Chapter 8
~Refuted~
"You're so beautiful Hija, ang suwerte mo Hijo sa mapapangasawa mo." Nakangiting ani ni Attorney sabay palipat-lipat ang tingin sa 'ming dalawa ni Jacob.
Ngumiti naman si Jacob, "Totoo po kayo diyaan, Tito. Ang suwerte ko po." Tumingin ito sa akin at saka hinawakan ang kamay ko.
Nasa likuran namin sila Tita habang nakaharap kami kay Attorney, may ilang minuto pa ako upang tumakbo ngunit anong mukha ang ihaharap ko kila Tita kapag may nangyaring hindi maganda kay Tito? Magdudulot lang ito ng gulo, baka hindi lang maliit ngunit maaaring malaki, wala na akong choice kahit na one sided lang itonh nararamdaman ko. I'll take a risk.
"Hawakan ni'yong dalawa ang parehong kamay ni'yo at magharap." Sabi ni Attorney.
Humarap ako kay Jacob ngunit hindi ako diretsong tumingin sa mga mata ni'ya, natatakot ako na malaman ni'ya ang tunay na nararamdaman ko.
Habang hawak ni'ya ang kamay ko ay banayad ni'ya itong hinahaplos na ikinataas ng mga balahibo ko, halos magwala na ang puso ko sa lakas ng tibok nito.
Kinagat ko ang bibig ko upang maibsan ang kakaibang nararamdaman, hindi ako makapag-concentrate sa sinasabi ni Attorney dahil sa mga haplos ni Jacob.
"Both of you, repeat after me okay? Kapag huminto ako ay punan ni'yo ang salita." Natauhan lang ako ng magsalita si Attorney.
Tumango naman kami pareho at muling humarap sa isa't-isa, sa pagkakataon na ito ay nahuli ni'ya na ang mata ko.
Isa lang ang nakikita ko, iyon ay ang bibig ni Jacob na bumubuka.
"I Jacob Austin Mercado take you as my wife, Lorraine Walter, to have and hold, in sickness and health, for richer or poorer, to love and cherish, from this day forward until death do us part."
"I Lorraine Walter take you as my husband, Jacob Austin Mercado, to have and hold, in sickness and health, for richer or poorer, to love and cherish, from this day forward until death do us part."
Sabay na sabi namin ni Jacob, this is it. There's only one question here, what will be the result for this fake relationship?
Narinig ko na lang na pumalakpak na sa likod sila Tita, hindi ako lumingon nanatili ang mga mata ko na nakatingin sa mga mata ni Jacob.
His eyes is pitch black, his gaze screaming authority. Am I really become a Teacher's Pet? That I become a submissive in just one blink.
"You're now husband and wife, you may now kiss your wife, Hijo." Nakangitin ani ni Attorney habang pumapalakpak din.
Dahan-dahang lumapit ang mukha ni Jacob sa akin at napapikit na lang ako, ayaw kong makita sa mata ni'ya na isa lang akong business partner lang ang tingin ni'ya sa akin. Ayaw kong makita na hindi nagsisisi siya kung bakit ako ang naandito imbis na ang kaniyant Girlfriend, a-ayaw kong masaktan.
Ang kasal ay isa sa mga pangarap ko dati nuong bata pa ako, gusto ko kapag ikinasal ako ay nahanap ko na ang makakasama ko hanggang pumuti na lahat ng buhok ko, gusto ko mahal namin ang isa't-isa pero sa situation ko ay ako lang ang nakakaramdam ng ganuon.
This is the reason why I don't want to involved in Love, it's swallowing your strength and make you weak.
Making you weak that the host only has the antidote on that.
I'm numb little bug.
Naramdaman ko na lang na lumapat ang mainit ni'yang labi sa akin, kasabay nuon ang isang luha na pumatak galing sa aking mata.
Nakalayo na siya sa 'kin ngunit nanatiling sarado ang mga mata ko. Dumilat lang ako ng marinig ko ang boses ni Tita, bumaba ang kamay ni Jacob sa bewang ko na ikinasinghap ko. Act, Lori. Act.
"I'm so happy to the both of you, pasensya ka na Hija hindi uso ang bukas-bukas sa pamilya namin kapag alam namin na nagmamahalan naman kayo ay ikakasal na namin kayo agad." Umiiyak na ani ni Tita at saka ako niyakap.
Si Tito ay hinahaplos lang ang likod ni Tita, lumapit din sa 'kin si Venice at mahigpit akong niyakap.
"My sister-in-law." Bulong ni'ya sa akin.
Nakita ko si Liam na nakatingin lang sa 'min ngunit halata na namumula na ang ilong nito, hudyat na nagpipigil lang sa pag-iyak.
