako sa salamin at tinignan ang sariling repleksyon, ang aking mukha ay maihahintulad nuong minsan nawala ang isa kong libro sa shelves.

Nag-hilamos ako at saka lumabas na, saktong tumunog ang cellphone ko at nakita ko na tumatawag si Venice. Agad ko naman itong sinagot.

"Hello?" Ni-loud speaker ko ito upang marinig ko pa din habang inaayos ang mga damit ko sa kabinet.

"Lori, can we go out, oum tonight?" Tense ang boses nito at nahihimigan ko na may problema siya.

"Saan?" Takhang tanong ko, nag-aalala.

Bumuntong hininga siya, "Sa Gerry's, hindi naman tayo magpapakalasing. Just a few shots lang..." Mahinang sabi nito.

Sigurado na ako na may problema siya, kanina ay ayos pa naman siya ah? Ano kayang nangyari? Well I'll found out kapag pumayag ako.

"Okay, be there at 10:30 p.m." ani ko at saka hinila ang isang maleta na naglalaman ng mga pang-alis na damit.

"Oum." Iyong lang ang huli kong narinig at pinatayan na ako nito ng tawag.

Unusual Venice, probably it's a huge problem.

Naligo na muna ako dahil hindi ko na maintindihan ang amoy ko, nag-suot lang ako ng isang cream spaghetti crop top and short skirt na black pinaresan ko na rin ito ng isang two inch na boots. Nag lagay na din ako ng kaunting make-up at saka onting kulot ng hair at ta da, ready to go.

Let's forget everything for tonight, just for tonight.

Lumabas na ako ng kuwarto ko at nakita kong patay na ang ilaw sa sala, dumaan ako sa kuwarto kung nasaan sila Jacob para sana magpa-alam ngunit siguro ay wala naman siyang pake dahil busy siya sa pakikipag-landian sa girlfriend ni'ya.

Nagtatawanan sila habang naghahabulan sa loob ng kuwarto, what a sore in the eyes.

Am I getting jealous? Hell no, I'm the wife.

What, Lori? Really? Wife? Pinilig ko na lang ang aking ulo at saka bumaba na, napapadalas ang pakikipag-usap ko sa sarili ko ah. Nababaliw na ako.

Nadatnan ko si Lucas na nakasandal sa kaniyang Benz ng makarating na ako sa parking lot, nakatingin ito sa akin ng diretso kaya medyo naasiwa ako sa suot ko. Alam kong galit pa din siya sa akin ngunit naandito siya at ihahatid parin ako, I admire Lucas on this type of his behaviour.

Kung hindi ko siguro siya kaibigan ay nagkagusto na ako sa kaniya.

"Good evening, Lucas." Paunang bati ko at saka niyakap siya ng mahigpit.

Alam kong marupok si Lucas at ako ang kahinaan ni'ya, ang pagiging sweet ko.

"Evening, bakit ganiyan ang suot mo?" Tanong nito at saka muling pinasadahan ang damit ko.

Sumimangot ako at saka umikot, "See? Fashion ito, pati sa Gerry's naman iyon. Walang mga manyak duon, si Venice lang ang kikitain ko."

Umirap siya na ikinatawa ko, "Dapat sinabi mo sa akin na anak pala ni Tita Cherry si Venice nuong sinabi ko na nanggugulo siya sa akin, edi sana ay nakotongan ko. Ang lakas lumandi sa akin, daig pa iyong mga naanduon sa shopwise."

Kinurot ko naman siya sa tagiliran, "Anong daig ng mga nasa shopwise, tungeks ka. Ang ganda kaya ni Venice, jowain mo na."

Sininghalan lang ako nito at saka binuksan na ang pinto, "I don't do jowa, Lori. It sounds cheap."

Dahil sa sinabi ni'ya ay mas lalo akong tumawa, malakas ni'yang isinara ang pinto at pagkatapos ay umikot na para pumunta sa driver's seat.

"Cheap my ass, Lucas. Why don't you meet her, I mean sumama ka kaya sa 'kin." Nanunuyang sabi ko ngunit sinamaan ni'ya lang ako ng tingin.

"Huwag mo akong ipamigay Lori, kontento na ako sa 'yo." Seryosong ani nito at saka pinaandar ang kotse.

