Chapter 23
Why?
The silence filled the whole rooftop, nanatiling blangko ang kaniyang expression. Kahit ano ay wala akong makita, kahit na gulat o takot ay wala akong nakita. At iyon ang masakit duon.
"Ano ang hindi ko dapat malaman? Tama ba ang narinig ko?" Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya ngunit bigo ako na maka-kita ng kahit anong reaksyon sa kaniyang mukha.
Hanggang sa nasa kaniyang harapan na ako, "Mag-salita ka, Jacob. Ano iyon?"
He sighed, "I know...everything."
That was painful, kahit na iyon naman talaga ang inaasahan ko pero masakit pa rin kasi sa mga labi niya mismo nanggaling.
"H-How?"
"Narinig ko sa usapan nila Lola, while she's talking to her phone last week." Ni walang ka-kurap-kurap niya iyon sinabi sa harap ko na akala mo ay hindi niya sinabi sa akin na mahal niya ako nitong mga nakaraang araw.
"Tapos nag-a-act ka na parang wala kang alam? Ang galing mo namang artista." Unti-unti na akong nanlalambot at gusto ko na lang siyang saktan para mailabas lahat ng hinanakit na nabubuo sa kalooban ko.
"Sorry..." Sorry?
Ganuon na lang iyon? Sorry?
"Bakit Jacob? Bakit kailangan mong mag-sinungaling? Bakit kailangang gawin mo akong tanga? May masama ba akong ginawa sa 'yo para ganituhin mo ako?" Naramdaman ko na lang na bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Kinain niya ang distansya na namamagitan sa amin at saka sinubukang hawakan ang aking mga kamay ngunit lumayo ako dahilan para mapahinto siya sa kaniyang balak.
"May paliwanag ako, Lori. Gusto ko pakinggan mo ako at-"
"No! Para ano? Para bilugin na naman ako?"
Imbis na sakit at hinanakit ang nararamdaman ko, napalitan ito ng galit at sama ng loob.
Natawa na lang ako sa aking naisip, "Ah oo nga pala, isa ako sa Teacher's Pet hindi ba? Malamang ay maiisip mo na magiging sunod-sunuran pa rin ako sa iyo at paniniwalaan lahat ng mga sasabihin mo."
"Please, Lori. Makinig ka na muna, oo nalaman ko na si Lola ang nag-plano ng nangyari sa iyo, sasabihin ko na naman sana sa iyo..."
Tsk, kanina lang ay sinabi niya na hindi ko dapat malaman. Huli na nagsi-sinungaling pa.
"Hindi ako pinanganak kahapon, Jacob! Ang mali ko lang ay masyado akong naniwala sa iyo, masyado akong nagpakampante na hindi mo ako sasaktan. Kasi ikaw iyan eh, putek na buhay ito, bakit ikaw pa ang minahal ko!"
He tried to reach my hand again, but no. Hindi ito ang tamang oras para maging marupok, hindi porke't mahal mo ay need mo pa rin kumapit kahit masakit na.
"Please, Lori...I-I have a plan. Nasasaktan na rin ako, ayaw ko ng ganito tayo. Trust me, itutuwid ko lahat." May mga butil na rin ng luha ang pumapatak galing sa kaniyang mata pero wala akong pake.
Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang harapin.
"Trust you? Pinagkatiwalaan kita, Jacob! Pero ano?! Sa ganitong paraan ko pa malalaman na gina-ganito mo ako?!"
Ansakit-sakit malaman na iyong taong nagbibigay ng rason sa iyo para nguniti ay isa rin sa dahilan kung bakit ka sinasampal ng kalungkutan ngayon.
"Sorry kung nasaktan kita, sorry kung sa bawat salita na lumalabas sa bibig ko ay mas lalo kong pinapa-igting ang galit sa kalooban mo. Pero hindi na kita pipilitin kung talagang ayaw mo maniwala, gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita." Tumingala siya at saka hinayaang lumandas ang luhang patuloy sa pag-agos sa kaniyang pisngi.
Gusto ko itong punasan pero kailangan kong labanan dahil masyado akong nasaktan sa nalaman ko.
"Kung ganyan ka lang rin naman mag-mahal, sa iyo na iyan. Hindi ko kailangan ng pagma-mahal mo, kung sa huli ay malalaman ko na may side effects ito na ikasi-sira sa akin." Pagkatapos ko iyong sabihin ay tinalikuran ko na siya at saka mabilis na sumakay sa elevator ng hospital.