"Congrats, newly weds." Nakangiting ani ni Attorney at nakipag-kamay sa amin.
Ngumiti naman kami at saka nagpa-salamat.
"Walang anuman, paano na iyan. Mauuna na ako at may mga papeles pa akong gagawin, isa-saayos ko pa ang mga papeles ni'yo. Congrats ulit." Ani nito at saka itinuro na ang pinto.
Hinatid naman siya ni Tito at kami na lang ang naiwan sa library.
"Bukas ng gabi ang party dahil may pasok pa kayo sa school, sa ngayon ay magpahinga na muna kayo. Sa condo mo Hijo, nauna na ang mga gamit ni'yo duon. Ipina-una ko na kay Manang Tessa, welcome to the family Lori." Ani ni tita at saka muling hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
Ngumiti naman ako pabalik, "Salamat po."
May sasabihin pa sana si Tita ng makabalik na si Tito, "Hayaan mo na ang mga bata, Mahal. Sige na Jacob, iuwi mo na sa condo si Lorraine." Ani nito.
Tumango naman si Jacob at saka banayad na hinaplos pataas-baba ang bewang ko.
"Sige Dad, Mom una na po kami."
Hinatid kami palabas ni Venice at mahigpit ni'yang hinawakan ang kamay ko at saka bumulong, nasa unahan namin si Jacob dala ang iilang gamit ko na naiwan.
"I know you're in a difficult situation that's why I want to thank you, you're so kind Lori. I'm happy right now because you're my sister-in-law, just set aside the real set up. But still, welcome to our family. Mrs. Mercado." Ngiti-ngiting ani nito at saka tinusok pa ang tagiliran ko.
I'm glad that I have Venice on my side, later I'll tell Beatrice and Lucas about this.
"Echos ka Venice."
Tumawa siya at saka tinignan ako ng nanunuya, "Pero seryoso, may crush ka kay Kuya 'no? Hindi ka naman papayag kung wala kang feelings," pinanliitan ako nito ng mata.
"Five percent." Pagkasabi ko pa lang ay tumili na ito na ikinalingon ni Jacob sa amin.
"What's the matter, Venice?" Nakakunot ang nuo nito habang nakahinto.
Inirapan siya ni Venice, "It's girls talk, mind your own business." Umiling na lang si Jacob at saka nilagay sa likod ng kotse ang mga gamit ko.
"Sabi na eh! Iyong tinginan mo kay Kuya kanina pang kdrama ang datingan, yiee!" Bulong nito at animo'y bulateng nilagyan ng asin.
"Ano ka ba, may girlfriend iyong kuya mo."
Sumimangot naman siya, "Asawa ka naman, mistress na siya sa harap ng batas. For sure mai-inlove din sa iyo yan si Kuya, ang lakas kaya ng charisma mo."
Tinawanan ko na lang siya at saka tinapik ang balikat, "Charisma ka diyaan, tigilan mo nga ang panunuod nang kdrama."
Nag-chikahan pa kami saglit hanggang sa nakabalik na si Jacob, nakita namin na nasa harap ng bahay sila Tita. Kumaway ito kaya ganuon din ang ginawa namin.
"Aalis na kami Venice, pumasok ka na din." Seryosong ani ni Jacob.
Inirapan lang siya ulit ni Venice, "Ihahatid ko kayo ng tingin, umalis na kayo."
Nang dumapo ang tingin sa akin ni Venice ay ngumiti siya ng malapad at saka kumaway.
Nakapasok na kami sa kotse at ini-start na ito ni Jacob, kumaway ako kay Venice at kila Tita pagkatapos ko ilagay iyong seatbelt ko.
Umandar na ang kotse at kasalukuyan na naming tinatahak iyong daan papuntang condo ni'ya.
Nanatili ang katahimikan sa pagitan namin, feeling ko ay hindi ako makahinga dahil duon kaya inilabas ko na lang ang aking cellphone.
Pagkabukas ko pa lang ng data ay tumunog na ng sunod-sunod ang cellphone ko hudyat na madaming chat, napalingon sa akin si Jacob ngunit ka-agad din na tumingin sa daan.
Binalik ko na lang ang tingin ko sa cellphone ko at nakita ang napakadaming chat ni Lucas.
•Lucasmabantot
Lucasmabantot: Hoy
Lucasmabantot: Oi doracakes
Lucasmabantot: Oi dalhan mo ako ng pagkain.
Lucasbantot: At anong karapatan mo para hindi mag-online?
Lucasmabantot: Loritot
Lucasmabantot: See you bukas, love you!
Napailing na lang ako at tinawanan ang huli ni'yang chat.
Pumunta ako sa groupchat naming tatlo ni Beatrice at nagtipa nang mensaheng ikagu-gulat nila.