Nagkibit balikat na lang ako at saka kinuha ang cellphone para kunan siya ng litrato, iyong mukha kasi ni Lucas ngayon ay priceless, mukhang angry bird.

"Stop it, Lorraine. Huwag ngayong galit ako sa iyo." Banta nito at saka sinulyapan ako ng nakangunot ang nuo, perfect timing dahil napindot ko ang camera button.

Huli cam, tumigil na ako sa pagkuha nang litrato at tinignan na lang ang mga pictures ni'ya.

Tawa ako ng tawa hanggang sa makarating na kami sa parking lot ng Gerry's, natigil lang ako ng tanggalin ni'ya iyong seatbelt ni'ya at saka lumapit sa akin.

Kumabog ng sobra ang puso ko ng mapagtanto na sobrang lapit ng mukha ni'ya sa mukha ko, halos onting galaw lang ay magdi-dikit na ang aming mga labi.

"Laugh, Lorraine. Ngayon ka tumawa." Seryosong sabi nito.

Ramdam ko ang mainit ni'yang hininga na tumatama sa mukha ko, amoy mint iyon at nakaka-adict. Ang pogi pala talaga ni Lucas sa malapitan.

Parang may bumara sa lalamunan ko at animo'y mute na hindi makapag-salita, nakahinga lang ako ng maluwag ng lumayo siya at saka in-unlock iyong seatbelt ko.

"Umayos ka nga, Lori. Dapat pala ay ikaw ang kinunan ko ng litrato, mukha kang palaka kanina." Tumawa ito ng malakas kaya uminit agad ang dugo ko.

Pinagsasapak ko ito ngunit parang wala lang sa kaniya at patuloy pa din sa pagtawa, natawa na lang din ako at saka napa-iling.

"Heh, tukmol ka talaga. Sige na at baka kanina pa naghihintay sa akin si Venice," napakunot ang nuo ko ng umiling siya.

"Sasama ako sa 'yo duon at-" napatigil siya sa pagsasalita ng tumunog ang cellphone ni'ya.

May nag-text.

"I-chat mo na lang pala ako kapag uuwi ka na, may pinapabili si Ate Clares." Ani nito.

Tumango naman ako ka-agad, "Sige lang, no problem. Pasensya na sa abala, Lucas. Salamat sa paghatid." nakangiting ani ko.

Lumabas na ako ng kotse at kumaway sa kaniya, ngunit lumabas siya at saka nilapitan ako.

"Hindi ka kailanman magiging abala para sa akin, Lori. I mean kayo ni Beatrice, hindi kayo abala." Ani nito at saka nagkamot nang batok.

Tinapik ko naman ang balikat ni'ya at muling nagpasalamat, kumaway na ako at saka pumasok sa entrance.

Namataan ko ka-agad si Venice sa isang table kaya dali-dali akong pumanhik duon, nakayuko siya at may dalawang bote na ng beer duon.

Umupo ako sa harapan ni'ya, "Venice?" Nag-angat ito ng tingin.

Kitang-kita ang pamumula ng mga mata nito dala siguro ng pag-iyak at antok.

"Lori..." Mahinang sabi ni'ya at saka nagtaas ng kamay para tumawag ng waiter.

"Dapat ay hinintay mo ako, Venice. Malalasing ka ka-agad ni'yan." Nag-aalalang ani ko at saka tinignan siya sa mata.

Umiling lang siya at saktong dumalo na sa 'min iyong waiter, "Add 6 bottles of soju and barbeque for pulutan." Sabi ni Venice duon sa waiter, ka-agad naman nitong nilista pagkatapos ay umalis na.

"Akala ko ba ay hindi tayo maglalasing, Venice?" Takhang tanong ko.

Anim na soju iyon, kahit isa o dalawa ay paniguradong malalasing ka na nuon.

"Let me drunk just for tonight, Lori. I'm here to be drunk anyway." Seryosong sabi niya.

Napailing na lang ako at saka mataman siyang tinignan, mukha siyang wasted.

Nanatili akong tahimik hanggang sa mailapag na sa amin ang in-order ni'ya, binuksa ni'ya agad ang isa at nilagok nang diretsahan.