Ang hirap kalabanin ng pag-ibig masyadong maraming dapat isugal.
Pagkapasok ko pa lang sa loob ng aking room ay mabilis kong kinuha ang bag ko na nasa side table ng hospital bed sakto namang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang nurse para sa rounds.
"Puwede na ako lumabas hindi ba? Wala na namang masakit sa akin, nabayaran na naman daw ang aking hospital bills." Mabilis kong isinukbit ang aking sling bag at saka hinarap ang nurse.
"Itatanong ko pa po kay Doc, ang alam ko po ay magra-run pa ng mga examinations sa head niyo." Naguguluhang sabi nito at saka tumingin sa akin ng may pag-aalala.
"Ma-ayos na ang aking pakiramdam, babalik na lang ako kung sakaling may maramdaman akong kakaiba. Salamat." Nilagpasan ko na siya pagkatapos kong sabihin iyon at saka dire-diretsong nilisan ang hospital na iyon.
Pagkasakay sa taxi na dumaan ay ka-agad kong hinanap ang pangalan ni Lucas sa aking contact list at saka ito tinawagan.
Ring 3x
"Hello? Lori?"
"Lucas..."
"Umiiyak ka ba? Papunta pa lang ako diyaan sa hospital, dinaanan ko pa si Bea."
"No, huwag na kayo pumunta. Wala na ako duon, nakasakay na ako."
"Gaga ka ba? Kaka-admit mo pa lang! Saan ka pupunta?"
"Sa apartment mo."
"Huh? Gaga ka talaga, ayusin mo sarili mo. Pabalik na kami."
Hindi na ako nakasagot dahil sa nagtuloy-tuloy ang pag-hikbi ko, panigurado ngang nakatingin na sa aking driver pero hindi ko talaga malabanan ang nararamdaman ko.
Nasasaktan ako hindi dahil sa nalaman ko na confirmed, ang Lola niya ang mastermind. Nasasaktan ako dahil nagawa niyang itago sa akin na alam niya ang bagay na iyon, na dapat ay hindi dahil nangako kami sa isa't-isa na hindi kailangan magtago ng sikreto.
"Kung hindi po niyo mamarapatin Hija, saan po ang ating destinasyon?"
Napa-angat ako ng tingin at pasimpleng inalis ang mga luha na umaagos sa aking pisngi, "Sa may sta. ana po, sa may kanto lang."
Tumango siya at saka muling ibinalik ang paningin sa daan, akmang yuyuko na sana ako ng biglang magsalita si Manong.
"Bakit ka umiiyak Hija? Dahil ba ito sa pag-ibig? Napansin ko na walang tunog ang iyong pag-iyak, tiyak na talagang masakit ang nangyari."
Hindi ako umimik dahil wala akong lakas ng loob i-kuwento at baka mas lalo lang akong umiyak.
"Ang pag-ibig Hija, hindi laging kilig dahil hindi ito matatawag na pag-ibig kung walang pagkatuto na magaganap. Tiwala, kailangan mag-tiwala ka lang na malalagpasan niyo iyong pag-subok na iyon."
Nakita kong tumingin siya sa akin gamit ang rear mirror at saka itinuloy ang kaniyang sinasabi.
"Normal masaktan lalo at hindi mo alam na mangyayari iyon, kailangan lang dapat sa susunod ay handa ka na para hindi gaanong masakit. Pero kung talagang malala ang naganap at nais mo na bumitaw, mag-isip ka ng sampung beses bago ka mag-desisyon."
"Pero paano po kung kalaban po ay ang pamilya niya? Dapat pa po ba akong lumaban para sa relasyon namin?"
"Dapat lang Hija, hindi naman ang pamilya niya ang makakasama mo habang buhay."
"Mas maganda na sumugal kaysa ipagpalipas ang pagkakataon."
Pagkatapos niya iyon sabihin ay hindi na muling nag-salita pa si Manong, dapat na ba talaga ako sumuko? Or i-analyze muna lahat.
Ang sinabi ni Jacob kanina ay may plano siya, dapat ko ba siyang pagkatiwalaan? Gusto ko lang naman itanong kung ano iyon at para saan?
Why did he hide the truth to me? Why?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top