Chapter 4

~Teacher's Pet~

Dalawang araw na ang nakakalipas, at sa dalawang araw din na 'yon ay iniiwasan ko si Jacob. Ayaw ko na makasira nang relasyon, at ayaw ko siyang makita, may part sa 'kin na naghuhumerentado kapag nakikita siya.

Is it love? Come back to your senses, Lori. The word love doesn't exist in your dictionary.

"Bestie, Lori!" Narinig ko ang sigaw galing sa aking likuran kaya lumingon ako.

"Sabay tayo mag lunch later kapag break time. Gosh anlayo pala ng Multimedia Arts building sa Engineering, feeling ko malalagutan ako ng hininga." Hinihingal na sabi ni Beatrice habang hawak-hawak pa ang dibdib ni'ya.

First day kasi ng school, since magkaiba kami ng course ay magka-layo din ang building namin. Parehas kami ni Lucas ng kinuha na course kaya medyo hindi ako kinakabahan, wala namang magiging problema kay Beatrice dahil approachable ito.

Tumango ako, "Sige, hintayin mo na lang kami sa field tapos sabay-sabay na tayo."

"Sige. Oh siya, baka ma-late pa ako. Una na ako ha, see you later!" Napa-iling na lang ako at natawa, mukha kasing shunga sa pagtakbo si Beatrice.

Pumasok na ako sa MMA building at saka umakyat  na sa hagdan para makarating na agad sa room. As usual ay panghapon ako, 2A ang aking section, of course a higher section.

Chinat ako ni Venice kanina at kinamusta, sinabi ko naman na ayos lang ako. Hindi ni'ya binanggit ang kuya ni'ya pero ba't naman ni'ya babanggitin 'diba, sana lang ay hindi siya isa sa mga professor ko.

Pagkarating ko duon sa hallway papuntang room ay nakita ko na ka-agad ang nakasandal na si Lucas malapit sa pinto ng room, lumingon ito sa 'kin at saka malawak na ngumiti.

"Loritot!" Sigaw nito na ikinalingon nang lahat sa direksyon namin.

Pinandilatan ko naman ito at saka mabilis na lumapit kung nasaan siya, "Nakakahiya ka Lucas, umayos ka nga at baka sampalin ko iyang atay mo." iritang sabi ko dito na tinawanan lang ni'ya.

"Lori babe, huwag high blood hane? First day na first day, sasampalin mo na agad atay ko. Hindi ka ba na-aawa sa future husband mo?" Nakangising ani nito.

Umirap ako sa ka-kornihan ni'ya at saka iniwan siya duon na nakangiting parang tanga, sumunod naman siya at patuloy pa din akong bini-bwisit.

Sa dulong upuan ako umupo katabi ng bintana, malamig kasi dito kaysa sa gitna at unahan na halos pati under garments mo ay mababasa. Polluted masyado dahil sa madadaldal na mga babae sa harapan.

"Lori babe, tabi tayo huh at baka halayin ako nuong mga babae sa harap." Paawang ani nito na ikinangiwi ko dahil sa huling sinabi ni'ya.

"Tumahimik ka na lang Lucas at baka maitapon kita sa bintana."

Tumawa lang ito at saka pumangalumbaba at saka ako tinitigan, "Ang ganda mo ngayon, Lori babe. Puwedeng pa-kiss?"

Ini-amba ko iyong kamao ko, "Eto gusto mo matikman?"

Pero si Jacob puwede kumiss, napailing na lang ako sa naisip. Forget him, Lori ano ba!

Ka-agad namang umiling si Lucas at saka nag-peace sign, nasanay na lang ako sa kapilyuhan ni'ya dahil five years ago ng magkakilala kami ay ganyan na siya.

"No thanks, baka masira lang ang akong beautiful face. Pero kapag may kiss naman pagkatapos, keri na." Humalakhak ito kaya sinapak ko siya sa braso.

Natigil lang ang paghalakhak ni'ya ng may pumasok na isang nasa thirties na babae, probably our homeroom teacher.

"Good afternoon, MMA students. I'm Mrs. Barranda, your adviser and homeroom teacher. Bago ang lahat I would like to know your names, hobbies and age. Let's start at the back," tumingin ito sa 'kin ng nakangiti kaya alam ko na ako ang gusto ni'ya mag-simula ng pagpapakilala.

Tumayo ako at ngumiti nang kaunti, "Good afternoon po, my name is Lorraine Walter. I'm 19 years old and my hobbies is anything related sa arts, watching kdrama and reading books." pagkatapos nuon ay umupo na ako.