Kinuha ko na lang iyong isa at saka nagsalin nang kaunti sa shot glass, hindi ako puwedeng malasing since maglalasing si Venice.

"I have a secret boyfriend." Panimula ni'ya ng hindi tumitingin sa akin.

Tahimik ko namang ininom iyong isinalin ko at naghihintay sa susunod ni'yang sasabihin.

"We broke up kanina just because I ask about his last ex. Tinanong ko kung ilang taon ang inabot ng relationship nila, then he answered me. 3 years and a half, I feel insecure and start a tantrums but he said his not for me. That he don't deserved me and then boom, we broke up." Mapait na sabi ni'ya at saka nagpunas nang luha.

"His right, he doesn't deserved you. What a jerk, did he explain?" Tanong ko.

Tumango naman siya, "Sinabi niya na yes I'm a wifey material but hindi ko maibigay iyong needs ni'ya, in the past months, lagi ni'yang gustong topic ay about sex stuff. He don't care about our relationship basta ang usapan ay sex thing ay active siya, kapag sweet topic ay wala siyang gana." Ngayon ay umiiyak na siya.

Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata ni'ya.

"Hindi love ang nararamdaman ni'ya Venice, Lust iyon, one sided ang nararamdaman mo." Seryosong sabi ko habang hinahaplos ang balikat ni'ya upang aluin.

"At alam mo ba ang mas masakit Lori? Sinabi na kaya siya ganuon ay dahil sa ex ni'ya, nasanay daw siya. He's changing me into his ex. He said that he's loyal but he still has needs that I can't fulfill, sinabi ni'ya na iyong ex ni'ya ay nagse-send sa kaniya ng nudes dapat ako din, but I always refused because I still have my dignity." Umiiyak na sabi ni'ya at saka nilagok muli ang iniinom.

"Hayaan mo siya Venice, always remember na madaming fish sa ocean. He just teach you a lesson, don't fall in love easily." Just like I did to your brother.

Of course I didn't say that to her, I don't want to interfere my own problems.

"Yeah I know, that's why I blocked him. He's just a man but I got the power to make him beg on his knees if I want to." Napangiti naman ako.

"Ayan, ganyan dapat. Girls power!" Sabi ko at saka nakipag-cheers sa kaniya.

Ngumiti din siya at saka nagpunas nang luha, saglit na namayani ang katahimikan sa amin. Pareho kaming walang imik at patuloy lang sa pag-inom.

Nakakaramdam na ako ng hilo ngunit alam kong kaya ko pa, tumigil na ako sa pag-inom at ganuon din si Venice. Um-order na lang siya ng water at juice upang mahimasmasan kami, tanging ang pulutan na lang ang kinakain namin.

"Lori?" Napatigil ako sa pag-nguya nang tawagin ni'ya ako.

"Mm?" Tanong ko.

"Kung ica-calculate ay si Kuya pa lang ang magiging karelasyon mo hindi ba?" Random na tanong ni'ya.

Peke akong napaubo at saka nilunok ang kinakain bago sumagot, "Oo, but alam mo naman na set up lang ito. No strings attached." Seryosong sabi ko at saka tumingin sa pagkain.

"But you're attached to him, one sided lang din ang nararamdaman mo para kay Kuya." Sabi ni'ya pa at saka uminom sa kaniyang juice.

Tumango naman ako, "Yes, masaya sila ni Hannah at ayaw kong maging villain sa story nila." Nakayukong ani ko.

"You're not going to be a villain, Lori. Kung pagiging villain ang usapan ay si Ate Hannah iyon, she's a witch kapag wala si Kuya. Two faced bitch." Alo nito sa akin.

"But he's so fond kay Hannah, sa ganda ba naman nuon ay kahit na ang hari ay kaya ni'yang mapamahal e." Malungkot na ani ko.

Hindi ko alam kung bakit ako malungkot, dahil ba ito sa selos o dahil sa sampal ng katotohanan?

"Maganda ka din Lori, at gaya nga ng sabi ko kanina. She's a mistress now, kasal kayo ni Kuya. At saka ang relationship nila ay secret lang dahil Artista si Hannah, tinatago ni'ya si Kuya para maingatan ni'ya ang kaniyang image sa madla." Umiirap na ani nito at saka kinagat ang isang barbeque.

