Chapter 7

~Truth~

"Ma," kinakabahang sabi ko.

Isang beses ko lang nakitang nagalit si Mama, at iyong huli na iyon ang disaster ng buhay ko. One time, inutusan ni'ya akong tawagin iyong isang Tita ko sa bahay ni'ya ang kaso ay sinabi ni Tita na huwag daw sabihin na naanduon siya, siyempre bata sumunod ako. Nagsinungaling ako kay Mama tapos pinuntahan ni'ya iyong bahay ni Tita tapos ayon nakitang naanduon naman, nagalit ng sobra si Mama dahil nag-sinungaling ako. Pinalo ni'ya ako at pinagalitan nang bongga iyong tipong hindi ka na uulit.

"Totoo ba? Ikakasal ka na sa panganay ni Cherry?" Seryosong saad nito kaya mas lalo akong kinabahan.

Nakatingin silang lahat sa 'kin kaya saglit muna akong pumikit, yari ka sa 'kin mamaya Jacob.

"Opo."

Narinig ko na huminga siya nang malalim, "Ano ka ba naman anak, bakit mo naman itinago sa 'kin? Ang panganay naman pala na anak ng Tita mo, dapat sinabi mo na ng mas maaga."

Saglit na nanlaki ang mata ko ng magbago ang tono ng pananalita ni'ya, naging masigla ito.

"Ano po ang ibig sabihin ni'yo, Ma?" Naguguluhang tanong ko.

"Alam mo anak, malaki ka na. Kapag tapos mo ng college ay magtra-trabaho ka na din, pagkatapos nuon ay diyaan din ang tutunguhin mo. Mas mabuti na si Jacob ang mapangasawa mo, mabait na bata iyan." Seryosong ani nito ngunit may bahid ng excitement.

Wala na akong choice kung hindi panindigan ang kasinungalingan na ito.

"Pero Ma, hindi ba dapat ay hintayin ka na muna?" Tanong ko.

"Sa papel pa lang naman 'yan, pagka-uwi ko ay aayusin na agad natin ang church wedding. Paka-usap ako kay Tita Cherry mo para mapag-usapan na ang mga bagay-bagay. I love you, 'nak."

"I love you so much po." Pagkatapos kong sabihin iyon ay ibinigay ko na kay Tita iyony cellphone.

Muling hinawakan ni Jacob ang kamay ko ngunit inalis ko iyon, kunwari ay kinakamot ko ang aking braso.

"Mare, tutal ay papunta na si Attorney Guilermo siguro ay pagsamahin na natin sila sa isang bahay?" Tanong ni Tita kay Mama.

Hindi na namin narinig pa ang kasunod ngunit nakita namin na tumango-tango si Tita.

"May condo unit naman si Jacob, hindi ko nga alam kung bakit hindi ni'ya iyon ginagamit e. Sige, duon na lang sila. Gusto mo ba na makitang pumirma sila Mamaya?" Tanong ni Tita ulit.

Medyo lumungkot ang mukha nito kaya nahimigan ko na may gagawin pa ata si Mama, hindi ko alam kung ilang minuto o oras na lang ang natitira sa 'kin bago maikasal kay Jacob ngunit isa lang ang masasabi ko, kaya ko bang harapin ang magiging possible outcome nito?

"Sige, Belinda. Kukuhanan ko na lang sila ng litrato." Pagkatapos nuon ay ibinaba na ni tita ang tawag.

"Ayon sa narinig ni'yo, tonight na gaganapin ang kasal ni'yo but of course sa papers muna. Gosh, Lucio excited na ako." Kinikilig na ani ni Tita.

Ngumiti naman si Tito at saka humarap sa 'min, "Habang wala pa si Attorney, bigyan na muna natin ng time ang ating anak at future manugang. Sige na Hijo't Hija," nakangiting sabi nito.

Tumingin ako kay Venice at tumango lang siya, isinenyas ni'ya ang cellphone na animo'y duon kami mag-usap. Tumango din ako.

Nakapunta kami sa kuwarto ni'ya, at habang nila-lock ni'ya ang pinto ay napatingin ako sa kabuohan nito.

Sariwa pa ang naganap sa silid na ito, at iyon ay isang pagkakamali. Isang malaking pagkakamali, ng dahil duon ay nasa ganito akong sitwasyon.

"Sorry, hindi na ako maka-isip nang ibang paraan. Yes, you can call me desperate pero iyon lang ang naisip ko upang makalma si Dad." Panimula nito.

Seryoso ko lang siyang tinignan, hindi maiwasang kumabog ang puso ko na parang nakikipag-karera sa bilis.

Relax, infatuation lang iyan.