Sumunod na nagpakilala ay si Lucas, "Magandang hapon Ma'am Beautiful and my pretty and handsome classmates. My name is Lucas Arcarte, 19 years old and my hobbies is watching Lorraine's face, making fun of her and painting." Tumingin siya sa 'kin at saka ngumiti.

Nagsi-hiyawan ang lahat at nakita ko din na napangiti si Ma'am Barranda, sinamaan ko naman ng tingin si Lucas ngunit hindi ito tinablan bagkus ay mas ngumiti pa nang sinamaan ko siya ng tingin.

Nagtuloy-tuloy ang pagpapakilala hanggang sa makarating na ito sa pinaka-unahan, tumayo iyong isang babae na may pagka-brown ang hair, "Hi guys, my name is Abigail Gonzaga, 18 years old and my hobbies is drawing, acting, dancing and modelling." Ngumiti ito nang matamis at saka nag-flying kiss kaya naman halos magwala sa kilig iyonh mga lalaki naming classmates.

Sa ganda ba naman ni'ya ay sayang kung hindi siya pumasok sa showbiz.

"At dahil tapos na ang Introduce yourself, at first day of school pa lang naman. I'll give you all the remaining time that I have sa homeroom subject, but please make sure that don't make a noise huh?" Nakangiting ani nito.

"Yes po!" Sigaw nila kaya naman ngumiti pa lalo si Ma'am.

"Good, hindi na kayo mga bata. May aasikasuhin pa kasi ako sa registrar, see you next week. Good bye, MMA students."

Tumayo naman kami bilang pag-galang at saka hinintay na tuluyang maka-alis na ang guro.

Ang susunod na subject ay Photography, hindi ko alam kung sino iyong teacher dahil dash lang nakalagay. May twenty minutes pa kami kaya inilabas ko iyong earphone ko upang makinig nang music, akmang dudukdok na ako sa arm chair ko ng biglang kinuha ni Lucas iyong isang earphone sa tainga ko.

"Oh stop, makiki-kinig lang e. Damot, huwag na nga." Ngumuso ito dahilan para sapakin ko nang mahina iyong braso ni'ya.

"Masyado kang overreacting, uso kasi magpa-alam 'diba. Ayan makinig ka na, parang gusto mo naman ng ganitong genre ng music. Paepal ka lang e." Sabi ko sa kaniya habang umiirap.

Alam ko naman na ayaw ni'ya ng mga kdrama songs, nang-iinis lang ang loko.

"Kung anong gusto mo, gusto ko na din. Babes kita e," tumawa ito habang pinisil ang dalawa kong pisngi.

Okay lang sana kung hindi siya nanggi-gigil sa pisngi ko, ang masama ay halos ma-deformed na ito. Patuloy ko siyang ina-abot upang patigilin ngunit umiiwas lang siya, nai-inis na ako kaya mas lalo akong lumalapit sa kaniya para lang maitulak siya ng maayos ngunit halos hindi ko man lang ma-abot kahit na iyong colar ng uniform ni'ya.

"Isa, Lucas!" Inis na banta ko.

Ngumisi pa siya lalo, "Dalawa, Lori babe."

Sinamaan ko siya ng tingin at saka patuloy parin inaalis ang kamay ni'ya sa pisngi ko ngunit talagang matibay ang loko, ayaw bumitaw.

"Tumigil ka na kasi, Lucas! Ano ba," nakarinig na ako ng mga 'yie' sa paligid kaya mas lalo kong tinatanggal ang kamay ni'ya sa pisngi ko.

"What's happening here?" Halos lahat kami ay napalingon sa pinto ng classroom.

Seryoso at matigas inulit na sabi nang lalaking nasa pinto, "I said, what's happening here?"

Bakit siya naandito? Huwag mong sabihin siya amg teacher namin sa Photography...

"Walang sasagot? All of you, Stand up." He said in a serious way.

Napalunok ako at saka siniko si Lucas na tumayo, ang loko kasi binitawan nga ang pisngi ko ngunit lumipat naman ang kamay ni'ya sa kamay ko.

Napalunok ako ng dumapo ang mata ni Jacob sa kamay namin ni Lucas na magka-hawak, umangat ang tingin ni'ya sa akin at saka nag-taas nang kilay.