•B*tchesgang
Guys, kasal na ako. :Lorraine
I'll tell you the whole story tom. :Lorraine
Ka-agad naman nila itong sineen, at ilang segundo lang ay sabay na nagreply sila.
Lucas: Wut?!
Beatrice: Prank ba ito?
Lucas: Huwag ka nga magbiro, Doracakes. Hindi bagay.
It's true. Kanina lang. :Lorraine
Beatrice: At kanino naman? May binasa ka naman ba na libro at may bago kang asawa?
Hindi ako nagbasa today, seryoso ito. :Lorraine
Beatrice: Haluh, edi sino?
Nanatili lang ang pag-seen ni Lucas at hindi siya nagre-reply. Paniguradong nagtatampo ito, sino ba naman kasi ang matinong ikakasal na hindi iniimbitahan ang mga kaibigan.
Sa teacher namin ni Lucas sa photography. Si Jacob Mercado. :Lorraine
Beatrice: Oi how? Wala ka namang naikuwe-kuwento sa amin.
Anak siya ni Tita Cherry, you remember her? :Lorraine
Beatrice: Of course, ang sarap kaya ng binigay na cookies nuon dati. May panganay pala siya?
Oum. :Lorraine
Beatrice: Gosh, magpaliwanag ka ng bongga bukas huh? Need ko ng explanation.
Beatrice: Hoy Lucas, ba't natahimik ka?
Lucas: 👍
May mga chinat pa si Beatrice tungkol kay Lucas ngunit panay ganuon lang ang reply ni'ya. Naisipan ko siyang i-pm.
•Lucasmabantot
Sorry, Lucas. I know how you feel. :Loritot
Mabilis naman sa alas kuwatro itong nag-type.
Lucasmabantot: No, you don't.
Lucasmabantot is calling...
T
inignan ko muna si Jacob bago sinagot ang Video call ni Lucas.
"Sorry, Lucas." Sabi ko at saka tingnan siya ngunit busy siya sa pagpi-piano.
Isang malungkot na tunog ang tinutugtog nito kaya alam ko na nagtatampo lang siya.
"Hey, look at me. Oum, it's just a fake...a set up. I'll tell the neat details tomorrow okay? Just don't be mad, alam mo naman na kayo lang ni Beatrice ang kaibigan ko."
Nanlamig ako ng tinignan ni'ya ako, habang patuloy padin sa pag-play ng piano. Nakilala ko ang composer, si Beethoven isa iyon sa mga na-compose. Isa sa mga malungkot na gawa ni Beethoven.
Nagtama ang paningin namin ni Jacob ngunit umiwas agad siya ng tingin, kitang-kita ang pag-galaw ng panga ni'ya.
"Yeah. Friends. Siguraduhin mo lang, Lorraine na magpapaliwanag ka bukas." Seryosong saad ni'ya at saka pinatay ang tawag.
Huminga lang ako ng malalim, ayaw ko na may makagalit kahit na isa man sa kanila ni Beatrice.
Hindi naman nagtanong si Jacob ngunit kita ko padin sa peripheral view ko na patuloy parin ang pag-igting ng kaniyang panga.
Humilig na lang ako sa gilid at tinignan ang mga stalls na nadadaanan namin. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, nagising lang ako sa mahinang tapik sa pisngi ko.
"We're here." Mahinang sabi ni Jacob sa akin.
Tumango na lang ako at saka binuksan ang pinto, hinintay ko siya habang kinukuha ni'ya iyong iilang gamit sa likod at ng matapos ay naglakad na kami papuntang elevator.
Tahimik lang kami habang umaandar ang elevator kahit hanggang sa makarating sa harap ng unit ni'ya.
Nagulat kami ng bago pa man ni'ya mailagay ang susi ay kusang bumukas ang pinto.
"Surprise, Love!" Sabi ng isang babae na halos nahiya ang mga black heads ko sa kinis ng mukha nito.
Napaiwas ako ng tingin nang hagkan ni'ya si Jacob, hindi kaya ito iyong Hannah?
Malamang, Lori. Magki-kiss ba iyan kung hindi iyan?
Nang humiwalay siya ay dumapo ang tingin nito sa 'kin, "Hi, Love, sino siya?" Tumingin sa akin si Jacob.
Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip ni'ya, kung ano ang ipinapahiwatig nang kaniyang mga mata.
"She's my cousin." He said and looked away.
Ngumiti naman ng malapad iyong babae at saka naglahad nang kamay, "Hannah Marasigan, Jacob's Girlfriend. Nice to meet you."
Inabot ko naman ito at saka ngumiti nang hilaw bilang sukli.
He refuted our relationship of course, what relationship, Lori? A business partner relationship?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top