"Look, let's be honest here. Sorry kasi lahat ng sinabi ko sa 'yo ay hindi totoo, you know that I have a girlfriend. And that midnight-" nang akma ni'yang uungkatin ang gabi na iyon ay pinigalan ko na siya.

"It's fine. Pero puwede magtanong? It's all your benefits, anong mapapala ko kapag nakisabay ako sa plano mo na ito?" Seryosong saad ko habang nakatingin sa pader.

"You will get 100 thousands per year plus the shelter and other expenses, I'm also the one who will pay your tuition fee. If may gusto ka pa, you can ask me for it."

Sandaling tumahimik ang buong silid, iniisip ko na mababawasan ang bayarin ni Mama at magiging libre naman ako sa lahat, all I need to do is to act kapag kaharap ang parents ni'ya.

"Deal." Malamig na ani ko.

Ngumiti siya, "Maraming salamat, Lori. Don't worry, we'll get divorce soon. We only have one rule, huwag makielam sa personal life. Like, love life etc."

Tumango ako.

"Okay, add my rule, no strings attached."

"Then It's settled?" Nakangiting ani ni'ya.

Ngumiti na lang ako ng hilaw, "Yes, it is."

May sasabihin pa sana si Jacob ngunit hindi ni'ya na naituloy ng may kumatok sa pinto, bumukas ito at dumungaw si Tita.

"Lori, Hija? Nasa library na si Attorney, halika na sa kuwarto ko. Aayusan ka namin ni Venice, hindi ako papayag na hindi ka naka-ayos sa kasal mo." Halos lagpas tenga ang ngiti nito habang nagsasalita.

Sumunod na lang ako dito at hindi na muling nilingon pa kung nasaan si Jacob.

Habang naka-upo ako sa harap ng salamin ni Tita ay kitang-kita ko ang repleksiyon ko, malinaw na malinaw na tutol ako sa bagay na ito ngunit kailangan.

Sa mga libro na nababaaa ko, kapag kinakasal ang mga bida ay lagi itong nasa hulihan. Iyong nasa epilogue na kung saan na realize na ng dalawang pangunahing tauhan ang tunay na nararamdaman nila, iyon ay ang pag-ibig.

Isa ang pag-ibig sa pangunahing sangkap upang mabuo ang kasal ngunit sa sitwasyon ko ay wala kami nuon ni Jacob, practically ay this is pure business na may give and take.

Kita ko ang saya ni Tita habang brine-braid ang buhok ko, ang saya ni'ya na kabaliktaran ng nararamdaman ko. Alam ko na infatuation lang itong nararandaman ko ngunit hindi ko sigurado kung hanggang duon na lang iyon, hindi ko masasabi na kasalanan lahat ito ni Jacob dahil alam ko sa sarili ko na pumayag ako sa ganitong set up.

"Ang ganda mo Hija, bagay na bagay kayo ni Jacob. Ang akala ko nuon ay si Hannah na ang kaniyang papakasalan ngunit akalain mo nga naman, malapit pa sa 'min ang kaniyang minamahal." Sabi nito ng nakangiti.

Tumingin sa akin si Venice gamit ang salamin at saka ngumiti lang siya, ngumiti na lang ako kay Tita dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Ilang minuto pa ang nakalipas at natapos nadin kami sa pag-aayos, nakaputing fairy dress ako at halos ang ayos ko ngayon ay formal.

"Let's go, Hija. Your future husband is waiting for you." Nakangiting ani ni Tita.

Tipid ang ngiting isinukli ko at saka tumayo na, iginiya nila ako papuntang library.

"Sorry, Lori. We can't do anything now," nag-aalalang bulong ni Venice sa akin.

Tumango lang ako at saka ngumiti, wala na din naman akong magagawa.

Pagkabukas nang pinto ay nakita ko ang nasa gitnang lalaki na sa tingin ko ay ang attorney, sa kanan na gilid nito ay si Tito at sa kaliwa naman si Jacob.

Dahan-dahang humarap si Jacob sa direksyon ko at tila tumigil ang lahat, halos marinig ko na ang pagtulo nang tubig galing sa gripo duon sa comfort room, ang paghinga ng bawat isa at ang ihip ng aircon. Lahat halos nag-slow motion, nang magtama ang paningin namin ay alam ko na kung bakit mabilis ang pagtibok ng puso ko, alam ko na kung bakit halos manlambot ako sa titig ni'ya pa lang.

This is the reality, sinira ni Jacob ang matagal ko ng paniniwala.

The truth is the sun collided with the moon, the apple falls from the tree, the flower starts to bloom and the book turn another pages.

I fall hard on the cliff and I don't know how to go up again.

The untold feelings, the beliefs and the truth is now visible.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top