Artista pala si Hannah? Hindi na nakakapagtaka dahil ang ganda ni'ya.

"Totoo?" Paninigurado ko.

Tumango ito ng ilang beses, "Oo, pati sa labas lang maganda duon. Two face witch iyon," inis na ani ni'ya.

"Nasa condo siya."

Nanlaki naman ang mata nito, "Eh? Iyon ba iyong ibig mong sabihin nuong masaya naman sila kanina?"

Tumango ako.

"Haluh! Ang kapal talaga nuon, hayaan mo at iinisin ko iyon araw-araw para umalis." Nakangiting ani nito.

Ngumiti na lang din ako at saka uminom ng tubig.

"It's midnight na pala, my mom will kill me Lori." Tumawa pa ito at saka ipinakita sa akin ang oras sa kaniyang cellphone.

"Tara na, nahimasmasan ka na naman ata. May maghahatid ba sa iyo pauwi?" Tanong ko.

Umiling naman siya, naisipan ko si Lucas baka puwede namin idaan si Venice sa kanila.

"Sa 'min ka na lang sumabay, hahatid ka namin." Kumunot ang nuon ni'ya ngunit kalaunan ay tumango din naman.

Lumabas kami sa Gerry's at natanaw ko na ang Benz ni Lucas kakaway sana ako ng makita ko ang pamilyar na BMW ni Jacob sa harap.

Naibaba ko ang kamay ko dahil kita ang dilim sa mata ni Jacob, at bakit siya nagagalit? I didn't flirt, hindi katulad ni'ya.

Nakalapit sa amin si Lucas at saka dinapuan ng tingin si Venice, "Iwan mo na iyan, Lori. Tara na." Sabi ni'ya at saka inginuso pa ito.

Sinapak ko naman siya ng mahina, "Anong iwan, nababaliw ka na ba? Ihahatid natin siya sa kanila."

Ka-agad na umalma ang mukha niya at magsasalita pa sana ng may magsalita sa likod ni'ya.

"I'll take my wife, bro ikaw na ang bahala sa kapatid ko." Baritonong wika ni Jacob at saka tinapik pa ang balikat ni Lucas.

Tinignan siya ng masama ni Lucas ngunit parang wala lang sa kaniya iyon, hinila niya ako palapit sa kaniyang sasakyan.

Lumingon naman ako at saka kumaway kila Venice, kumaway naman ito pabalik. Kita ko pa din ang pag-galaw ng panga ni Lucas ngunit ka-agad din naman siyang pumasok sa Benz ni'ya at ka-agad naman sumunod si Venice, ilang saglit pa ay matulin na pinaandar ni Lucas ang sasakyan.

"Bakit hindi ka nagsabi na aalis ka pala?" Seryosong ani ni Jacob sa likuran ko.

Hinarap ko siya, hindi ko alam kung dahil ba ito sa soju kaya ako nagkaroon ng lakas ng loob ngunit nagawa ko nga siyang tignan sa mga mata.

"And for what? Don't act like a good husband here, you two timer man." Inis na sabi ko dito.

Huminga ito ng malalim at saka sinubukan akong hawakan ngunit umatras ako dahilan para mapahinto siya.

"Hindi ko alam na naanduon siya okay? And I'm not playing an act here, look I'm worried." Marahan na ani ni'ya.

Tinignan ko lang siya ng malamig, "Whatever, bakit mo iniwan ang girlfriend mo? Ihahatid naman ako pauwi ni Lucas."

Pumikit siya at sa pagdilat ni'ya ay lumamlam ang tingin ni'ya sa 'kin, "Umuwi na tayo."

Payak ako na napatawa, "Right, uuwi na pero walang tayo. Dapat ay in-enjoy mo na muna iyong labing-labing ni'yo baka naka-istorbo ako." I don't want to sound jealous but I can't control it.

Tinignan ako nito ng mariin, "Are you jealous?"

Hindi ako sumagot at akma ng papasok sa kotse ng kornerin ni'ya ako, ipinatong ni'ya ang dalawang kamay ni'ya sa gilid ko.

"Oh you are jealous, I'm sure."








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top