"First of all, I'll introduce myself properly. My name is Jacob Mercado and I'm your teacher in this subject which is the Photography, I'm 24 years old." Malamit na ani ni'ya.

Inilibot ni'ya ang paningin sa 'min at muling napadako ang tingin ni'ya sa kamay namin ni Lucas, my heart beats faster. What's wrong with me? Bakit ako kinakabahan? Iniwas ni'ya na ang tingin ni'ya at saka muling humarap sa white board.

"This is my two rules in my subject, there's only two that you all must remember and obey. The first one is, respect. Simple lang 'diba? I-respeto ni'yo ako at ganuon din ang gagawin ko sa inyo. Ang pangalawa ay walang maglalandian sa loob ng classroom, I hate people doing PDA inside the classroom. This is a classroom not a motel or park, understood?" Seryosong ani nito habang diretsong naka-tingin sa mata ko.

It gave me chills down to my spine, as if he's looking on my inner core.

Nagsisang-ayon naman ang lahat at pumalakpak pa na anomo'y isang healing speech ang sinabi ni Jacob.

Napatingin ang lahat sa unahan kung saan naruon si Abigail ng magtaas siya nang kaniyang kamay, lumingon naman sa kaniya si Jacob.

"Yes?" Hindi ko alam kung guni-guni lang ba iyong narinig ko ngunit malambing ang tinig na pinakawalan ni Jacob kay Abigail.

Ngiting-ngiti naman si Abigail na tumayo, "Sir, can I ask if did you really has a fan called teacher's pet? I've heard it on my friend po na nasa Manila. Is it true?" Malanding ani ni'ya at saka malagkit na tinignan si Jacob.

Napataas namam ang kilay ko, is she flirting with her teacher? Seriously?

"Oh, I'm quite famous huh. I don't know that it's real, I guess it is. Maybe?" Nakangiting ani niya kay Abigail.

"For sure you also have here, Sir." Ngumiti naman pabalik si Abigail.

Halos naka-ilan na siguro akong napa-irap dahil duon, hello, andito kaya kaming lahat.

Hindi na sumagot pa si Jacob at muling humarap sa 'min, "Since it's first day of school, I would like to dismiss you early today. You see, I have a lot to do." Balik ulit na seryosong ani nito.

Halos mahimatay naman sila kakasabi nang salamat, lalong-lalo na si Abigail at ang kaniyang mga kaibigan. Napa-iling na lang ako at saka tumayo na, "Lucas, let's go na sa field. Hintayin na natin si Beatrice duon." Sabi ko sa kaniya.

"Sure, Lori babe. Gusto mo ba bilhan kita ng burger sa mcdi? Or anything you want to eat? Para habang naghihintay ay hindi tayo mukhang tanga duon." Tumango naman ako dahil naalala ko na hindi pa pala ako kumakain nang tanghalian dahil sa pagmamadali ni Beatrice sa akin kanina.

Akmang lalabas na kami ng pinto ang kaso ay tinawag ako ni Jacob, "Ms. Walter, I want you to stay here. May favor ako." Sabi nito nang hindi tumitingin sa direksyon namin.

"Okay ka lang ba na iwan kita dito, Lori? Sakto at bibili pa naman ako sa mcdi. I'll be back huh." Nginitian ako ni Lucas ngunit hindi ko magawang ngumiti pabalik dahil sa kaba.

It's been two days since I ignore his existence and I'm not ready to face him. Tumango na lang ako kay Lucas, umalis na siya at kumaway pa bago tumakbo paalis.

"Nice boyfriend." Napalingon ako sa nakasandal na Jacob sa white board.

"He's not my boyfriend and it's none of your business. Can you tell me po, what is your favor?" Cold na ani ko.

My expression outside has a big difference on what I feel in the inside. I step backward when he step forward.

"I want you to stay away from that boy, and be with me today." Seryosong ani nito habang patuloy pa din na humahakbang papalapit.

Napatigil ako sa pag-hakbang nang maramdaman ko na ang malamit na pader sa likod ko, he cornered me and get more closer to me.

I'm scared that we might seen by the other students but I guess he's not.

He lift my chin, "Got tongue out? I want you to be with me everyday, that's my favor."

Napalunok ako, what's happening to me?

"A-At bakit ako susunod sa gusto mo?" Nauutal na ani ko.

Am I scared to find out the truth behind what I trully feel?

He lean closer, "Because I know that you're already member in my fan group, you're my pet." the playful smile arose in his lips.

Am I?

"You're a teacher's pet." He whispered.







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top